Ang buong paligid ng silid ni Tito Ato ay pawang lugar para sa herbal medicines, nakabote man o nakasalansan sa patong patong na bilao. Umiikot lamang ang amoy rito ng mga tuyong dahon, ugat ng puno, kandila, at langis na panggamot (yung mga tipong langis na pinakuluan at sinasabing nakagagaling kapag ginawa mo sa mismong araw ng Huwebes o Biyernes Santo).
Tanging ang dilaw na bombilya ang liwanag ng kwarto. Kung pakaiisipin, para kaming nasa eksena na may pinaaaming kriminal ang isang pulis dahil sa ilaw na iyon. Nakasabit ngunit umuugoy rin sa kaunting hangin.
Wala kung anumang appliances na mapupuna sa paligid nito. Sa isang bahagi naman, sa gilid ng pinto ay nakahilera ang mga hinahasa niyang mga patalim na lubhang mapanganib kaya ipinuwesto niya ito sa likod ng pintuan.
Sinuman ay hindi makapagsasabing albularyo si Tito Ato base sa kanyang tindig at hindi rin naman namin siya natignan sa ganitong imahe mula noon. Nagsimula lamang ang kanyang mga ganitong gawai
"Nasaan na ako?," unang mga salita ni Kuya Bobby na puno ng takot nang muli siya magmulat sa kanyang mortal na katawan."Ligtas na po kayo...," pakalmang hirit ni Max sa matanda na pinigilan niyang bumangon." 'Wag na po kayo mag-alala, magpahinga lang po muna kayo...," habol na bilin ni Emong na katabi ni Max sa gilid ng mattress na hinihigaan nito.Kampante na sila. Sa hatid ng pagpapala, nakaligtas ang aming driver sa balak na pagkuha ng kanyang buhay kapalit sa pagiging mortal ng isang engkanto.Nagkakape na kami nang dumating si Ian sakay ang minanehong van. Sa sitwasyong dinatnan niya, alam niya na okey na si Kuya Bobby."Mabuti naman at nakabalik na si Kuya Bobby...," bungad ni Ian sa amin."Oo pero sabi ni Tito Ato, magstay muna si Kuya Bobby dito ngayong gabi para malaman kung talagang hindi na siya babalikan nung nagtangkang sumanib sa kanya...," animo ni Emong."Nawala ang cellphone ni Kuya Bobby kasama ng mga suot niya," sabi ni
Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit paulit-ulit ang mga bangungot na nangyayari sa akin.May nangyari ng kababalaghan sa amin ngunit naroon pa rin ang masasamang panaginip na iyon. Naiintriga ako sa nais iparating nito sa akin. Napapatanong ako sa sarili, babala ba ito o hindi pa rin malimot ng utak ko ang trahedyang muntik kumuha sa buhay ng aming driver.Habang lutang ang aking utak sa tulirong pagtitimbang ng mga bagay-bagay, lumabas na ng banyo ang aking kasintahan.Sa saglit na pagpaling ng mata ko sa kanya, nalimutan ko na lahat ng pag-aalala.Mula noon hanggang ngayon, hindi siya pumapalya sa pagbighani ng aking mga mata. Taglay niya iyong ganda na mas maganda kapag simple lang. Kapag walang make up at napakasimpleng pananamit lamang.Nakadamit pantulog na siya. Isang cotton duster na may paborito niyang cartoon character.Sa di niya sinasadyang momento, inalis niya ang balunbon na tuwalya sa kanyang ulunan sa tapat ng isang lampara sa
Hindi na namin nakuha pang muling magsaplot ni Jing-Jing matapos ang aming pagniniig. Tanging ang init lamang ng aking katawan ang kumumot sa kanyang hubad na karikitan.Nakaramdam ako ng ngalay sa kaliwang brasong kanyang nadadaganan kaya mabigat man ang pakiramdam dala ng pagod, gumising ako.Marahan kong hinila ang aking braso at dahan-dahang bumangon para makapagbanyo. Habang jumi-jingle, sa isip-isip ko, ngayon lang ako nakatulog ng hubad sa tanang buhay ko. Nilalamig man, naglinis muli ako ng katawan upang mas maging presko ang pakiramdam.Nang lumabas ako ng banyo, naroon pa sa aking kama ang diwata ng aking pag-ibig.Pa-sideview ang higa nito at nakataas ang kanyang kanang paa. Sa posisyon niyang iyon at sa liwanag ng ilaw ng aking kwarto, malinaw na kumikinang ang aking paningin sa malaya niyang hiyas.Ang kuryente ng pagnanasa ay kumaripas sa aking mga ugat patungo sa nagsusumikip kong tiyan at nagsisimulang mangalit na armas.Ngayon lan
"Tigilan mo na ako!!!," naisigaw ko nang mapabalikwas sa muling masamang panaginip.Naalimpungatan sa pagkagulat si Jing-Jing. Napatilapon paalis sa aking dibdib ang kanyang ulo sa bigla kong pagbangon.Kahit nasaktan siya sa pagkatulak ng mukha niya, (dahil obvious naman na hawak niya ang kanang tainga at pinsngi niya) ako pa rin ang una nyang inalala:"Ano'ng nangyari, Bhy? Okey ka lang?,"Marahan kong hinabol ang hangin at buntong hininga kasama ang hilakbot na dulot ng panaginip ko bago ako nakakibot sa kanya. Ginagap ko ang tingin ko sa natabig ko sa mukha niya:"Sorry Bhy, binangungot na naman ako.,""Hindi na maganda 'yan na lagi ka binabangungot... buti kusa ka nagising ngayon...," may mukhang pagkaawa ang titig niya sa akin.Pinapahupa ko pa ang aking paghinga at pakalma pa lang kami sa pagkabalikwas nang mag-ring ang aking phone mula sa malapit na mesa.Dinukwang ko ito at sinuri kung sino ang tumatawag."Si Kat? Bakit
