Home / Romance / Sahara's Dirty Little Secrets / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of Sahara's Dirty Little Secrets: Chapter 91 - Chapter 100

125 Chapters

Chapter 91

"N-NASAAN ako?"Iniligid ni Sahara ng paningin sa paligid. Pupungas-pungas siyang lumingun-lingon at pinakiramdaman ang sarili. Pinilit niyang maupo sa malawak na kama pero hindi niya iyon magawa dahil parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Idagdag pa na hindi niya maigalaw ang mga kamay. Muntik na siyang mapasigaw nang makitang nakatali ang dalawa niyang kamay gamit ang packaging tape.“Shit, ano’ng nangyari?” tanong ni Sahara sa sarili.Pilit niyang inalala kung ano nga ba ang nangyari at bakit siya naroon sa lugar na iyon. Muli niyang iniligid ang paningin sa kabuuan ng lugar. Dahil sa makapal ang kulay asul na kurtina sa naglalakihang mga bintana ay hindi niya maaninag kung ano ang nasa labas niyon, o kung may araw pa o gabi na. Halatang mamahalin ang mga kagamitan sa loob, mula sa mga kabinet at dekorasyon hanggang sa malaking renaissance painting na nakasabit sa ibabaw ng vanity table. Classic Italian ang te
Read more

Chapter 92

“SAHARA!”Napabalikwas siya dahil sa malakas na kalabog sa pinto na narinig niya, kasunod ang pagbagsak ng kaisa-isang plorera sa kanilang bahay. Napanalunan pa niya iyon sa perya noong nakaraang pista at iniregalo sa kanyang ina sa kaarawan nito.“Sahara!”Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay pumasok na si Conrad sa kanyang kuwarto. Kahit pa siguro nakapikit ay alam niyang lasing na naman ito dahil umaalingasaw ang amoy ng alkohol sa buo nitong katawan.“Nasaan ang nanay mo?” malakas nitong tanong. Pasuray-suray itong lumapit sa kanya.“H-hindi ko alam,” mahina niyang tugon. Gabi na nang bugbugin sila ng kanyang ina ni Conrad dahil wala silang maibigay na pera’ng pambili sa mga bisyo nito. At ngayong umaga na, sigurado siyang iyon pa rin ang dahilan kung bakit hinahanap ang kanyang ina.“Nasaan ang nanay
Read more

Chapter 93

“SAHARA…” Dahan-dahang lumapit kay Sahara ang lalaki’ng iyon mula sa dilim.“S-sino ka?” mahina niyang tanong. Pilit niyang inaninag ang mukha nito pero wala siyang makita dahil na rin sa sobrang liwanag na nagmumula sa likuran nito.Naupo ito sa harap niya at itinaas ang kanyang mukha para matingnan siyang mabuti. “Who are you expecting, honey? Si Ace?” matigas nitong tanong. Kasabay ng paghigpit nito sa pagkakahawak sa kanyang panga ay ang pagbukas ng ilaw. Muli siyang napapikit at nang muling dumilat ay nagulat siya kung sino ang nasa kanyang harapan.“R-Ricky, let me explain…I’m sorry…”“I don’t need your explanation, Sahara,” matigas na sabi ni Ricky. “I already know everything.”Pilit pumalag ni Sahara sa pagkakakapit nito sa leeg niya pero sadya itong malakas. “R-Ricky…please…hindi ko s-sinasadya
Read more

Chapter 94

AFTER 2 MONTHS…“GOOD morning, hon.”Ngumiti si Sahara sa pagbating iyon ni Ricky. Hinalikan nito ang kanyang pisngi at naupo sa tabi niya. Agad na humigop ng mainit na kape at sinimulan na ang pagbabasa ng diyaryo.“Ano’ng plan mo for today?” tanong nito. Napakaganda ng sikat ng araw nang umagang iyon, na bumagay sa mood sa buong kabahayan. Maaliwalas ang lahat na para bang hudyat para sa isang panibagong buhay.“Balak sana namin ni Ate Yolly na mag-rearrange ng mga furniture sa buong bahay,” mahina niyang sagot. Nilagyan niya ng dalawang toasted bread at dalawang piraso ng bacon ang plato nito. Maagap rin niyang sinalinan ng tubig ang baso na nasa harap nito. “Naisip ko ring palitan ‘yung wallpaper sa kuwarto natin.” “Sure. Anything you want.” Tumangu-tango si Ricky, hindi pa rin tumitingin sa kanya.“B
Read more

Chapter 95

ANG pandalawahang mesa sa dulo ng café ang napili ni Ricky. Totoo nga ang sinabi nito na ekslusibo ang lugar at mabibilang lamang sa daliri ang mga tao na naroon.Ang café ay nasa rooftop ng isang gusali na mayroong tatlumpung palapag kaya naman napakaganda ng backdrop ng lugar. Kumikinang ang mga ilaw sa ibaba na parang mga bituin at malamig ang simoy ng hangin. Sa isang iglap, parang nawala ang lahat ng alalahanin ni Sahara lalo na sa tuwing titingnan niya ang mala-postcard na tanawin. Maliban sa mangilan-ngilang maliliit na ilaw sa kisame ay wala nang iba pang nagbibigay-liwanag sa café. May kadiliman, tahimik - na tila bagay na bagay sa mga tulad nilang may inililihim.Sahara chose her favorite deep green dress with pink blossoms design and subtle pleat detail while Ricky wore his usual – navy blue long sleeves polo with maroon dotted necktie and black slacks. That night, they were an image of an ideal couple at sigu
Read more

Chapter 96

MATAGAL-tagal na rin mula nang huling makatuntong si Sahara sa ibabaw ng entablado at makakanta kaya naman nang mga oras na iyon ay parang gusto na lamang niyang bumaba at tumakbo palabas ng napakagandang bulwagan.The entire ballroom was big enough to accommodate a hundred guests. Nasa unang palapag iyon ng mismong condominium na tinitirahan nila at kung hindi dahil sa imbitasyon ni Mr. Tantoco ay hindi niya malalaman na mayroon palang ganoon kaganda at ka-elegante’ng bulwagan sa loob mismo ng gusali.Ni isa ay wala siyang kilala sa mga imbitado, maliban na lamang kay Ricky at sa punong-abala na si Mr. Armando Tantoco. Lahat ng kalalakihan ay nakasuot ng Amerikana at mangilan-ngilan lamang ang naka-Barong Tagalog samantalang ang mga karamihan sa mga naggagandahang kababaihan ay nagkikintaban sa mga suot na mamahaling alahas. Bukod sa mga Pilipino ay iba’t-iba rin ang lahi ng mga naroon – mga Tsino, Amerikano, Mehikano, Espanyol, Brit
Read more

Chapter 97

“G-GIRLFRIEND? Nababaliw ka na ba, Mr. Tantoco?” kunut-noong tanong ni Sahara habang hinihila siya ni Armando palayo sa karamihan ng mga tao. Ilang sandali pa ay narating na nila ang elevator at nang makapasok sila sa loob ay mabilis na binawi ni Sahara ang braso sa pagkakahawak nito.“I just saved your life back there, Miss Smith. The least you could do is thank me,” pormal nitong sabi nang hindi tumitingin sa kanya.“I didn’t ask you to save my life,” mataray niyang sagot.At iyon ang tila nakakuha ng atensiyon ni Armando dahil napatingin ito sa kanya. Bahagya itong ngumiti. “You don’t know Martina and you don’t know what she’s capable of. May hinala siyang ikaw ang babae ni Ricky at sa oras na mapatunayan niya iyon, hindi siya magdadalawang-isip na ipakulong ka. She may look like an angel but she can easily make your life a living hell, Miss Smith, that I am sure.”
Read more

Chapter 98

HALOS tatlumpung-minuto nang nakatayo si Sahara sa ilalim ng dutsa habang patuloy lamang sa pag-iisip.Kung noon siguro, madali siyang makakapagdesisyon na tanggapin ang tulong ni Mr. Tantoco at tuluyang iwan si Ricky. Pero hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit ngayon ay hirap na hirap siya sa sitwasyon. Ibig bang sabihin noon ay nagbago na talaga siya? Na kaya na niyang lumimot at magpatawad at magmahal nang totoo?Umiiling-iling na isinara ni Sahara ang dutsa at nagsimula nang magpunas ng buhok at buong katawan. Nagsuot na siya ng roba at nag-ayos na para sa umagahan. Kabilin-bilinan ni Armando kagabi na kailangan, alas sais ng umaga ay handa na siya para sa almusal dahil mayroon siyang mga importanteng bagay na dapat malaman. Sa totoo lang, nag-aalala siya sa kung ano ang mangyayari. Kahit pa nag-alok ito ng tulong, marami pa rin siyang alinlangan. Paano kung katulad rin ni Mr. Tantoco si Ricky? Paano kung saktan lang rin siya nito?
Read more

Chapter 99

“LOVELY evening, isn’t it?”Sinundan lamang ng tingin ni Ricky si Martina habang palapit ito sa kanyang kinatatayuan. Gusto sana niyang ipatawag ang kanyang sekretarya at tanungin kung bakit nito pinapasok ang asawa dahil alas siyete na noon ng gabi. Pero huli na ang lahat, nasa loob na ng opisina niya si Martina, bitbit ang mamahalin nitong bag.Martina hasn’t changed a bit, he realized. At the age of 47, she still carries herself well. Still classy, still stunning. Maging ang paraan ng pagdadala nito sa sarili ay hindi pa rin nagbabago. Siguro nga, kung may nagbago man, iyon ay ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa.“So, how is it going?” masaya nitong tanong matapos nitong ilapag ang bag sa ibabaw ng salaming mesa. Naupo ito sa upuan sa harap niya at nagbukas ng isa sa mga magazines doon. “How’s life without me, Ricky?”“Perfect,” aniya. “Just perfect.
Read more

Chapter 100

“OH, hija, hindi ka pa ba matutulog?”Muntik nang malaglag ang hawak na cellphone ni Sahara nang marinig ang tinig ni Manang V at makitang nakatayo na ito sa kanyang harapan at may kung ano’ng kulay puti sa buong mukha, nakasuot ng mahabang pantulog na may disenyong maliliit na bulaklak. Madilim na ang kabuuan ng penthouse maliban na lamang sa maliliit na ilaw sa mga sulok niyon maging sa lampshade sa kanyang tabi.“Alas diyes na at ako’y mauuna na sa iyong matulog ha?”Tumango siya. “S-sige po.”“Bakit kasi hindi mo pa tawagan o kaya i-text si Armando. May numero ka naman niya, hindi ba? Nang malaman mo kung ano’ng oras siya uuwi.”“Hihintayin ko na lang siya Manang,” sabi niya. Umayos siya ng upo at muling tiningnan ang cellphone, nagbabakasakali na mayroong mensahe mula kay Mr. Tantoco, na imposible namang mangyari dahil hindi naman nito alam ang numer
Read more
PREV
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status