AFTER 1 YEAR...“HETO na po ang breakfast n’yo ma’am.”Nginitian lamang ni Sahara si Ate Yolly matapos nitong ibaba ang dalang tray ng kanyang paboritong agahan sa maliit na pabilog na mesa doon sa veranda ng kanyang kuwarto. Fresh orange juice, Ceasar salad and grapes. “Trenta minutos na lang po, darating na ang sundo natin,” nakangiti nitong pahabol. Mabulaklak ang kulay asul nitong polo, na may katernong kulay itim na slacks. Mag-iisang taon na rin niya itong kasa-kasama saan man siya magpunta, at ito ang nag-aasikaso sa lahat ng kailangan niya –pagkain, mga damit, schedule, at sa lahat na. Sa tingin niya ay mahigit trenta anyos na si Ate Yolly, dahil hindi naman nito binabanggit ang tunay nitong edad. Masayahin ito, biba at madaling makagaanan ng loob. Maganda rin ang ngiti nito, pati ang mga mata. Maliit ito sa kanya ng ilang pulgada, may kaitiman ang bal
Read more