“Ano? Wala nga—’yan lang ang sasabihin mo sa ’kin pagkatapos mong sunugin ang kama ko? Tarantado. Nambubulabog ka na nga lang nandadamay ka pa,” anitong nagkandautal na siyang ikinahalakhak niya.
“Hayop, Adminicous! Laughtrip ka gag*. Oh, Ano? Walang ano? Ituloy mo dali,” nang-aasar niyang tanong dahilan upang mamutla ito.
“Dammier,” nagkandautal na sagot nitong mas ikinahalakhak niya.
“Tarantado, huwag ninyo akong itulad sa inyo ni Xhander,” sagot nito nang makabawi sa kawalang masabi. Nanlilisik na rin ang mga mata nitong parang papatayin siya ngayon din.
“Hayop, Adminicous, masyado kang mainit. Chill, relax, kalma lang. Alam ko naman na mahina ka,” wika niyang mas humagalpak ng tawa sa huli.
“Gag*!” pikong anito.
“Kung hindi mo aaminin tatawagin ko ang paborito kong manok,” pang-aasar niya pa.
“Shit! Dammier, lumabas ka na utang na loob,” pagsukong anito na siyang mas ikinahalakhak niya lalo. Hindi niya mapigil ang emosyon dahil sa hilaw na itsura nito.
“Puwede ba, Dammier. Sumasakit ang ulo ko sa ’yo. Tigilan mo na ang mga kalukuhan mo. Masisiraan ako ng bait sa babaeng iyon. Nakakairita, lahat pinanghihimasukan sa buhay ko. Daig pa si Ina, buwisit!”
“Pero, Ano bang masama roon? Matangkad, maganda, seksi ang katawan, kung tutuusin panalo iyon dahil parang girlscout iyon, laging handa. Kung hindi nga lang kita kilala malamang pinatulan mo iyon, e. Hindi ko nga ba alam sa ’yo. Naturingan kang hari pero may ugali kang hindi ko maintindihan tapos masyado kang pihikan sa babae,” seryosong wika niya na siyang ikinatahimik lang nitong nakatingin sa kung saang dako.
“Kaya nga, Dammier, utang na loob itigil mo na iyang mga kalukuhan mo. At huwag na huwag mong dadalhin dito ang babaeng iyon. Hindi ko nga alam kung paano mo nakilala iyon.”
“Well, ang totoo niyan, nakilala ko siya dahil kay Xhander, tapos ayon—”sagot niya na sadyang pinutol ang sasabihin.
“What! You mean?” tanong nitong nanlalaki ang mga matang agad naunawaan ang nais niyang ipabatid.
“Actually, yeah, kaya nga kilala ko siya. I know how she moved in a way of—”
“Damn it! Barbecue stick?” wala sa sariling bigkas nito na siyang ikinahalakhak niya matapos mapigil ang nais niyang ikuwento.
“Hayop, Adminicous. Basag trip ka sa pagkukuwento ko, pero, yeah, she also tried Sylier but that man is deadly. You know him, right. Ang isa pang pihikan maliban sa ’yo,” seryosong balik niya.
“The heck that bitch, tapos ako naman? Dam it!” hindi makapaniwalang tanong nito sa sarili na siyang ikinangisi na lang niya.
Napapailing na lang siya sa reaksyon nito. Hindi niya maintindihan pero natutuwa siya sa pagiging iba ng pag-uugali nito. May pagka-stick to one ’to na tipong pang-Longtime partner in life.
“Masaya ko at nandito ka na ulit. Hindi tayo nakapag-usap ng matino noong nakaraan dahil sa kaka-tantrums mo pero ngayong okay ka na. Hopefully, bumalik ka na sa dati. Miss ka na namin, Bro,” aniya na nakapagpanganga rito ng maibaling ang tingin sa kaniya.
“Tado, ang O.A mo, gag*!” Nai-iling na tawa nito na siyang ikinahalakhak na nilang dalawa.
“Sige, Iwan na kita, take your time.” Hindi na niya hinintay ang sasabihin nito. Agad na siyang lumabas ng pinto.
Ito ang gusto niya kay Adminicous, nagagawa niyang hindi papagsalitain ang haring gaya nito, dahil kahit mataas ito may mga bagay na nagpapababa sa personalidad nito na siyang dahilan ng iba upang pagdudahan ito
sa kakayahang magagawa.
