“Kuya Lucio, may makukuha pa kayang taxi ngayon?” Nanlaki ang mga mata ni Lucio, na siyang bartender ng restaurant. Maliit ito sa kanya, maitim, payat. Masayahin rin ito, mahilig magpatawa na kahit ganoong bumabagyo ay biro pa rin ito nang biro. “Naku ma’am! Wala na po tayong makukuhang taxi, o kahit na anong sasakyan ngayon! Eh kalakas ng ulan o! Tiyak na baha na po sa labas niyan! Kung gusto ninyo, bangka, baka meron akong ma-para riyan sa labas, hehe.”Napangiti siya, maging ang mga kasamahan nito.“Heto oh, kakatext lang ng kapatid ko, bahang-baha na raw ang mga daan papunta dito sa atin sa Antipolo. Kahit nga po ‘yung ibang dapat na mag-che-check out ngayon, ipinagpaliban na lang bukas. Ang mabuti pa, dito na kayo magpalipas ng gabi. Tiyak, bukas e
Read more