Habang nasa biyahe siya halo-halong emosyon ang nararamdaman niya, dama niya ang pakiramdam na parang sinasakal siya na hindi malaman, animo’y may nagtutulak sa kaniyang huwag ng tumuloy at umatras na lang, ngunit malakas ang loob niyang kakayanin niya ang kung anumang magaganap dahil ginusto niya ito. Siya ang pumili nito para sa sarili kaya wala ng atrasan pa.
Ganoon naman kasi dapat, kung anuman ang desisyong gagawin o susundin, handa rin sa maaring maging kinalabasan lalo’t hindi pa nakikita ang kalalabasan, pero sabi nga nila, kung hindi lalabas sa comfort zone o sa familiar place na nakasanayan paano malalaman ang hinaharap. Paano makikita ang liwanag sa kadiliman kung sasanayin na lang ang sarili sa dilim. Paano makikita ang araw kung tatakpan ang mga mata. Paano malalaman ang pakiramdam na mapaso, malamigan, masarapan kung hindi nanaising sumubok na maramdaman.
Hello, Dearest, here comes the new update. I hope you learn something new again. Thank you so much for the support, all of you make my heart melt into tiny pieces because of reading my book. Again, thank you so much and stay positive as always. Sincerely, MxGchef🍀
“Careful,” anito na siyang ikinasalampak niya sa lupa dahil sa pagbigay ng mga tuhod. “Make sure na umiwas ka ng landas ’pag makita mo ako dahil kung hindi—” “Tama na ’yan, Lil’Ad,” dinig niyang putol ng kasunod nito pero napalingon pa rin siya sa mga ito. Nakalingon pa rin sa kaniya ang lalaking may masamang tingin. Napalunok pa siya dahil doon ngunit agad na itong naglakad palayo na ngumisi pa sa kaniya. Nakasunod pa rin naman dito ang lalaking naka-maroon na T-shirt. Guwapo sana ang isang ito kaso parang walang kaemo-emosyon sa buhay. Hindi niya alam kung ano bang iniisip niya, sa halip na matakot sa banta ng nauna parang abnormal pa siyang pinupuri ang kasama nitong mula sa awa sa kaniya bumalik sa pagiging seryoso. &nbs
“Nasaan na kaya ’yon?” bulong niyang palinga-linga sa paligid. Kanina pa siya paikot-ikot pero hindi pa rin mahanap ang Business building na pupuntahan. Tumingin pa siya sa suot na relos. “Geez, Alas-Nuebe na? Shit!” Mula ng makapasok sa higanteng tarangkahan kanina pa siya palinga-linga. Tumitingin-tingin din siya sa bawat departamento nagbabakasakaling ito na ang kanina pa hinahanap. Natatanaw rin niya ang nagtataasang gusali na purong maroon na may itim na poste at lining sa buong paligid. Mula rin sa kinatatayuan kita niyang tig-anim lang ang bawat palapag na pari-pariho ang kulay. Gayon din, ang isa pang dahilan kung bakit interesanti ang lugar, noong nag-apply siya for enrollment isang normal na eskuwelahan ang nasa litrato kabaliktaran sa itsura nito ngayong parang puzzle building. Mula sa
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila habang naglalakad. Samu’t sari din ang mga katanungan sa isip niya kung paano siya nakarating sa punong pinagtataguan kanina. Hindi niya alam kung namamalik-mata siya pero sigurado siyang may mali sa nangyari kahit pa tumakbo nga siya papunta roon.Sino bang hindi magugulat kung bigla na lang may susulpot at magsasalita sa likod niya. Hindi sa sobrang sensitive pero since marami ng nangyari na halos simula kanina e puro kamalasan at hindi magandang senaryo ang naganap sa pagtuntong pa lang sa lugar, so paanong hindi siya matataranta’t mabibigla.Wala pang katao-tao sa paligid at sobrang nakakapagtaka ang mga taong nakakasalamuha. Hindi nga niya alam kung tao ba ang mga ito o sadyang hindi dapat siya pumasok dito. Malakas kasi ang paki