“Ang tarantadong ’yon?” hindi nakalagpas sa pandinig niya na siyang ipinagwalang-bahala na lang. Tuluyan siyang napangising hindi makapaniwala sa pag-uugali nito. Sala sa lamig, sala sa init.
“MAGANDANG ARAW, Haring Adminicous, mula po kami sa kagawaran ng paglililok, narito po ang inyong bagong kagamitan,” magalang na pananalita mula sa labas ng silid niya, dahilan upang mapakunot-noo siya.
“Ipasok ninyo na,” tinatamad niyang tinig habang nakatayo pa rin sa puwesto.
Dahil sa narinig tuluyang nagbago ang pintuan niyang naging mas malaking pintuan na. Mula sa pang-isahang pinto naging pangtatluhan ito na siyang mas malaki sa nauna. Pagkatapos mabuksan, bumungad sa kaniya ang sampung kawal na may dalang malaking kama na nakukulayan ng pula at malabnaw na puti sa ibabang bahagi.
Yumuko muna ang mga ito bago nagsalita ang nangungunang kawal. “Pagbati, Mahal na Hari, gali—”
“Kay Dammier ba, ilagay ninyo na lang dito,” pinal niyang turan na siyang ikinatahimik ng tagapagsalitang kawal. At nang sumenyas ito tuluyang nagsipulasan ang mga kawal na may bitbit ng naturang gamit. Magkasabay pang yumukod ang mga ito na siyang bigay niya ng daan sa mga ito.
“Maraming bala,” nai-iling niyang bulong na siyang sinadya nitong sunugin ang kama niya upang mapalitan ng kulay; mula pa kasi ito sa nakaraang alaala ng babaeng minahal niya ng lubusan.
“Mula sa kaibigang may tupak pero maaasahan sa lahat ng bagay.” Napangiti na lang tuloy siya.
“Pagbati sa Haring Adminicous!” magkakasabay na wika ng kawal na siyang ikinabalik ng wisyo niya. Tiningnan na lang niya ang mga ito na siyang pari-parihong nagbigay galang sa kaniya bago magkakasunod na lumabas ng silid.
At nang makalabas ang mga ito. Agad na siyang nagtungo sa bagong kama. “Hindi na masama,” wika niyang nakangiti matapos dumampi sa malamig at malambot na higaan ang likod niya. Mula rin sa pagkakahiga may mga bahagi ng nakaraan ang nagpabalik sa isip niya.
Kakapasok lang niya sa kaniyang silid nang may makalimutan kaya lumabas muli siya, ngunit isang alingawngaw ang nagpatigil sa kaniya sa kahandaang paghakbang. Kaya naman, sinundan niya kung saan ito nagmumula, ngunit hindi niya inaakalang isang babaeng nakatayong nakatalikod sa haligi ng pasilyo ang nasa harapan ni Xhander, habang inaangkin ito.
“Ang manyakis na prinsepe. Wala man lang privacy. Kung saan datnan doon na lang ibubuga,” wika niyang nai-iling.
Kahit saang bahagi ng pasilyo may momentum nito at ang masama pa roon, siya pa mismo ang nakakahuli ng actual na get up ng lampastangang malanding lalaki pero ang matindi pa. Nang paalis na siya upang bigyan ito ng privacy saka naman niya nahuli si Dammier.
“Isa rin na tarantadong manyakis,” bulong niyang lalapitan sana ito upang sawayin.
“Pabayaan mo na, mukhang nag-i-enjoy, oh,” sulpot ng isang tinig sabay layas sa harap niya.
“Ang isang pamatay sa lahat.” At nang tingnan niya muli si Dammier mukhang tama nga ito sa pag-obserba, napapakagat-labi pa kasi ang gagong enjoy na enjoy sa panonood. “Tarantado talaga.”
Nang lingunin naman niya ang nagsalita kanina, para lang itong naglalakad na tambay ng palasyo habang nakasuot ng kulay bughaw na damit.
“Isa pang abno.” Maliban kay Dammier, ang isa pang abnormal sa lahat; Sylier Bricher.
Matapos lingunin ang Deadly Prince ng palasyo saka naman niya naibalik ang tingin kay Dammier, kung saan nakalingon na rin pala sa kaniya. Sumaludo at kumindat pa ang hinayupak na Jolly Prince naman ng kaharian.
Nai-iling na lang tuloy siyang natatawa. “Bakit ba naging kaibigan ko ang mga siraulong ’to?”
Nahahati kasi ang palasyo sa apat na Sangay at bawat simbolika ay may magkakaibang gampanin ngunit pari-pariho ng layunin; ang sirain ang kabutihan sa mundo at agawin ang mga taong nararapat para sa angkang pinaghaharian.
Sila ang pangunahing gumagawa ng kasamaan sa mundo; gamit ang kanilang itim na mahika. Nagagawa nilang hikayatin ang biktima na gumawa ng kasalanan at patuloy na magkasala. Pagkatapos, paglubhang masama na ang mga ito saka naman mapaparusahan ng kamatayan na siyang nagiging dahilan upang mapunta sa lugar kung saan nararapat sila, bilang mga aliping bilanggo magpakailanman.
Ang paggamit ng itim na mahika ay may kaniya-kaniyang lebel na nakasaad; ang Ademonian ang pinakamataas sapagkat kahilingan ang naibibigay nito ngunit nangangailangan ng kapalit. Ang pangalawa naman ay ang Amendamonian kung saan may kakayahan ang namumuno nitong lituhin ang pag-iisip ng biktima sa tama at mali upang magkasala. Pangatlo ay ang Killemodian na siyang may kakayahang gumawa ng iba't ibang uri ng karahasan at pagpatay, at ang panghuli ay Sexamodian kung saan inihuhulog ang bawat nilalang sa tawag ng laman upang magkasala at magpakasasa.
Gayon din, ang pagpili ng hari ay maprosesong bagay para sa lahat ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon siya ang napiling mamuno kahit pa marami na siyang nilabag na panuntunan. Kaya naman ito ang dahilan kung bakit taliwas ang lahat sa pagkahirang niya lalo’t ang alam ng mga ito na si Dammier dapat ang susunod na hari.
Lahat naman puwedeng maging hari basta ba nasa kaniya ang katangiang hinahanap sa pamumuno ngunit dahil sa kaniya nagbigay laya si Dammier. Kalakip din sa obligasyong nakaatang sa pamumuno ay ang pagbabawal na makapatay sa labas ng underworld, dahil isa itong pagkakasala na siyang hindi pinahihintulutan ng kabilang panig kaya mahigpit ang pagpapatupad ng konseho ukol dito.
Kaya naman, upang manatili ang kaayusan sa buong palasyo ipinapataw sa kung sinuman lalo sa hari ang parusang pagkakakulong sa Simbulika Cage na siyang ang mga matatandang tagahatol o Amonian na tinatawag na konseho ang nagpapatupad nito. Kung saan sila rin ang nangunguna sa ritwal at naghihirang ng pinuno para sa susunod na henerasyon ng malalakas na maharlikang nilalang.
Kung kaya silang apat ang kumempleto sa Sangay ng Underworld na layuning magbigay kaayusan sa bawat bahagi ng kaharian sa pamamagitan ng pagsunod sa alituntunin ng itim na orasyon, bagamat nag-uutos sila gamit ang mga kamay ng iba ngunit hindi puwedeng manggaling mismo sa kanila.
“Ate, ikaw na muna ang maghugas ah,” pukaw ni Maria na siyang linga niya rito.
Sobrang bigat ng dibdib niya, hindi siya makahinga. Walang ibang tumatakbo sa isip kundi takasan ang masakit na kaganapang hindi na kayang baguhin pa. Nagkandadapa pa siya sa mabatong daan dahil sa panghihina at sa maraming emosyong naiisip. Sabayan pa ng luhang patuloy umaagos sa mata na kahit anong pigil pilit nagbibigay kalungkutan sa kaniya.Puro putik na rin ang kasuotan dahil sa ilang be
SA MADILIM na dako naman ay wala siyang sawang humahalakhak na nasisiraan ng bait. Nakaupo siya sa katamtamang laki ng higaan na purong kulay kahel habang ganoon din ang wangis ng ilaw na nakapatong sa gitna ng mahabang kuwadradong patungan. Katapat naman nito ang isang malaking salamin na nakukulayan ng itim na ahas na desenyo. Kung saan nakikita niya ng buo ang repleksyong nakasandal sa gilid ng kama na may hawak na alak. “Akalain mo iyon, natagpuan ko rin ang babaeng iyon. Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon,” wika niyang agad napahawak sa kaliwang dibdib. “Fuck!” “Okay ka lang?” Sulpot ng kakapasok na lalaki. “Oo, naman. Kailan ba ako hindi naging okay?” “Sabagay, mukhang okay ka nga lang,” wika nitong agad lumapit sa kaniya. Inabot nito ang tasang nakataob bago nilagyan ng alak. &nb
Tumawa muna ito bago nagsalita. “Hindi mo ba kilala si Xhander?”“Ewan, ngayon ko lang naman kayo nakilala at bawal sa akin ang lumabas noon,” sagot niyang bakas ang kaunting kalungkutan. Talagang bawal siyang lumabas noon. Kapag tinatanong sa ina kung bakit, laging sagot nito’y sumunod na lang sa kaniyang ama. Kaya naman, l
Pagkarating sa kaliwang bahagi nadatnan niya ang mga ito. “Babe, ayoko na rito. Please, umalis na tayo.” Nagpapanik na iyak ni Elaine. Nakayakap ito habang nagtatatalon sa bisig ng pinsan.“Babe—”pilit naman itong pinapakalma ng pinsan, mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap dito. “Ssshhh, tahan na. Kalma lang. Okay.
“Pasensiya na talaga kayo mga Iha at Iho,” ani Aling Maring na kabababa lang ng sasakyan. “Ano ba kayo, Aling Maring. Okay lang po. Wala pong problema sa amin. Kami nga po itong trespassing sa lugar ninyo,” sagot ni Elaine na pababa na rin. “Kahit na, Iha. Kung hindi kayo namasyal dito hindi ninyo matatagpuan si Sindy. Kaya nga laking pasasalamat ko na pumunta kayo rito dahil kung hindi, ewan ko na. Baka kung ano ng nangyari sa batang iyan. Maraming salamat talaga, Ineng.” “Naku po, masaya kaming makatulong sa inyo. Wala pong problema,” dinig pa niyang sagot ni Elaine. “Nga pala, Iho, Bran este Brent, akin na si Sindy at ng maipasok ko na. Laking abala na sa iyo ang batang ito. Pasensiya ka na,” ani Aling Maring na siyang ikinalingon niya rito. “Oo nga, Honey, ibigay mo na iyan. Masyado na sil
“Ate, gising na,” pambubulabog sa kaniya na siyang ikinaalimpungatan niya. Naramdaman din niya ang panghahatak ng kumot na siyang agad dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa katawan.“Ano ba, Maria? Umalis ka nga. Putragis naman, e,” iritableng sagot niya bago muling kinapa ang kumot na natanggal. Ni ayaw pa niyang idilat ang mga mata.“Ate, umalis na sina Inay at Itay. Kailangan mo ng gumising. ’Di ba pupunta tayo sa bayan? Baka parating na si Kuya Brent?” anitong niyuyugyog pa siya.“Ano ba, Maria. Kayo na lang ang pumunta tinatamad ako. Gusto kong matulog,” sagot niyang nakapikit pa rin. Hinayaan na niya ang kumot na hindi
“Okay ka na, Love?” tanong ng nobyo matapos siyang bitiwan. Napapunas naman siya ng pisngi gamit ang mga palad.“Okay lang ako. Pasens’ya ka na sa mga nangyari. Hindi ko gustong makita mo ang mga bagay na iyon sa pamilya ko, Brent. I’m so sorry.” Agad siyang tumayo at kinuha ang kumot na nasa tabi nito.“No worries, matagal ko ng nakita ang mga bagay na iyan. Sanay na ’ko,” nakangiting balik nito na siyang ikinatitig niya rito. Agad naman itong tumayo’t humalik sa noo niya na siyang ikinanlaki ng tingin niya rito.“I love you, Love.” Sabay kindat nito. Nananatili naman siyang nakatulala rito kaya humalik din ito sa labi niy
