Home / All / Sahara's Dirty Little Secrets / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Sahara's Dirty Little Secrets: Chapter 31 - Chapter 40

125 Chapters

Chapter 31

GRADUATION. Iyon ang matagal nang pinapangarap ni Sahara at ngayong natupad na niya iyon, pakiramdam niya ay handang-handa na niyang harapin ang kahit na ano pang darating sa kanyang buhay. Ito dapat ang pinakamasayang araw para sa kanya pero parang kabaligtaran niyon ang lahat. Ang dami nang nangyari at sa totoo lang ay mas nanaisin na niyang kalimutan ang karamihan sa mga iyon. Oo nga’t tapos na siya sa kursong Mass Communications at maraming oportunidad ang naghihintay sa kanya pero pakiramdam niya ay hindi siya bagay doon. Karamihan sa mga kaibigan at kaklase niya ay magte-training sa opisina ng mga kilala at malalaking kumpanya bilang mga writers, editors, reporters, researchers. Tanggap na si Baste na mag-OJT sa publishing company na in-apply-an nito bilang isang writer. Noon pa man ay hanga na siya rito pagdating sa pagsusulat kaya naman hindi na nakapagtataka na sa publishing ito napadpad. Siya? Sinubukan niyang m
last updateLast Updated : 2020-11-26
Read more

Chapter 32

“KUMUSTA na ang pinsan mo?” nag-aalalang tanong ni Baste nang magkita sila sa coffee shop malapit sa opisina ng in-apply-an niyang modeling agency. Nabanggit niya rito ang tungkol kay Michaela, na kailangan niya itong dalawin paminsan-minsan sa bahay nito para malaman na rin ang kalagayan nito matapos ang insidente. “Okay na siya. Nagpapagaling na lang.”Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang makalabas si Michaela sa ospital. Maayus-ayos na ang kalagayan nito, nakakalakad na nang mag-isa at kaunti na lamang ang bakas ng pambubugbog sa katawan. “Gusto mo samahan kita sa susunod na pagbisita mo sa kanya? Baka may maitulong ako.”Tumango siya at ngumiti. “Sige. Dalhan natin siya ng prutas at bulaklak kapag dumalaw tayo.”“Kawawa rin ‘yung pinsan mo, ano. Grabe naman pala ‘yung Max na ‘yon,” napapailing na sabi ni Baste. “Teka nga pala,
last updateLast Updated : 2020-11-27
Read more

Chapter 33

ANG araw na iyon ang muling pagkikita nila ni Baste mula nang makabalik ito galing Cebu, ang araw kung kailan nila pag-uusapan ang tungkol sa plano nilang bakasyon kaya naman hindi niya maiwasang ma-excite. Bukod doon, napagpasyahan niyang sabihin na kay Baste ang tungkol kay Max. Mula sa kabilang kalsada ay tanaw na ni Sahara si Baste doon sa paborito nilang fast food restaurant. Pero hindi ito nag-iisa. Alas onse noon ng umaga, mainit ang sikat ng araw kaya kinailangan pa niyang takpan ang sinag ng araw sa pamamagitan ng kanyang kamay para lamang makita nang husto kung sino ang kausap ng kasintahan. Mabilis siyang tumawid nang humudyat ang traffic officer na maaari na siyang tumawid. Nagpasalamat pa siya sa opisyal nang alalayan siya nito hanggang sa makarating siya sa kabilang kalsada. “Baste!” Agad na lumingon si Baste sa direksiyon niya, kasabay rin ng paglingon ng kausap nito. Nginitian siya nito at kinawayan.
last updateLast Updated : 2020-11-27
Read more

Chapter 34

“IYON si Sebastian, hindi ba?”Paano pa niya iyon ikakaila ni Sahara? “Max, huwag mo siyang idamay dito,”“Okay, sige. Madali naman akong kausap…kiss muna.” mahina nitong sabi.Ibinaling-baling ni Sahara ang mukha para hindi mahalikan ni Max pero wala rin namang naitulong iyon dahil hinawakan nito nang mariin ang kanyang lee at mariin siya nitong hinalikan.“Max…huwag dito…please,” Dahil naroon lang si Baste sa sinehan, hinihintay siya. Hindi siya maaaring mawala nang matagal dahil tiyak na mag-aalala ito. And he kissed her again. Wala nang nagawa si Sahara kundi ang magpaubaya. Hinayaan niyang itaas nito ang kanyang blouse at bra, hinayaan niyang gawin nito ang gusto nitong gawin sa kanyang malulusog na dibdib. Ang mga impit niyang ungol ay may kasamang hikbi nang simulang halik-halikan ni Max ang mga iyon. “Talikod.”Mahina
last updateLast Updated : 2020-11-27
Read more

Chapter 35

“MISS Smith, follow me.”Mabilis na tumayo si Sahara nang tawagin ang kanyang pangalan ni Miss Gopez, ang executive assistant ni Arch. Aguas. Maganda ito, mahaba ang tuwid na buhok, makurba ang katawan, morena ang makinis nitong kutis. Kahit limang taon na itong nagtatrabaho bilang executive assistant ni Arch. Ricardo Aguas, mabait ito sa mga tulad niyang mga baguhan. Pagkatapos ng anim na buwang OJT ay natanggap siya bilang copywriter sa Aguas Advertising Agency. There’s nothing to complain about, really – except the fact that the whole idea of a 9-5 job was a bit tedious for her.Kinuha niya ang kanyang handbag at inayos ang nalukot na bahagi ng palda bago sumunod sa nakangiting si Miss Gopez.“Bakit raw ako pinatawag ni sir?” medyo kinakabahang tanong ni Sahara habang nasa likod ni Miss Gopez. “May nagawa kaya akong mali?”Umiling-iling ito at ngumiti. “Don’t worry. Ganyan tal
last updateLast Updated : 2020-11-28
Read more

