Beranda / Mistery / Thriller / Dark Secret | Filipino / Chapter 5: We will meet again

Share

Chapter 5: We will meet again

Penulis: Mxgchef
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

“Mang!” sigaw niyang ubod lakas. Kulang na lang mapatakip sa tainga ang kaharap sa biglang pagsulpot niya. Napatigil din ito sa ginagawa na siyang nakalinga na sa puwesto niya.

     “Mang,” ulit niyang halos maubusan ng hininga sabay kapit sa magkabilang gilid ng pinto.

     “Huminahon ka nga, Maria! Ano bang problema?” tanong nitong nakakunot-noo. Bakas ang pagkayamot sa kabuuan.

     “Mang, kasi—”hindi niya matuloy-tuloy na sinasabi.

     “Ano ba, Maria, kung wala kang sasabihing matino magwalis ka na! Nakakahiya sa kapitbahay ang dumi ng bakuran,” sa halip na wika nito nang hindi niya matuloy ang sinasabi.

     “Mang—”

     “Dapat matuto kayong gumawa ng gawaing bahay para may biyaya agad hindi iyong tanghali na saka kayo magsisigalaw. Nagbuhos na ng biyaya ang diyos wala man lang kayong nasalo,” paninermon nitong nagpapaypay na ng lutuan. Palibhasa kahoy ang gamit nilang pangluto.

     “Nabalitaan ko po sa tindahan na may natagpuang patay na babae sa kabilang bayan,” dire-diretsong aniya bago pa nito maputol ang sinasabi.

     “Maryosep, santisima! Totoo ba ’yan?” nanlalaking mga matang baling nito sa kaniya nang marinig ang kaniyang itinuran. Napatigil din ito sa ginagawa na siyang pasok naman niya patungong lamesa.

     “Opo at ang matindi pa po sinaksak daw po ito sa mismong puso,” kinikilabutang salaysay pa niya saka nagbuhos ng tubig mula sa pitchel na naroon.

     At nang maisang lagok ang nasa babasaging baso agad na siyang napayapos sa sarili. Hanggang sa kasalukuyan hindi pa rin siya mapakali lalo’t nangangamba rin ang mga kanayon nila.

     “Maryosep, mahabaging ama,” puno ng pag-aalalang anang ina na siyang hindi na niya binigyang pansin pa.

    Sa halip, “Iyon po ang balitang kumakalat sa buong Nayon maging sa kabilang Bayan,” pagpapatuloy niyang palinga-linga sa bawat sulok ng kanilang kubo.

     “Maria!” puno ng nagbabantang himig na siyang taas ng namamaos nitong tinig. Bagamat nakatuon ang pansin niya sa inoobserbahan, dinig na dinig pa rin niya ang hindi mapakaling pakiramdam nito.

    “Walang papasok dito, Maria!” sigaw nito nang hindi na makapagtimpi pa. Dahil din dito agad siyang napatigil sa pag-obserba at napatingin dito.

    “Mang . . . naghahanap lang po ako ng maaring pagpasukan ng taong—”aniyang nakayuko na siyang hindi na kayang titigan ang nagbabantang tingin nito.

     “Maria!” sigaw muli nito dahilan upang matigil siya sa pagsasalita at mabuntong muli rito ang tingin.

     “Ang akin lang po, Mang, maisaayos na itong kubo. Nakakatakot po kasi ang sitwasyon ngayon. Mahirap naman po kung mabiktima rin tayo ng taong ’yon,” halos bulong niyang turan bago muling napayuko nang bahagya.

    “Kaya nga Maria, iwasan mo ang pag-uwi ng gabi. Nawiwili ka sa paglalaro na hindi nababantayan ang oras. Kung totoo man o hindi ang bagay na ’yon, mainam na nag-iingat pa rin tayo lalo’t sobrang sama ng panahon ngayon,” anang may serysong tinig.

    “Isko, nariyan ka na pala, nabalitaan mo rin pala?” anito na siyang ikinaalis niya pagkakayuko.

    “Sandali na lang ito,” wika muling ng ina na siyang tinutukoy ay ang nakasalang na kaldero sa paglutuan.

