MATAGAL-tagal na rin mula nang huling makatuntong si Sahara sa ibabaw ng entablado at makakanta kaya naman nang mga oras na iyon ay parang gusto na lamang niyang bumaba at tumakbo palabas ng napakagandang bulwagan.
The entire ballroom was big enough to accommodate a hundred guests. Nasa unang palapag iyon ng mismong condominium na tinitirahan nila at kung hindi dahil sa imbitasyon ni Mr. Tantoco ay hindi niya malalaman na mayroon palang ganoon kaganda at ka-elegante’ng bulwagan sa loob mismo ng gusali.
Ni isa ay wala siyang kilala sa mga imbitado, maliban na lamang kay Ricky at sa punong-abala na si Mr. Armando Tantoco. Lahat ng kalalakihan ay nakasuot ng Amerikana at mangilan-ngilan lamang ang naka-Barong Tagalog samantalang ang mga karamihan sa mga naggagandahang kababaihan ay nagkikintaban sa mga suot na mamahaling alahas. Bukod sa mga Pilipino ay iba’t-iba rin ang lahi ng mga naroon – mga Tsino, Amerikano, Mehikano, Espanyol, Brit
“G-GIRLFRIEND?Nababaliw ka na ba, Mr. Tantoco?” kunut-noong tanong ni Sahara habang hinihila siya ni Armando palayo sa karamihan ng mga tao. Ilang sandali pa ay narating na nila ang elevator at nang makapasok sila sa loob ay mabilis na binawi ni Sahara ang braso sa pagkakahawak nito.“I just saved your life back there, Miss Smith. The least you could do is thank me,” pormal nitong sabi nang hindi tumitingin sa kanya.“I didn’t ask you to save my life,” mataray niyang sagot.At iyon ang tila nakakuha ng atensiyon ni Armando dahil napatingin ito sa kanya. Bahagya itong ngumiti. “You don’t know Martina and you don’t know what she’s capable of. May hinala siyang ikaw ang babae ni Ricky at sa oras na mapatunayan niya iyon, hindi siya magdadalawang-isip na ipakulong ka. She may look like an angel but she can easily make your life a living hell, Miss Smith, that I am sure.”
HALOStatlumpung-minuto nang nakatayo si Sahara sa ilalim ng dutsa habang patuloy lamang sa pag-iisip.Kung noon siguro, madali siyang makakapagdesisyon na tanggapin ang tulong ni Mr. Tantoco at tuluyang iwan si Ricky. Pero hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit ngayon ay hirap na hirap siya sa sitwasyon. Ibig bang sabihin noon ay nagbago na talaga siya? Na kaya na niyang lumimot at magpatawad at magmahal nang totoo?Umiiling-iling na isinara ni Sahara ang dutsa at nagsimula nang magpunas ng buhok at buong katawan. Nagsuot na siya ng roba at nag-ayos na para sa umagahan. Kabilin-bilinan ni Armando kagabi na kailangan, alas sais ng umaga ay handa na siya para sa almusal dahil mayroon siyang mga importanteng bagay na dapat malaman. Sa totoo lang, nag-aalala siya sa kung ano ang mangyayari. Kahit pa nag-alok ito ng tulong, marami pa rin siyang alinlangan. Paano kung katulad rin ni Mr. Tantoco si Ricky? Paano kung saktan lang rin siya nito?
“LOVELYevening, isn’t it?”Sinundan lamang ng tingin ni Ricky si Martina habang palapit ito sa kanyang kinatatayuan. Gusto sana niyang ipatawag ang kanyang sekretarya at tanungin kung bakit nito pinapasok ang asawa dahil alas siyete na noon ng gabi. Pero huli na ang lahat, nasa loob na ng opisina niya si Martina, bitbit ang mamahalin nitong bag.Martina hasn’t changed a bit, he realized. At the age of 47, she still carries herself well. Still classy, still stunning. Maging ang paraan ng pagdadala nito sa sarili ay hindi pa rin nagbabago. Siguro nga, kung may nagbago man, iyon ay ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa.“So, how is it going?” masaya nitong tanong matapos nitong ilapag ang bag sa ibabaw ng salaming mesa. Naupo ito sa upuan sa harap niya at nagbukas ng isa sa mga magazines doon. “How’s life without me, Ricky?”“Perfect,” aniya. “Just perfect.
