Namimilipit na ako sa pagkakakagat ni Jing-Jing habang patuloy ang kanyang panginginig nang mula sa kumpol ng inuman ay lumapit si Mang Hamin.
Pumunta siya sa gilid ni Jing-Jing at inilabas ang isang botelya na tila isang mahalimuyak na ointment ang laman. Itinaktak niya iyon sa kanyang palad at saka itinaas ang damit ng irog ko hanggang sa bandang dibdib niya.
Inihaplos ni Mang Hamin ang kanyang dalawang palad sa sikmura ni Jing-Jing at nagsimula itong masahihin paitaas hanggang sa ilalim ng suso nito.
Nagulantang kami sa ginawa niyang iyon ngunit inaabangan namin kung lalampas pa ang kamay niya maliban sa kung saan ito kasalukuyang dumadampi.
Gusto ko man magreact na medyo dumidikit ito sa ilalim ng suso ni Jing-Jing ay minabuti kong manahimik dahil sa paniniwalang makakabuti ito sa kalagayan ng kasintahan ko.
Sumaboy ang amoy ng ointment habang hinahagod ito sa buong sikmura ni Jing-Jing. Iniabot niya ang botelya kay Chyna:
"Pahiran mo ang dalawang paa niya para uminit...masyado na siya pinasok ng lamig kaya ganyan...," utos ni Mang Hamin kay Chyna na agad tumalima.
Ilang saglit pa ay tumigil si Jing-Jing sa panginginig kaya dahan-dahan ko na inalis ang daliri ko na nagtangkang pumigil na makagat niya ang kanyang dila.
Nang magdilat siya'y laking pagkagitla nang magisnan niya na nakatingin sa kanya ang halos lahat:
"Anong nangyari?,"
Waring nabunutan ng tinik ang lahat sa kibot niyang iyon. Isa-isa silang bumalik sa mga dati nilang pwesto.
"Nanginig ka lang, matulog ka na ulit...," bulong ko sa kanya sabay tabi sa kanya upang yakapin mula sa likod.
"Umiyak ka ba, Bhy?," pagpipilit niyang luminga nang marinig niya akong sumisinghot.
"Sinipon lang ako sa lamig...pinag-alala mo kami lahat...wala bang masakit sa'yo?," mahina ko pa ring pakikipag-usap sa kanya.
"Ano ba talaga nangyari?," pangungulit niya na humarap na sa akin.
Hinalikan ko siya panumandali.
"Matulog ka na ulit...sa umaga na natin pag-usapan 'yan...," at muli ko siyang ikinubli sa aking mga bisig hanggang makaidlip.
Nabalik sa normal na posisyon ang lahat.
Nagsihigaan muli ang mga natutulog. Nagpatuloy sa tagayan ang mga nag-iinuman ng lambanog. Sinalitan naman ni Max at Ian sina Brix at Chadie sa pagbabantay ng dingas.
"Tinamaan ka na ng Lambanog?," tanong ni Ian sa pinsan na naglalagay noon ng putol na sanga sa apoy.
"Hindi naman, Kuya Ian...," tanggi ni Max. "Natutukso lang ako hawakan yung suso ni Ira kaya umalis na lang ako dun," nangiting dugtong niya.
Nagkatawanan silang magpinsan habang pinalalakas ang siga nang mapuna ni Ian ang isang pulang tela.
"Saan naman galing 'to?," takang usisa ni Ian nang iangat ang tela.
"Ah, napulot namin 'yan sa kakahuyan kasabay nung bra na sinunog nila kanina...," paliwanag ni Max.
"Akala ko tuloy may napasamang damit ng mga kasama natin dito eh," patawang biro ni Ian saka inihagis ang palda sa ibabaw ng apoy.
Hindi ito bumagsak sa siga. Sa halip ay nalaglag ito ng ilang hakbang malayo sa bonfire.
Hinabol ito ni Ian at muling dinampot. Paghagis niya nito sa apoy ay waring umibabaw lamang ito sa siga at bumagsak naman mismo kay Max.
"Nambabato ka naman, Kuya eh," pag-aakala ni Max na sadyang hinagis ito sa kanya ni Ian.
Ibinalunbon ito ni Max saka itinilapon muli sa apoy ngunit tumuloy ito sa mukha ni Ian.
Nagulat man, nagkatawanan ang magpinsan. Tumayo si Max mula sa inaayos na dingas at tinulungan si Ian sa paglagay sa apoy ng naturang tela. Kapwa hawak na nila ito at ilalapag sa baga nang tila manlaban ito at hanginin pataas.