Pagpasok sa loob ng klasrum bumungad sa kaniya ang malawak na silid. “Wow,” naibulalas niya. Nagmukha kasing nag-aaral siya sa ibang dimensyon dahil sa angking kakaiba at ganda ng nakikita. Naghalo rin ang tema ng pagiging kahima-himala at misteryoso dahil sa kulay nitong malabnaw na maroon na may malaking itim na pakpak sa buong paligid maging sa itaas nila. Sa sumatotal walo ang bawat pakpak na animo’y nakapila ba o iisa lang ang nagmamay-ari. “Sindy, punta na tayo roon,” pukaw ni Alily na kanina pa pala siya tinatawag. “Ano ka ba, nakakahiya, oh.” Hatak nito sa kaniya na siyang sumunod na lang. Saka lang din niya napansin na nakatulala na pala siya sa harapan ng buong kaklase na b
Matapos ang ilang minutong paglalakad at paglilikot ng mata sa kapaligiran tuluyang silang nakarating sa pupuntahan. “Wow! Bes, ang ganda rito. Grabe, hindi ako makapaniwala. Ang ganda talaga,” animo’y kinikiliting turan ni Alily ng nasa tapat na sila ng gymnasium. Maging siya’y labis ang pagkamangha sa napakagandang infrastrakturang hindi niya alam kung paano ba ginawa. Sa bungad pa lang makikita na sa pinakatoktok ang naglalakihang pangalan ng Las Santidos University gymanasium na nakukulayan ng maroon. Nakadesenyo ito sa malahiganting orasan na may nilalang na nakayakap habang may naglalakihang mga pakpak na nakukulayan ng itim at pula maging sa buong kabuuan nito. Nawala lang siya sa p
“Good evening, thank you for coming. We’re glad to have all of you here, and at the same time happy because of all the prestigious universities you choose to stay here with us, so thank you students. A warm welcome to our beloved Las Santidos. By the way, I’m your Professor Rodolfo Omega, hashtag your emcee this day,” pagpapatuloy ng nagsasalita sa entablado. Humalakhak pa itong pumalakpak. “Ah, Omega? Kaano-ano niya si Elias, Elizel, Eler—” “Elizar,” paglilinaw ni Alily na nakikinig pala sa pagmomomentum niya. “Whatever,” sagot na lang niya para matapos na ang diskusyon sa pagitan nila.  
Sa patuloy nilang paglalakad patungong guardhouse napukaw ang atensyon niya nang mapansin ang gusaling nasa kanan mula sa kalayuan. Nakatayo itong natatakpan ng mga naglalakihang puno na may malalagong sanga. Kita rin dito ang kalumaan ng lugar kung saan may anim na palapag ngunit purong kayumanggi ang makikita sa kabuuan. Makapal at naglalakihan din ang mga damong narito kung saan iba sa nilalakaran nilang pino at naputol ng pantay. Mas lalong hindi naalis ang tingin niya rito nang mapansin ang anino na nanggagaling sa ikaapat na palapag malapit sa hagdan sa gitna. Dumoble rin ang kaba niya nang maglakad at pumasok ito sa isang silid kasabay ng patigil at paglingon na hindi niya sigurado kung sa kaniya ba o sa kung saan. Hindi rin niya mawari ang kakaibang pakiramdam, nagtataasan ang balahibo niya sa batok kung saan parang wala siyang nararamdaman na kung ano sa paligid maliban sa mag-isa na lang siyang nakatayo habang nakatulal
“Shit, ano bang nangyayari?” tanong ng isip. “Miss! Miss!” Harang niya sa isang estudyanteng naka-eyeglass bago pa man makalagpas sa kaniya. “Po?” hindi mapakali na sagot nito habang palinga-linga sa harapan at sa kaniya. “Ano’ng nangyayari ba’t may takbuhan?” dire-diretso niyang tanong habang pilit binabalewala ang pagkayamot sa pagmumukha nito. “Paunahan po kasi,” sagot nito bago kumaripas ng takbo. Napaawang naman ang labi niya sa narinig, hindi siya makapaniwala na may patakarang ganoon. Pakiramdam niya napag-iwanan siya nang umaandar na ang sasakyan; sa sobrang bilis agad na rin siyang napatakbo upang humabol sa mga nauna.