“OH, hija, hindi ka pa ba matutulog?”Muntik nang malaglag ang hawak na cellphone ni Sahara nang marinig ang tinig ni Manang V at makitang nakatayo na ito sa kanyang harapan at may kung ano’ng kulay puti sa buong mukha, nakasuot ng mahabang pantulog na may disenyong maliliit na bulaklak. Madilim na ang kabuuan ng penthouse maliban na lamang sa maliliit na ilaw sa mga sulok niyon maging sa lampshade sa kanyang tabi.“Alas diyes na at ako’y mauuna na sa iyong matulog ha?”Tumango siya. “S-sige po.”“Bakit kasi hindi mo pa tawagan o kaya i-text si Armando. May numero ka naman niya, hindi ba? Nang malaman mo kung ano’ng oras siya uuwi.”“Hihintayin ko na lang siya Manang,” sabi niya. Umayos siya ng upo at muling tiningnan ang cellphone, nagbabakasakali na mayroong mensahe mula kay Mr. Tantoco, na imposible namang mangyari dahil hindi naman nito alam ang numer
SAHARAdid the grocery, prepared the ingredients and cooked that night. She was also the one who picked the china and silverware and made sure that everything’s in order. She’s feeling giddy and she’s not sure whether she’d like it or not. Matagal-tagal na rin mula nang nakaramdam siya nang ganito, kahit pa nga hindi niya alam kung bakit. She’s not the type who makes an effort especially for a man but tonight, she’s being everything she’s not.Ayaw na ayaw niya ang naghihiwa at nagluluto dahil pakiramdam niya ay napakalagkit niya pagkatapos. Hindi rin niya gusto ang namimili sa grocery dahil ayaw niya nang nakikipagsiksikan at naghihintay sa mahabang pila sa cashier. Pero heto siya, namili, naghiwa, nagluto. Para lamang kay Mr. Armando Tantoco.Everything’s set. The food, the table. Herself. She put on her simple black nightdress and made sure that she’s wearing her most expensive perfume. Ano
HINDIinaasahan ni Sahara na maaabutan pa niya si Mr. Tantoco sa condo nang umaga’ng iyon. She didn’t have breakfast on purpose, didn’t go out early on purpose because she didn’t want to see him, on purpose. Gusto niyang umalis na lang nang araw na iyon at makabalik nang hindi nalalaman ni Armando.“May lakad ka?” mapanuri nitong tanong. Hindi ito nakatingin sa kanya, sa halip ay sa mga folders na naroon sa mesa.“Oo…sana.”“Hindi ka muna mag-a-almusal?”“Hindi na siguro.” Inaasahan na ni Sahara ang pag-uusisa nito, ang sunud-sunod nitong tanong pero wala. Nanatili lamang itong tahimik, abala sa pag-aayos ng gamit sa loob ng attaché case.“Use either the Land Rover or the BMW. Do you drive? Do you have a license?”Umiling siya. “Hindi mo man lang ba itatanong kung saan ako pupunta?” Noon pa niya gustong matuto&r
“SAHARA, may gustong kumausap sa’yo.”Sa halip na sumagot ay inubos niya ang whiskey sa kanyang baso. Nilingon niya ang manager nilang si Mr. Art na naupo sa kanyang tabi. Malaking lalaki ito, payat at singkit ang mga mata. Bukod sa pagiging isa sa mga may-ari ng club na kinakantahan niya ngayon ay isa rin itong talent manager. Matagal na niya itong kilala dahil na rin sa pagkanta-kanta niya noon pa, at parati itong bukas sa mga tulad niyang nangangailangan ng biglaang mapagkakakitaan.“Importante raw. Handang magbayad ng malaki, makausap ka lang,” nakangiting sabi ni Mr. Art. Um-order rin ito ng whiskey para sa sarili.“Usap lang talaga?” paninigurado niya. Dahil hindi lang naman iyon ang unang pagkakataon na nangyari ang ganoon, na may handang magbayad ng malaki, makausap lang siya. Papayag siya sa simula pero sa huli, hindi lang pala pag-uusap ang gusto ng mga into’ng mangyari.“Usa
“SAHARA!”Pinilit ni Sahara na idilat nang husto ang mga mata. Pamilyar ang boses niyon, narinig na niya iyon pero hindi niya masigurado kung saan o kailan. Mukhang bagung-bago ang suot na amerikana ng lalaking iyon at makintab ang sapatos nito. Sa unang tingin, aakalain mong isa itong kagalang-galang na lalaki. Lumapit siya sa kinatatayuan nito at nang ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kanya ay bigla siyang natigilan. Ayaw maniwala ng kanyang mga mata sa nakikita.“Ang tagal kitang hinanap, Sahara. Kung saan-saan na ‘ko nagpunta, dito lang pala kita makikita,” anito. Bukod sa pagkakagupit ng buhok nito at pagkakaroon ng balbas at bigote ay wala pa ring nagbago rito. “Kumusta ka na? Ang huli kong balita sa’yo, big time ka na eh. De-hatid-sundo ka pa nga ng BMW, hindi ba? Ano’ng nangyari sa’yo? Ano’ng ginagawa mo sa ganitong klaseng lugar? Kumakanta ka na ba uli?&rd
