Home / Mystery/Thriller / Dark Secret | Filipino / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Dark Secret | Filipino: Kabanata 31 - Kabanata 40

57 Kabanata

Chapter 30: Freedom of Expression

“Good evening, thank you for coming. We’re glad to have all of you here, and at the same time happy because of all the prestigious universities you choose to stay here with us, so thank you students. A warm welcome to our beloved Las Santidos. By the way, I’m your Professor Rodolfo Omega, hashtag your emcee this day,” pagpapatuloy ng nagsasalita sa entablado. Humalakhak pa itong pumalakpak.          “Ah, Omega? Kaano-ano niya si Elias, Elizel, Eler—”          “Elizar,” paglilinaw ni Alily na nakikinig pala sa pagmomomentum niya.          “Whatever,” sagot na lang niya para matapos na ang diskusyon sa pagitan nila.         
last updateHuling Na-update : 2021-07-05
Magbasa pa

Chapter 31: Stand in Baffling Effect

Sa patuloy nilang paglalakad patungong guardhouse napukaw ang atensyon niya nang mapansin ang gusaling nasa kanan mula sa kalayuan. Nakatayo itong natatakpan ng mga naglalakihang puno na may malalagong sanga. Kita rin dito ang kalumaan ng lugar kung saan may anim na palapag ngunit purong kayumanggi ang makikita sa kabuuan. Makapal at naglalakihan din ang mga damong narito kung saan iba sa nilalakaran nilang pino at naputol ng pantay.        Mas lalong hindi naalis ang tingin niya rito nang mapansin ang anino na nanggagaling sa ikaapat na palapag malapit sa hagdan sa gitna. Dumoble rin ang kaba niya nang maglakad at pumasok ito sa isang silid kasabay ng patigil at paglingon na hindi niya sigurado kung sa kaniya ba o sa kung saan. Hindi rin niya mawari ang kakaibang pakiramdam, nagtataasan ang balahibo niya sa batok kung saan parang wala siyang nararamdaman na kung ano sa paligid maliban sa mag-isa na lang siyang nakatayo habang nakatulal
last updateHuling Na-update : 2021-07-29
Magbasa pa

Chapter 32: Golden Opportunity

“Shit, ano bang nangyayari?” tanong ng isip. “Miss! Miss!” Harang niya sa isang estudyanteng naka-eyeglass bago pa man makalagpas sa kaniya.           “Po?” hindi mapakali na sagot nito habang palinga-linga sa harapan at sa kaniya.           “Ano’ng nangyayari ba’t may takbuhan?” dire-diretso niyang tanong habang pilit binabalewala ang pagkayamot sa pagmumukha nito.           “Paunahan po kasi,” sagot nito bago kumaripas ng takbo. Napaawang naman ang labi niya sa narinig, hindi siya makapaniwala na may patakarang ganoon. Pakiramdam niya napag-iwanan siya nang umaandar na ang sasakyan; sa sobrang bilis agad na rin siyang napatakbo upang humabol sa mga nauna.   
last updateHuling Na-update : 2021-08-10
Magbasa pa

Chapter 33: Meeting the Old One’s

“Sindy, okay ka lang ba,” basag ni Cierra sa katahimikan na siyang ikinalinga niya rito pagkatapos kina Brent, Atalia, Rocky at Ashlee na naghihintay ng isasagot niya.           “Oh—okay lang ako,” sagot niya bago humalakhak ng walang bukas. “Kumain na tayo, ang sarap nitong niluto mo. Chief ka ba?” awkward niyang biro sabay subo na siyang mas ikinatahimik ng lahat. Tiningnan pa niya ang mga ito ngunit nakanganga lang sa kaniyang animo’y ang layo ng sagot niya.           “Yeah, pangarap ko nga pero no worries magluluto ako ng mas masarap. Ito lang kasi ang nasa refrigerator kaya hindi na ako namili,” sagot ni Atalia na siyang ikinabalik ng sitwasyon sa dati. Bakas ang katotohanan sa pananalita nito, wala kang makikitang peke na siyang dahilan upang mapayuko siya. Nakangiti pa itong sumubo ng p
last updateHuling Na-update : 2021-08-26
Magbasa pa

Chapter 34: Accepting The Last Change

Napukaw ang isip niya nang marinig na may  nagbi-vibrate. “Shi—Hello,” sagot niyang nakakunot-noo, sinilip pa niya kung sinong tumawag dahil hindi naka-registered ang numero. “Ano! Sigurado ka ba?”         Napabuntong-hininga siya sa narinig. “Hindi ko rin alam kung anong nangyayari pero salamat sa paalala. Oo, nandito na ako sa department namin. Okay lang ako. Nai-stress lang pero okay pa naman. Yes, mag-ingat ka rin. Bakit nasaan ka ba, hindi mo ata gamit ang—Ah, baka noong nagbanyo ako kaya hindi—pero sige, salamat sa paalala. Yeah, see you soon.” Napalinga pa siya sa paligid.         “Wala naman, yeah, nandito ako sa department, oo huwag kang mag-alala okay lang talaga ako. Ha, oh, akala ko pinili mong—ha, bakit nila kinancel, may nangyari ba? Ha, grabe, iba rin ang patakaran nila.” Tumingin ulit siya sa
last updateHuling Na-update : 2021-09-13
Magbasa pa

