Share

Sahara's Dirty Little Secrets
Sahara's Dirty Little Secrets
Author: M. Wilde

Chapter 1

Author: M. Wilde
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

NAGPALINGA-LINGA si Sahara sa bintana ng kotse dahil alam niyang anumang oras ay maaaring may makakita sa kanila doon sa parking area. 

“Lee…” bulong niya rito. Pilit niyang itinaas ang mukha nito at pinaharap sa kanya. “Kailangan ko nang umuwi.”

“Hmm…ten minutes pa baby, please,” mahina nitong sagot. He smelled good and actually looked good. He’s a lot taller than she is and even if he’s in his late 30s, he’s got toned muscles and perfect abs. She has seen him at the bar a couple of times now and by the way he looks at her every time she sings, she knew that he’s got hots for her.

Sahara Smith is half-American, half-Filipina and she got her physical attributes from her father – from her vivid light green eyes to her rose-tinged ivory skin. Just one glance from her and guys go crazy. She’s just eighteen years old but she looked like an all-grown up woman. Just like what her best friend said, she could easily be a model in one of those men’s magazines. That’s how sexy Sahara is – she knew it and she loves the attention she gets from it.

They had shared drinks, conversations and more. Lee seemed kind and well-off. His fashion sense looked like it, even his SUV screamed luxury. For Sahara, Lee is a good catch – rich and good looking and she’d be crazy if she won’t take the chance. 

“Are you ready for me?” bulong nito sa kanyang tainga. 

Nginitian lang niya iyon at umiling. Mabilis niyang inayos ang sarili nang mamataan ang pagdating ng pulang kotse ni Karen. “Sorry, time’s up. Nandiyan na ‘yung sundo ko.” Napamaang si Lee at hindi na ito nakagalaw pa nang binuksan niya ang kotse at lumabas mula roon. “Bye!”

“Hey Sahara wait! Can I call you?” 

“Sure!” sigaw niya habang palayo.

“But I don’t have your number!”

“Aw, too bad!” tugon niya sabay kindat dito. Nakita na lang niya si Lee na napakamot na lamang ng ulo.

Halos patakbo niyang sinalubong si Karen na noon ay nakakunot ang noo. Nakasandal ito sa kulay pula nitong kotse, nakakahalukipkip.

“What took you so long?” tanong niya rito. Agad siyang sumakay sa passenger seat at hinintay ang kaibigan na makapasok sa loob.

“Kagigising ko lang. Kasi naman, magte-text ka, dis-oras ng gabi.”

“Kasi naman, biglaan. Malay ko bang masyadong mabilis ‘yung Lee na ‘yon.”

“Sus, alam mo namang ganyan ang lahat ng mga lalaki pagdating sa iyo, kunwari ka pa,” napapailing na sabi ni Karen. 

Lee is more than a decade older but he’s got the charm and the vigor of an eighteen-year-old. He was just supposed to be a challenge, a bet. She was dared by her friends to seduce him and being the great seductress as she was, she successfully did the job in a snap of a finger. 

“So, sa unit ka ba tonight?”

Umiling siya. “May exam kami bukas. Hindi pa ako nagre-review.”

Iniliko ni Karen ang manibela para tahakin ang daan papunta sa bahay na tinutuluyan niya. “Ayan, may exam ka pa bukas, bakit ka gumimik?” napapailing nitong tanong. “Hay bakit pa nga ba ako nagtatanong? What’s new?”

“Hindi ako gumimik, Karen. May gig ako tonight. Kailangan kong kumita ng extra kasi nga, exam week na.”

“Oh, eh ‘yung pinahiram ko sa iyo last week?” kunut-noo nitong tanong. Ilang sandali lamang ay nasa tapat na sila ng bahay ng kanyang Tita Felicidad, kung saan siya tumutuloy simula noong mag-kolehiyo siya apat na taon na ang nakararaan. 

“Nagkasakit uli ang Nanay, eh kaya nagpadala ako sa probinsiya. Kailangan niya agad ng gamot.” Binuksan niya ang pinto ng kotse at bababa na sana nang hawakan nito ang braso niya at pigilan siyang makalabas.

“How much do you need?”

That’s Karen, Sahara’s best friend ever since she worked as a singer at The Lounge. Katulad niya itong matangkad, maganda at katulad niya, marami ring lalaki ang nahuhumaling rito. And just like her, Karen is single, and available. Pero wala raw sa isip nito ang pakikipagnobyo. Karen is just as liberated as she is and for them, relationships are a hassle and they don’t like that.