"Did you see him already?"Agad siyang napasigaw sa pagkabigla. Nasa harap na pala niya ito."You see him, don't you? And…I found you, Lady.""Don't touch her!"Isang kamay ang humatak sa kanang kamay niya."Wooh! Cierra? Any problem with me?"Nakangisi naman itong naiiling. Nagtataka siya kung paano at kilala nito ang ngayong may hawak ng braso niya. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng pagbabanta ng katabi e animo'y wala itong naririnig.Malademonyo pa rin ang aurang bumabalot dito bagamat biniyayaan ng angking gandang lalaki. May mapungay itong mga mata na siyang kahit sinong babae ay mabibighani. Itim na itim din ang kilay at mga pilik mata nitong parang naka-make up. May manipis itong labi na bakas ang pagiging seryoso."What's wrong with touching… .Ms. Sanchez?"Hindi naman siya makasagot sa sagutan ng magkaharap. At mas lalong hindi siya nakasagot kung paano na kilala siya nito. Wala siyang masabi kundi takot at pangamba sa mga bagay na unti-unting nabibigyang linaw sa
"Binibini Seliq, maari ba tayong mag-usap?” wika ng may edad ng matandang lalaki. “Ano pong maipaglilingkod ko, Pinunong Demetrio.” Pilit nitong ngiti kahit pa bakas ang takot sa pagmumukha. “Alam kong nalilito ka, kaya naman gusto kong magpaliwanag. Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil nagkakilala tayo.” “Pinuno, ano pong sinasabi ninyo?” utal na anang babae na nasa hustong gulang at postura lang. “Alam kong nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ’to pero sa maniwala ka sa hindi, unang beses palang alam kong may nararamdaman na akong kakaiba. Sa taon at buwan tayong hindi nagkita parang may kulang kahit pa pinilit kong balewalain ang nararamdaman ko ngunit hindi naging sapat iyon para makalimot. Araw-araw kitang tinititigan sa malayo at inaalam ang bawat kilos mo, patawad,” walang kagatol-gatol na pag-amin nito. “Pinunong Demetrio—” “Mahal kita, Binibining Seliq, at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Patawad, Mahal kong S
Tumingin ito sa kanila hanggang huminto sa hinahanap ng mga mata…sa kaniya. Sa kaniya ito nakatitig ng mataman. Agad siyang napaatras dahil dito, alinsabay sa pagtigil ng tibok ng dibdib ng dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya. “S-Sino—?” naisatinig niya ng pabulong. Hindi makandamaliw ang kaba at takot niya. Hindi siya p’wedeng magkamali. Kilala niya ang aurang bumabalot sa bagong dating. "What a beautiful woman who look messy in this particular moment," puna nito kasabay ang ngising hindi maipaliwanag. Hindi siya pwedeng magkamali, may namumuong alaala na bahagyang bumabalik sa sistema niya. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit may misteryong bagay ang nagpapahirap ng kalooban niya. Ang kapatid niya. Ang nakababatang kapatid niya. Hindi pamilyar ang lalaki ngunit pamilyar ang aurang nararamdaman. Natatakot siya at naguguluhan ngunit isa lang ang malinaw, dapat siyang mag-ingat at mas lalo pang mag-ingat sa mga susunod na araw. Hindi d
“Xhander!” sigaw niya matapos makita na bumulagta na naman ito matapos banatan ni Adminicous naman ngayon. "Ano ba, Adminicous? What the fuck!” daing ni Xhander. Napapunas pa ito sa labi na may bakas ng pulang likido. "What's wrong with all of you?" hiyaw nito. Agad siyang pumagitna sa mga ito. Sumasakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung isip-bata lang ang mga ito o sadyang komplikado talaga ang mga bagay sa mundo. Hinatak niya si Xhander patayo habang nakangisi naman si Dammier sa gilid. Isa pa ’tong luko. Nanggagalaiti naman na nakatayo si Adminicous sa likod niya. Bakas ang pagkayamot nito na pilit nananahimik at nagpapakahinahon sa dalawang nagsasagupaan, o baka sa susunod apat na sila. “What? Pagtutulungan ninyo ’ko? Fight, sige. Laban.” Ngisi ng katabi na ayaw paawat. Isip-bata talaga. “Xhander!” awat niya rito. Gumagalaw pakaliwa’t kanan pa ito. Nakahanda ang dalawang kamao sa pakikipagbakbakan. Ito talaga ang nagpapasakit ng ulo