Chapter 35: Begin with the Alarm

Hindi niya alam kung paano siya nakatulog kagabi matapos ang emosyonal niyang pagtangis sa bagay na parang panaginip lang. Basta pagkagising niya agad tumama ang liwanag mula sa bintana na nakaawang pa. Napahawak pa siya sa ulo kasabay ng pag-upo. Nanikip din ang dibdib niya kung saan para siyang sinilaban ng nagbabagang apoy. Isa lang ang malinaw sa araw na iyon, masakit, sobrang sakit ng pamamaalam kagabi.         Kasabay ng pagbalik ng alaala kagabi ang paghigpit ng dibdib niya. Wala siyang masabi kundi humarap sa kisame at humugot ng malalim na hininga sa klimang nagbibigay lamig sa kabuuan niya. Bawat hampas ng simoy ng hangin mula sa bintana ay siyang patak ng luha sa mga mata.         “Sorry for letting you in pain. Sorry for creating a difficult situation that it’s hard to handle. Sorry for choosing to lo
last updateHuling Na-update : 2021-09-21
Magbasa pa

Chapter 36: The Biggest Captivity

“Okay, I will wait you outside,” anitong hindi na siya hinintay sumagot bagkus agad ng lumabas ng pinto. Napakibit-balikat na lang tuloy siya kahit hindi naman nito napansin.           Gayon din, nang maramdaman na mag-isa na ulit siya saka niya muling naramdaman ang problema kasabay ng pagbuntonghininga. Gusto na muna niyang makalimutan kahit papaano ang bigat ng dibdib at hangga’t maari ayaw na muna niyang mag-isip pa.           Nakakapagod na rin kung paulit-ulit siyang mag-iemote tapos kahit ano namang mangyari wala ng magbabago pa. Wala rin siyang mood sa kasalukuyan lalo’t pakiramdam pa nga niya nag-iba ang pag-uugali at kung paano siya makisalamuha sa babaeng kaharap.          Hindi nga niya a
last updateHuling Na-update : 2021-09-24
Magbasa pa

Chapter 37: Cafeteria Thing

“Bakt ka nag-aral dito?” basag ng kasama sa katahimikan na namumuo sa pagitan nila. Nakatayo na pala ito sa tabi niya habang tinititigan siya. Hindi niya agad napansin dahil sa mga katanungan at pag-obserba sa paligid. Mukhang nabasa rin nito ang pagkabigla sa mga mata niya dahilan upang mapatango ito.          “Ah, ako pala?” turo niya sa sarili na bahagyang nangiti pa sa sariling tanong. Masyado pala siyang nawala sa sarili para mawala sa realidad.         “Okay ka lang ba, may sakit ka ba? Inaantok ka pa ba, may masakit ba sa ‘yo?” tanong nitong natataranta na hinawakan pa ang noo niya na siyang ikinapiksi niya.         “Okay lang ako,” medyo napalakas na sagot niya sabay alis sa kanang kamay nitong naiwan pa sa ere
last updateHuling Na-update : 2021-10-07
Magbasa pa

Chapter 38: The Unknown Resources

Tuluyang kumalabog ang mesa nila na siyang ikinalinga niya sa kaharap. Napatingin pa siya sa hawak nitong gatas na sobra ang pagkakakapit na animo’y anumang oras ay mababasag na. Nakatunghay rin ito sa labas ng bintana na kaunti na lang susugurin na ang kung anong nakikita rito. “C-Cierra, okay ka—”   “Alam mo ba iyong nakakainis? Ginawa muna ang lahat pero hindi pa rin sapat para manatili sila tapos maririnig mong pinupuri sila na parang diyos,” banat nitong ikinanganga niya. Hindi niya alam kung anong pinaghuhugutan nito na basta na lang magrereak ng hindi malaman kung ano.   “Cierra, okay ka lang ba?” ulit niya matapos itong humugot.   “Hays, ewan ko,” iritableng sagot nito. “Nakakapagod iyong sa mata ng iba ang linis-linis nila pero walanghiya sa likod ng maskara,” anito pa na bakas ang nanggigil na ekspresyo
last updateHuling Na-update : 2021-10-17
Magbasa pa

Chapter 39: Feels like Familiar

“Damn it!” sigaw ng kung sino na siyang baling niya sa kung saan.           “C-Cierra?” halos hindi na marinig na pukaw niya rito nang makitang binibilisan nito ang pagkain kahit mainit pa. Nagkandanganga pa ito upang malunok lang ang sopas. “Cierra?” ulit niya na siyang ikinalingon na nito.            “Bilisan mo, aalis na tayo,” anito sabay tingin sa sopas na hindi pa niya nakalahati. Napanganga naman siya sa narinig, hindi siya makapaniwalang mamadaliin siya nito sa pagkain.            “Bilisan muna. Ano pang ginagawa mo?” ulit nito sa matataas ng pananalita bago sumubo na hindi alintana ang ekspresyong pinapakita niya.   &
last updateHuling Na-update : 2021-10-28
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status