Marahang binuksan ni Sahara ang pinto ng bahay at maingat rin niyang isinara iyon. Ayaw niyang magising ang pinsan niyang si Michaela dahil tiyak na walang-patid na sermon na naman ang makukuha niya mula rito. Tumingin siya sa wall clock, it’s 12 midnight.  And she had to review for her exam tomorrow. 

Padabog niyang inilapag ang shoulder bag sa kanyang kama, agad na hinubad ang high heels at marahang minasahe ang masakit na mga paa. Kung bakit ba naman kasi pinanganak siyang mahirap, madalas niyang itanong sa sarili. Naturingan nga siyang anak ng ‘Kano, pero kailangan pa rin niyang kumayod para lamang mabuhay at matustusan ang mahal niyang nanay na nasa probinsiya. 

Sanggol pa lamang si Sahara nang iwan sila ng kanyang ama. Simula noon ay hindi na niya ito nakita at hanggang ngayon, wala pa rin siyang balita rito. Naisip niya, kung hindi siguro sila iniwan ng amang Amerikano ay hindi siya maghihirap nang ganoon, hindi niya kailangang pagsabayin ang pag-aaral ang pagtatrabaho. At hindi niya kailangang makitira sa bahay na iyon at makibagay kay Michaela na tila parating may dalaw sa sobrang sungit.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay hindi yata siya nakakaligtas sa mga sigaw at sermon nito. Kesyo nakakasikip raw siya sa bahay na iyon samantalang napakalaki ng bahay para sa kanila, at palamunin siya samantalang sariling pera naman niya ang ginagamit niya para sa pagkain at madalas nga ay sa labas na siya kumakain para wala na siyang marinig mula rito. 

Akala mo kung sinong maganda, mukha namang piranha.

Nakausli kasi ang nguso nito at parang nakagat ng bubuyog sa laki. Lumaki ito sa luho at nakukuha nito ang lahat ng gusto dahil sa ina nito na nasa Amerika. Pero mas di hamak na mas mukha siyang mayaman rito at kung hindi pa sa tulong ng gluta injections at kung anu-anong pampaputi, malamang ay kasing-itim ito sa kasambambahay nilang si Nelia, na isang anak ng African-American. Kataka-taka nga na may nagkagusto pa rito – si Max.

Ah, si Max. Ang lalaking parating laman ng kanyang panaginip. Ang nagmulat sa sa kanya sa lahat, ang dahilan ng lahat.

Sinadya ni Sahara na gabi na umuwi para tulog na si Michaela pagdating niya sa bahay. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at mabilis an umakyat ng hagdan. Magtutuluy-tuloy na sana siya sa kanyang kuwarto nang may marinig siyang ingay na nagmumula sa silid ng pinsan. Saglit siyang napahinto at kinakabahang idinikit ang tainga sa pinto.

Hindi siya maaaring magkamali, ungol iyon ni Michaela at pamilyar sa kanya kung ano ang dahilan ng ganoong klaseng ungol. Pero bakit at paano, samantalang wala namang tao roon maliban sa pinsan? Ah, she’s probably imagining things. Pero nang muli niyang inilapat ang tainga sa pinto ay hindi lamang ang ungol ni Michaela ang narinig niya. Boses iyon ni Max, hindi siya maaaring magkamali. Alam na alam niya ang pamilyar na mababang boses nito. 

Habang nakatayo sa harap ng pinto ng kuwarto ni Michaela ay bigla, bumalik sa kanyang alaala ang unang pagkakataon na nasaksihan niya ang bagay na hindi dapat, ang bagay na naging simula ng kanyang masalimuot na buhay halos apat na taon na ang nakararaan…

Kaugnay na kabanata

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 2

    Kinaumagahan ay tinanghali ng gising si Sahara dahil sa mga maling bagay na hindi maalis sa kanyang utak. Agad siyang nagtungo sa kusina pagkatapos maligo para magluto ng almusal. Laking pasalamat niya nang wala si Michaela paggising niya. Walang magse-sermon, walang maninigaw.“Good morning, Sahara.”Muntik nang mahulog ang hawak niyang kaldero nang marinig ang mababang boses na iyon. Humarap siya rito at nakitang nakatayo sa kanyang harapan si Max.“Naghanda na ako ng breakfast kaya huwag ka nang magluto,” nakangiti nitong sabi.Naroon sa hapag ang pritong itlog at sausages na hindi niya napansin kanina. Muli niyang ibinalik ang kaldero sa cabinet sa ibaba ng lababo at kumuha ng pinggan at kubyertos. Nang makakuha na ng pagkain ay naupo na siya.May pasok ka ba ngayon?”Marahan siyang umiling. Hindi niya alam kung paanong ayos ang kanyang ga

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 3

    NAISTORBO ang pagbibihis ni Sahara nang umagang iyon sa malakas na tawanan sa labas ng kanyang kuwarto. Nang buksan niya ang pinto ay nagulat pa siya nang makita si Michaela na may kaharutang lalaki. Si Max. Sa sobrang gulat ay hindi na niya nakayanang makagalaw sa kinatatayuan, samantalang inaasahan na dapat niya iyon, na simula ngayon ay makikita na niya si Max sa bahay araw-araw.“Oh, Sahara, gising ka na pala. Tamang-tama, sumabay ka na sa aming mag-almusal ng Kuya Max mo,” nakangiting bati ng kanyang pinsan, na isa pa niyang ikinagulat. Ngayon lang kasi iyon nangyari sa loob ng apat na taon niyang pananatili roon. Ah, oo nga pala, nagiging maganda ang turing nito sa kanya sa tuwing naroon ang nobyo nitong si Max.Hindi pa rin natitinag si Sahara sa pagkakatayo, nakatingin lang siya sa mag-kasintahan. At nang tapunan niya ng tingin si Max na noon ay nasa likod ng pinsan, napakaganda ng pagkakangiti nito na tila nanalo sa lotto. An

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 4

    “K-KUYA-““Shh…” Itinaas ni Max ang kanang kamay nito at maingat na hinaplos ang kanyang pisngi. “Hindi kita pipilitin. Kung hindi mo gusto, hindi ko gagawin. Ngayon, tatanungin kita, Sahara…gusto mo bang halikan kita?”Oo, noon pa niya gustong malaman kung ano ang pakiramdam ng halikan, lalo na kung paano ang halikan ni Max. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang pinangarap iyon at paulit-ulit na pinapantasya, lalo na matapos niyang masaksihan ang hindi dapat doon sa kuwarto ni Michaela. Oo, gusto niyang halikan siay nito pero hindi iyon tama. “Pero kuya-““Max na lang kapag tayong dalawa, okay?” marahan nitong sabi. “So, gusto mo o ayaw mo?”Ipinikit niya ang kanyang mga mata bilang tugon - dahil sa kahihiyan, at dahil parang ayaw na niyang malaman kung ano ang susunod na mangya

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 5

    “UY, ang lalim ng iniisip natin, ah,” bulong ni Baste kay Sahara dahil kanina pa nakatingin sa kanila ang lalaki'ng librarian sa hindi kalayuan.Sinimangutan niya iyon. Inayos na niya ang mga nakakalat na notebooks, libro at ballpen sa mesa. Naroon sila sa library at kanina pa niya pinipilit magbasa pero wala talagang pumapasok sa utak niya. “I’m sure bagsak ako sa exam natin kay Prof Del Mundo nung Monday.”Natawa si Baste. “Paano ka naman nakasigurado?”“Dahil hindi ako nakapag-review.”“Ha?” gulat nitong tanong. Tinulungan siya nitong magligpit ng gamit at sabay na silang tumayo at lumabas ng library. Ito pa ang nagbuhat ng mga librong dala niya. “Hindi ba pinahiram kita ng notes? Eh, ano’ng ginawa mo buong weekend?”“Nagtrabaho,” simple niyang sagot. Dahil kung hindi siya magtatrabaho, hindi siya mabubuhay.Wala na

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 6

    NAABUTAN ni Sahara ang propesor na abala sa pagbabasa ng mga papel nang pumasok siya sa opisina nito nang hapong iyon. Nagulat na lamang siya nang pinasunod siya nito sa faculty center pagkatapos na pagkatapos ng klase nila kanina. Bahagya itong nag-angat ng tingin at inayos ang salamin sa mata.“Miss Smith.” Matigas ang pagkakasabi nito sa kanyang pangalan kaya lalo siyang kinabahan. Lalo pa nang hindi nito inalis ang atensiyon sa ginagawa. “Take a seat.”Agad naman siyang tumalima at mabilis na naupo sa upuang nasa harap ng mesa nito. Sa halip na sa propesor ay doon sa mesa niya itinuon ang mga mata. Hindi iyon ang unang pagkakataon na makapasok siya sa opisina nito pero hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin siya sa sobrang kaayusan niyon.Prof Del Mundo’s table was neat. Parang kabibili lamang nito dahil sa sobrang linis at kinang ng salamin sa ibabaw noon. Organisadong-organisado ang bawat gamit &ndash

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 7

    SINUNDAN ni Sahara si Baste doon sa bakanteng mesa sa dulong bahagi ng fast food. Tapos na ang klase nila, alas kuwatro na ng hapon. Maraming tao sa loob at kinailangan pang makipag-agawan ni Baste para lamang may maupuan sila.“Ano nang balak mo?” tanong nito sa kanya nang tuluyan na silang nakaupo. Iniayos ni Baste ang order nila sa ibabaw ng mesa – dalawang soda, dalawang fries at dalawang burger. Matapos nitong ilapag ang tray sa katabing mesa ay naupo na rin ito at iniabot sa kanya ang ilang piraso ng tissue. “Kailangan mong mag-summer niyan.”“Hindi ko na kayang mag-summer. Wala na kong budget,” sagot niya na parang wala lang. Kumuha siya ng fries at isinawsaw iyon sa ketsup na si Baste pa mismo ang nagbukas para sa kanya.“Eh paano, hindi ka ga-graduate?”“Ga-graduate.”Kinunutan siya ng noo ni Baste at tiningnan siyang mabuti. “Paano? Sabi n

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 8

    AFTER a couple of bottles of beer at The Lounge, Sahara decided to go home. Katulad ng nakagawian, marahan ang ginawa niyang pagbukas ng pinto at dahan-dahang pumasok hanggang sa kusina. Her body was dead tired but her mind wasn’t. Matapos maibaba ang mga gamit sa dining table at makakuha ng isang basong malamig na tubig ay saglit siyang naupo, sumandal at pumikit.What did just happen? She was not supposed to kiss Baste - not in the middle of the street at least. Mali ang pagkakataon, mali ang lugar, pati yata ang nangyari ay isang napakalaking pagkakamali. Paano na lang kung hindi na siya kausapin nito pagkatapos? Paano kung pagtawanan siya nito o kaya ay iwasan sa mga susunod na araw?Pero naisip rin niya, paano kung dahil sa ginawa niyang paghalik ay masabi nani Baste na gusto siya nito? Na matagal na rin pala siya nitong gusto pero nahihiya lang ito sa kanya dahil sa matagal na nilang pagiging magkaibigan?Hay, kung puwede

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 9

    KALAGITNAAN na ng pangalawang klase nila sa umagang iyon pero wala pa ring Baste na nakaupo sa tabi ni Sahara. Hindi ito ang tipo na basta-basta na lang a-absent, lalo na nang hindi nagsasabi sa kanya. She tried texting and calling him that morning pero wala.Bahagya niyang tinapunan ng tingin ang bakanteng silya sa kanyang kaliwa. Bakit ganoon, ilang oras pa lamang niya itong hindi nakikita ay parang ang lungkut-lungkot na sa pakiramdam?Napailing na lamang si Sahara nang mapagtanto ang katotohanang iba nga pala si Baste kumpara sa iba at hindi ito tulad ng ibang lalaki na kayang-kaya niyang akitin sa isang simpleng halik. O kahit sa isang simpleng mapang-akit na titig. He is the conservative type and he probably hates her now for what she had done. Baka iyon ang unang halik ni Baste at pakiramdam nito ay nasayang iyon dahil sa kanya. Siguro, na-turn off ito dahil hindi nito akalaing magagawa niya iyon.And she realized, this is it.

