“Oh, Sindy mauuna na kami,” pukaw ng ama matapos nitong ipatong sa lababo ang kalderong pinaglagyan ng ulam. Alas-Onse y Trenta na ng tagpong iyon at bago pa lang sila natapos sa pagkain dahil sa pabidang eksena ni Maria. Hindi kasi ito maubusan ng kuwento ng kung ano-ano kaya walang ibang pagpipilin kundi antayin itong matapos kahit napakaimposible. At mukhang narinig ng diyos ang panalangin niya, sa huli natapos din ito sa pagkukuwento. “Salamat naman,” bulong ng isip niya. “Sige po, Pang,” sagot niya sa ama habang bitbit ang mga ginamit na pinggan, mangkok at kutsara. Nagkabanggaan pa sila nito. “Sorry po, Pang.” “Ate, saan ko ’to
Huling Na-update : 2020-10-04 Magbasa pa