"Naramdaman mo 'yun, Kuya?," manghang urirat ni Max.
Hindi tumugon si Ian ngunit basa ni Max sa mukha nito ang parehong pagkagitla sa pangyayari.
Hindi nila maikakaila na nanlaban ang palda at ramdam nila na para itong biglang hinatak sa kanila.
Hinagilap nila kung saan ito dumapo ngunit tila nawala na ito ng tuluyan sa kanilang paningin.
Ilang oras pa lumipas, tapos na ang inuman at tulog na rin ang matatanda. Nasa hilera ng mga babae na rin si Ira at mahimbing na nakaidlip.
Payapa na ang lugar. Walang ibang ingay kundi ang alon at ang ihip ng hangin.
"Kaunti na lang pala ang pandingas natin...," napuna ni Ian sa kumpol ng mga kahoy nla sa gilid ng bonfire.
Narinig iyon ni Mang Lindo. Bumangon ito at lumapit kina Ian.
"Sino makakasama ko kumuha ng mga pandingas?," pagboboluntaryo ni Mang Lindo.
"Naku, Mang Lindo...okey lang po, kami na lang po...magpahinga na lang po kayo...," pagtutol ni Ian.
"Mas ligtas kung may kasama kayo na tagarito mangahoy kesa kayo lang...," pagpupumilit ng matanda.
"Tama si Mang Lindo, Kuya...ako na lang sasama sa kanya...," pakikilahok ni Max sa usapan.
"Max!," tawag pansin ng isang babae na nagpalingon sa aking pinsan. "Sama ako...," seryosong pagpasya ni Chyna na kanina pa nakaupo sa tabi ni Jing-Jing.
"Seryoso ka?," pagtataka ni Max.
"Oo...nawala na antok ko eh saka para pagpawisan naman...ang lamig kasi eh...," paliwanag muli ni Chyna.
"Sama na rin ako...," pagsunod ni Chadie.
Bago tuluyang umalis ang mga mangangahoy, ginising ni Chadie si Emong upang may katambal na magbantay si Ian sa bonfire.
Habang naglalakad sila patungong kakahuyan, kinalabit ni Chyna si Max.
"Nakita mo kanina dibdib ni Ira ,ano?," may pagkaasar na kwestyon ni Chyna kay Max.
"Oo, bilugan nga eh...," agad na nasagot ni Max na ikinagulat niya rin kaya napatakip ng bibig. "Ay, sorry...," bawi nito.
"Ang manyak mo!," simpleng banat at palo sa braso ni Chyna sa kasabayang maglakad.
"Hindi naman sinasadya, eh kusa ko lang nakita kasi di naman nagtakip si Ira di, ba?," depensa ni Max.
"Lahat siguro minamanyak mo," tuluyang bintang ni Chyna.
"Grabe ka naman sa akin. Natingin lang manyak na? Ikaw nga di ko maisip na bastusin eh...,"
"So, napapangitan ka sa akin?,"
"Wala akong sinabing ganun. Ang ganda nga ng balat mo eh pero hindi ikaw yun tipong bastusin...," mga salitang bigla na lang nailagay sa bibig ni Max.
Natameme sumandali si Chyna. Ninamnam niya ang mga binitawang salita ni Max at saka muling kumibo:
"You mean, wala akong appeal?"
"Hindi naman sa ganoon... tingin ko naman sexy ka pero ikaw yung parang para sa isa lang, hindi panlokohan...,"
"Bolero ka, ano?," duda ni Chyna kahit pa may kilig na naramdaman sa sinabi ng kausap.
"Bahala ka kung ano isipin mo... tapatan mo ng flashlight nilalakaran mo at baka ano pa matapakan mo...," habol na bilin ni Max.
Nang marating nila ang kakahuyan, tila naging iba ito sa paningin ni Chadie at Max kaysa noong unang punta nila nang maaga-aga pa.