Pinakabagong kabanata

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 125 (EPILOGUE)

    NAG-INATsiya at inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Saglit niyang isinara ang mga mata at tsaka kinapa ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Limang missed calls, apat na text messages, isang notification sa messenger - lahat ay galing sa iisang tao. Napangiti siya at napailing matapos maisilid ang telepono sa loob ng bag. Isa-isa na rin niyang inilagay ang mga gamit sa tote bag at inayos ang pagkakasuot ng salamin sa mata.Pagkatapos siguruhing patay na ang lahat ng ilaw sa shop at nakakandado na ang pinto ay lumakad na siya pauwi.Mangilan-ngilan na lang ang tao sa daan nang mga oras na iyon, mga galing sa trabaho na tulad niyang pauwi na sa kani-kanilang bahay. Iyon ang isa sa mga nagustuhan niya sa subdibisyon na ‘yon. Tahimik, simple. Malayung-malayo sa nakasanayan na niyang buhay sa Maynila. Ngayon, hindi na siya naghahangad ng marangyang buhay o ng kasikatan dahil ngayon, nasa kanya na ang pinakamahalagang bagay na sadyang nagi

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 124

    “SHIT, Sahara, a-ano 'to? Ano'ng kalokohan 'to?”Hindi na namalayan ni Sahara na tumutulo na ang luha niya habang nakatutok kay Max ang hawak niyang baril. Kahit sina Ace at Armando ay napanganga sa pangyayari.“Sahara, baby...Ibaba mo ‘yan, baka pumutok ‘yan,” anito, iiling-iling. Akma itong lalapit sa kanya pero maagap siyang lumayo rito.“Ipuputok ko talaga ‘to, Max. Papatayin talaga kita, hayop ka!”“Come on, Sahara.” Sa halip na matakot ay natawa pa si Max. “Hindi ‘to kasama sa plano natin.”“Wala tayong plano, Max. Ikaw lang ang nag-plano ng lahat ng ‘to kaya huwag mo ‘kong idadamay sa kademonyohan mo!”Doon biglang nag-init ang dugo ni Max. Sinuntok nito ang mesa na agad na nagpadugo sa kamao nito. Pero tila wala itong sakit na naramdaman at nagawa pa nitong isalya ang mesa na nagpagulat sa kanya, dahilan para m

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 123

    TUMAYOsi Max mula sa pagkakaluhod sa harap ni Sahara. Tinitigan siya nito nang mabuti at saka itinutok ang baril sa ulo ni Ace, at pagkatapos ay kay Armando.“So, Sahara, baby, nakapili ka na ba kung sino dito sa dalawang ito ang uunahin natin?”Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahang nagtaas ng tingin si Sahara. Natatabingan ng makapal na hibla ng buhok ang halos buong mukha nito kaya hindi masyadong maaninag ang ekspresyon ng dalaga.“Kung ako ang papipiliin, unahin ko na ‘tong mas bata. Kumukulo ang dugo ko sa tarantado’ng ‘to, eh.” Idiniin ni Max ang dulo ng baril sa sintindo ni Ace. “Ano, baby? Tuluyan ko na ‘to?”“Huwag!” Mula kay Ace ay binalikan niya ng tingin si Max.“Ah, etong si Tanda ba ang gusto mong mauna?” nakangising nitong tanong sabay tutok ng baril kay Armando. “Kung sa bagay, kaunting taon na lang rin naman ang itatagal n

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 122

    “HUWAGkang gagawa ng kahit na ano’ng pagsisisihan mo.”Halos pabulong iyong sinabi ni Max habang matalim ang pagkakatingin sa kanya. Pilit siya nitong pinaupo sa kama at agad itong tumabi sa kanya. Pormal na pormal ito sa suot na maroon na polo na pinatungan ng itim na blazer, itim na slacks at makintab na itim na balat na sapatos. Kung hindi niya ito kilala ay mapagkakamalan niya itong may mataas na posisyon sa isang malaking kompanya. He looked elegant and respectable, which was quite contradictory to his character.Matapos magpaalam kay Manang V na magliliwaliw kasama ng mga ka-trabaho ay tumuloy na siya sa parking area ta nagpahatid sa The Forum kung saan naroon ang opisina ng kanilang modelling agency.It was already her routine, actually. She goes to The Forum, have a cup of coffee, goes to the adjacent shopping center and spend at least 15 minutes there. She then takes a cap going to