NAG-INATsiya at inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Saglit niyang isinara ang mga mata at tsaka kinapa ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Limang missed calls, apat na text messages, isang notification sa messenger - lahat ay galing sa iisang tao. Napangiti siya at napailing matapos maisilid ang telepono sa loob ng bag. Isa-isa na rin niyang inilagay ang mga gamit sa tote bag at inayos ang pagkakasuot ng salamin sa mata.Pagkatapos siguruhing patay na ang lahat ng ilaw sa shop at nakakandado na ang pinto ay lumakad na siya pauwi.Mangilan-ngilan na lang ang tao sa daan nang mga oras na iyon, mga galing sa trabaho na tulad niyang pauwi na sa kani-kanilang bahay. Iyon ang isa sa mga nagustuhan niya sa subdibisyon na ‘yon. Tahimik, simple. Malayung-malayo sa nakasanayan na niyang buhay sa Maynila. Ngayon, hindi na siya naghahangad ng marangyang buhay o ng kasikatan dahil ngayon, nasa kanya na ang pinakamahalagang bagay na sadyang nagi
“SHIT, Sahara, a-ano 'to? Ano'ng kalokohan 'to?”Hindi na namalayan ni Sahara na tumutulo na ang luha niya habang nakatutok kay Max ang hawak niyang baril. Kahit sina Ace at Armando ay napanganga sa pangyayari.“Sahara, baby...Ibaba mo ‘yan, baka pumutok ‘yan,” anito, iiling-iling. Akma itong lalapit sa kanya pero maagap siyang lumayo rito.“Ipuputok ko talaga ‘to, Max. Papatayin talaga kita, hayop ka!”“Come on, Sahara.” Sa halip na matakot ay natawa pa si Max. “Hindi ‘to kasama sa plano natin.”“Wala tayong plano, Max. Ikaw lang ang nag-plano ng lahat ng ‘to kaya huwag mo ‘kong idadamay sa kademonyohan mo!”Doon biglang nag-init ang dugo ni Max. Sinuntok nito ang mesa na agad na nagpadugo sa kamao nito. Pero tila wala itong sakit na naramdaman at nagawa pa nitong isalya ang mesa na nagpagulat sa kanya, dahilan para m
TUMAYOsi Max mula sa pagkakaluhod sa harap ni Sahara. Tinitigan siya nito nang mabuti at saka itinutok ang baril sa ulo ni Ace, at pagkatapos ay kay Armando.“So, Sahara, baby, nakapili ka na ba kung sino dito sa dalawang ito ang uunahin natin?”Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahang nagtaas ng tingin si Sahara. Natatabingan ng makapal na hibla ng buhok ang halos buong mukha nito kaya hindi masyadong maaninag ang ekspresyon ng dalaga.“Kung ako ang papipiliin, unahin ko na ‘tong mas bata. Kumukulo ang dugo ko sa tarantado’ng ‘to, eh.” Idiniin ni Max ang dulo ng baril sa sintindo ni Ace. “Ano, baby? Tuluyan ko na ‘to?”“Huwag!” Mula kay Ace ay binalikan niya ng tingin si Max.“Ah, etong si Tanda ba ang gusto mong mauna?” nakangising nitong tanong sabay tutok ng baril kay Armando. “Kung sa bagay, kaunting taon na lang rin naman ang itatagal n
“HUWAGkang gagawa ng kahit na ano’ng pagsisisihan mo.”Halos pabulong iyong sinabi ni Max habang matalim ang pagkakatingin sa kanya. Pilit siya nitong pinaupo sa kama at agad itong tumabi sa kanya. Pormal na pormal ito sa suot na maroon na polo na pinatungan ng itim na blazer, itim na slacks at makintab na itim na balat na sapatos. Kung hindi niya ito kilala ay mapagkakamalan niya itong may mataas na posisyon sa isang malaking kompanya. He looked elegant and respectable, which was quite contradictory to his character.Matapos magpaalam kay Manang V na magliliwaliw kasama ng mga ka-trabaho ay tumuloy na siya sa parking area ta nagpahatid sa The Forum kung saan naroon ang opisina ng kanilang modelling agency.It was already her routine, actually. She goes to The Forum, have a cup of coffee, goes to the adjacent shopping center and spend at least 15 minutes there. She then takes a cap going to
DAHAN-DAHANGbinuksan ni Sahara ang mga mata at inaninag ang madilim na paligid. Wala siyang makita maliban na lamang sa repleksiyon ng buwan na kumikislap sa salamin ng basag na bintana at ang mga bubog ng mga iyon sa sahig. Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya iyon magawa dahil sa mahigpit na pagkakatali ng kanyang kamay sa kanyang likuran. Maging ang paa niya ay nakatali rin at nang tatangkain niyang sumigaw para humingi ng tulong ay tanging ungol lamang ang kanyang nakayanan. Mahigpit ang pagkakabusal sa kanyang bibig at tulad ng pagkakatali sa kanyang kamay at paa, kahit ano’ng pilit niyang tanggalin iyon ay hindi niya kaya. Napapikit siya nang biglang makaramdam ng matinding kirot sa sintido, na lumalala sa tuwing sinusubukan niyang gumalaw.Pilit niyang inisip kung ano ang nangyari at kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Ang huli lang niyang naaalala ay nagpunta siya sa restaurant para makipagkita kay Ace pero sa halip na si Ace ay
“SORRYif I wasn’t able to answer your call last night. Nakatulog agad ako pagdating ko from the shoot.”Pabulong iyon, para hindi marinig ni Armando na noon ay mahimbing nang natutulog sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang umupo sa kama, isinuot ang roba at pumunta sa balkonahe para doon ituloy ang tawag.“It’s late, bakit gising ka pa?” tanong niya sa kausap sabay tingin sa suot na wristwatch. Mag-a-alas tres na ng umaga at ilang oras na lamang ay gigising na si Armando. Kahit Sabado ay nakagawian na nitong gumising ng maaga para asikasuhin ang mga halaman nito sa hardin.“I just got back from the airport. Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog.”Napangiti siya. He never fails to make her heart flutter, especially these past few days while he’s away for business. He made it a point to call her whenever possible and there were times when they video call each other and
“DOyou want me to stay for the night?” tanong ni Ace matapos patayin ang makina ang kotse.Pagkatapos manood ng sine ay niyaya siya nito sa isang exclusive bar na pagmamay-ari ng kaibigan nito. Dalawang araw nang wala si Armando dahil sa pag-aasikaso nito sa bago nitong itinatayong negosyo sa Palawan kaya ngayon na lang uli sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita ng dalaga.Things haven’t been good between the two of them lately because of several reasons, one of which is their setup. He hates it every time he wanted to see her but she couldn’t because of his Dad. May mga pagkakataon rin na kahit may chance silang magkita ay ayaw ni Sahara dahil natatakot raw itong baka malaman ng kanyang ama.“Are you sure?” muling tanong ni Ace.Tumango lang si Sahara. Though she wanted very much to spend more time with Ace, she just couldn’t. She had a few drinks and feels like everything around her is moving. A
KITANG-KITAng dalawang mata ni Karen ang pagdating ni Sahara nang gabing iyon, ang pag-uusap ng dalawa, lalo na ang pag-iyak ni Baste sa balikat ng dating kasintahan. It shouldn’t really bother her but it did. Big time. It felt like a part of her was crushed inside while watching the two reunite.“I’ve never seen you cry like that since your Mom died,” she commented, almost in a whisper.It took her a while before she was able to talk to Sebastian about it and now, she almost regrets it. Tinapunan siya ng tingin ni Sebastian matapos humigop ng kape. Nang muli lamang itong tumungo, alam na ni Karen ang ibig no’ng sabihin - na ayaw na nitong pag-usapan pa ang tungkol doon.“I’m sorry, it’s just that...” Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito. “Ngayon lang kita nakitang umiyak nang gano’n in front of your Mom’s coffin. All along, I thought you were holding up just fi
ALAMni Sahara na hindi na dapat siya nagpunta pa roon dahil alam naman niya na hindi na siya welcome sa buhay ng mga ito. Pero nang makita niya sa balita ang tungkol doon ay hindi napigilan ang sarili. After all, Baste had been a huge part of her life and nothing is going to change that.Sahara was shocked upon learning the news and she couldn’t help but visit the wake to give respect and extend her condolences to Baste. Nang makarating siya sa chapel ay halos mapuno ng tao ang kabuuan ng lugar kung saan nakalagak ang mga labi ng ina ng dating kasintahan. Sa unang tingin pa lamang ay halata na’ng may mga kaya sa buhay ang mga naroon - sa paraan ng pananamit, pagkilos at pananalita. Most were Mr. Montinola’s colleagues while the others were Karen’s elite friends.Bilang isa sa mga nangungunang kandidato sa pagkasenador, naging bahagi na ng balita ang pangalang Agusto Montinola at lahat ng mga mahahalagang pangyayari sa buha