Hindi niya alam kung paano siya nakatulog kagabi matapos ang emosyonal niyang pagtangis sa bagay na parang panaginip lang. Basta pagkagising niya agad tumama ang liwanag mula sa bintana na nakaawang pa. Napahawak pa siya sa ulo kasabay ng pag-upo. Nanikip din ang dibdib niya kung saan para siyang sinilaban ng nagbabagang apoy. Isa lang ang malinaw sa araw na iyon, masakit, sobrang sakit ng pamamaalam kagabi.
Kasabay ng pagbalik ng alaala kagabi ang paghigpit ng dibdib niya. Wala siyang masabi kundi humarap sa kisame at humugot ng malalim na hininga sa klimang nagbibigay lamig sa kabuuan niya. Bawat hampas ng simoy ng hangin mula sa bintana ay siyang patak ng luha sa mga mata.
“Sorry for letting you in pain. Sorry for creating a difficult situation that it’s hard to handle. Sorry for choosing to lo
Hello, Dearest MxGchef, silent supporters. Thank you for the time all of you give to my book. I’m hoping that you learn something coming from me. Sorry for the long run update, I hope till the end you will support this book of mine. “Meant to be is meant to be don’t push things that will never be for you. Let the pain go and let things unfold in the right time.” —MxGchef.🕊️🍀
“Okay, I will wait you outside,” anitong hindi na siya hinintay sumagot bagkus agad ng lumabas ng pinto. Napakibit-balikat na lang tuloy siya kahit hindi naman nito napansin. Gayon din, nang maramdaman na mag-isa na ulit siya saka niya muling naramdaman ang problema kasabay ng pagbuntonghininga. Gusto na muna niyang makalimutan kahit papaano ang bigat ng dibdib at hangga’t maari ayaw na muna niyang mag-isip pa. Nakakapagod na rin kung paulit-ulit siyang mag-iemote tapos kahit ano namang mangyari wala ng magbabago pa. Wala rin siyang mood sa kasalukuyan lalo’t pakiramdam pa nga niya nag-iba ang pag-uugali at kung paano siya makisalamuha sa babaeng kaharap. Hindi nga niya a
“Bakt ka nag-aral dito?” basag ng kasama sa katahimikan na namumuo sa pagitan nila. Nakatayo na pala ito sa tabi niya habang tinititigan siya. Hindi niya agad napansin dahil sa mga katanungan at pag-obserba sa paligid. Mukhang nabasa rin nito ang pagkabigla sa mga mata niya dahilan upang mapatango ito. “Ah, ako pala?” turo niya sa sarili na bahagyang nangiti pa sa sariling tanong. Masyado pala siyang nawala sa sarili para mawala sa realidad. “Okay ka lang ba, may sakit ka ba? Inaantok ka pa ba, may masakit ba sa ‘yo?” tanong nitong natataranta na hinawakan pa ang noo niya na siyang ikinapiksi niya. “Okay lang ako,” medyo napalakas na sagot niya sabay alis sa kanang kamay nitong naiwan pa sa ere
Tuluyang kumalabog ang mesa nila na siyang ikinalinga niya sa kaharap. Napatingin pa siya sa hawak nitong gatas na sobra ang pagkakakapit na animo’y anumang oras ay mababasag na. Nakatunghay rin ito sa labas ng bintana na kaunti na lang susugurin na ang kung anong nakikita rito. “C-Cierra, okay ka—” “Alam mo ba iyong nakakainis? Ginawa muna ang lahat pero hindi pa rin sapat para manatili sila tapos maririnig mong pinupuri sila na parang diyos,” banat nitong ikinanganga niya. Hindi niya alam kung anong pinaghuhugutan nito na basta na lang magrereak ng hindi malaman kung ano. “Cierra, okay ka lang ba?” ulit niya matapos itong humugot. “Hays, ewan ko,” iritableng sagot nito. “Nakakapagod iyong sa mata ng iba ang linis-linis nila pero walanghiya sa likod ng maskara,” anito pa na bakas ang nanggigil na ekspresyo