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 121

    DAHAN-DAHANGbinuksan ni Sahara ang mga mata at inaninag ang madilim na paligid. Wala siyang makita maliban na lamang sa repleksiyon ng buwan na kumikislap sa salamin ng basag na bintana at ang mga bubog ng mga iyon sa sahig. Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya iyon magawa dahil sa mahigpit na pagkakatali ng kanyang kamay sa kanyang likuran. Maging ang paa niya ay nakatali rin at nang tatangkain niyang sumigaw para humingi ng tulong ay tanging ungol lamang ang kanyang nakayanan. Mahigpit ang pagkakabusal sa kanyang bibig at tulad ng pagkakatali sa kanyang kamay at paa, kahit ano’ng pilit niyang tanggalin iyon ay hindi niya kaya. Napapikit siya nang biglang makaramdam ng matinding kirot sa sintido, na lumalala sa tuwing sinusubukan niyang gumalaw.Pilit niyang inisip kung ano ang nangyari at kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Ang huli lang niyang naaalala ay nagpunta siya sa restaurant para makipagkita kay Ace pero sa halip na si Ace ay

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 120

    “SORRYif I wasn’t able to answer your call last night. Nakatulog agad ako pagdating ko from the shoot.”Pabulong iyon, para hindi marinig ni Armando na noon ay mahimbing nang natutulog sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang umupo sa kama, isinuot ang roba at pumunta sa balkonahe para doon ituloy ang tawag.“It’s late, bakit gising ka pa?” tanong niya sa kausap sabay tingin sa suot na wristwatch. Mag-a-alas tres na ng umaga at ilang oras na lamang ay gigising na si Armando. Kahit Sabado ay nakagawian na nitong gumising ng maaga para asikasuhin ang mga halaman nito sa hardin.“I just got back from the airport. Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog.”Napangiti siya. He never fails to make her heart flutter, especially these past few days while he’s away for business. He made it a point to call her whenever possible and there were times when they video call each other and

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 119

    “DOyou want me to stay for the night?” tanong ni Ace matapos patayin ang makina ang kotse.Pagkatapos manood ng sine ay niyaya siya nito sa isang exclusive bar na pagmamay-ari ng kaibigan nito. Dalawang araw nang wala si Armando dahil sa pag-aasikaso nito sa bago nitong itinatayong negosyo sa Palawan kaya ngayon na lang uli sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita ng dalaga.Things haven’t been good between the two of them lately because of several reasons, one of which is their setup. He hates it every time he wanted to see her but she couldn’t because of his Dad. May mga pagkakataon rin na kahit may chance silang magkita ay ayaw ni Sahara dahil natatakot raw itong baka malaman ng kanyang ama.“Are you sure?” muling tanong ni Ace.Tumango lang si Sahara. Though she wanted very much to spend more time with Ace, she just couldn’t. She had a few drinks and feels like everything around her is moving. A

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 118

    KITANG-KITAng dalawang mata ni Karen ang pagdating ni Sahara nang gabing iyon, ang pag-uusap ng dalawa, lalo na ang pag-iyak ni Baste sa balikat ng dating kasintahan. It shouldn’t really bother her but it did. Big time. It felt like a part of her was crushed inside while watching the two reunite.“I’ve never seen you cry like that since your Mom died,” she commented, almost in a whisper.It took her a while before she was able to talk to Sebastian about it and now, she almost regrets it. Tinapunan siya ng tingin ni Sebastian matapos humigop ng kape. Nang muli lamang itong tumungo, alam na ni Karen ang ibig no’ng sabihin - na ayaw na nitong pag-usapan pa ang tungkol doon.“I’m sorry, it’s just that...” Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito. “Ngayon lang kita nakitang umiyak nang gano’n in front of your Mom’s coffin. All along, I thought you were holding up just fi

  • Sahara's Dirty Little Secrets   Chapter 117

    ALAMni Sahara na hindi na dapat siya nagpunta pa roon dahil alam naman niya na hindi na siya welcome sa buhay ng mga ito. Pero nang makita niya sa balita ang tungkol doon ay hindi napigilan ang sarili. After all, Baste had been a huge part of her life and nothing is going to change that.Sahara was shocked upon learning the news and she couldn’t help but visit the wake to give respect and extend her condolences to Baste. Nang makarating siya sa chapel ay halos mapuno ng tao ang kabuuan ng lugar kung saan nakalagak ang mga labi ng ina ng dating kasintahan. Sa unang tingin pa lamang ay halata na’ng may mga kaya sa buhay ang mga naroon - sa paraan ng pananamit, pagkilos at pananalita. Most were Mr. Montinola’s colleagues while the others were Karen’s elite friends.Bilang isa sa mga nangungunang kandidato sa pagkasenador, naging bahagi na ng balita ang pangalang Agusto Montinola at lahat ng mga mahahalagang pangyayari sa buha

DMCA.com Protection Status