"Kuya Chadie, ito ba yung pinuntahan natin kanina?," puno ng pagdududa ni Max habang nakaalalay sa braso niya si Chyna."Hindi ko rin alam. Parang ibang lugar 'to eh...," paghahanap rin ni Chadie ng pagkapamilyar sa kinaroroonan."Mang Lindo, ilan po ba ang malapit na kakahuyan sa lugar na 'to?," pagbaling ni Chadie sa kasunod niyang matanda."Tatlo ang kakahuyan sa paligid ng buong dalampasigan. Subalit ito ang pinakamalapit sa puwesto natin," sagot ng matanda na may pagkakubain.Gayunman ang naging paglilinaw ni Mang Lindo, hindi pa rin makahanap ng kahit na anong anggulo na palatandaan sina Chadie at Max na magpapatunay na ito ang kaninang pinuntahan nila at hinakutan ng mga putol na mga punung-kahoy.Kumpara sa unang bisita nila rito, mas malinis ito ngayon at walang mga sangang nakagapang ang mahahakbangan. Mas lamang ang bahagi ng buhangin kaysa sa lupa. Hindi ito sing-kalat gaya nang unang punta nila.Patuloy nilang inilinga-linga ang mga d
At itinumba na rin ng hindi mapigilang pagod at antok si Ian.Sa pagkakataong iyon, wala na ni isa man ang gising maliban sa isang taong kanina pa nais bumantay salakay para sa isang maitim na balak.Marahan niya munang iniangat ang kanyang ulo at pasimpleng pinakiramdaman ang mga tao sa paligid.Nang makasiguro siyang mahimbing na ang tulog ng lahat. Maingat siyang bumangon at lumapit sa hilera ng mga babae.Naiinis siya na balot na balot ito ng mga kumot dahil sa labis na lamig. Wala siyang makita na nakakatakam na laman.Hindi niya malaman kung paano niya kukunin ang pinakananasa niya.Mabuti na lang mahigpit ang yakap ko sa katawan ni Jing-Jing kaya hindi niya ito maaagaw.Inilabas niya ang kanyang patalim upang maging handa kung sakaling may pumalag.Sa mga babae roon. Dalawa na lang ang sa tingin niya ay madali niyang matatakot at mahahatak sa dilim. Si Kat o si Carey lang ang mapagpipilian niya.Muli siyang humakbang ng ma
Napabalikwas kami sa umalingawngaw na sigawan mula sa magkabilang panig.Hindi namin agad naikaila ang presensiya ng dalawang aso na nasa aming bandang ulunan na bahagyang napaurong sa aming pagbangon." 'Wag kayong tatayo at 'wag n'yo titignan ang mga mata nila..." paalala ko sa mga kasama ko na magkakayapos na nahihintakutan.Hindi naman nag-aangil ang mga aso ngunit hindi maalis ang pangamba na baka bigla itong manakmal ng hindi inaasahan.Maya-maya ay ilang piraso ng bato ang pumuntirya sa pwesto na kinatatayuan ng mga asong ito.Bahagyang naitaboy ito at nagtatakbo malapit sa pampang."Okey lang ba kayo?," buong pag-aalalang bungad ni Ira sa amin nang marating niya ang aming puwesto."Salamat, Ira...," panalubong ni Jing-Jing na bati sa pagsulpot ng kaibigan."Lumayo ka diyan, Ira at baka bigla 'yan bumalik dito at makagat ka..." pangamba pa rin ni Eloisa." 'Wag kayong mag-alala...," wika ni Pete na waring walang pagkabigla
Two hours after the incident, wala na ni isa pa ang dinatnan ng antok. Lahat nakikiramdam sa paligid. Bawat ingay, tunog, alon, at maging ihip ng hangin tila pagbabadya ng panganib para sa kanila.Bawat isa pinakahihintay ang pagsilip ni Haring Araw.Akala nila tapos na ang pagpaparamdam. Hindi pa pala.Idinaan ng lahat sa pagkukwentuhan ang pangamba upang malibang sa paghihintay nang isuong ni Ian ang isang munting sapatos sa nagliliyab na apoy. Ito ang munting sapatos pambatang nadampot nina Chadie, Max, Pete, at Eloisa sa unang pagdako nila sa kakahuyan.Mainam na ang talakayan ng isa't isa nang muling lumakas ang apoy kung saan itinapon ni Ian ang munting panapin sa paa. Ilang sandali pa, isang pag-iyak ng sanggol ang tumawid sa kanilang mga pandinig.Agad na nagkapit-kapit ang mga babae habang ang mga lalake ay naging aktibo sa paglinga sa paligid. Kilabot ang namahay sa kanilang mga pagkatao. Damang-dama nila ang pananayo ng kanilang mga balahibo