“Damn it!” sigaw ng kung sino na siyang baling niya sa kung saan. “C-Cierra?” halos hindi na marinig na pukaw niya rito nang makitang binibilisan nito ang pagkain kahit mainit pa. Nagkandanganga pa ito upang malunok lang ang sopas. “Cierra?” ulit niya na siyang ikinalingon na nito. “Bilisan mo, aalis na tayo,” anito sabay tingin sa sopas na hindi pa niya nakalahati. Napanganga naman siya sa narinig, hindi siya makapaniwalang mamadaliin siya nito sa pagkain. “Bilisan muna. Ano pang ginagawa mo?” ulit nito sa matataas ng pananalita bago sumubo na hindi alintana ang ekspresyong pinapakita niya. &
Tahimik siyang naglalakad sa kahabaan ng madilim na dako. Nakayukong nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng suot na jaket. Ayaw sana niyang magising ng maaga at pumunta ng cafeteria kundi lang sa trip ni Dammier. Noon hanggang ngayon may tupak talaga sa ulo ang lalaking iyon. Palagi nitong pinananakot na kukuha ng numero gamit ang pangalan niya na siyang ikinabubuwisit niya. Hindi dahil sa nagpapatakot siya kundi ayaw niyang sumakit na naman ang ulo sa kung anong magiging resulta ng kagaguhan na naiisip nito. Maraming babae ang naghahangad na gawin niya iyon, makuha ang numero niya, kaya kung sakali na magpapanggap si Dammier na humihingi ng numero sa pangalan niya, magiging komplikado lang ang mundo niya. Bagay na ayaw na niyang maulit pa. Malayo na ang nalalakad niya nang mapansin ang lugar
“Sylier!” Agad siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ng kung sino. “Hays,” buntonghininga niya. “Sylier.” Biglang akbay nito sa balikat niya. “Akala mo umalis na ’ko, no?” wika nitong natatawa. “Tinakot ko lang mga stalker ko.” “Feeling ang —” “Accept the truth, Dude. We're balanced here.” hagalpak na pang-asar nito. “Whatever,” tamad niyang sagot. “Sandali, Bago ka lang bang sa gym?” aniya ng may mapansin. “Ha?” Agad itong napakapa sa d****b. “Ah, oo maaga a
“S-SANDALI, CIERRA!” Pilit niyang hinahatak ang braso sa pagkakapit nito. Wala siyang alam kung bakit siya nito hinahatak papunta sa kung saan. “A-Ano bang problema, Cierra?” tanong niyang naguguluhan. Sa halip makinig patuloy lang ’to sa paghatak sa kaniya paakyat sa ikalawang palapag, dahilan upang mapansin ang makintab na abuhing tiles na kita pa ang sariling repleksyon sa sobrang linaw. “Ahem,” pukaw nang kung sino dahilan upang mapansin niyang nakahinto na pala sila. Para tuloy siyang tangang nai-love sa nakikita sa lapag at hindi napansing may kasama pa pala siya. Lutang na naman kasi siya dahil sa raming tumat
“So, ganoon pala ang kuwento, never na kayong nag-usap after noon,” hindi patanong na aniya bagkus, “Dapat nag-usap kayo at nang malinawan kung ano bang nangyari noong araw na ’yon. Dapat sinabi mo—” “Yeah, I tried, Sindy, and yet, he never let me explain, he said that's alright and should never talk about it. Masaya na raw siya sa amin ni Sylier which makes me bleed more silently and until now masakit pa rin,” mapait na ngiti nito. Napapukpok pa ito sa d****b. “The pain was deep and really makes me want to scream at the top of my lungs. It might be, I should never let him hurt me this way. I hope, I shouldn’t let me feel this way. I shouldn't let him be used, ruined and feel that I am not good enough to be with him. I shouldn't let him become someone who meant to hurt me and to feel like I don't deserve who I am today. I shouldn't