     Kaya naman agad na lang siyang lumapit sa ama. “Mano po, Pang.” Abot-kamay niya sa kanang kamay nito.

    “Marumi ang kamay ko,” pagtangging turan nito pero iniabot din ang kamay bago dumiretso sa lababo.

    “Mang, ano pa lang ginagawa ninyo?” tanong niya kahit alam na niyang naghihiwa na ito ng kamatis na may sibayus. Katatapos lang umapoy muli ang lutuan na siyang iniwanan na upang gawin ang ginagawa ngayon.

    “Balita ko pa nga ay nagahasa raw ang biktima at lubhang kaawa-awa ang sinapit. Hindi ko nga ba mawari sa mga kabataan ngayon kung bakit nawiwili sa pag-inom ng alak. Kay babata mga lasinggero at lasinggera. Iyan ba ang natutunan nila sa paaralan?” sa halip na singit ng ama sa nais isagot ng ina. Kaya naman tuluyang bumalik sa dating usapan ang bagay na inililihis niyang pag-usapan pa.

    “Ewan ko nga ba, Isko. Ano ba kasing mapapala nila riyan? Pati kung mag-iinuman man sana ilagay sa lugar hindi iyong hating-gabi na nasa labas pa tapos pagdating sa bahay mambubulabog ng mga natutulog o kaya manghahamon ng gulo. Mga kabataan nga naman ginagawang komplikado ang lahat,” nai-iling na sagot naman ng ina na siyang ikinanguso na lang niyang nakapangalumbaba na sa mesa.

    “Kaya nga, Maria, huwag kang magsasama sa ’di mabuting kaibigan. Alam mo naman sigurong kumilatis ng huwad sa ginto. Dapat matuto kang maging mapangmatyag at alam mong ilagay sa tama ang sarili mo. Hindi masamang makipagkaibigan pero kailangang magkaroon ka ng sariling desisyon at prinsipyo, mas magandang ayawan ka ng iba dahil kakaiba ka, at hindi mo kayang sumunod sa makamundong pag-iisip nila. Huwag kang tumulad sa ibang nagpapanggap lang para lang matanggap ng nakakarami. Nakakaawa ang ganoong kalagayan, kahit kailan hindi ka magiging masaya dahil nakasalo ka sa bulok na dapat ng itapon,” mahabang paalala ng ama na siyang hindi niya namalayang nakanganga na pala siya.

    “Pero, Mang, paano po ’yon? Kapag hindi ako sumunod sa kanila sasabihin nila K.J ako at conservative?” sagot niya nang mahimasmasan sa pagkatulala.

    “Bakit, Maria, ’pag tinawag ka ba nilang Kill-joy ikakamatay mo na? Kapag ba sinabi nilang magpakamatay, magdroga, uminom at pumatay ka gagawin mo rin ba?” seryosong tanong ng ama na siyang nakaupo na sa hapag. Lumalagok na ito ng tubig mula sa baso.

    “Hindi po, Ah. Bakit ko naman gagawin ’yon,” nakanguso niyang sagot.

    “Iyon ang sinasabi ko, Maria. Hindi ibig sabihin na tumanggi ka, K.J ka na. Tumanggi ka dahil hindi nararapat. Kaya nga sa pagdedesisyon at prinsipyo dapat may sarili kang pag-iisip. Ika nga nila buntot mo hila mo, gumawa ka man ng tama o mali ikaw ang magdadala. Kaya hindi puwedeng magpadikta ka sa sasabihin ng iba o dahil sa gusto nila. Hindi puwedeng nakadepende sa iba ang tama at mali, dapat ikaw mismo ang mag-impluwensiya ng tama, bagamat hindi perpekto ang tao ngunit ang paggawa ng mabuti ang makakatulong sa iba upang magising sa tama at mali,” banat ng ama na siyang muling nagpanganga sa kaniya.

    “Okay po, Pang, ikaw po ba si Tiyo Dely, ang galing mo po, ah,” nakangiting aniya matapos mapaisip sa narinig.

    “Lukong bata ’to. Tiyo Dely na? Tiya Dely,” umi-echo na hagalpak na tawa ng ina na sumingit sa usapan nila.