Isang malaking tanong ang nilikha ng panyong nakapa ni Jing-Jing sa kubo kung saan kami panumandaling nagpahinga."Paanong mapupunta rito ang panyong ito?," big question talaga sa akin."Saka Bhy... hindi ito sipon di, ba?... Yucky!," pagpuna pa ng nobya ko sa kumulay at nanigas na mantsa sa tela.Kahit hindi ito ilapit sa aming ilong, alam namin kung ano ito base sa amoy at kulay ng pagkatuyo."Bhy... ganyan ba kulay at amoy ng ano n'yo pag nagsarili kayo?," seryoso ko pang tanong sa kanya.Sumimangot siya at tumingin ng masama sa akin."Ano ka ba?! Sa tingin mo magsasarili ang bff ko dito tapos ganyan karami nilabas niya?,""Eh never pa natin nabalitaan na nagka-bf 'yang pinsan ko kaya imposible...,""Wait... OMG! Hindi kaya na-rape si Kat dito kahapon pero hindi niya lang sinasabi sa atin?," panic na pagtatahi ni Jing-Jing ng kung ano-ano sa isip niya."At wala man lang tayong narinig na ingay?,""Alam mo cute
"Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf!," ingay na pilit umaarok sa loob ng aking pandinig upang gisingin ang aking diwa.Pagod ang aking katawan subalit para bang ilang oras na yata ang aming byahe.Mapilit na nanggigising ang ingay at walang paggalaw ang van kaya iminulat ko na rin ang aking mga mata.Nakatigil ito ngunit wala pa kami sa Maynila. Kapwa mga tulog ang mga kasama ko. Naalala ko agad ang lagi kong napapanaginip kaya namuo agad ang kaba sa aking pagkatao.Tinignan ko ang magkabila kong katabi, si Jing-Jing at Pete. Hindi naman nakahubad ang katabi ko tulad sa bangungot ko. Medyo napanatag ako.Subalit ang aso ay patuloy sa pagtahol.Dumungaw ako sa labas ng van. Pamilyar ang lugar.Tama! Ito iyong tumok na hinintuan namin noong papunta pa lamang kami ng Bataan. Dito iyong bumaba si Ian at Kuya Bobby para umihi panumandali. At dito rin yung asong malungkot.Hinanap ko ang ingay sa labas ng van. Napatuon ang sipat ko sa ha
Hindi mawawaan ang oras sa paiba't ibang hitsura ng kalangitan habang nasa byahe kami. Waring naglalaban ang kabutihan at kasamaan sa pagpapalit ng liwanag at dilim.Tanging taimtim na dasal lamang ang nauusal ng mga kasama naming babae habang ang pagkaalerto sa paligid ay hindi bumibitaw sa aming mga lalake.Sa isip-isip ni Brix, ito ang kauna-unahang beses na nagmaneho siya na dinaig pa ang drag racing dahil na rin sa takot. Hindi niya rin akalain na magiging kakaiba ang outing na ito at ilang oras niyang maimamaneho ang naturang van.Ngunit hindi siya nagdalawang isip na umupo sa driver's seat nang piliin siya ng pagkakataon.Ang buong byaheng iyon ay nakakapagal ngunit nakahinga ng maluwag ang bawat isa nang masilayan na nila ang mga kinasanayang ilaw pangkalye at mas sementadong daan. Ang kapanatagan ng loob ay namayani sa kanilang kalooban nang pamilyar na ang lugar na kanilang tinatahak."Brix, pakidiretso sa bahay para mailapit kay Tatay ang lag
Ang buong paligid ng silid ni Tito Ato ay pawang lugar para sa herbal medicines, nakabote man o nakasalansan sa patong patong na bilao. Umiikot lamang ang amoy rito ng mga tuyong dahon, ugat ng puno, kandila, at langis na panggamot (yung mga tipong langis na pinakuluan at sinasabing nakagagaling kapag ginawa mo sa mismong araw ng Huwebes o Biyernes Santo).Tanging ang dilaw na bombilya ang liwanag ng kwarto. Kung pakaiisipin, para kaming nasa eksena na may pinaaaming kriminal ang isang pulis dahil sa ilaw na iyon. Nakasabit ngunit umuugoy rin sa kaunting hangin.Wala kung anumang appliances na mapupuna sa paligid nito. Sa isang bahagi naman, sa gilid ng pinto ay nakahilera ang mga hinahasa niyang mga patalim na lubhang mapanganib kaya ipinuwesto niya ito sa likod ng pintuan.Sinuman ay hindi makapagsasabing albularyo si Tito Ato base sa kanyang tindig at hindi rin naman namin siya natignan sa ganitong imahe mula noon. Nagsimula lamang ang kanyang mga ganitong gawai
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan
Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4
"Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi
Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji