Home / Lahat / BAGAC / Chapter 55

Share

Chapter 55

Author: ArLaSan
last update Huling Na-update: 2021-04-09 22:54:12

Madilim na nang pasukin nila Ian at Mang Lindo ang kakahuyan.

Malaki ang tulong ng flashlight na bitbit ng matanda at ang sulong pinadala ni Mang Salde sa aking pinsan. Dahil rito, malinaw nilang nakikita ang bawat nilang hahakbangan.

Ganun pa man, hindi iyon madali dahil hindi nawawala ang mga nakahambalang na mga sanga na para bang nagkaroon ng pagkakaingin sa lugar na iyon.

"Hijo, anuman ang mangyari... 'wag ka lalayo sa akin ha... 'wag ka magpapalinlang sa mga engkanto dito...," bilin ni Mang Lindo.

"Opo," determinadong sagot ni Ian habang hinahawi ang ilang kalat sa daraanan.

Mula sa kanang direksyon nila, ilang impit na sigaw ng mga babae ang naulinigan nila. Agad silang napalingon rito.

" 'Tang, iyon po ba ang direksyong dapat natin puntahan?," maagap na pagtatanong ni Ian.

"Hindi ako sigurado pero doon nila tayo pinapatungo. Talasan mo ang paningin mo dahil maaring magkaiba tayo ng makikita...lakasan mo lang ang pakiramdam mo...," al

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • BAGAC   Chapter 56

    Lugmok na nakapaligid kami sa bonfire habang hinihintay ang pagbabalik ng tatlo."Nandito sila pero hindi ko maintindihan kung ano ang nais nilang ipahiwatig...," ikinagulat kong biglang pagkibot ni Pete."Kasama ba nila si Chadie?," puno ng interes kong pagtatanong."Wala siya pero mas maaliwalas ang mga mukha nila ngayon. Mukhang magandang senyales ito...," dugtong ni Pete."Matagumpay siguro sila Pareng Lindo," pakiwari ni Mang Salde habang naglalagay pa ng dagdag panggatong si Mang Hamin."Sana naman maging okey na ang lahat," panahing sana ni Kuya Bobby.Napapansin kong lumiligid ang mga mata ni Pete. Halatang sinusundan at pilit niyang inuunawa ang mensaheng inaalok ng mga kaluluwa.Ilang sandali pa, mula sa di kalayuang kadiliman, sumulpot sina Mang Lindo, Ian, at Brix.Agad kaming nagtayuan at sinalubong sila."Okey lang ba kayo?," pangangamusta ko sa kanila.Mula sa hingal na paglalakad, bumwelo ng tugon si Mang Li

    Huling Na-update : 2021-04-11
  • BAGAC   Chapter 57

    Bagaman nakakapagod ang maghapon nilang pagpunta't pabalik mula sa kakahuyan, hindi ito naalintana ni Mang Lindo bunga ng isang bagay na kanyang nadiskubre.Buong pagmamadali siyang umuwi ng bahay."Helen! Helen! Buksan mo ang pinto!," ubod lakas na hiyaw niya habang kinakatok ang kanilang kawayang pintuan.Isang matandang babae na may tatlong taon na mas bata kay Mang Lindo ang lumitaw mula kusina, may hawak na sandok, at nanakbong inalis ang nakasukbit na kandado ng pinto upang makapasok ang mister."Ano ka bang lalake ka't nagkakandarapa ka? Natatae ka ba?," bungad niya sa asawa nang ito'y makapasok.Hindi ito pinansin ni Mang Lindo at dumeretso sa kanyang silid, lumusot sa ilalim ng kanilang higaang papag hanggang matagpuan ang pakay na sandata.Sa buong pagkilos na iyon ng matanda ay sinusundan lamang siya ng tingin ng kanyang misis. Nagulantang lamang siya nang paglabas sa kwarto ng kanyang katipan ay hawak na nito ang isang sumpak.An

    Huling Na-update : 2021-04-12
  • BAGAC   Chapter 58

    "Ano'ng ginagawa n'yo dito?! Mga patay na kayo!!!," buong takot na pag-urong ni Larry.Nagtangka siyang tumayo at akmang tatakbo nang lumipat sa kanyang harapan ang isa sa mga kaluluwa at muli siyang mabuwal sa pagkakatayo."Mga patay na kayo!!!," muli niyang hiyaw na nawala na ang tama ng alak sa kanyang utak."Paano mo nasabing patay na sila kung nariyan sila at kaharap mo?," pag-usig ni Mang Lindo rito. "Ano ang ginawa mo sa kanila?," sadyang pagpapalakas ng matanda ng kanyang boses."Layuan n'yo ako!! Patay na kayo!!," patuloy na sigaw ni Larry habang gimbal ang kanyang mga mata sa presensiya ng tatlong babae.Muling sumulpot ang isa sa kanyang gilid at nakaupong parang bata sa kanyang tabi."Hindi ba't gustong gusto mo na malapit sa katawan ko? Hindi ba't gustong gusto mo nang babuyin mo ako?!," malamig na tinig mula sa isa na nag-ngangalang Brigette. "Pinatay n'yo pati ang inosenteng anak ko!!," pumupuot na boses at imahe ng babae.Nar

    Huling Na-update : 2021-04-13
  • BAGAC   Chapter 59

    "Kumalma ka nga, Ian...," pag-awat ni Pete sa takot na nararamdaman ng pinsan ko. "Sa tingin ko, magmula ng pagbalik natin dito hanggang ngayon, napagtahi-tahi ko na ang lahat...," dagdag nito."Ano'ng ibig mong sabihin, Pete?," usisa ni Kuya Bobby.Biglang tumunog ang cellphone na hawak ni Mang Hamin at daglit niya itong sinagot:"Hello? .....Napatawag ka?," nanlaki ang mga mata ni Hamin sa balitang inihatid sa kanya ng kung sino ma'ng tumawag at saka bumaling sa amin. "Maiwan ko na muna kayo, may emergency lang sa bahay....," pagmamadaling pagbalikwas nito at pagpapaalam sa amin.Sa isang di inaasahang pagkakataon, natapilok si Mang Hamin at nahulog pababa sa tatlong baitang na hagdan sa bukana ng pintuan ng bahay.Nagulat kami sa eksenang iyon at naalarmang lapitan siya upang tulungan makatayo."Peste... bakit ba ako natapilok?," pagtataka nito sa sarili saka muling bumangon at nagmadaling sumibat.Nang makalayo si Mang Hamin, saka namin

    Huling Na-update : 2021-04-16
  • BAGAC   Chapter 60

    Hindi malinaw na nauulinigan ni Mang Hamin at ng kanyang kasamang longhaired na lalake ang debateng nagaganap sa harap ng kanyang bahay habang nakatago sila sa pinakahardin ng kanilang bakuran.Nais na nilang tumakbo dahil sa alam na nilang sila ang pakay ng mga tanod na paikot-ikot sa loob at labas ng bahay ng kanilang pamilya. Subalit pinangingilagan nila na makagawa ng di inaasahang ingay mula sa kanilang kinaroroonan at makaagaw ng pansin sa mga naghahanap.Nakaramdam siya ng sama ng loob na kasama ng mga ito ang kanyang dalawang kumpadre na kasalukuyan noong kinakausap ang kanyang Tatay.Hindi niya man maintindihan ang usapan, alam niyang itinatanggi ng kanyang ama ang anumang paratang ng mga ito sa kanya."Paano nila nalaman na may kinalaman tayo sa nangyari sa mga babae?," galit na bulong ni Long hair."Hindi ko alam paano, Pidio.... pero malamang may kinalaman dito ang ginawa nila sa kakahuyan. Dahil sa mga batang iyon, mapapahamak ang kalayaan