    “Nagsimula ka na naman sa mga kalukuhan mo, Maria. Magaling na broadcaster si Fidela Magpayo Reyes o Tiya Dely, ang First Lady ng Philippine Radio,” pagpapatuloy ng ina matapos mahimasmasan sa pagtawa.

    “Iyon nga po, Mang, idol ko iyon, e,” aniyang napahigikgik na siyang ikinailing na lang ng ama.

    “Kung idolo mo hindi mo sana nakalimutan,” pang-aasar ng ina.

    “Mang naman, e—”nakabusangot niyang pagkakayuko. Nahiya na tuloy siya, pero likas na sa kanila ang pagbibigay payo sa bawat isa kaya naging maganda ang ugnayan nila. Magagandang asal din ang ipinabubuhay sa kanila kaya maging sa nakakasalamuha nadadala nila iyon.

    “Mang, Pang, lagi ko pong tatandaan ang mga payo ninyo,” sa halip na sagot niya matapos makahugot ng lakas sa palpak na rason.

    “Tama ’yan, Maria, sumunod ka sa nakakatanda. Huwag mong mapagmatigasin ang puso sa pakikinig at paggawa ng mabuti dahil lahat ng kataliwasang ginagawa ng anak katumbas noon parusa pagdating ng takdang panahon,” pahabol ng ina na siyang mas nagpanguso sa kaniya. Nasa lababo na ito at naghuhugas ng kamatis na hiniwa.

    “Naman po, Mang, tama naman po kasi si Papang, walang mapapala ang masamang anak kundi parusa, sabi pa nga ng teacher ko, ‘Ang  bastos na anak sa magulang kahit kailan hindi magtatagumpay sa buhay.’ Kaya nga po kahit pasaway ako pinipilit ko pa rin na gumawa ng mabuti.” Napapapitik sa daliring ngiti niya.

    “Mabuti naman, nga pala sa Miyerkules ko na kukumpunihin ’tong kubo. Huwag ka ng mag-alala pa,” anang ama matapos uminom ng tubig.

    “Sige po, Pang, salamat po. Si Ate Sindy kasi hindi alam,” makahulugang aniya na siyang ikinatingin ng ama sa kaniya. Dahil din dito agad siyang napatahimik at napayuko.

    “Hayaan mo na’ng ate mo, Maria. Alam mo naman na wala siyang alam sa mga ganyang mga bagay,” sagot ng ama na siyang mas ikinatungo niya lalo.

     Batid na naman niyang talo siya rito lalo pa’t pantay ang tingin ng ama sa kanilang magkakapatid. Kaya pag ganoon pinipili na lang niyang tumahimik.

     “Pang, mag-agahan na lang muna tayo. Nagugutom na iyong tiyan ko, este ako pala ang gutom,” pilit niyang winawala ang usapin dahil nagsimula na naman ang katahimikang ayaw niyang maranasan lalo pa’t mahirap amuin ang ama.

     Nagkatinginan at natawa na lang tuloy ang mga ito sa sinabi niya, kung saan pabor sa kaniya dahil kahit papaano bumalik ang dating usapin. “Kain na po tayo,” aniyang nakataas ang dalawang daliri upang sabihing bati tayo.

     “Lukong bata ere. Oh siya, kumain na nga lang tayo.” Nai-iling na ngiti ng ama na siyang naglalagay na ng kanin sa plato. Gayon din, alinsabay naman ito sa paglapag muli ng ina sa malaking mangkok na may sinigang na baboy.

     “Mukhang masarap, Mang, ah. Sandali po, kukuha lang ako ng pinggan natin.” Nagmamadaling tungo niya sa lalagyanan ng mga aparato. Natapilok pa siya sa pagmamadali.

     “Magdahan-dahan ka, Maria,” paalala ng ina, sapat upang marinig niya.

    “Okay lang po ako, Mang,” aniyang napatapilok muli pero agad niyang inayos ang sarili at nakangiting inilapag ang pinggang hawak.

    At nang tingnan ang ama napapailing na lang ito habang kumakain. Sa kanilang magkakapatid siya kasi ang pilya at maraming kalukuhan. Kaya hindi na bago sa mga ito ang pag-uugali niya.

