"HA HA HA HA HA HA HA HA HA!!!!," nagsimula na naman may pumaloob sa katawan ni Chadie.
Sa saglit na magsimula pa lamang ang pagtawa, hindi na nag-alangan pa ang mga kalalakihan na lumapit rito at magkanya-kanya ng kapit bago pa man ito makagalaw ng marahas.
Kahit hindi pa sila tumitigil sa pagtangis, marahan inilayo ni Tatay Bong si Nanay Belsa upang hindi masaktan sa kung anuman ang maaaring magawa ng sumapi.
"Iba na naman ang sumanib sa kanya...," matalim na paninimbang ng mga mata ni Pete.
"Nararamdaman ko na ulit ang hangin at paghinga ko...," masayang maluha-luhang banggit ng nasa katawan ng kapatid ko.
Sa mga oras na iyon, ninanamnam ng sumanib ang muling makabalik sa isang katawang lupa.
"Hindi sa'yo katawan 'yan... pabalikin mo ang may-ari nyan...," sigaw ni Kuya Bobby.
Sa pakiwari ko, si Kuya Bobby na siya naming driver ang malaki ang sama ng loob sa mga sumasaping iyon. Marahil naranasan niya rin yung hirap ni Chadie na wala ka sa
"Sige na... handa na ako... lipat na!," atas ko sa kaluluwang ligaw.Lumuhod akong nakadipa ang dalawang kamay at naghihintay sa maaaring maganap na pagbabago.Medyo mainit na sa lugar namin dahil sa dami ng tao na usisero ngunit bigla may tila hamog na gumapang mula sa sahig.Iyak ng iyak si Jing-Jing. Tutol na tutol siya sa aking gagawin.Makailang pagkurap ang ginawa ng ilaw sa aming sala at pigil ang hininga ng lahat nang yumuko si Chadie na parang nawalan ng malay.Naramdaman ng lahat ang mabilis na galaw ng hangin patungo sa akin. Ang inaasahan naming pagpasok sa akin ay para bang bumangga lamang.Muling bumalik ang malay ni Chadie ngunit sa katauhan pa rin ng elemento."Ano na? Pasok na!," may pagkainip kong utos sa nais sumapi ngunit sumablay sa unang pagsubok.Titig na titig ako sa ikikilos ng katawan ni Chadie at nang sa sandaling muling mawala muli ang malay niya...."Ngayon na!!!," sa di inaasahang pagkakataon, sabay
Naging bukas ang bahay sa labas-pasok na nakikiusyoso sa sitwasyon ng kapatid ko.Ang kasalukuyang nakasanib sa katawan ni Chadie ay pansamantalang solusyon lamang. Kailangan naming makagawa ng paraan sa lalo't madaling panahon dahil hindi namin alam kung anong hirap ang maaaring dinaranas ng aking kapatid ngayong hindi namin alam kung nasaan ang kanyang espiritu.Isang simpleng agahan ang naihain sa amin sa dining area. Ilang supot ng pandesal, hotdog at itlog na pampalaman, gatas at kapeng timplahin.Habang binabantayan ni Nanay, Tatay, at Tito Bong ang kondisyon ni Chadie, nagkaroon kami ng pagpupulong sa harap ng agahang iyon.Nakaupo sina Carey, Kat, Jing-Jing, Kuya Bobby, at Pete habang nakatayo kami nina Max, Ian, at Emong sa paikot na hapag."Sorry guys ha... pero gusto ko lang i-highlight 'yun lupet ng grupo natin...," pambukas ni Max sa usapan.Napakunot noo kami sa winikang iyon ni Max na hindi namin nahinuha ang ibig niyang sabihin.
"Hardy!," masiglang tawag pansin at kaway sa akin ng isang may sisenta anyos mahigit na edad na lalake.Napalingon kami agad ni Jing-Jing sa kanya.Isa itong matandang traysikel driver na suki namin noon pa sakyan kapag ihahatid ko si Jing-Jing sa kanila. Hapis ang mukha at may balat na sinunog ng araw sa pagtatrabaho.Bilib kami sa kanya dahil kahit nagmumukha na siyang maliit sa kaunting pagkakakuba sa pagmamaneho, maingat pa rin siya. Kahit mabagal siya magmaneho, mas gusto ko siya magdrive dahil nagkakaroon kaming magkasintahan ng mahaba pang time makapag-usap sa byahe. Siya si Tatay Manuel:"Pauwi na ba kayo? Ihatid ko na kayo...,""Sige po, 'Tay... sa may inuupahan ko po muna tayo dumaan...," wika ko habang palapit kami sa kanyang traysikel.Nakapasok na sa loob ng traysikel si Jing-Jing nang may maramdaman akong kakaiba.Napapikit ako. Lumakas ang kaba ng dibdib ko ng kumapit ako sa hawakan ng traysikel at parang bang sa kaunting kura
Magkandarapang hinila ni Jing-Jing ang backpack namin papuntang banyo upang doon na lamang niya hagilapin ang isusuot niya pauwi.Mabuti nga naman na mabuksan agad ang pinto kaysa maghinala pa ang kaibigan niya sa amin. I mean, madumi naman talaga isip ni Eloisa pagdating sa ganoon pero ayaw ko na iyon lang yung instant na maisip niya this time kapag hindi ko napagbuksan agad.Mabuti na lang at medyo mahaba ang tshirt kong suot. Madali ko maitatago ang umbok ng pag-aari ko bunga ng paggising ni Jing-Jing nito."Tuloy, Eloi...," imbitasyon ko sa kanya pag-uwang ng pinto.Nagulat na lang ako na nasa likuran niya rin pala ang kasintahan."Pasensiya na, Hardy... dito na kami dumeretso kasi di makapaghintay itong isa eh...," paumanhin ni Pete."Okey lang... tuloy kayo...," muli kong aya.Kapwa naupo ang dalawa sa munting sofa habang inilapag ni Babae ang kanyang bag pouch sa mesang malapit rito."Uy, sorry kung hindi n'yo agad ako nakontak
