NAISTORBO ang pagbibihis ni Sahara nang umagang iyon sa malakas na tawanan sa labas ng kanyang kuwarto. Nang buksan niya ang pinto ay nagulat pa siya nang makita si Michaela na may kaharutang lalaki. Si Max. Sa sobrang gulat ay hindi na niya nakayanang makagalaw sa kinatatayuan, samantalang inaasahan na dapat niya iyon, na simula ngayon ay makikita na niya si Max sa bahay araw-araw.“Oh, Sahara, gising ka na pala. Tamang-tama, sumabay ka na sa aming mag-almusal ng Kuya Max mo,” nakangiting bati ng kanyang pinsan, na isa pa niyang ikinagulat. Ngayon lang kasi iyon nangyari sa loob ng apat na taon niyang pananatili roon. Ah, oo nga pala, nagiging maganda ang turing nito sa kanya sa tuwing naroon ang nobyo nitong si Max. Hindi pa rin natitinag si Sahara sa pagkakatayo, nakatingin lang siya sa mag-kasintahan. At nang tapunan niya ng tingin si Max na noon ay nasa likod ng pinsan, napakaganda ng pagkakangiti nito na tila nanalo sa lotto. An
Read more