"Did you see him already?"Agad siyang napasigaw sa pagkabigla. Nasa harap na pala niya ito."You see him, don't you? And…I found you, Lady.""Don't touch her!"Isang kamay ang humatak sa kanang kamay niya."Wooh! Cierra? Any problem with me?"Nakangisi naman itong naiiling. Nagtataka siya kung paano at kilala nito ang ngayong may hawak ng braso niya. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng pagbabanta ng katabi e animo'y wala itong naririnig.Malademonyo pa rin ang aurang bumabalot dito bagamat biniyayaan ng angking gandang lalaki. May mapungay itong mga mata na siyang kahit sinong babae ay mabibighani. Itim na itim din ang kilay at mga pilik mata nitong parang naka-make up. May manipis itong labi na bakas ang pagiging seryoso."What's wrong with touching… .Ms. Sanchez?"Hindi naman siya makasagot sa sagutan ng magkaharap. At mas lalong hindi siya nakasagot kung paano na kilala siya nito. Wala siyang masabi kundi takot at pangamba sa mga bagay na unti-unting nabibigyang linaw sa
"Binibini Seliq, maari ba tayong mag-usap?” wika ng may edad ng matandang lalaki. “Ano pong maipaglilingkod ko, Pinunong Demetrio.” Pilit nitong ngiti kahit pa bakas ang takot sa pagmumukha. “Alam kong nalilito ka, kaya naman gusto kong magpaliwanag. Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil nagkakilala tayo.” “Pinuno, ano pong sinasabi ninyo?” utal na anang babae na nasa hustong gulang at postura lang. “Alam kong nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ’to pero sa maniwala ka sa hindi, unang beses palang alam kong may nararamdaman na akong kakaiba. Sa taon at buwan tayong hindi nagkita parang may kulang kahit pa pinilit kong balewalain ang nararamdaman ko ngunit hindi naging sapat iyon para makalimot. Araw-araw kitang tinititigan sa malayo at inaalam ang bawat kilos mo, patawad,” walang kagatol-gatol na pag-amin nito. “Pinunong Demetrio—” “Mahal kita, Binibining Seliq, at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Patawad, Mahal kong S
Tumingin ito sa kanila hanggang huminto sa hinahanap ng mga mata…sa kaniya. Sa kaniya ito nakatitig ng mataman. Agad siyang napaatras dahil dito, alinsabay sa pagtigil ng tibok ng dibdib ng dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya. “S-Sino—?” naisatinig niya ng pabulong. Hindi makandamaliw ang kaba at takot niya. Hindi siya p’wedeng magkamali. Kilala niya ang aurang bumabalot sa bagong dating. "What a beautiful woman who look messy in this particular moment," puna nito kasabay ang ngising hindi maipaliwanag. Hindi siya pwedeng magkamali, may namumuong alaala na bahagyang bumabalik sa sistema niya. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit may misteryong bagay ang nagpapahirap ng kalooban niya. Ang kapatid niya. Ang nakababatang kapatid niya. Hindi pamilyar ang lalaki ngunit pamilyar ang aurang nararamdaman. Natatakot siya at naguguluhan ngunit isa lang ang malinaw, dapat siyang mag-ingat at mas lalo pang mag-ingat sa mga susunod na araw. Hindi d
“Xhander!” sigaw niya matapos makita na bumulagta na naman ito matapos banatan ni Adminicous naman ngayon. "Ano ba, Adminicous? What the fuck!” daing ni Xhander. Napapunas pa ito sa labi na may bakas ng pulang likido. "What's wrong with all of you?" hiyaw nito. Agad siyang pumagitna sa mga ito. Sumasakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung isip-bata lang ang mga ito o sadyang komplikado talaga ang mga bagay sa mundo. Hinatak niya si Xhander patayo habang nakangisi naman si Dammier sa gilid. Isa pa ’tong luko. Nanggagalaiti naman na nakatayo si Adminicous sa likod niya. Bakas ang pagkayamot nito na pilit nananahimik at nagpapakahinahon sa dalawang nagsasagupaan, o baka sa susunod apat na sila. “What? Pagtutulungan ninyo ’ko? Fight, sige. Laban.” Ngisi ng katabi na ayaw paawat. Isip-bata talaga. “Xhander!” awat niya rito. Gumagalaw pakaliwa’t kanan pa ito. Nakahanda ang dalawang kamao sa pakikipagbakbakan. Ito talaga ang nagpapasakit ng ulo
“Sindy?” tinig na naririnig niya. “Hmm,” daing niya. Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin. Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Parang naka-fast forward ang mga imahe. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan na kung saan buo at masaya sana ang bawat pamilya. Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. Ang natatandaan lang niya, hinang-hina siya, nakakapagod, nakakawalang-lakas ang mga imaheng paulit-ulit at papalit-palit niyang nakikita. Hindi niya kayang makita ang mga senaryong nagpapahirap sa kalooban niy
Titingnan na lang ba natin?” ani Dammier na akala niya nakaalis na. “Ano’ng gusto mong gawin ko?” halukipkip niya. Hindi niya nagugustuhan ang naririnig sa bibig nito. Iyong feeling na alam naman ang gagawin pero nagtatanong pa. Common sense ika nga. Hindi naman masamang magtanong lalo kung sinasabi lang ang nasa isip, ika rin nila, may mga sitwasyong nais ng bibig ipahayag ang sinasabi ng utak. Kumbaga nais nitong maisakatuparan ang imahe na nabubuo sa isipan na madalas hindi napapansin ng iba. Halimbawa na lang nito ang biglang pagsasabi ng malamig samantalang alam naman ng malamig talaga, kumbaga bakit kailangan pang i-vocalized? Mahirap maunawaan ang mga bagay ngunit ganoon talaga ang misteryo ng buhay sa mundo. Para kang nasa kwadradong kahon na nais mong malaman ang mga sikretong naroon. Hindi rin sinasabing tama siya at mali ang iba ngunit may mga bagay na hindi madalas ma-interpret at mai-analyzed kung iisipin lang ang pang-ibabaw na sistema. “May
Mula sa pagkakatingin ni Rocky ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang tingin. Ayaw na niyang makipagtalo pa lalo alam niyang wala naman syang ginagawa rito. Hindi rin niya alam kung ano bang problema nito at kung anuman iyon wala na siyang magagawa kung ganito ito mag-isip. At saka hindi naman masamang maging deadma na lang lalo kung ang hirap ipaintindi sa isang tao ang puntong hindi naman nito naiintindihan. Gayon din, masyadong magulo ang mundo ng pakikipagtalastasan na kung minsan ang hirap intindihin ng mga bagay. Madalas pa nga akala ng iba madali lang ang lahat ngunit kung pag-aaralang mabuti masasabi nating hindi pala gano’n kadali ang lahat.
Napatulala siya sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin. Parang tumigil ang mundo niya. Hindi siya pwedeng magkamali. “Ash, Ano'ng ginawa mo?” ani Cierra na halos pabulong na ang pagbigkas. “What? Ano’ng ginawa ko?” sagot naman ni Ashlee na hindi rin alam ang gagawin. Napasenyas pa ito ng hindi ko alam ang nangyari. Salitang naririnig niya sa dalawa ngunit isa lang ang nararamdaman niya. Masakit, sobrang sakit ng ulo niya. Nagkakagulo na, bumabaliktad ang sistema niya. Nagsisigawan ang iba, nagtatakbuhan. Hindi na niya kaya, “Mamang.” &nbs
Mula sa pagkakakunot-noo agad siyang lumapit sa mga ito. “Ayan na naman sila,” dinig niyang sabi ni Cierra. “Wala naman ng pinagbago, Cie. As always naman ang babaeng iyan. Hindi na ata mapapagod iyan sa mga kalukuhan niya,” wika naman ni Ashlee. Agad siyang napatingin sa tinititigan ng mga ito. Tumambad sa kaniya ang apat na babae. Kita niya agad ang dalawang babaeng nakasuot ng pula. Hapit na hapit sa katawan ng mga ito ang kasuotan. Sa sobra pang iksi ay halos makita na ang kaluluwa ng mga ito. Gayon din, tinitigan naman niya ang babaeng parang nagbibigay-pugay sa harapan ng mga ito. Punong-puno ito ng luha sa mata na sadyang ang dungis ng