Alas kuatro pasado ng umaga. Nahihimlay pa ang araw at may kaunting kalamigan pa. Sa aming lugar, may mangilan-ngilan na tulog ngunit marami na ang nabulabog at sila'y nasa harap at paligid ng aming tahanan.Hindi ko akalain na kahit pagod pa at kulang sa tulog, naroon na ang ilan sa aming mga kasama.Hindi naman nakapagtataka na naroon agad ang aking mga pininsan dahil walking distance lang naman talaga ang agwat nila sa aming lokasyon.Subalit ang presensiya ni Kuya Bobby at Pete ang siyang kumudlit ng pitak sa aking puso. Naroon agad ang hindi nabosesan na pasasalamat na taos mula sa aking puso.Ang ganoong paghahayag ng utang na loob ay hindi pa mahalaga sa ngayon dahil ang kabulabugan ay nakasalang pa sa aming harapan.Isang hindi matatawarang lakas ang kasalukuyang sumasakal sa pinakapuno ng lalagukan ni Ian. At kahit naroon na si Tito Ato, si Pete, si Kuya Bobby, si Emong, Max, at ang aking ama na si Tatay Bong, hindi naging madali sa kanila ang
Nagbigay ng agwat ang bawat isa malayo kay Chadie. Maging ang mga nag-uusyoso na kamg-anak namin ay nag-abang sa ikukuwento nito. Malaya itong nakaupo sa gitna ng lahat at nagsimulang magsalaysay:"Magkapatid kami ni Ate Brigette. Naimbita kami ng kaibigan naming si Melissa na pansamantala na magbakasyon sa Bagac para malibang rin si Ate sa pang-iiwan ng lalakeng nakabuntis sa kanya.Isang gabi, habang natutulog na kami, nabulahaw kami sa sigaw ni Ate Brigette. Kinumbulsyon ang anak niya.Malapit ang bahay ni Melissa sa dalampasigan. Malayo ang palabas at sakayan papunta sa bayan kaya naglakad pa kami.Sa kasamaang palad, may nadaanan kaming grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman at napagdiskitahan kami.Kinuha nila ang baby ni Ate. Hindi namin alam saan nila dinala... kasi.... kasi kinaladkad na kami sa kakahuyan kung saan.... binaboy nila kami!Wala kaming nagawa kasi marami sila. Maraming suntok ang natamo ko at kitang kita ko ginawa nila kay
"HA HA HA HA HA HA HA HA HA!!!!," nagsimula na naman may pumaloob sa katawan ni Chadie.Sa saglit na magsimula pa lamang ang pagtawa, hindi na nag-alangan pa ang mga kalalakihan na lumapit rito at magkanya-kanya ng kapit bago pa man ito makagalaw ng marahas.Kahit hindi pa sila tumitigil sa pagtangis, marahan inilayo ni Tatay Bong si Nanay Belsa upang hindi masaktan sa kung anuman ang maaaring magawa ng sumapi."Iba na naman ang sumanib sa kanya...," matalim na paninimbang ng mga mata ni Pete."Nararamdaman ko na ulit ang hangin at paghinga ko...," masayang maluha-luhang banggit ng nasa katawan ng kapatid ko.Sa mga oras na iyon, ninanamnam ng sumanib ang muling makabalik sa isang katawang lupa."Hindi sa'yo katawan 'yan... pabalikin mo ang may-ari nyan...," sigaw ni Kuya Bobby.Sa pakiwari ko, si Kuya Bobby na siya naming driver ang malaki ang sama ng loob sa mga sumasaping iyon. Marahil naranasan niya rin yung hirap ni Chadie na wala ka sa
"Sige na... handa na ako... lipat na!," atas ko sa kaluluwang ligaw.Lumuhod akong nakadipa ang dalawang kamay at naghihintay sa maaaring maganap na pagbabago.Medyo mainit na sa lugar namin dahil sa dami ng tao na usisero ngunit bigla may tila hamog na gumapang mula sa sahig.Iyak ng iyak si Jing-Jing. Tutol na tutol siya sa aking gagawin.Makailang pagkurap ang ginawa ng ilaw sa aming sala at pigil ang hininga ng lahat nang yumuko si Chadie na parang nawalan ng malay.Naramdaman ng lahat ang mabilis na galaw ng hangin patungo sa akin. Ang inaasahan naming pagpasok sa akin ay para bang bumangga lamang.Muling bumalik ang malay ni Chadie ngunit sa katauhan pa rin ng elemento."Ano na? Pasok na!," may pagkainip kong utos sa nais sumapi ngunit sumablay sa unang pagsubok.Titig na titig ako sa ikikilos ng katawan ni Chadie at nang sa sandaling muling mawala muli ang malay niya...."Ngayon na!!!," sa di inaasahang pagkakataon, sabay
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan
Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4
"Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi
Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji