Hindi ko alam kung tamang ideya ba na mahiwa-hiwalay kami sa pagkakataong ito. Subalit isa lang ang mahalaga sa ngayon : ang makaalis kami sa tumok na kinaroroonan ng linggatong namin.
"Marissa, okey lang ba na mauna ka na muna at kung sino pwede mong isabay?," mungkahi ni Ian.
Pabor ako sa sinabing ito ni Ian. Sa tingin ko bilang lalake na nag-aalala sa kapakanan ng mga kasama naming babae, ito ang prayoridad namin ngayon.
Hindi namin kabisado ang utak ng mga kalalakihan sa paligid ni Marissa ngunit alam naming mapapangalagaan ni Marissa ang sinumang makakasabay nito.
"Mang Lindo, ilan po ang kayang isakay sa traysikel n'yo?," urirat ko rito upang mapag-aralan ang paghahati-hati sa grupo.
"Eh mga nasa apat hanggang lima naman ang kasya, iho...," sagot ni Mang Lindo na halos kuba na sa tindig.
Umisip ako pansamantala.
"Marissa, pasabay na lang sa'yo sina Chyna at Ira pati si Emong...," pakisuyo ko.
"Carey, tutal maliit ka...baka pwede ka pa makasabay sa kanila para madami agad makaalis...," pagbaling ko sa pinsan ko na nakaupo pa sa loob ng van.
"Hala kuya...ayoko magstay pa ng matagal doon, natatakot ako...," reklamo ni Carey.
Sumenyas ako sa kanyang takpan ang bibig kaya napigil niyang ituloy ang kanyang sinasabi.
"Isimple mong sabihin kay Marissa na sa labas muna kayo at 'wag muna kayo iwan hangga't hindi pa dumarating 'yung kasunod n'yo. Basta maging alerto kayo ha...," bulong ko sa kanya.
Takot man, at waring maiiyak sa suwestyon ko. Nagtiwala siya sa plano.
"Kuya, bilisan n'yo ha...," pahabol pa nito.
Tumango ako bilang pagtugon.
"Sige, tara na...," aya ni Marissa sa kanila.
Backride si Emong at si Marissa na katabi si Mang Lindo. Si Ira at Chyna sa kumportableng upuan sa loob at si Carey naman ang sa gilid na nakatalikod sa pwesto ng driver. Ang mga bagahe naman ay kapit ng nasa loob at ang ilan ay nasa tuktok ng traysikel.
"Ingat kayo, Mang Lindo ha...salamat po," bilin ni Ian bago umarangkada ito paalis.
Nasa labas na ng van ang lahat nang makaalis ang traysikel. Ipinaurong nila Mang Salde ang sasakyan upang madaling mabunot ang tumusok ditong pain.
Iisa ang reserbang gulong kaya mas matatagalan ito dahil malayo ang talyeran sa lugar na iyon.
Habang naghihintay, nagpupulong kami sa kung sino ang magsasama-sama sa pagbalik ng traysikel.
Makalipas ang isang oras nang makabalik na si Mang Lindo na may kasabay na isa pang traysikel.
"Kuya Bobby, pakigamit po itong pera panggastos sa remedyo ng gulong," iniabot kong tuping pera sa aming driver.
Tumango-tango lang ito habang may simpleng ngiti.
" 'Tay, pasensiya na kayo sa abala ha...maraming salamat po...," hiyang salita naman ni Ian kay Mang Salde.
"Walang problema, mag-ingat kayo ha...susunod na lamang kami pagkatapos rito..," mabuting ngiti nito sa amin.
Sa traysikel ni Mang Lindo kami nagbackride ni Pete habang sa loob si Eloisa at Jing-Jing.
Sa kabilang trike naman sina Kat at Chadie habang backride si Brix at Ian.
Habang nasa byahe, hindi napigilang pasimpleng magbukas-palagay si Pete:
"May kababalaghang nangyayari, ano? Ramdam mo rin ba?,"
"Oo...naguguluhan ako. Noong una panahinip lang pero ngayon parang unti-unti nangyayari... be alert lang talaga...," salit ko.
Sa loob ng mahigit sa tatlumpung minuto ay narating na namin ang bahay ni Marissa. Nakahinga rin kami ng naluwag nang makitang ligtas na nag-aabang sa balkonahe ang mga naunang lumisan kanina sa grupo. Tingin ko, ganoon rin sila nang makita kami.
Ang aming pagdating ang naging hudyat kay Marissa upang pumasok na ng bahay niya at kumuha ng mga kailangang gamit. Sinundan naman siya ni Ian, Brix, at Emong.
May ilang dumadaan na kapitbahay na palabati at meron din namang ilag.
Ilang sandali pa ay may kanya-kanya ng bitbit ang mga galing sa loob ng bahay. Ilang kumot, water jug, at flashlights. Iniwan din muna ang ilang malalaking bag.
Dahil malamig na ang hangin, halos lahat ay nakasuot na ng jacket bago pa kami lumarga.
At ngayong handa na, nagsimula na kami maglakad sa mga eskinitang pagitan ng mga bahay-bahay patungo sa dalampasigan.
Sa kasamaang palad, hindi na namin inabot ang magandang paglubog ng araw.
Sa isang bahagi malapit sa pampang ay tila may magarbong selebrasyon na may mga pailaw at modernong tugtugang pangsayawan. Maraming tao ang nagkakasiyahan rito ngunit hindi ito ang hanap namin kaya lumayo kami sa ingay na iyon.
Makailang hakbang pa ay nagdesisyon na si Marissa na sa isang espasyo na kami humimpil. Malayo sa mga residente at sa mga nagkakasiyahan. Tanging ang hampas ng alon at malamig na ihip ng hangin lamang ang aming naririnig.
Nag-umpisang ilatag na ng mga babae ang tatlong malaking sapin at pinandagan ang ilang bag na dala upang di ito tangayin ng hangin.
Nagsimula naman ang mga kalalakihan sa paghahagilap ng mga maaaring liyaban para sa planong bonfire.
Kung tutuusin, nakakaawa ang estado ng tabing-dagat na ito. Maganda sana ang buhangin ngunit marami ang lapastangan sa kalikasan. Maraming kalat ang iniwan ng mga eskarsyunista.
Hindi kaaya-ayang makita ang ilang basura sa pampang na ito (gaya ng mga supot ng tsitsirya, karton, bote ng mga energy drink at mineral water, at maging mga lata) kaya kinolekta namin ito para maisama na rin sa susunugin mamaya sa apoy.
Isa lang ang nasa isip ko : nakakahiya tayo na binigyan tayo ng biyaya ngunit hindi natin ito pinahahalagahan kahit na napakalaki ng pakinabang natin dito.
Sa ilang putol na sanga at kalat na aming nakolekta, nagsimula na si Ian na pagdingasin ito gamit ang dalang lighter. Sa una'y pahirapan sindihan dahil sa malakas na hangin ngunit matapos ang mahigit apat-na-pu't limang minuto, sa wakas, nakalikha rin kami ng apoy. Ngunit mukhang hindi sasapat ang mga nakuha naming susunugin upang magliyab magdamag ang aming bonfire.
Linga dito. Linga doon.Hagilap dito. Hagilap doon.Naiwan si Ian, Marissa, Chyna, at Ira sa tila picnic spot namin malapit sa pampang. Karamihan sa amin, pares-pares na naglakad sa pali-paligid upang kumalap ng dagdag na pandingas sa bonfire.Si Eloisa, Pete, Chadie at Max ang tumungo sa bandang hilaga na may mga halaman at mumunting mga puno. Sa bandang kaliwa sila Brix at Kat habang ang magpinsang sina Emong at Carey sa kanan patungo sa direksyon kung saan malapit ang may party at the beach.Sa aming lahat, kami ni Jing-Jing ang unang nakaranas mabasa ng mga alon ang mga paa habang sumusubok na makakuha ng mga pandingas."Bhy, nakakatakot naman 'tong alon," pangamba ni Jing-Jing habang pasipa-sipa sa daloy ng tubig. "Parang hinihila niya paa ko papunta doon sa gitna...,""Wag ka mag-alala, kapit kita...malakas lang talaga ang hatak ng tubig pabalik kasi high tide na at matataas na alon...," panubok kong pagaanin ang takot niya habang naka
"Kat, dilaan mo para luminis...," munting pasuyo ni Brix sa babae nang hindi niya alam paano lilinisin ang nagkalat na katas sa kanyang pag-aari at kamay."Ewww... ayoko nga, mamaya maamoy pa 'yan sa bibig ko...," asiwang tanggi ni Kat na palingon-lingon pa ring nagbibihis.Natawa si Kat sa reaksyon ng mukha ni Brix sa pagkatuliro kung paano lilinisin ang sarili.Tumindig siya sa pagkakaupo sa mesa at hinugot ang isang panyo sa kanyang likurang bulsa."O, eto na lang ipunas mo tapos itapon mo na...," pag-aabot ni Kat ng panyo sa kasintahan.Nangiti at nakaluwag sa pag-aalala si Brix nang kuhain niya ang iniabot ng babae. Daglit niya itong ipinunas sa mga pagitan ng kanyang mga daliri at sa kanyang pang-ibabang ulo. Nang pakiramdam niya'y malinis na ang mga ito, humagilap siya ng pagsisiliran ng pamunas.Ilang tahol ng aso ang nagpakaba sa dalawa at agad nilang nilisan ang kubo dahil sa takot.Bago makalapit sa kanilang Bonfire area, naghugas
Labis na malamig ang hangin at dahil busog na, karamihan ay ramdam ang antok at pagkabored."Sayang naman overnight natin dito kung itulog lang natin...," opinyon ni Chyna na halatang batong-bato sa sandali."Ano gagawin natin?," tanong agad ni Chadie."Magtaguan tayo!," pagbibiro ni Max."As in may matataguan tayo dito, 'no?," blankong kuwestyon ni Eloisa."Tago tayo sa buhangin..," tumatawang banat ni Pete sa katabi."Gusto mo ibaon kita sa buhangin?," pasigang sagot ni Eloisa sa jowa.Lumikha ng tawanan ang maiksing panimula na iyon."I have an idea...let's have a game!," suwestyon ni Ira."Anong game?," usisa ni Carey."Wait lang, gawa lang ako ng roulette para fair yung pagpili ng magkakakampi...," salita ni Ira habang kinukuha ang phone niya sa bag."Oo nga, ano? Sakto tig-pito per team," pagkadiskubre ni Kat sa bilang nila."Mas okey nga 'yang iroleta para no choice sa kakampi...," follow up ni Chyna.
Batid ni Ira na talo na sila ngunit bilang may pakana ng lahat. Nakaisip pa siya ng palusot."Wait! I'm eliminating myself and we still have Kat for our team...," umarya ang gulang ni Ira sa takot rin sa penalty na siya ang creator."Kasama pala yung leader?," protesta ni Brix."Oo naman, team member din ako at usapan ubusan di, ba?," eksplenasyon pa rin ni Ira para iligtas ang team niya."Proceed ka na, Jing!," mando niya pa sa leader ng Team B.No choice na si Jing-Jing. Lahat ng nakikita niya at natitirang bagay sa loob ng kanyang bag ay mayroon din sa kanyang Bff.Napapaisip na siya kung safe ba talaga na nakahubad sa dagat ngayong gabi.Humugot siya ng isang buntong hininga at saka hinugot ang isang bagay sa kanyang busluan.Pagkataas niya nito ay nanlaki ang mata ni Kat at agarang ginalugad ang loob ng kanyang bag. Nang wala siyang makita, kinapa niya ang bulsa ngunit wala ang importanteng bagay na iyon. Napatingin siya kay Brix.
"Salamat, Ira...," huling bigkas ni Kat bago kumalas sa kaharap at tinakpan ng dibdib gamit ang buong kanang braso niya.Hinanap ang kapatid at saka itinaas ang kanyang kaliwang kamay.Alerto si Carey sa senyas na iyon kaya mas lumapit pa siya sa pampang at sinalubong ang kanyang Ate hawak ang isang nakalapad na malaking tuwalya.Nilalamig rin si Carey ngunit kahit mabasa ang paanan niya at mataksikan ng tubig-dagat, hindi niya hahayaan ang Ate niya na nakabuyangyang ang hubad na katawan.Hindi naman naging problema sa Team B kung umahon agad si Kat. Naintindihan nila kung hindi na nito kaya ang lamig. Ang mahalaga, tumupad ito sa challenge.Inalalayan ni Carey ang kanyang Ate sa paglakad habang bitbit niya ang mga basang baro nito.Tinignan lamang ni Ira si Kat habang papalayo ito sa kanya. Nang nasa pangangalaga na ito ni Carey, pinili na niyang maglulubog sa tubig upang maiwasang ginawin.Nagkakatuwaan pa ang mga nasa tubig nang lu
May isang oras ang lumipas, nakaahon na rin sina Emong, Max, at Chadie ng maayos sa tulong namin Pete. Nagtulong naman kami ni Jing-Jing maging aid sa pag-alis nila Marissa at Ian sa tubig-alat.Ilang sandali pa, naglabas ng baraha si Emong at nakatuwaan nilang maglaro ng binansagang "1,2,3 Pass".Nakadepende ang bilang ng baraha na hawak ng isang player sa bilang kung ilan silang maglalaro.Sa puntong ito, apat lamang ang players kaya hinati ni Emong sa apat ang 54 pcs. na baraha. Sa bawat player ay may hawak na 12pcs. na cards habang nakatago ang butal sa sinumang nagbalasa nito.Sa ngayon, dahil laro namin itong magpipinsan, naging observer lamang ang iba. Si Emong, Max, Carey, at Ian ang mga naglalaro. Paikot ang pwesto at nasa likod ng mga kasali ang mga usi lang.May pagkapareho ang card game na ito sa larong pares. Magsasabay-sabay kayong ilapag ang isang card n'yo patalikod na tingin mo ay hindi mo kailangan o walang kapareha sa hanay ng iyong m
Tinitigan ni Chyna si Ira, warning her na 'wag makipag-inuman pero wa epek."Malamig kasi, makakabawas 'yun sa ginaw sa katawan...," pangangatwiran ni Ira at agad na nakiupo malapit sa mga matatanda.Tuloy-tuloy ang tinginan at pakiramdaman namin. May simpleng komunikasyon na nabuo sa mga titigan na iyon."Sige, tagay rin ako, 'Tay...," pakikisali ni Marissa na nakasimple ng pag-apruba ni Ian.Gusto man ni Ian makitagay kahit isa, nag-aalala siya sa sarili na baka masarapan siya sa lambanog at mawili. Alam niyang siya ang pinakamalakas sa mga lalake at kailangan siya in case may di man magandang mangyari.Tumayo naman si Emong at Max upang makisali rin sa tagayan. Ito ay upang hindi makahalata ang matatanda na may pag-aalangan kami sa lugar at sa ilan sa kanila lalo kay Mang Hamin na tahimik lamang pagdating nila.Sa bagay na ito ako proud sa aming magpipinsan, sa tinginan pa lang, nagkakabasahan na. Kung sisiyasatin mo, sa galaw lamang at d
Namimilipit na ako sa pagkakakagat ni Jing-Jing habang patuloy ang kanyang panginginig nang mula sa kumpol ng inuman ay lumapit si Mang Hamin.Pumunta siya sa gilid ni Jing-Jing at inilabas ang isang botelya na tila isang mahalimuyak na ointment ang laman. Itinaktak niya iyon sa kanyang palad at saka itinaas ang damit ng irog ko hanggang sa bandang dibdib niya.Inihaplos ni Mang Hamin ang kanyang dalawang palad sa sikmura ni Jing-Jing at nagsimula itong masahihin paitaas hanggang sa ilalim ng suso nito.Nagulantang kami sa ginawa niyang iyon ngunit inaabangan namin kung lalampas pa ang kamay niya maliban sa kung saan ito kasalukuyang dumadampi.Gusto ko man magreact na medyo dumidikit ito sa ilalim ng suso ni Jing-Jing ay minabuti kong manahimik dahil sa paniniwalang makakabuti ito sa kalagayan ng kasintahan ko.Sumaboy ang amoy ng ointment habang hinahagod ito sa buong sikmura ni Jing-Jing. Iniabot niya ang botelya kay Chyna:"Pahiran mo an
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan
Wala namang bagyo ngunit walang kapayapaan ang kalangitan ng gabing ito. Mabilis na nagliliparan ang mga ulap at palitaw litaw ang makalabog na mga kulog na habang tumatagal ay lalong lumalakas. "Hindi maganda 'to...," pagpuna ni Pete sa kalangitan habang nasa biyahe. Siya ang nasa front seat katabi ang driver habang nasa backseat ang magkasintahan. "Uulan yata...," hula ni Marissa habang padungaw na natitingala rin sa mga ulap. "Hindi 'yan karaniwang bagyo.... yung elemento sa katawan ni Mang Hamin ang may gawa niyan!," paniniguro ni Pete sa nasasaksihan. "Ganyan pala kalakas epekto sa kalikasan ng kalaban n'yo... mukhang matindi talaga ang galit niya sa inyo...," pagkabilib ni Mang Rodrigo sa kakayahan ng elemento. "Dapat umabot tayo... natatakot ako sa mas malala pang pwedeng mangyari...," pananabik ni Ian na may halong pangamba sa mga naiwan sa Maynila. Muling sinubok na pabulusukin ni Mang Rodrigo ang takbo ng kanyang 4x4
"Mang Bong!," mapalad na pakiramdam ni Brix na sa tingin niya ay may kakilala siya na makakasama laban sa mga engkanto na nasa kanyang harapan."Brix, 'wag ka matakot sa kanila. Lahat sila ay mga kaibigan ko...," pagsusumikap ni Tatay na alisin ang takot ni Brix sa mga ito."Hindi mo naitatanong, lahat ng mga bahay dito sa aming compound ay pinamamahayan ng sari-saring tagabantay. Bawat nakatirik dito na bahay ay may iba't ibang laman-lupa, pero mababait sila. Sila ang tumatayong proteksyon ng lugar na ito...," panugtong ni Tatay Bong."Pero... ano pong nangyari sa inyo?," natagpuang pag-uusisa ni Brix nang mahiwagaan sa pagkawala ng buhay ng kausap.Naupo sa isang gilid si Tatay at mabilis tumabi si Brix dahil sa pag-aalangan sa mga nakikita sa paligid."Tuso ang nakalaban n'yo. Sumasalakay siya nang di inaasahan. Sa pagkakataong iyon niya ko nadale. Masyado ako naging kampante sa kakayahan ng kalaban...," paliwanag ni Tatay.Lumapit ang pi
Ang buong magdamag ay dinumugan ng iba't ibang kakilala namin at ng aming Tatay Bong. Kahit di namin nais, may mga di mapigilang kamag-anak na nagsi-inuman na tila ginawang family reunion ang paghimlay ng isang mahal sa buhay. Isa rin sa alam naming hindi gusto ni Ama ay ang mga sugalan. Ngunit malakas ang udyok ng ilang kamag-anak na walang pakialam sa prinsipyo ng pamilya. Para sa kanila, iyon ang tradisyon ng mga pagbuburol. Wala kaming gana para kumontra o makipagtalo, basta maging normal ang ilang gabing lamay para sa haligi ng aming tahanan. Yung mga dating alam namin na wala naman pakialam, bigla naroon na tulad ng iba ay maraming sinasabing kabutihan sa tao kapag yumao na. Ganyan kaplastik ang mundo. Mabuti na lang at narito ang mga malalapit sa akin at totoo. Tulong-tulong kami sa pag-aasikaso, lalo na ang mga bisita namin sa bahay. Ramdam ko ang kanilang pagpupursige na magsilbi sa mga bisita. Hindi rin nakakalimot si Jing-Ji