Home / Romance / Sahara's Dirty Little Secrets / Chapter 121 - Chapter 125

All Chapters of Sahara's Dirty Little Secrets: Chapter 121 - Chapter 125

125 Chapters

Chapter 121

DAHAN-DAHANG binuksan ni Sahara ang mga mata at inaninag ang madilim na paligid. Wala siyang makita maliban na lamang sa repleksiyon ng buwan na kumikislap sa salamin ng basag na bintana at ang mga bubog ng mga iyon sa sahig. Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya iyon magawa dahil sa mahigpit na pagkakatali ng kanyang kamay sa kanyang likuran. Maging ang paa niya ay nakatali rin at nang tatangkain niyang sumigaw para humingi ng tulong ay tanging ungol lamang ang kanyang nakayanan. Mahigpit ang pagkakabusal sa kanyang bibig at tulad ng pagkakatali sa kanyang kamay at paa, kahit ano’ng pilit niyang tanggalin iyon ay hindi niya kaya. Napapikit siya nang biglang makaramdam ng matinding kirot sa sintido, na lumalala sa tuwing sinusubukan niyang gumalaw.Pilit niyang inisip kung ano ang nangyari at kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Ang huli lang niyang naaalala ay nagpunta siya sa restaurant para makipagkita kay Ace pero sa halip na si Ace ay
Read more

Chapter 122

“HUWAG kang gagawa ng kahit na ano’ng pagsisisihan mo.”Halos pabulong iyong sinabi ni Max habang matalim ang pagkakatingin sa kanya. Pilit siya nitong pinaupo sa kama at agad itong tumabi sa kanya. Pormal na pormal ito sa suot na maroon na polo na pinatungan ng itim na blazer, itim na slacks at makintab na itim na balat na sapatos. Kung hindi niya ito kilala ay mapagkakamalan niya itong may mataas na posisyon sa isang malaking kompanya. He looked elegant and respectable, which was quite contradictory to his character.Matapos magpaalam kay Manang V na magliliwaliw kasama ng mga ka-trabaho ay tumuloy na siya sa parking area ta nagpahatid sa The Forum kung saan naroon ang opisina ng kanilang modelling agency.It was already her routine, actually. She goes to The Forum, have a cup of coffee, goes to the adjacent shopping center and spend at least 15 minutes there. She then takes a cap going to
Read more

Chapter 123

TUMAYO si Max mula sa pagkakaluhod sa harap ni Sahara. Tinitigan siya nito nang mabuti at saka itinutok ang baril sa ulo ni Ace, at pagkatapos ay kay Armando.“So, Sahara, baby, nakapili ka na ba kung sino dito sa dalawang ito ang uunahin natin?”Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahang nagtaas ng tingin si Sahara. Natatabingan ng makapal na hibla ng buhok ang halos buong mukha nito kaya hindi masyadong maaninag ang ekspresyon ng dalaga.“Kung ako ang papipiliin, unahin ko na ‘tong mas bata. Kumukulo ang dugo ko sa tarantado’ng ‘to, eh.” Idiniin ni Max ang dulo ng baril sa sintindo ni Ace. “Ano, baby? Tuluyan ko na ‘to?”“Huwag!” Mula kay Ace ay binalikan niya ng tingin si Max.“Ah, etong si Tanda ba ang gusto mong mauna?” nakangising nitong tanong sabay tutok ng baril kay Armando. “Kung sa bagay, kaunting taon na lang rin naman ang itatagal n
Read more

Chapter 124

“SHIT, Sahara, a-ano 'to? Ano'ng kalokohan 'to?”Hindi na namalayan ni Sahara na tumutulo na ang luha niya habang nakatutok kay Max ang hawak niyang baril. Kahit sina Ace at Armando ay napanganga sa pangyayari.“Sahara, baby...Ibaba mo ‘yan, baka pumutok ‘yan,” anito, iiling-iling. Akma itong lalapit sa kanya pero maagap siyang lumayo rito.“Ipuputok ko talaga ‘to, Max. Papatayin talaga kita, hayop ka!”“Come on, Sahara.” Sa halip na matakot ay natawa pa si Max. “Hindi ‘to kasama sa plano natin.”“Wala tayong plano, Max. Ikaw lang ang nag-plano ng lahat ng ‘to kaya huwag mo ‘kong idadamay sa kademonyohan mo!”Doon biglang nag-init ang dugo ni Max. Sinuntok nito ang mesa na agad na nagpadugo sa kamao nito. Pero tila wala itong sakit na naramdaman at nagawa pa nitong isalya ang mesa na nagpagulat sa kanya, dahilan para m
Read more

Chapter 125 (EPILOGUE)

NAG-INAT siya at inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Saglit niyang isinara ang mga mata at tsaka kinapa ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Limang missed calls, apat na text messages, isang notification sa messenger - lahat ay galing sa iisang tao. Napangiti siya at napailing matapos maisilid ang telepono sa loob ng bag. Isa-isa na rin niyang inilagay ang mga gamit sa tote bag at inayos ang pagkakasuot ng salamin sa mata.Pagkatapos siguruhing patay na ang lahat ng ilaw sa shop at nakakandado na ang pinto ay lumakad na siya pauwi.Mangilan-ngilan na lang ang tao sa daan nang mga oras na iyon, mga galing sa trabaho na tulad niyang pauwi na sa kani-kanilang bahay. Iyon ang isa sa mga nagustuhan niya sa subdibisyon na ‘yon. Tahimik, simple. Malayung-malayo sa nakasanayan na niyang buhay sa Maynila. Ngayon, hindi na siya naghahangad ng marangyang buhay o ng kasikatan dahil ngayon, nasa kanya na ang pinakamahalagang bagay na sadyang nagi
Read more
PREV
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status