Sa bawat hilera ng upuan sa van, kanya-kanya ang pwesto ng mga sakay sa biyahe patungong Bataan.
Si Kuya Bobby ang driver. Si Ian ang katapat niya sa passenger's seat. Sa sunod na hilera si Brix. Ako ang sa bandang gitna habang si Pete naman ang nasa pinakaloob o dulong bahagi.
Hindi ko masasabing estratehiya ang bawat posisyon namin sa mga napili naming upuan ngunit nasa unahan si Ian upang patuloy maging guide kay Kuya Bobby kung sakali nakalimutan na nito ang daan papunta roon. Si Brix naman ay sumisipat-sipat sa ilang maaari niyang tandaan upang maging handa siya kung sakali kailanganing siya muli ang magmaneho. At sa likod pa rin si Pete dahil naging epektibo ang pwestong iyon sa kanya mula sa huli naming pakikipagsagupa sa engkanto.
Ako? Hindi ko alam kung ano ang magiging role ko dito. Basta ang alam ko, konsensya ko ang lahat ng nagaganap na ito. Kung kinakailangan ko isakripisyo ang sarili, gagawin ko para sa kapatid ko.
Smooth naman ang aming naging
Maghapong pagal ang kanyang katawan sa pag-aasikaso sa gawaing bahay at sa pag-aaruga ng kanilang nag-iisang sanggol.Malaki ang pasasalamat niya na kahit maaga siyang nabuntis ay hindi siya nagkamali sa lalaking pinatulan.Naging masipag at masigasig ang kanyang mister sa pagtatrabaho at pagpapabuti ng kanilang buhay. Nabibigay nito ang pangangailangan nilang mag-ina, at naitira sila nito sa isang magandang semi-bungalow, sa isang disenteng villa.Malaya niya pa ring nagagawa ang sumama sa mga kaibigan paminsan-minsan. Hindi naman kasi mahigpit ang kanyang asawa at ayaw nitong ipagkait sa kanya na maranasan pa rin ang i-enjoy ang buhay kahit na may anak na sila. Kaya sa anumang basehan, kahanga-hanga ang tiwala at pagmamahal sa kanya ng kanyang kabiyak.Hindi rin siya nagkaproblema sa kanyang biyenang babae. Kailanman ay hindi sila nagkaroon ng alitan dahil sa simula't sapol ay tanggap na tanggap siya nito. Ito pa nga ang nanghinayang at namilit na ipagpatul
"Ipasok mo na!," inip niyang atas sa kaniig dala ng labis na pagnanasa.Hindi ito tinutulan ng lalake at mabilis na ikinarga ang kanyang nagtutumigas na sandata sa basang lagusan niya.Napaawang ang kanyang bibig sa pagkabigla. Naghalo ang sarap at kirot ng pagpasok ng batuta nito sa kanya. Nanibago siya. Higit na pamunit ang laki nito. Nakiramdam siya sa kung hanggang gaano kalalim ang aarukin nito sa kanyang kalooban subalit hinibang siya ng unday nito. Dahil sa pagkabasa nito sa sarili niyang katas, hindi naging mahirap ang pagdulas ng ari nito papasok sa kanya.Ginagap nito ang kanyang dibdib. Habang pinipihit pihit nito ang kanyang utong, dakmang dakmang naman nito ang kabuuang kabilugan ng kanyang suso. Ang paglamas nito ay mas hayok sa ngayon kumpara sa dati nitong ginagawa sa kanya. Ang init ng mga palad nito sa kanyang dibdib ang lalo pang kumikiliti at nag-uudyok sa kanya na ikislot ang katawan.Bawat lalim ng bayo. Bawat hagod nito sa kanyang
"Issa... malapit na kami..," bigkas ni Ian nang kumunekta ang kanyang tawag sa kalaguyo."Sige, sinabihan ko na sila Tatay para masamahan kayo mamaya sa kakahuyan... ayos lang ba biyahe n'yo?," pagkumpirma ni Marissa."Oo, okey naman kami kasi iniwasan namin yung dating ruta...,""Mabuti naman..., basta bumusina kayo 'pag nasa harap na kayo at baka hindi ko kayo agad masalubong dahil naghahanda ako ng makakain n'yo...,""Sweet naman ng labs ko... salamat ha,""Ako pa ba?," masayang biro ni Marissa sa kasintahan.Walang ano-ano'y napapreno si Kuya Bobby at nabigla kaming lahat. Nailaglag ni Ian ang phone na hawak at narinig ni Marissa ang kalabog ng pagbagsak."Ano'ng nangyari? Hello?," pag-aalala ni Marissa.Nagimbal kaming lahat na nasa loob ng van. Sa pakiwari namin, maagang magsisimula ang aming pakikipagtunggali.Isang aso ang huminto sa gitna ng daan at kamuntikan ng masagasaan ni Kuya Bobby. Mabuti na lamang at maagap ang k
"Ngayon lang po ba may nangyaring ganito dito?," bukas kong tanong dala ng kuryosidad.Nagtinginan ang tatlong matanda sa akin. Nangangapa kung sino sa kanilang tatlo ang sasagot sa binitiwan kong tanong.Abala ang aking mata sa paglipat-lipat ng tingin sa kanila."Oo, bago sa akin ang ganitong pangyayari...," pauna ni Mang Hamin."Hindi kaya may kinalaman ito sa sunog na naganap kailan lang sa dalampasigan?," pagsingit ni Mang Lindo. "May mga kwento na rin kasi ang mga residente na malapit doon na may mga pagpaparamdam na rin daw tungkol sa mga namatay sa sunog na 'yun...," dagdag pa nito."Nadaanan natin 'yun pinangyarihan ng sunog noong papunta tayo sa lugar ng bonfire natin, di ba?," gunita ko habang nakatuon sa mga kasama ko."Kung hindi n'yo po naikwento ang tungkol sa sunog doon...," pagtukoy ni Ian sa naisalaysay noon ni Mang Lindo. "...hindi ko maiisip na mga kaluluwa lang pala lahat ang nakita naming nagkakasiyahan doon...," sudlong nito
Nang makaraos kami sa maagang hapunan na iyon bilang paghahanda sa aming pakikipagsapalaran, pinili muna naming magpababa ng kinain.Sa pagkakataong ito ko naisip na tawagan ang aking kasintahan upang ipaalam ang aming kasalukuyang lagay.Ilang ring lamang at agad akong kumunekta. Tila inaabangan nga niya ang aking tawag."Bhy... nasaan na kayo?," pangunang bati ni Jing-Jing."May isang oras na rin kami rito, kumain lang kami agad pero okey naman kami... konting pahinga lang at mamaya pupunta na kami sa kakahuyan..," saad ko."Buti naman safe kayo nakarating diyan...,""Oo, okey naman kami..,""Basta mag-iingat ka, Bhy ha... 'wag ka hihiwalay sa kanila...," yung tonong worried na parang bata na naglalambing."Oo naman... 'wag ka masyado mag-alala... mababawi namin si Chadie sa kanila..," pagsubok kong pakampantihin ang kanyang pakiramdam sabay change topic. "Ikaw, nasaan ka na?," usisa ko."Nandito na kami sa bahay namin... pinay
Nanlaban sa tila ipo-ipong amihan sina Mang Salde at Mang Hamin. Kapwa nila ibinigay ang bigat ng kanilang katawan sa kumpol ng mga ginagamit nilang pandingas.Wala kaming kung anumang makakapitan upang hindi mahila ng malakas na hangin kaya ang maghawakan at magdaganan lamang ang aming ginawa upang makaligtas.Sa pagitan ng mga pag-ihip, waring naulinigan ko ang panawagan at pag-inda ng aking kapatid na si Chadie. Humihingi pa rin siya ng saklolo habang sumasabay ang tinig ng ilang kababaihan na nagwiwikang "Dito lang siya"...."Chadie... nandito na kami, lumaban ka lang!," sigaw ko na pagpapahayag ng suporta sa aking kapatid. "Please pakawalan n'yo na ang kapatid ko... ibalik n'yo na siya sa katawan niya..," pakiusap ko sa mga elemento."Chadie... Chad!!!," paghuhumiyaw sa iba't ibang direksyon nina Ian, Pete, Kuya Bobby, at Brix.Ilang sandali pa, humupa ang amihang nanunuot at nakapagpanginig ng aming mga kalamnan tagos hanggang sa aming mga buto.
"Mukhang ayaw nila tayong patuluyin...," hinuha ni Mang Lindo sa sandaling marating nila ang tagusan patungo sa kakahuyan.Hindi naging kwestyunable kay Ian at Brix ang tinuran na iyon ng matandang kubain dahil kitang kita nila ang mga sala-salabid na sangang para bang inadya na iharang sa buong lagusan."Hindi po pwedeng hindi tayo tumuloy... buhay po ng pinsan ko ang nakasalalay dito...," pagkontra ni Ian na inilapag ang bitbit at itinuhog patayo ang umaapoy na sulo upang umpisahang limasin ang mga nakaharang sa daan.Hindi tinutulan ni Brix at ni Mang Lindo ang aksyon ni Ian. Agad din silang sumaklolo upang mapabilis ang paglilinis sa mga naghambalang.Sa bawat maalis nilang balakid, hindi maiwasan na masugatan sila sa bawat madaplis na maliliit na tila tinik ng mga sanga. Ang ilang dahon naman ay makati at lumilikha ng pantal sa kanilang mga balat. Kapagdaka'y napapatigil sila upang iinda o kamutin ang dulot nito.Hindi pa man sila nakakapagsimula s
Madilim na nang pasukin nila Ian at Mang Lindo ang kakahuyan.Malaki ang tulong ng flashlight na bitbit ng matanda at ang sulong pinadala ni Mang Salde sa aking pinsan. Dahil rito, malinaw nilang nakikita ang bawat nilang hahakbangan.Ganun pa man, hindi iyon madali dahil hindi nawawala ang mga nakahambalang na mga sanga na para bang nagkaroon ng pagkakaingin sa lugar na iyon."Hijo, anuman ang mangyari... 'wag ka lalayo sa akin ha... 'wag ka magpapalinlang sa mga engkanto dito...," bilin ni Mang Lindo."Opo," determinadong sagot ni Ian habang hinahawi ang ilang kalat sa daraanan.Mula sa kanang direksyon nila, ilang impit na sigaw ng mga babae ang naulinigan nila. Agad silang napalingon rito." 'Tang, iyon po ba ang direksyong dapat natin puntahan?," maagap na pagtatanong ni Ian."Hindi ako sigurado pero doon nila tayo pinapatungo. Talasan mo ang paningin mo dahil maaring magkaiba tayo ng makikita...lakasan mo lang ang pakiramdam mo...," al
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan
Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4
"Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi
Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji