Home / Paranormal / BAGAC / Chapter 21

Share

Chapter 21

Author: ArLaSan
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Salamat, Ira...," huling bigkas ni Kat bago kumalas sa kaharap at tinakpan ng dibdib gamit ang buong kanang braso niya.

Hinanap ang kapatid at saka itinaas ang kanyang kaliwang kamay.

Alerto si Carey sa senyas na iyon kaya mas lumapit pa siya sa pampang at sinalubong ang kanyang Ate hawak ang isang nakalapad na malaking tuwalya.

Nilalamig rin si Carey ngunit kahit mabasa ang paanan niya at mataksikan ng tubig-dagat, hindi niya hahayaan ang Ate niya na nakabuyangyang ang hubad na katawan.

Hindi naman naging problema sa Team B kung umahon agad si Kat. Naintindihan nila kung hindi na nito kaya ang lamig. Ang mahalaga, tumupad ito sa challenge.

Inalalayan ni Carey ang kanyang Ate sa paglakad habang bitbit niya ang mga basang baro nito.

Tinignan lamang ni Ira si Kat habang papalayo ito sa kanya. Nang nasa pangangalaga na ito ni Carey, pinili na niyang maglulubog sa tubig upang maiwasang ginawin.

Nagkakatuwaan pa ang mga nasa tubig nang lumayo roon si Kat at Carey.

Pagdating nila sa bonfire site, inabutan nila roon si Brix na binabantayang hindi mamatay ang dingas ng siga.

Saglit nagkatinginan si Brix at Kat at agad rin nag-iwasan. Sising sisi pa rin si lalake na siya ang dahilan kung bakit nasuong si Kat sa ganuong pagkatalo sa laro.

"Brix, talikod ka muna...magbibihis lang si Ate ko...," pakisuyo ni Carey.

"Sige, no problem...," tugon ni Brix at pumwesto siya sa pagkakaupo na nakatalikod sa magkapatid.

Kinuha ni Carey ang isa pa niyang tuwalya at ipinunas sa basang ulo ni Kat.

Inuna ni Kat isuot ang panty at jogging pants habang nakabalot pa rin ang tuwalya sa kanyang katawan. Agad niya namang isinakbit sa balikat ang towel pagkaharap kay Carey upang magbra at magdamit.

"Ok na, Brix...," winika ni Kat.

Nakagaan kay Brix na kinausap siya ni Kat.

"Sorry Kat ha...," nabanggit niya na ikinagulat niya rin sapagkat nakalimutan niya na naroon nga pala ang bunsong kapatid ng nobya niya.

"Sorry saan?," pagtataka ni Carey.

Kapwa naging malikot ang mga mata ng sikretong magkasintahan bunga ng maling pagbitaw ni Brix ng mga salita.

"Ahhh...so...rry kung nailang ka magbihis kasi nandito ako...," pagpapalusot ni Brix na nakaranas ng pagpapawis sa noo.

"O-...Okey lang, salamat sa pagbabantay ng bonfire natin...," nakahinga ng maluwag si Kat at nagpalitan na lang sila ng ilang na ngiti.

Namangha ang mga kalalakihan habang nataranta naman ang mga babae nang umahon si Ira ng walang pasabi.

Higit na nilibang sa sarap ni Marissa si Ian nang masipat niya ang pag-ahon na iyon ni Ira.

Tinakbo ng madalian ni Eloisa si Pete at tinapunan ng halik para lamang maibaling sa kanya ang atensyon ng kapareha. Siyempre hindi nagpadaig ang babae ko dahil sa takot na makita ko ang hubong katawan ng kaibigan niya.

Hindi maikakaila na kahit may isang anak na si Ira ay naalagaan niya pa ring maigi ang kanyang katawan. Kung tutuusin nga ay mas lalo siyang nagkahubog nang manganak dahil mas lumaki ang kanyang dibdib at puwetan.

"Ano ka ba, Ira?," pagsalubong ni Chyna sa kanyang kaklase. "Hindi ka man lang nagsignal sa akin na aahon ka na," patuloy nito na agad hinubad ang suot na jacket at ipinasuot sa kausap. 

"Ginaw na ginaw na kasi ako at baka pulikatin pa ako sa tagal ko sa tubig...," nginig na paliwanag ni Ira. "Saka madilim naman...korte ko lang makikita nila, hindi lahat."

