Habang nasa biyahe siya halo-halong emosyon ang nararamdaman niya, dama niya ang pakiramdam na parang sinasakal siya na hindi malaman, animo’y may nagtutulak sa kaniyang huwag ng tumuloy at umatras na lang, ngunit malakas ang loob niyang kakayanin niya ang kung anumang magaganap dahil ginusto niya ito. Siya ang pumili nito para sa sarili kaya wala ng atrasan pa. Ganoon naman kasi dapat, kung anuman ang desisyong gagawin o susundin, handa rin sa maaring maging kinalabasan lalo’t hindi pa nakikita ang kalalabasan, pero sabi nga nila, kung hindi lalabas sa comfort zone o sa familiar place na nakasanayan paano malalaman ang hinaharap. Paano makikita ang liwanag sa kadiliman kung sasanayin na lang ang sarili sa dilim. Paano makikita ang araw kung tatakpan ang mga mata. Paano malalaman ang pakiramdam na mapaso, malamigan, masarapan kung hindi nanaising sumubok na maramdaman.
Last Updated : 2021-05-28 Read more