“Sindy?” tinig na naririnig niya. “Hmm,” daing niya. Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin. Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Parang naka-fast forward ang mga imahe. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan na kung saan buo at masaya sana ang bawat pamilya. Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. Ang natatandaan lang niya, hinang-hina siya, nakakapagod, nakakawalang-lakas ang mga imaheng paulit-ulit at papalit-palit niyang nakikita. Hindi niya kayang makita ang mga senaryong nagpapahirap sa kalooban niy
Titingnan na lang ba natin?” ani Dammier na akala niya nakaalis na. “Ano’ng gusto mong gawin ko?” halukipkip niya. Hindi niya nagugustuhan ang naririnig sa bibig nito. Iyong feeling na alam naman ang gagawin pero nagtatanong pa. Common sense ika nga. Hindi naman masamang magtanong lalo kung sinasabi lang ang nasa isip, ika rin nila, may mga sitwasyong nais ng bibig ipahayag ang sinasabi ng utak. Kumbaga nais nitong maisakatuparan ang imahe na nabubuo sa isipan na madalas hindi napapansin ng iba. Halimbawa na lang nito ang biglang pagsasabi ng malamig samantalang alam naman ng malamig talaga, kumbaga bakit kailangan pang i-vocalized? Mahirap maunawaan ang mga bagay ngunit ganoon talaga ang misteryo ng buhay sa mundo. Para kang nasa kwadradong kahon na nais mong malaman ang mga sikretong naroon. Hindi rin sinasabing tama siya at mali ang iba ngunit may mga bagay na hindi madalas ma-interpret at mai-analyzed kung iisipin lang ang pang-ibabaw na sistema. “May
Mula sa pagkakatingin ni Rocky ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang tingin. Ayaw na niyang makipagtalo pa lalo alam niyang wala naman syang ginagawa rito. Hindi rin niya alam kung ano bang problema nito at kung anuman iyon wala na siyang magagawa kung ganito ito mag-isip. At saka hindi naman masamang maging deadma na lang lalo kung ang hirap ipaintindi sa isang tao ang puntong hindi naman nito naiintindihan. Gayon din, masyadong magulo ang mundo ng pakikipagtalastasan na kung minsan ang hirap intindihin ng mga bagay. Madalas pa nga akala ng iba madali lang ang lahat ngunit kung pag-aaralang mabuti masasabi nating hindi pala gano’n kadali ang lahat.
Napatulala siya sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin. Parang tumigil ang mundo niya. Hindi siya pwedeng magkamali. “Ash, Ano'ng ginawa mo?” ani Cierra na halos pabulong na ang pagbigkas. “What? Ano’ng ginawa ko?” sagot naman ni Ashlee na hindi rin alam ang gagawin. Napasenyas pa ito ng hindi ko alam ang nangyari. Salitang naririnig niya sa dalawa ngunit isa lang ang nararamdaman niya. Masakit, sobrang sakit ng ulo niya. Nagkakagulo na, bumabaliktad ang sistema niya. Nagsisigawan ang iba, nagtatakbuhan. Hindi na niya kaya, “Mamang.” &nbs
Mula sa pagkakakunot-noo agad siyang lumapit sa mga ito. “Ayan na naman sila,” dinig niyang sabi ni Cierra. “Wala naman ng pinagbago, Cie. As always naman ang babaeng iyan. Hindi na ata mapapagod iyan sa mga kalukuhan niya,” wika naman ni Ashlee. Agad siyang napatingin sa tinititigan ng mga ito. Tumambad sa kaniya ang apat na babae. Kita niya agad ang dalawang babaeng nakasuot ng pula. Hapit na hapit sa katawan ng mga ito ang kasuotan. Sa sobra pang iksi ay halos makita na ang kaluluwa ng mga ito. Gayon din, tinitigan naman niya ang babaeng parang nagbibigay-pugay sa harapan ng mga ito. Punong-puno ito ng luha sa mata na sadyang ang dungis ng