Chapter 36

SAHARA’S training has been great at dahil napakagaan kasama ni Miss Gopez, na ayaw magpatawag na Miss Gopez dahil mukha naman raw itong bata. Wala namang naging problema si Sahara sa mga itinuturo nito sa kanya.Fast learner raw siya, ayon rito at tiyak raw na matutuwa si Arch. Aguas kapag nalaman na handa na siyang gampanan ang papel bilang ‘temporary personal assistant’ nito. Ang problema lang ay ang hindi maiiwasang ‘chismis’ sa opisina. Yeah, office politics. Uso na pala iyon kahit pa nga bago lang siya – o dahil nga sa bago siya sa kumpanya?Sahara felt as if she’s in school once again. Iyo’ng pinagbubulungan at pinag-uusapan kapag nakatalikod siya, iyo’ng tinitingnan ng masama sa tuwing daraan siya, iyo’ng may mga naiinggit at nagagalit. This is why she hated working in the conventional office environment in the first place. Kung hindi nga lang sa malaking suweldo, na kailangang-kailanga
last updateLast Updated : 2020-11-30
Read more

Chapter 37

“WOW.”Iyon ang unang salita na narinig niya mula kay Arch. Aguas nang makita siya nito doon sa lobby. Sahara just smiled at him. Architect Aguas looked good himself. He’s wearing a well-fitted blue suit, which makes him look sharp. His presence actually made her a bit tense, especially because of the way he stares at her. “Wow,” ulit nito. Titig na titig ito sa kanya. “Miss Smith…you are stunning.”“T-thank you po, sir.”Para itong nakakita ng multo at saglit na hindi nakagalaw. He was just looking at her, as if it was the first time he laid his eyes on her. “Shall we?”It was a 15-minute drive. Ang bagong tayo’ng hotel na iyon ay pagmamay-ari ng kaibigan ni Arch. Aguas na kilala rin ang pangalan sa mundo ng pagnenegosyo sa bansa. Marami nang tao nang makarating sila sa Event Hall, at sa isang tingin pa lamang ay alam na ni Sahara na ang lugar na
last updateLast Updated : 2020-12-01
Read more

Chapter 38

“OH well, he’s always been like that.”Aguas decided to have coffee before going back to their rooms. The coffee shop looked like a dreamlike place at night. Maraming maliiit na ilaw ang nakasabit sa mga puno, may mga kandila ang bawat mesa. At dahil nakatanaw ito sa karagatan, naaaninag ang repleksyon sa tubig ang mga ilaw na nagmumula sa iba’t-ibang establisyemento doon. Maliwanag rin ang bilog na buwan. He was talking about Mr. Tantoco. Naitanong kasi niya rito kung bakit parang ‘bad mood’ ito. “At hindi talaga ‘yon basta-basta nakikipag-usap, lalo na sa mga babae.”‘Bakit po?” tanong niya. “Is he…” “Gay? No,” natatawa nitong sagot. Humigop ito ng mainit na kape at tumingin sa kanya. “Ganoon lang talaga si Sir. Mailap sa mga babae. I’ve known him for about nine years, at simula noong magkakilala kami, hi
last updateLast Updated : 2020-12-03
Read more

Chapter 39

AFTER shopping for something that she could use for swimming, they headed straight to the beach. And Aguas wasn’t kidding when he said that he’d make sure she’ll enjoy every minute of this day. Naglalakad na sila noon sa tabing-dagat, malakas ang hampas ng alon sa kanilang mga paa, tulad ng paghampas ng hangin sa kanilang katawan. Malapit na noong magdapit-hapon. “Wow, ang ganda po pala talaga dito, sir.”“Yeah, just like you.”Instead of looking at the magnificent backdrop, his eyes were fixed on her. Sahara felt her cheeks go warm. Now, she wanted to regret the swimsuit that she chose to wear. It was a torquoise colored two-piece swimwear, with a maroon shawl wrapped around her waist.“Sorry, I didn’t mean to stare,” natatawa nitong sabi sabay tingin sa palubog na araw. Sahara didn’t mean to stare at him either. Gusto niyang batukan ang sarili dahil nap
last updateLast Updated : 2020-12-05
Read more

Chapter 40

“THANK you for the fun weekend, Sahara.”“T-thank you rin, Ricky. Sobrang nag-enjoy ako.”They were both standing in front of her hotel room now, saying their good byes. Tomorrow morning, they leave. Tomorrow morning, everything will be back to normal – him being her boss, her being one of the company’s copywriters.“Good night, Ricky,” she said as she looks up at him. “Good night. See you tomorrow.” Nakasandal ang isa nitong braso sa pader habang nakatingin sa kanya.  “Yeah, see you.”  Ngumiti siya at binuksan na ang pinto.Lumapit si Aguas sa kinatatayuan niya, hinawakan ang isa niyang kamay at tinitigan siya sa mata. His hand was huge and warm and holding his hand felt like being in a tight embrace. Napalunok siya. Hindi niya alam kung magugustuhan ba niya ang nararamdaman nang mga oras na iyon o hindi.“I promised n
last updateLast Updated : 2020-12-05
Read more
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status