    “Maryosep kang bata ka, hinay-hinay lang hindi ka mauubusan,” biro ng kaniyang ina habang natatawa.

    “Masarap po kasi ang ulam, Mang,” aniyang balewala lang ang nangyari. Pangiti-ngiti pa siyang natungo sa kaliwa ng ama upang umupo.

    “Aysus, binula mo pa ako. Kumain ka na nga lang,” pinal na wika ng ina.

    “Pinakain n’yo na ba si Cora?” tanong ng ama na ikinatahimik nila.

    “Tapos na po, Pang, pinauna na siya ni Ate Sindy kanina,” sagot niya matapos mapatigil nang bahagya.

    “Oh, nasaan pala ang ate mo?” palingang hanap nito sa Ate Sindy niya.

    “Naku Isko, parang hindi mo kilala ang anak mo. Alam mo naman ang batang ’yon,” sa halip na singit ng ina.

    “Hindi ko nga ba alam sa batang iyon kung bakit ang hilig magmukmok,” pahabol pang turan ng ina na siyang ikinatahimik na lang niya.

    “Kumain na ba ’yon?” maagap na tanong muli ng ama na parang walang narinig na anuman sa ina.

    “Nagkape lang, nagmamadali. Hindi ko nga ba maintindihan sa batang iyon kung bakit ang tigas ng ulo, sinabi kong kumain muna, sabi niya mamaya na lang daw,” anang ina pa rin.

    “Pagkatapos kumain sunduin ninyo na, nakakatakot ang sitwasyon ngayon dapat nag-iingat tayo,” anang ama bago nagpatuloy sa pagkain. Talagang pantay ito ng tingin sa kanilang magkakapatid.

    “Narinig n’yo ba ako?” anitong pasubo muli ng pagkain, animo’y gutom na gutom itong nagpapatuloy sa pagnguya. Nag-iipon din muli ito ng panibagong bakol ng pagkain para kainin.

     Hindi na rin nito inintindi ang ipinahayag ng ina na siyang nakasanayan na nila. At bilang haligi ng tahanan, ito ang nasusunod sa pangunguna ng kanilang pamilya. Kaya naman wala silang magawa kundi tumahimik.

    Nakayuko lang din siyang nakikinig dahil baka masupalpal lang siya gaya kanina kapag nakisali pa, ngunit isang kakaibang hangin ang humaplos sa kaniyang buong katawan sabay tingin sa dako ng hagdang medyo may kalayuan sa puwesto nila.

     “May tao ba ro’n?” nakakunot-noo niyang bulong sa isip.

    “Ano ba, Cita, nasa hapagkainan tayo. Igalang mo naman ang pagkain. Napag-usapan na natin ito. Lubayan muna si Sindy,” anang ama na siyang balik ng wisyo niya. Dahil din dito agad siyang napalingon sa mga magulang.

    “Alam ninyo naman po si Ate Sindy, Pang. Tama naman po si Mamang, matigas naman po talaga ang ulo ni Ate Sindy, daig pa po ang bata. Ako na lang kasi ang panganay, Pang,” aniyang bagamat hindi alam ang pinag-uusapan ng ama’t ina. Iyon na lang ang sinabi niya bago napahalakhak ngunit tanging ang kalansingan ng kutsara’t tinidor lang ang naririnig na siyang agad din niyang ikinayuko. Mukhang maling bagay ang ipagtanggol ang ina sa harapan ng ama.

    “Tigilin ninyo na si—”

   

    “Naku, Maria, umiral na naman ’yang kalukuhan mo, may gatas ka pa sa labi, oh,” putol ng ina sa nais sabihin ng ama kaya sa halip matuwa, agad siyang pilit na ngumiti.

    At nang mahimasmasan sa ibig ipakahulugan ng ina. “Mang, naman, e. Pang, oh, si Mamang,” sa halip na aniya upang lumamig muli ang sitwasyon.

    “Kumain na nga lang kayo,” anang ama na siyang akala niya ay manggagalaiti sa galit.

    “Sorry po, Pang,” aniya ng maunawaan ang nais nitong ipabatid.

    “Kumain na kayo—Cita,” anang muli ng ama na siyang ikinataranta ng ina.

    “Oo,” anang ina na nagkandautal. “Ikaw kasi Maria,” natatawang sabi pa nito, sinadya nitong ibaling sa kaniya ang usapan upang gumaan ang sitwasyon.

    “Gutom ka lang, Mang,” sagot naman niyang natatawa. Lubos niyang naunawaan ang nais nitong isalin na mensahe.

    “Magsikain na nga lang kayo,” natatawang wika na ng ama na siyang bumalik na sa dati ang postura ng mukha.

    Ganyan ang pamumuhay nila, masaya at nagkakaunawaan sa kabila ng mga hirap at tiisin. Gayon din, patuloy nilang hinaharap ng positibo at matatag ang bawat araw sa kabila ng kaguluhang nangyayari: tatawa, iiyak, magkakasagutan pero pagkatapos nang lahat, lalaban ulit sa hamon ng buhay.

    “Si Mamang kasi Pang—”aniya na siyang biglang tunog ng sikmura niya. Dahil din dito agad nagsipaghalakhakan ang kaniyang ama’t ina.

    “Kumain ka na nga, Maria,” turan ng ina habang natatawa pa rin.

    “Mamang naman e,” nakabusangot niyang sabi ngunit mas naghalakhakan pa ang mga ito nang gumawa muli ng ingay ang kaniyang tiyan.

“NALALAPIT NA. Malapit na. Malapit na malapit na,” aniya habang nakatitig sa matandang lalaking na nasa gitna ng hapagkainan.

     Kitang-kita niya ang katamtamang haba ng buhok na may puti na rin. Gayon din, tama lang pangangatawan nitong kulay kayumangging nasunog sa araw. Mula rin sa puwesto niya natatanaw niya ang matangos na ilong nitong may maitim na labi na hindi naman naninigarilyo. Puno ito ng pagiging seryoso ang halata ang pagiging pangulo ng sambahayan.

    Ang matandang babae naman ay may panglalaking gupit na may matabang pangangatawan, ngunit bakas ang pagiging masungit ng mukha. Samantalang nakatalikod naman sa kaniya ang batang babae na may suot na dilaw na bestida habang naka-tirentas ang mahabang buhok. Mula rin sa puwesto kita niya pagiging masayahin ng bata na siyang ikinangisi niya.

     “Malapit na,” ulit niya. Hindi pa rin mawala ang ngisi sa labi habang nakasilip sa puwesto. “Magkikita pa tayong mu—”

Bab terkait

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 6: Falls and Stone

    “Napakaganda talaga ng lugar na ito,” aniyang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. Nakapikit pa siyang dinadama ito na animo’y nasa isang pelikula lang.Sa lugar din nilang ito matatagpuan ang natatagong lugar na kung tawagin ay Ilog Minanga. Pinaniniwalaan din kasing ibiniyaya ito ni Bathala; ayon na rin sa mga kanayon nila. Kaya naman dahil sa angking ganda at kakaiba maraming mga mandarayo ang nahuhumaling mamasyal na siyang pinapayagan naman ng kanilang pamunuan.

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 7: Lively, Bad-Tempered

    “Ano na naman ’yan? Kararating mo lang galit na galit ka na naman, hindi ka ba napapagod?” anang panauhin. Kakapasok lang nito sa silid niya, ni hindi man lang nagpaalam sa pagpasok.“Ganyan ka ba mag-welcome sa amin? Sa halip na manghina ka sa Simbulika cage, mukhang naging mas matigas ka pa para kitilan ng buhay iyong dalawa,” pagpapatuloy nitong nililinga ang kabuuan ng silid niya.“Ano’ng kailangan mo?” sa halip na tanong niya. Hindi niya pinansin ang nais nitong sabihin.“Magandang umaga, Lord Lilika,” singit naman ng kawal na yumukod pa rito. Sa halip na pagalitan ito hindi na lang siya umimik at hin

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 8: Symbolic Creatures

    “Ano na naman bang problema noon? Simula ng dumating siya rito sa Ademonian parang nasapian na naman ng masamang espiritu, tapos ginawa na naman niya ang bagay na ’yon. Kahit kailan talaga walang kadala-dala ang lalaking ’yon,” nai-iling niyang naiisip.“Tang*na! Sino ba ’yan? Anak ng—matutulog pa lang ako,” iritableng sigaw niya. Sobrang pagod niya mula sa ginagawa tapos biglang may manggugulo.“Dammier, buksan mo ’to.” Nagmamadaling kalampag mula sa pinto. Palakas at pahinang pambubulabog.“Anak ng—nandito na naman ’to. Araw-araw na lang,” iritableng anang isipan. Napapasabunot pa siya sa buhok sa sobrang pagkabadtrip. Mula sa

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 9: First Degree

    Makalipas ng ilang oras nakarating din siya sa kanilang tahanan kasama ng ina’t kapatid. Sinundo siya ng mga ito dahil na rin sa utos ng ama. Gaya ng nasa isip talagang hindi siya nito pinababayaan. Madalas siyang ipasundo liban na lang kung may lakad o may inaasikaso ito, kaya naman mas malapit ang loob niya rito.Gayon din, mula sa likod nakikita niya ang inang bitbit pa rin ang palangganang naglalaman ng damit niya habang dala naman ni Maria ang maliit na baldeng may laman na sabong panlaba.Samantala, tanging ang tuwalyang nakasabit sa kanang balikat lang ang hawak niya. Mabuti na nga lang at bago dumating ang mga ito tapos na siyang nakapaligo at nakapagpunas kaya hindi nahalata ang ginawa niya. Isabay pa ang malamig na simoy ng hangin n

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 10: Imagery

    “Buwisit! Bakit ba may mga nilalang na laging sumisira ng plano ko?” aniyang nanggagalaiti. Tinititigan ang gitnang parte ng silid. At nang hindi siya makuntento agad siyang sumuntok sa ere dahilan ng pagliyab ng kung ano sa harapan.Mula rin sa kinatatayuan wala ng tigil na sumasabog ang naglalagablab na kulay kahel na apoy. “Damn it!”Naglalakad siya sa mapunong lugar na pawang katahimikan at huni ng ibon lang ang maririnig. At habang pinag

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 11: Symbolism and The Council

    “Ano? Wala nga—’yan lang ang sasabihin mo sa ’kin pagkatapos mong sunugin ang kama ko? Tarantado. Nambubulabog ka na nga lang nandadamay ka pa,” anitong nagkandautal na siyang ikinahalakhak niya. “Hayop, Adminicous! Laughtrip ka gag*. Oh, Ano? Walang ano? Ituloy mo dali,” nang-aasar niyang tanong dahilan upang mamutla ito. “Dammier,” nagkandautal na sagot nitong mas ikinahalakhak niya. “Tarantado, huwag ninyo akong itulad sa inyo ni Xhander,” sagot nito nang makabawi sa kawalang masabi. Nanlilisik na rin ang mga mata nitong parang papatayin siya ngayon din. “Hayop, Adminicous, masyado kang mainit. Chill, relax, kalma lang. Alam ko naman na mahina ka,” wika niyang mas humagalpak ng tawa sa huli. “Gag*!” pikong anito. “Kung hindi mo aaminin tatawagin ko ang pabor

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 12: Death of me

    “Ate, ikaw na muna ang maghugas ah,” pukaw ni Maria na siyang linga niya rito.

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 13: Strangers on Tour

    Sobrang bigat ng dibdib niya, hindi siya makahinga. Walang ibang tumatakbo sa isip kundi takasan ang masakit na kaganapang hindi na kayang baguhin pa. Nagkandadapa pa siya sa mabatong daan dahil sa panghihina at sa maraming emosyong naiisip. Sabayan pa ng luhang patuloy umaagos sa mata na kahit anong pigil pilit nagbibigay kalungkutan sa kaniya.Puro putik na rin ang kasuotan dahil sa ilang be

Bab terbaru

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 56: Man of Yesterday

    "Did you see him already?"Agad siyang napasigaw sa pagkabigla. Nasa harap na pala niya ito."You see him, don't you? And…I found you, Lady.""Don't touch her!"Isang kamay ang humatak sa kanang kamay niya."Wooh! Cierra? Any problem with me?"Nakangisi naman itong naiiling. Nagtataka siya kung paano at kilala nito ang ngayong may hawak ng braso niya. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng pagbabanta ng katabi e animo'y wala itong naririnig.Malademonyo pa rin ang aurang bumabalot dito bagamat biniyayaan ng angking gandang lalaki. May mapungay itong mga mata na siyang kahit sinong babae ay mabibighani. Itim na itim din ang kilay at mga pilik mata nitong parang naka-make up. May manipis itong labi na bakas ang pagiging seryoso."What's wrong with touching… .Ms. Sanchez?"Hindi naman siya makasagot sa sagutan ng magkaharap. At mas lalong hindi siya nakasagot kung paano na kilala siya nito. Wala siyang masabi kundi takot at pangamba sa mga bagay na unti-unting nabibigyang linaw sa

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 55: Power of Broken Principle

    "Binibini Seliq, maari ba tayong mag-usap?” wika ng may edad ng matandang lalaki. “Ano pong maipaglilingkod ko, Pinunong Demetrio.” Pilit nitong ngiti kahit pa bakas ang takot sa pagmumukha. “Alam kong nalilito ka, kaya naman gusto kong magpaliwanag. Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil nagkakilala tayo.” “Pinuno, ano pong sinasabi ninyo?” utal na anang babae na nasa hustong gulang at postura lang. “Alam kong nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ’to pero sa maniwala ka sa hindi, unang beses palang alam kong may nararamdaman na akong kakaiba. Sa taon at buwan tayong hindi nagkita parang may kulang kahit pa pinilit kong balewalain ang nararamdaman ko ngunit hindi naging sapat iyon para makalimot. Araw-araw kitang tinititigan sa malayo at inaalam ang bawat kilos mo, patawad,” walang kagatol-gatol na pag-amin nito. “Pinunong Demetrio—” “Mahal kita, Binibining Seliq, at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Patawad, Mahal kong S

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 54: Power of Blind Principle

    Tumingin ito sa kanila hanggang huminto sa hinahanap ng mga mata…sa kaniya. Sa kaniya ito nakatitig ng mataman. Agad siyang napaatras dahil dito, alinsabay sa pagtigil ng tibok ng dibdib ng dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya. “S-Sino—?” naisatinig niya ng pabulong. Hindi makandamaliw ang kaba at takot niya. Hindi siya p’wedeng magkamali. Kilala niya ang aurang bumabalot sa bagong dating. "What a beautiful woman who look messy in this particular moment," puna nito kasabay ang ngising hindi maipaliwanag. Hindi siya pwedeng magkamali, may namumuong alaala na bahagyang bumabalik sa sistema niya. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit may misteryong bagay ang nagpapahirap ng kalooban niya. Ang kapatid niya. Ang nakababatang kapatid niya. Hindi pamilyar ang lalaki ngunit pamilyar ang aurang nararamdaman. Natatakot siya at naguguluhan ngunit isa lang ang malinaw, dapat siyang mag-ingat at mas lalo pang mag-ingat sa mga susunod na araw. Hindi d

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 53: First Thing Revealed

    “Xhander!” sigaw niya matapos makita na bumulagta na naman ito matapos banatan ni Adminicous naman ngayon. "Ano ba, Adminicous? What the fuck!” daing ni Xhander. Napapunas pa ito sa labi na may bakas ng pulang likido. "What's wrong with all of you?" hiyaw nito. Agad siyang pumagitna sa mga ito. Sumasakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung isip-bata lang ang mga ito o sadyang komplikado talaga ang mga bagay sa mundo. Hinatak niya si Xhander patayo habang nakangisi naman si Dammier sa gilid. Isa pa ’tong luko. Nanggagalaiti naman na nakatayo si Adminicous sa likod niya. Bakas ang pagkayamot nito na pilit nananahimik at nagpapakahinahon sa dalawang nagsasagupaan, o baka sa susunod apat na sila. “What? Pagtutulungan ninyo ’ko? Fight, sige. Laban.” Ngisi ng katabi na ayaw paawat. Isip-bata talaga. “Xhander!” awat niya rito. Gumagalaw pakaliwa’t kanan pa ito. Nakahanda ang dalawang kamao sa pakikipagbakbakan. Ito talaga ang nagpapasakit ng ulo

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 52: Second Degree Burn

    “Sindy?” tinig na naririnig niya. “Hmm,” daing niya. Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin. Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Parang naka-fast forward ang mga imahe. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan na kung saan buo at masaya sana ang bawat pamilya. Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. Ang natatandaan lang niya, hinang-hina siya, nakakapagod, nakakawalang-lakas ang mga imaheng paulit-ulit at papalit-palit niyang nakikita. Hindi niya kayang makita ang mga senaryong nagpapahirap sa kalooban niy

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 51: First Degree Burn

    Titingnan na lang ba natin?” ani Dammier na akala niya nakaalis na. “Ano’ng gusto mong gawin ko?” halukipkip niya. Hindi niya nagugustuhan ang naririnig sa bibig nito. Iyong feeling na alam naman ang gagawin pero nagtatanong pa. Common sense ika nga. Hindi naman masamang magtanong lalo kung sinasabi lang ang nasa isip, ika rin nila, may mga sitwasyong nais ng bibig ipahayag ang sinasabi ng utak. Kumbaga nais nitong maisakatuparan ang imahe na nabubuo sa isipan na madalas hindi napapansin ng iba. Halimbawa na lang nito ang biglang pagsasabi ng malamig samantalang alam naman ng malamig talaga, kumbaga bakit kailangan pang i-vocalized? Mahirap maunawaan ang mga bagay ngunit ganoon talaga ang misteryo ng buhay sa mundo. Para kang nasa kwadradong kahon na nais mong malaman ang mga sikretong naroon. Hindi rin sinasabing tama siya at mali ang iba ngunit may mga bagay na hindi madalas ma-interpret at mai-analyzed kung iisipin lang ang pang-ibabaw na sistema. “May

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 50: War, Wake Up

    Mula sa pagkakatingin ni Rocky ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang tingin. Ayaw na niyang makipagtalo pa lalo alam niyang wala naman syang ginagawa rito. Hindi rin niya alam kung ano bang problema nito at kung anuman iyon wala na siyang magagawa kung ganito ito mag-isip. At saka hindi naman masamang maging deadma na lang lalo kung ang hirap ipaintindi sa isang tao ang puntong hindi naman nito naiintindihan. Gayon din, masyadong magulo ang mundo ng pakikipagtalastasan na kung minsan ang hirap intindihin ng mga bagay. Madalas pa nga akala ng iba madali lang ang lahat ngunit kung pag-aaralang mabuti masasabi nating hindi pala gano’n kadali ang lahat.

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 49: Remember me, Revenge

    Napatulala siya sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin. Parang tumigil ang mundo niya. Hindi siya pwedeng magkamali. “Ash, Ano'ng ginawa mo?” ani Cierra na halos pabulong na ang pagbigkas. “What? Ano’ng ginawa ko?” sagot naman ni Ashlee na hindi rin alam ang gagawin. Napasenyas pa ito ng hindi ko alam ang nangyari. Salitang naririnig niya sa dalawa ngunit isa lang ang nararamdaman niya. Masakit, sobrang sakit ng ulo niya. Nagkakagulo na, bumabaliktad ang sistema niya. Nagsisigawan ang iba, nagtatakbuhan. Hindi na niya kaya, “Mamang.” &nbs

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 48: The Breakage

    Mula sa pagkakakunot-noo agad siyang lumapit sa mga ito. “Ayan na naman sila,” dinig niyang sabi ni Cierra. “Wala naman ng pinagbago, Cie. As always naman ang babaeng iyan. Hindi na ata mapapagod iyan sa mga kalukuhan niya,” wika naman ni Ashlee. Agad siyang napatingin sa tinititigan ng mga ito. Tumambad sa kaniya ang apat na babae. Kita niya agad ang dalawang babaeng nakasuot ng pula. Hapit na hapit sa katawan ng mga ito ang kasuotan. Sa sobra pang iksi ay halos makita na ang kaluluwa ng mga ito. Gayon din, tinitigan naman niya ang babaeng parang nagbibigay-pugay sa harapan ng mga ito. Punong-puno ito ng luha sa mata na sadyang ang dungis ng

DMCA.com Protection Status