    Huling Na-update : 2021-04-17
  • BAGAC   Chapter 61

    Kumaripas ng takbo ang mga baranggay tanod kasama si Mang Salde nang umalingawngaw ang paghingi ng saklolo ng kasama ni Mang Lindo.Pagdatal nila sa naturang lokasyon, dinatnan nilang kapwa duguan ang tatlo. Ang nakaupo lamang na tanod na hawak ang kanyang ulo ay umiinda sa sumisirit na dugo sa noo nito. Habang nagpapapalag naman si Pidio upang umalpas sa yakap ng matandang kubain.Sa pagpipilit ni Pidio na makawala, ilang suntok at dagok ang pinakawalan niya sa mukha at katawan ni Mang Lindo ngunit kabilib-bilib na mahigpit pa rin ang kapit nito sa kanya hanggang abutan sila ng iba pa.Isang malakas na palo ng batutang yantok ang pinukol ng isang tanod na naunang nagtangkang sagipin ang matandang kubain mula sa pananakit ni Pidio.Nang mapayuko at tila nakaramdam ng hilo dahil sa pagpalo sa salarin, saka lamang pinakawalan ni Mang Lindo si Pidio mula sa kanyang mga bisig."Habulin n'yo si Hamin!," paos na usal ng matandang kubain na tuluyang inihiga sa

    Huling Na-update : 2021-04-18
  • BAGAC   Chapter 62

    Gitla ang lahat sa biglang pagbagsak ni Chadie. Hindi nila malaman kung Chadie ba o Angelo ang kanilang itatawag sa mag-isang nabuwal.Hindi magkanda-ugaga sa dapat gawin ang bawat isa.Mula sa pagkahiga nito sa lupa, iniangat ni Emong ang ulo nito at marahang sinampal-sampal ang magkabilang pisngi nito.Halos lahat ng flashlight nila ay nakatutok sa nakahandusay na katawan."Emong, ibalik na natin siya sa bahay n'yo. Tara na!," mabilisang pag-aya ni Max sa pinsan.Pinagtulungan nilang iangat ang katawan ni Chadie. Maging sila Kat, at Carey ay tumulong na maayos itong mabuhat."Ano bang nangyayari talaga kay Chadie, ha?!," pang-uusisa ni Tita Tere."Hindi na po namin alam, Tita...," walang maisip na sagot ni Carey.Maya maya, humahangos na lumitaw si Tatay Bong at maagap na tumulong sa pagbuhat sa anak."Paano'ng nakalabas si Chadie?," bungad niya sa mga ito."Nakatulog po kasi kami lahat, Tito at gusto po ni Angelo maggala

    Huling Na-update : 2021-04-19
  • BAGAC   Chapter 63

    Habang magkakasama kami nina Kuya Bobby, Brix, at Pete sa iisang silid. Alam namin na may kababalaghang magaganap sa kabilang kwarto kung saan magkasama ang pinsan ko at si Marissa.Nang mga sandaling iyon, kapwa wala ng saplot ang dalawa. Halos mamaga na ang kanilang mga labi sa walang humpay na laplapang nag-uumapaw sa pananabik.Hindi mapigilan ni Marissa na paminsan-minsan ay nakakagat niya ang labi ng kasiping bunga ng pagnanasa.Hindi naman mahinto ang mga kamay ni Ian sa paglalakbay sa iba't ibang parte ng katawan ni Marissa lalo na sa maseselang bahagi.Hindi nagtagal, habang dakma-dakma niya ang suso ng dalaga, buong bilis at higpit niyang sinipsip ang katuktukan nito na nagpakilig sa buong kalamnan ng babae.Hindi maiwasan ni Marissa na hindi mapaungol kahit nagsisimula pa lamang silang magpainit.Mula sa kanang bundok, tinawid ni Ian ang kabila at muling sinipsip ang utong nito.Ang paglamas niya rin dito ang nagbibigay ng kakaiba

    Huling Na-update : 2021-04-20

Pinakabagong kabanata

  • BAGAC   Chapter 107

    Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal

  • BAGAC   Chapter 106

    Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag

  • BAGAC   Chapter 105

    Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a

  • BAGAC   Chapter 104

    Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw

  • BAGAC   Chapter 103

    Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning

  • BAGAC   Chapter 102

    Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan

  • BAGAC   Chapter 101

    Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4

  • BAGAC   Chapter 100

    "Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi

  • BAGAC   Chapter 99

    Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji

DMCA.com Protection Status