ANG pandalawahang mesa sa dulo ng café ang napili ni Ricky. Totoo nga ang sinabi nito na ekslusibo ang lugar at mabibilang lamang sa daliri ang mga tao na naroon.
Ang café ay nasa rooftop ng isang gusali na mayroong tatlumpung palapag kaya naman napakaganda ng backdrop ng lugar. Kumikinang ang mga ilaw sa ibaba na parang mga bituin at malamig ang simoy ng hangin. Sa isang iglap, parang nawala ang lahat ng alalahanin ni Sahara lalo na sa tuwing titingnan niya ang mala-postcard na tanawin. Maliban sa mangilan-ngilang maliliit na ilaw sa kisame ay wala nang iba pang nagbibigay-liwanag sa café. May kadiliman, tahimik - na tila bagay na bagay sa mga tulad nilang may inililihim.
Sahara chose her favorite deep green dress with pink blossoms design and subtle pleat detail while Ricky wore his usual – navy blue long sleeves polo with maroon dotted necktie and black slacks. That night, they were an image of an ideal couple at sigu
MATAGAL-tagal na rin mula nang huling makatuntong si Sahara sa ibabaw ng entablado at makakanta kaya naman nang mga oras na iyon ay parang gusto na lamang niyang bumaba at tumakbo palabas ng napakagandang bulwagan.The entire ballroom was big enough to accommodate a hundred guests. Nasa unang palapag iyon ng mismong condominium na tinitirahan nila at kung hindi dahil sa imbitasyon ni Mr. Tantoco ay hindi niya malalaman na mayroon palang ganoon kaganda at ka-elegante’ng bulwagan sa loob mismo ng gusali.Ni isa ay wala siyang kilala sa mga imbitado, maliban na lamang kay Ricky at sa punong-abala na si Mr. Armando Tantoco. Lahat ng kalalakihan ay nakasuot ng Amerikana at mangilan-ngilan lamang ang naka-Barong Tagalog samantalang ang mga karamihan sa mga naggagandahang kababaihan ay nagkikintaban sa mga suot na mamahaling alahas. Bukod sa mga Pilipino ay iba’t-iba rin ang lahi ng mga naroon – mga Tsino, Amerikano, Mehikano, Espanyol, Brit
“G-GIRLFRIEND?Nababaliw ka na ba, Mr. Tantoco?” kunut-noong tanong ni Sahara habang hinihila siya ni Armando palayo sa karamihan ng mga tao. Ilang sandali pa ay narating na nila ang elevator at nang makapasok sila sa loob ay mabilis na binawi ni Sahara ang braso sa pagkakahawak nito.“I just saved your life back there, Miss Smith. The least you could do is thank me,” pormal nitong sabi nang hindi tumitingin sa kanya.“I didn’t ask you to save my life,” mataray niyang sagot.At iyon ang tila nakakuha ng atensiyon ni Armando dahil napatingin ito sa kanya. Bahagya itong ngumiti. “You don’t know Martina and you don’t know what she’s capable of. May hinala siyang ikaw ang babae ni Ricky at sa oras na mapatunayan niya iyon, hindi siya magdadalawang-isip na ipakulong ka. She may look like an angel but she can easily make your life a living hell, Miss Smith, that I am sure.”
HALOStatlumpung-minuto nang nakatayo si Sahara sa ilalim ng dutsa habang patuloy lamang sa pag-iisip.Kung noon siguro, madali siyang makakapagdesisyon na tanggapin ang tulong ni Mr. Tantoco at tuluyang iwan si Ricky. Pero hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit ngayon ay hirap na hirap siya sa sitwasyon. Ibig bang sabihin noon ay nagbago na talaga siya? Na kaya na niyang lumimot at magpatawad at magmahal nang totoo?Umiiling-iling na isinara ni Sahara ang dutsa at nagsimula nang magpunas ng buhok at buong katawan. Nagsuot na siya ng roba at nag-ayos na para sa umagahan. Kabilin-bilinan ni Armando kagabi na kailangan, alas sais ng umaga ay handa na siya para sa almusal dahil mayroon siyang mga importanteng bagay na dapat malaman. Sa totoo lang, nag-aalala siya sa kung ano ang mangyayari. Kahit pa nag-alok ito ng tulong, marami pa rin siyang alinlangan. Paano kung katulad rin ni Mr. Tantoco si Ricky? Paano kung saktan lang rin siya nito?
“LOVELYevening, isn’t it?”Sinundan lamang ng tingin ni Ricky si Martina habang palapit ito sa kanyang kinatatayuan. Gusto sana niyang ipatawag ang kanyang sekretarya at tanungin kung bakit nito pinapasok ang asawa dahil alas siyete na noon ng gabi. Pero huli na ang lahat, nasa loob na ng opisina niya si Martina, bitbit ang mamahalin nitong bag.Martina hasn’t changed a bit, he realized. At the age of 47, she still carries herself well. Still classy, still stunning. Maging ang paraan ng pagdadala nito sa sarili ay hindi pa rin nagbabago. Siguro nga, kung may nagbago man, iyon ay ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa.“So, how is it going?” masaya nitong tanong matapos nitong ilapag ang bag sa ibabaw ng salaming mesa. Naupo ito sa upuan sa harap niya at nagbukas ng isa sa mga magazines doon. “How’s life without me, Ricky?”“Perfect,” aniya. “Just perfect.
“OH, hija, hindi ka pa ba matutulog?”Muntik nang malaglag ang hawak na cellphone ni Sahara nang marinig ang tinig ni Manang V at makitang nakatayo na ito sa kanyang harapan at may kung ano’ng kulay puti sa buong mukha, nakasuot ng mahabang pantulog na may disenyong maliliit na bulaklak. Madilim na ang kabuuan ng penthouse maliban na lamang sa maliliit na ilaw sa mga sulok niyon maging sa lampshade sa kanyang tabi.“Alas diyes na at ako’y mauuna na sa iyong matulog ha?”Tumango siya. “S-sige po.”“Bakit kasi hindi mo pa tawagan o kaya i-text si Armando. May numero ka naman niya, hindi ba? Nang malaman mo kung ano’ng oras siya uuwi.”“Hihintayin ko na lang siya Manang,” sabi niya. Umayos siya ng upo at muling tiningnan ang cellphone, nagbabakasakali na mayroong mensahe mula kay Mr. Tantoco, na imposible namang mangyari dahil hindi naman nito alam ang numer
SAHARAdid the grocery, prepared the ingredients and cooked that night. She was also the one who picked the china and silverware and made sure that everything’s in order. She’s feeling giddy and she’s not sure whether she’d like it or not. Matagal-tagal na rin mula nang nakaramdam siya nang ganito, kahit pa nga hindi niya alam kung bakit. She’s not the type who makes an effort especially for a man but tonight, she’s being everything she’s not.Ayaw na ayaw niya ang naghihiwa at nagluluto dahil pakiramdam niya ay napakalagkit niya pagkatapos. Hindi rin niya gusto ang namimili sa grocery dahil ayaw niya nang nakikipagsiksikan at naghihintay sa mahabang pila sa cashier. Pero heto siya, namili, naghiwa, nagluto. Para lamang kay Mr. Armando Tantoco.Everything’s set. The food, the table. Herself. She put on her simple black nightdress and made sure that she’s wearing her most expensive perfume. Ano
HINDIinaasahan ni Sahara na maaabutan pa niya si Mr. Tantoco sa condo nang umaga’ng iyon. She didn’t have breakfast on purpose, didn’t go out early on purpose because she didn’t want to see him, on purpose. Gusto niyang umalis na lang nang araw na iyon at makabalik nang hindi nalalaman ni Armando.“May lakad ka?” mapanuri nitong tanong. Hindi ito nakatingin sa kanya, sa halip ay sa mga folders na naroon sa mesa.“Oo…sana.”“Hindi ka muna mag-a-almusal?”“Hindi na siguro.” Inaasahan na ni Sahara ang pag-uusisa nito, ang sunud-sunod nitong tanong pero wala. Nanatili lamang itong tahimik, abala sa pag-aayos ng gamit sa loob ng attaché case.“Use either the Land Rover or the BMW. Do you drive? Do you have a license?”Umiling siya. “Hindi mo man lang ba itatanong kung saan ako pupunta?” Noon pa niya gustong matuto&r
“SAHARA, may gustong kumausap sa’yo.”Sa halip na sumagot ay inubos niya ang whiskey sa kanyang baso. Nilingon niya ang manager nilang si Mr. Art na naupo sa kanyang tabi. Malaking lalaki ito, payat at singkit ang mga mata. Bukod sa pagiging isa sa mga may-ari ng club na kinakantahan niya ngayon ay isa rin itong talent manager. Matagal na niya itong kilala dahil na rin sa pagkanta-kanta niya noon pa, at parati itong bukas sa mga tulad niyang nangangailangan ng biglaang mapagkakakitaan.“Importante raw. Handang magbayad ng malaki, makausap ka lang,” nakangiting sabi ni Mr. Art. Um-order rin ito ng whiskey para sa sarili.“Usap lang talaga?” paninigurado niya. Dahil hindi lang naman iyon ang unang pagkakataon na nangyari ang ganoon, na may handang magbayad ng malaki, makausap lang siya. Papayag siya sa simula pero sa huli, hindi lang pala pag-uusap ang gusto ng mga into’ng mangyari.“Usa