Gusto man namin lapitan at damayan si Tatay Manuel mula sa aksidente na kanyang dinanas, pinigilan kami ni Pete dahil sa body number nito na kunektado sa babalang ipinahiwatig sa amin mula sa aking phone.Naglakad na lang kami sa paghatid kay Jing-Jing.Pagdatal doon ay hindi pumayag ang aking kasintahan na magpaiwan mag-isa dahil wala pa ang parents niya.Dahil sa pag-aalala namin na baka magahol kami sa oras, ipinasya na lang namin na iuwi muna si Jing-Jing sa kanyang Ate na ilang agwat lang naman ang layo mula sa kanila. Nakumbinsi rin namin si Eloisa na magbonding muna sila hangga't di pa nakakauwi sa kanila ang aking irog.Pinili pa rin namin na maglakad ni Pete pabalik dahil na rin sa hindi namin batid na kaligtasan. Dahil rito, nagkaroon kami ng pagkakataon na mas pagplanuhan ang lahat."Hardy, sasama ako sa Bataan...," muli niyang bukal na pagboboluntaryo. "Mas na-cha-challenge ako malaman kung gaano na kaepektibo ang pagkakaroon ko ng third eye
Habang nasa bahay pa ng Ate niya si Jing-Jing at Eloisa, nilibang nila ang sarili sa panunuod ng telebisyon nang may magring."Hello?," pagsagot ng aking magandang dilag sa tawag mula sa kanyang phone."Uy, Jing... sorry di ko nasagot mga tawag mo kagabi, napasarap tulog ko eh... ano meron?," paliwanag ng nasa kabilang linya."Oo nga... mukhang napasarap tulog mo... tanghali na ah...," puna ni Jing-Jing."Nagbawi lang talaga ako ng tulog at pagod...," bungisngis ni Chyna na literal na kagigising lang at nakahiga pa sa kama ng mga oras na iyon."Bawing bawi ah...," biro muli ng aking kasintahan."Ayoko pa nga sana gumising kaya lang nagutom na ko saka nakita ko nga ang dami mong miss calls... ano ba meron?,""Mukhang okey ka naman... madami kasi nangyaring kababalaghan kagabi hangggang ngayon...,""Kababalaghan? What do you mean?," takang usisa ni Chyna."Yung kapatid ni Hardy na si Chadie, nasapian ng galing daw sa Bataan...," re
Natahimik na ang paligid sa ilang minutong lumipas.Pinili muna nilang manatili roon upang mas makasiguro sa kanilang kaligtasan.Malumanay na umihip ang hangin papasok sa silid na iyon. Kapwa nagpa-iba ng pakiramdam ang tila pumaloob na kakaibang pagkatao sa kanilang dalawa."Thank you, Max...," nagkukumislap na ngiti ni Chyna ngunit sa ibang dimensyon ng kanyang mga mata.Magrereact pa sana si Max nang siilin siya nito ng isang uhaw na halik sa labi.Ito ang kauna-unahang halik niyang natikman. Halik na mapanukso at lumilikha ng init sa katawan. Buong katauhan niya ay lumulutang sa ginhawang dulot nito sa kanyang mga labi.Nanatili siyang nakahiga habang marahan na umiibabaw sa kanya si Chyna.Tumigil ito at tumayo sa kanyang ibabaw na nakabuka ang mga hita. Nasa ilalim na siya nito ngayon.Nakaramdam ng hiya na tumingin si Max dahil nasisilip niya ang suot na underwear ng babae. Sa buong pagtakas nila kanina, ni hindi niya namalayan
Sa bawat hilera ng upuan sa van, kanya-kanya ang pwesto ng mga sakay sa biyahe patungong Bataan.Si Kuya Bobby ang driver. Si Ian ang katapat niya sa passenger's seat. Sa sunod na hilera si Brix. Ako ang sa bandang gitna habang si Pete naman ang nasa pinakaloob o dulong bahagi.Hindi ko masasabing estratehiya ang bawat posisyon namin sa mga napili naming upuan ngunit nasa unahan si Ian upang patuloy maging guide kay Kuya Bobby kung sakali nakalimutan na nito ang daan papunta roon. Si Brix naman ay sumisipat-sipat sa ilang maaari niyang tandaan upang maging handa siya kung sakali kailanganing siya muli ang magmaneho. At sa likod pa rin si Pete dahil naging epektibo ang pwestong iyon sa kanya mula sa huli naming pakikipagsagupa sa engkanto.Ako? Hindi ko alam kung ano ang magiging role ko dito. Basta ang alam ko, konsensya ko ang lahat ng nagaganap na ito. Kung kinakailangan ko isakripisyo ang sarili, gagawin ko para sa kapatid ko.Smooth naman ang aming naging
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan
Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4
"Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi
Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji