Mahigit walong oras din ang aming paglalakbay. Sa wakas, narating rin namin ang aming destinasyon: Bagac, Bataan.Lampas katanghalian na nang matunton namin ang bahay na aming tutuluyan kaya ubod sa gutom na ang mga sikmura namin."Welcome to Bataan po!," magiliw na salubong ng isang balingkinitang babae sa amin habang diretso sa direksyon ni Ian upang yumapos. "Guys, si Marissa nga pala...girlfriend ko..," pabunyag ni Ian sa babaeng nakapulupot na sa kanya.Habang isa-isa kaming pinapakilala ni Ian sa kanyang dilag, pasimpleng nagkatinginan at nagkakangitian kaming magpipinsan.Kabisado naming babaero si Ian. May babae kahit saang teritoryo siya madako. Di naman siya sa kagwapuhan, yung tipong papunta na sa pagka-Richard Gomez sana kaya lang hindi nakarating. Ganun pa man, maappeal at maporma siya. Di rin mawawala ang pagkamahangin pero kaya ka ipaglaban ng patayan.Sa lahat ng ipinakilala sa amin ni Ian, ito ang masasabi naming malay
Read more