"Kahit na, lakas ng loob mo ha," singit pa rin ni Chyna.

Sa buong paglalakad ni Ira paahon ay pilit na inaninag ito nina Max, Emong, at Chadie. Tama si Ira, wala naman gaanong nasipat sa kanya ang mga nakalingon kundi ang kurba ng kanyang baywang at puwetan dahil tanging liwanag ng mga bituin ang saksi. Ni walang nakaisip na tutukan ito ng flashlight.

Nang papalapit na sila sa kanilang bonfire area, nasipat agad ito ni Brix.

Nakabalot lamang ito ng jacket ni Chyna kaya nakaramdam siya ng ilang dahil alam niyang wala rin itong kahit anong suot sa loob. Tumindig siya patalikod kina Ira at Chyna dahil alam niyang magbibihis na rin ito.

Hindi alintana ni Ira ang nakaawang na bukas na jacket. Sila Kat at Carey pa ang nailang sa kanya. Pagkapunas niya ng tuwalya mula sa buhok hanggang katawan ay isinuot na niya ang kanyang mga pang-ibaba saka hinubad ang jacket kahit na wala pa siyang pang-itaas.

"Loka-loka ka talaga...," asar na tukoy ni Chyna sa kaibigan.

Nilingon-lingon niya ang paligid at namataan niya agad ang tatlong binata sa tubig na ngayon ay nakikita ng malinaw mula sa malayo ang hugis ng dibdib ni Ira. Kung kanina kasi ay nakatalikod ito sa kanila pag-ahon, ngayon naman ay nakaharap na ito sa kanila at nasisinagan ng liwanag ng apoy sa bonfire. Napakagat labi na lang ang mga binata at napahawak sa kanilang mga batuta.

Nagpanic si Chyna kaya iniunat niya ang jacket niya at humarang sa anggulo na nakakasilay ang mga binata sa dibdib ng classmate niya.

"Bilisan mo diyan, naiinis ako sa'yo...," banggit ni Chyna sa kaibigan na ngingiti-ngiti lang sa kanya.

Nakuha niya lamang ibaba ang naturang pananggalang nang nakapagdamit na si Ira.

"Masarap ba, Kat?," baling ni Ira.

Nabigla si Kat sa pagtawag pansin na ito ng kaninang kahaplusan niya sa alon. Naiinis siya sa tinuran na iyon ng babae ngunit nagpakapormal pa rin siya dahil sa nakikita niyang clueless na mukha ni Carey sa tanong nito.

"Ok lang naman...malamig lang talaga..," pilit niyang sagot.

Maya't maya pa ay nagbalik na rin sa kanilang pwesto kaming dalawang magkakairog sapagkat nalilibang pa sa paglangoy ang lima sa dagat.

Kaugnay na kabanata

  • BAGAC   Chapter 22

    May isang oras ang lumipas, nakaahon na rin sina Emong, Max, at Chadie ng maayos sa tulong namin Pete. Nagtulong naman kami ni Jing-Jing maging aid sa pag-alis nila Marissa at Ian sa tubig-alat.Ilang sandali pa, naglabas ng baraha si Emong at nakatuwaan nilang maglaro ng binansagang "1,2,3 Pass".Nakadepende ang bilang ng baraha na hawak ng isang player sa bilang kung ilan silang maglalaro.Sa puntong ito, apat lamang ang players kaya hinati ni Emong sa apat ang 54 pcs. na baraha. Sa bawat player ay may hawak na 12pcs. na cards habang nakatago ang butal sa sinumang nagbalasa nito.Sa ngayon, dahil laro namin itong magpipinsan, naging observer lamang ang iba. Si Emong, Max, Carey, at Ian ang mga naglalaro. Paikot ang pwesto at nasa likod ng mga kasali ang mga usi lang.May pagkapareho ang card game na ito sa larong pares. Magsasabay-sabay kayong ilapag ang isang card n'yo patalikod na tingin mo ay hindi mo kailangan o walang kapareha sa hanay ng iyong m

  • BAGAC   Chapter 23

    Tinitigan ni Chyna si Ira, warning her na 'wag makipag-inuman pero wa epek."Malamig kasi, makakabawas 'yun sa ginaw sa katawan...," pangangatwiran ni Ira at agad na nakiupo malapit sa mga matatanda.Tuloy-tuloy ang tinginan at pakiramdaman namin. May simpleng komunikasyon na nabuo sa mga titigan na iyon."Sige, tagay rin ako, 'Tay...," pakikisali ni Marissa na nakasimple ng pag-apruba ni Ian.Gusto man ni Ian makitagay kahit isa, nag-aalala siya sa sarili na baka masarapan siya sa lambanog at mawili. Alam niyang siya ang pinakamalakas sa mga lalake at kailangan siya in case may di man magandang mangyari.Tumayo naman si Emong at Max upang makisali rin sa tagayan. Ito ay upang hindi makahalata ang matatanda na may pag-aalangan kami sa lugar at sa ilan sa kanila lalo kay Mang Hamin na tahimik lamang pagdating nila.Sa bagay na ito ako proud sa aming magpipinsan, sa tinginan pa lang, nagkakabasahan na. Kung sisiyasatin mo, sa galaw lamang at d

  • BAGAC   Chapter 24

    Namimilipit na ako sa pagkakakagat ni Jing-Jing habang patuloy ang kanyang panginginig nang mula sa kumpol ng inuman ay lumapit si Mang Hamin.Pumunta siya sa gilid ni Jing-Jing at inilabas ang isang botelya na tila isang mahalimuyak na ointment ang laman. Itinaktak niya iyon sa kanyang palad at saka itinaas ang damit ng irog ko hanggang sa bandang dibdib niya.Inihaplos ni Mang Hamin ang kanyang dalawang palad sa sikmura ni Jing-Jing at nagsimula itong masahihin paitaas hanggang sa ilalim ng suso nito.Nagulantang kami sa ginawa niyang iyon ngunit inaabangan namin kung lalampas pa ang kamay niya maliban sa kung saan ito kasalukuyang dumadampi.Gusto ko man magreact na medyo dumidikit ito sa ilalim ng suso ni Jing-Jing ay minabuti kong manahimik dahil sa paniniwalang makakabuti ito sa kalagayan ng kasintahan ko.Sumaboy ang amoy ng ointment habang hinahagod ito sa buong sikmura ni Jing-Jing. Iniabot niya ang botelya kay Chyna:"Pahiran mo an

  • BAGAC   Chapter 25

    "Kuya Chadie, ito ba yung pinuntahan natin kanina?," puno ng pagdududa ni Max habang nakaalalay sa braso niya si Chyna."Hindi ko rin alam. Parang ibang lugar 'to eh...," paghahanap rin ni Chadie ng pagkapamilyar sa kinaroroonan."Mang Lindo, ilan po ba ang malapit na kakahuyan sa lugar na 'to?," pagbaling ni Chadie sa kasunod niyang matanda."Tatlo ang kakahuyan sa paligid ng buong dalampasigan. Subalit ito ang pinakamalapit sa puwesto natin," sagot ng matanda na may pagkakubain.Gayunman ang naging paglilinaw ni Mang Lindo, hindi pa rin makahanap ng kahit na anong anggulo na palatandaan sina Chadie at Max na magpapatunay na ito ang kaninang pinuntahan nila at hinakutan ng mga putol na mga punung-kahoy.Kumpara sa unang bisita nila rito, mas malinis ito ngayon at walang mga sangang nakagapang ang mahahakbangan. Mas lamang ang bahagi ng buhangin kaysa sa lupa. Hindi ito sing-kalat gaya nang unang punta nila.Patuloy nilang inilinga-linga ang mga d

  • BAGAC   Chapter 26

    At itinumba na rin ng hindi mapigilang pagod at antok si Ian.Sa pagkakataong iyon, wala na ni isa man ang gising maliban sa isang taong kanina pa nais bumantay salakay para sa isang maitim na balak.Marahan niya munang iniangat ang kanyang ulo at pasimpleng pinakiramdaman ang mga tao sa paligid.Nang makasiguro siyang mahimbing na ang tulog ng lahat. Maingat siyang bumangon at lumapit sa hilera ng mga babae.Naiinis siya na balot na balot ito ng mga kumot dahil sa labis na lamig. Wala siyang makita na nakakatakam na laman.Hindi niya malaman kung paano niya kukunin ang pinakananasa niya.Mabuti na lang mahigpit ang yakap ko sa katawan ni Jing-Jing kaya hindi niya ito maaagaw.Inilabas niya ang kanyang patalim upang maging handa kung sakaling may pumalag.Sa mga babae roon. Dalawa na lang ang sa tingin niya ay madali niyang matatakot at mahahatak sa dilim. Si Kat o si Carey lang ang mapagpipilian niya.Muli siyang humakbang ng ma

  • BAGAC   Chapter 27

    Napabalikwas kami sa umalingawngaw na sigawan mula sa magkabilang panig.Hindi namin agad naikaila ang presensiya ng dalawang aso na nasa aming bandang ulunan na bahagyang napaurong sa aming pagbangon." 'Wag kayong tatayo at 'wag n'yo titignan ang mga mata nila..." paalala ko sa mga kasama ko na magkakayapos na nahihintakutan.Hindi naman nag-aangil ang mga aso ngunit hindi maalis ang pangamba na baka bigla itong manakmal ng hindi inaasahan.Maya-maya ay ilang piraso ng bato ang pumuntirya sa pwesto na kinatatayuan ng mga asong ito.Bahagyang naitaboy ito at nagtatakbo malapit sa pampang."Okey lang ba kayo?," buong pag-aalalang bungad ni Ira sa amin nang marating niya ang aming puwesto."Salamat, Ira...," panalubong ni Jing-Jing na bati sa pagsulpot ng kaibigan."Lumayo ka diyan, Ira at baka bigla 'yan bumalik dito at makagat ka..." pangamba pa rin ni Eloisa." 'Wag kayong mag-alala...," wika ni Pete na waring walang pagkabigla

  • BAGAC   Chapter 28

    Two hours after the incident, wala na ni isa pa ang dinatnan ng antok. Lahat nakikiramdam sa paligid. Bawat ingay, tunog, alon, at maging ihip ng hangin tila pagbabadya ng panganib para sa kanila.Bawat isa pinakahihintay ang pagsilip ni Haring Araw.Akala nila tapos na ang pagpaparamdam. Hindi pa pala.Idinaan ng lahat sa pagkukwentuhan ang pangamba upang malibang sa paghihintay nang isuong ni Ian ang isang munting sapatos sa nagliliyab na apoy. Ito ang munting sapatos pambatang nadampot nina Chadie, Max, Pete, at Eloisa sa unang pagdako nila sa kakahuyan.Mainam na ang talakayan ng isa't isa nang muling lumakas ang apoy kung saan itinapon ni Ian ang munting panapin sa paa. Ilang sandali pa, isang pag-iyak ng sanggol ang tumawid sa kanilang mga pandinig.Agad na nagkapit-kapit ang mga babae habang ang mga lalake ay naging aktibo sa paglinga sa paligid. Kilabot ang namahay sa kanilang mga pagkatao. Damang-dama nila ang pananayo ng kanilang mga balahibo

  • BAGAC   Chapter 29

    Isang malaking tanong ang nilikha ng panyong nakapa ni Jing-Jing sa kubo kung saan kami panumandaling nagpahinga."Paanong mapupunta rito ang panyong ito?," big question talaga sa akin."Saka Bhy... hindi ito sipon di, ba?... Yucky!," pagpuna pa ng nobya ko sa kumulay at nanigas na mantsa sa tela.Kahit hindi ito ilapit sa aming ilong, alam namin kung ano ito base sa amoy at kulay ng pagkatuyo."Bhy... ganyan ba kulay at amoy ng ano n'yo pag nagsarili kayo?," seryoso ko pang tanong sa kanya.Sumimangot siya at tumingin ng masama sa akin."Ano ka ba?! Sa tingin mo magsasarili ang bff ko dito tapos ganyan karami nilabas niya?,""Eh never pa natin nabalitaan na nagka-bf 'yang pinsan ko kaya imposible...,""Wait... OMG! Hindi kaya na-rape si Kat dito kahapon pero hindi niya lang sinasabi sa atin?," panic na pagtatahi ni Jing-Jing ng kung ano-ano sa isip niya."At wala man lang tayong narinig na ingay?,""Alam mo cute

Pinakabagong kabanata

  • BAGAC   Chapter 107

    Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal

  • BAGAC   Chapter 106

    Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag

  • BAGAC   Chapter 105

    Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a

  • BAGAC   Chapter 104

    Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw

  • BAGAC   Chapter 103

    Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning

  • BAGAC   Chapter 102

    Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan

  • BAGAC   Chapter 101

    Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4

  • BAGAC   Chapter 100

    "Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi

  • BAGAC   Chapter 99

    Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji

DMCA.com Protection Status