"Did you see him already?"Agad siyang napasigaw sa pagkabigla. Nasa harap na pala niya ito."You see him, don't you? And…I found you, Lady.""Don't touch her!"Isang kamay ang humatak sa kanang kamay niya."Wooh! Cierra? Any problem with me?"Nakangisi naman itong naiiling. Nagtataka siya kung paano at kilala nito ang ngayong may hawak ng braso niya. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng pagbabanta ng katabi e animo'y wala itong naririnig.Malademonyo pa rin ang aurang bumabalot dito bagamat biniyayaan ng angking gandang lalaki. May mapungay itong mga mata na siyang kahit sinong babae ay mabibighani. Itim na itim din ang kilay at mga pilik mata nitong parang naka-make up. May manipis itong labi na bakas ang pagiging seryoso."What's wrong with touching… .Ms. Sanchez?"Hindi naman siya makasagot sa sagutan ng magkaharap. At mas lalong hindi siya nakasagot kung paano na kilala siya nito. Wala siyang masabi kundi takot at pangamba sa mga bagay na unti-unting nabibigyang linaw sa
"Binibini Seliq, maari ba tayong mag-usap?” wika ng may edad ng matandang lalaki. “Ano pong maipaglilingkod ko, Pinunong Demetrio.” Pilit nitong ngiti kahit pa bakas ang takot sa pagmumukha. “Alam kong nalilito ka, kaya naman gusto kong magpaliwanag. Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil nagkakilala tayo.” “Pinuno, ano pong sinasabi ninyo?” utal na anang babae na nasa hustong gulang at postura lang. “Alam kong nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ’to pero sa maniwala ka sa hindi, unang beses palang alam kong may nararamdaman na akong kakaiba. Sa taon at buwan tayong hindi nagkita parang may kulang kahit pa pinilit kong balewalain ang nararamdaman ko ngunit hindi naging sapat iyon para makalimot. Araw-araw kitang tinititigan sa malayo at inaalam ang bawat kilos mo, patawad,” walang kagatol-gatol na pag-amin nito. “Pinunong Demetrio—” “Mahal kita, Binibining Seliq, at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Patawad, Mahal kong S
Tumingin ito sa kanila hanggang huminto sa hinahanap ng mga mata…sa kaniya. Sa kaniya ito nakatitig ng mataman. Agad siyang napaatras dahil dito, alinsabay sa pagtigil ng tibok ng dibdib ng dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya. “S-Sino—?” naisatinig niya ng pabulong. Hindi makandamaliw ang kaba at takot niya. Hindi siya p’wedeng magkamali. Kilala niya ang aurang bumabalot sa bagong dating. "What a beautiful woman who look messy in this particular moment," puna nito kasabay ang ngising hindi maipaliwanag. Hindi siya pwedeng magkamali, may namumuong alaala na bahagyang bumabalik sa sistema niya. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit may misteryong bagay ang nagpapahirap ng kalooban niya. Ang kapatid niya. Ang nakababatang kapatid niya. Hindi pamilyar ang lalaki ngunit pamilyar ang aurang nararamdaman. Natatakot siya at naguguluhan ngunit isa lang ang malinaw, dapat siyang mag-ingat at mas lalo pang mag-ingat sa mga susunod na araw. Hindi d
“Xhander!” sigaw niya matapos makita na bumulagta na naman ito matapos banatan ni Adminicous naman ngayon. "Ano ba, Adminicous? What the fuck!” daing ni Xhander. Napapunas pa ito sa labi na may bakas ng pulang likido. "What's wrong with all of you?" hiyaw nito. Agad siyang pumagitna sa mga ito. Sumasakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung isip-bata lang ang mga ito o sadyang komplikado talaga ang mga bagay sa mundo. Hinatak niya si Xhander patayo habang nakangisi naman si Dammier sa gilid. Isa pa ’tong luko. Nanggagalaiti naman na nakatayo si Adminicous sa likod niya. Bakas ang pagkayamot nito na pilit nananahimik at nagpapakahinahon sa dalawang nagsasagupaan, o baka sa susunod apat na sila. “What? Pagtutulungan ninyo ’ko? Fight, sige. Laban.” Ngisi ng katabi na ayaw paawat. Isip-bata talaga. “Xhander!” awat niya rito. Gumagalaw pakaliwa’t kanan pa ito. Nakahanda ang dalawang kamao sa pakikipagbakbakan. Ito talaga ang nagpapasakit ng ulo
“Sindy?” tinig na naririnig niya. “Hmm,” daing niya. Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin. Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Parang naka-fast forward ang mga imahe. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan na kung saan buo at masaya sana ang bawat pamilya. Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. Ang natatandaan lang niya, hinang-hina siya, nakakapagod, nakakawalang-lakas ang mga imaheng paulit-ulit at papalit-palit niyang nakikita. Hindi niya kayang makita ang mga senaryong nagpapahirap sa kalooban niy
Titingnan na lang ba natin?” ani Dammier na akala niya nakaalis na. “Ano’ng gusto mong gawin ko?” halukipkip niya. Hindi niya nagugustuhan ang naririnig sa bibig nito. Iyong feeling na alam naman ang gagawin pero nagtatanong pa. Common sense ika nga. Hindi naman masamang magtanong lalo kung sinasabi lang ang nasa isip, ika rin nila, may mga sitwasyong nais ng bibig ipahayag ang sinasabi ng utak. Kumbaga nais nitong maisakatuparan ang imahe na nabubuo sa isipan na madalas hindi napapansin ng iba. Halimbawa na lang nito ang biglang pagsasabi ng malamig samantalang alam naman ng malamig talaga, kumbaga bakit kailangan pang i-vocalized? Mahirap maunawaan ang mga bagay ngunit ganoon talaga ang misteryo ng buhay sa mundo. Para kang nasa kwadradong kahon na nais mong malaman ang mga sikretong naroon. Hindi rin sinasabing tama siya at mali ang iba ngunit may mga bagay na hindi madalas ma-interpret at mai-analyzed kung iisipin lang ang pang-ibabaw na sistema. “May
Mula sa pagkakatingin ni Rocky ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang tingin. Ayaw na niyang makipagtalo pa lalo alam niyang wala naman syang ginagawa rito. Hindi rin niya alam kung ano bang problema nito at kung anuman iyon wala na siyang magagawa kung ganito ito mag-isip. At saka hindi naman masamang maging deadma na lang lalo kung ang hirap ipaintindi sa isang tao ang puntong hindi naman nito naiintindihan. Gayon din, masyadong magulo ang mundo ng pakikipagtalastasan na kung minsan ang hirap intindihin ng mga bagay. Madalas pa nga akala ng iba madali lang ang lahat ngunit kung pag-aaralang mabuti masasabi nating hindi pala gano’n kadali ang lahat.
Napatulala siya sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin. Parang tumigil ang mundo niya. Hindi siya pwedeng magkamali. “Ash, Ano'ng ginawa mo?” ani Cierra na halos pabulong na ang pagbigkas. “What? Ano’ng ginawa ko?” sagot naman ni Ashlee na hindi rin alam ang gagawin. Napasenyas pa ito ng hindi ko alam ang nangyari. Salitang naririnig niya sa dalawa ngunit isa lang ang nararamdaman niya. Masakit, sobrang sakit ng ulo niya. Nagkakagulo na, bumabaliktad ang sistema niya. Nagsisigawan ang iba, nagtatakbuhan. Hindi na niya kaya, “Mamang.” &nbs
Mula sa pagkakakunot-noo agad siyang lumapit sa mga ito. “Ayan na naman sila,” dinig niyang sabi ni Cierra. “Wala naman ng pinagbago, Cie. As always naman ang babaeng iyan. Hindi na ata mapapagod iyan sa mga kalukuhan niya,” wika naman ni Ashlee. Agad siyang napatingin sa tinititigan ng mga ito. Tumambad sa kaniya ang apat na babae. Kita niya agad ang dalawang babaeng nakasuot ng pula. Hapit na hapit sa katawan ng mga ito ang kasuotan. Sa sobra pang iksi ay halos makita na ang kaluluwa ng mga ito. Gayon din, tinitigan naman niya ang babaeng parang nagbibigay-pugay sa harapan ng mga ito. Punong-puno ito ng luha sa mata na sadyang ang dungis ng