Pagkarating sa kaliwang bahagi nadatnan niya ang mga ito. “Babe, ayoko na rito. Please, umalis na tayo.” Nagpapanik na iyak ni Elaine. Nakayakap ito habang nagtatatalon sa bisig ng pinsan.
“Babe—”pilit naman itong pinapakalma ng pinsan, mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap dito. “Ssshhh, tahan na. Kalma lang. Okay.
“Pasensiya na talaga kayo mga Iha at Iho,” ani Aling Maring na kabababa lang ng sasakyan. “Ano ba kayo, Aling Maring. Okay lang po. Wala pong problema sa amin. Kami nga po itong trespassing sa lugar ninyo,” sagot ni Elaine na pababa na rin. “Kahit na, Iha. Kung hindi kayo namasyal dito hindi ninyo matatagpuan si Sindy. Kaya nga laking pasasalamat ko na pumunta kayo rito dahil kung hindi, ewan ko na. Baka kung ano ng nangyari sa batang iyan. Maraming salamat talaga, Ineng.” “Naku po, masaya kaming makatulong sa inyo. Wala pong problema,” dinig pa niyang sagot ni Elaine. “Nga pala, Iho, Bran este Brent, akin na si Sindy at ng maipasok ko na. Laking abala na sa iyo ang batang ito. Pasensiya ka na,” ani Aling Maring na siyang ikinalingon niya rito. “Oo nga, Honey, ibigay mo na iyan. Masyado na sil
“Ate, gising na,” pambubulabog sa kaniya na siyang ikinaalimpungatan niya. Naramdaman din niya ang panghahatak ng kumot na siyang agad dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa katawan.“Ano ba, Maria? Umalis ka nga. Putragis naman, e,” iritableng sagot niya bago muling kinapa ang kumot na natanggal. Ni ayaw pa niyang idilat ang mga mata.“Ate, umalis na sina Inay at Itay. Kailangan mo ng gumising. ’Di ba pupunta tayo sa bayan? Baka parating na si Kuya Brent?” anitong niyuyugyog pa siya.“Ano ba, Maria. Kayo na lang ang pumunta tinatamad ako. Gusto kong matulog,” sagot niyang nakapikit pa rin. Hinayaan na niya ang kumot na hindi
“Okay ka na, Love?” tanong ng nobyo matapos siyang bitiwan. Napapunas naman siya ng pisngi gamit ang mga palad.“Okay lang ako. Pasens’ya ka na sa mga nangyari. Hindi ko gustong makita mo ang mga bagay na iyon sa pamilya ko, Brent. I’m so sorry.” Agad siyang tumayo at kinuha ang kumot na nasa tabi nito.“No worries, matagal ko ng nakita ang mga bagay na iyan. Sanay na ’ko,” nakangiting balik nito na siyang ikinatitig niya rito. Agad naman itong tumayo’t humalik sa noo niya na siyang ikinanlaki ng tingin niya rito.“I love you, Love.” Sabay kindat nito. Nananatili naman siyang nakatulala rito kaya humalik din ito sa labi niy
“Naks, guwapo talaga.” Nakangiting titig niya sa salamin. “Iba talaga.” Ibinaling pa niya sa magkabilang gilid ang mukha.Nasa katamtamang laki siya ng silid na mula rito nakikita niya ang sarili sa salamin. Natatanaw rin niya ang kama na kasya ang dalawang tao
“Kumusta?” Sulpot ng kung sinong kakapasok sa pintuan.“Inang Reyna—”naisabibig niyang titig sa hindi katandaan na ginang. Bagamat may edad na ito kita pa rin ang pagiging elegante at maganda. Ang Queen of Cups ng buong palasyo.May maamong mukha, matangos na ilong, makapal na kilay at labi ngunit may seryosong mga mata na parang laging may hinahanap o inaalam na mga bagay. May pansit kanton din itong buhok na nakukulayan ng naghalong kayumanggi’t pula.“My dearest king, kumusta na? Namiss kita, Anak.” Agad itong lumapit sa kaniya at yumakap bago siya hinalikan sa noo. “Tama na iyan,” tukoy nito sa akmang
Nai-iling siyang nakaupo sa bench na nakukulayan ng maroon. May lawak itong labinlima na kataong puwudeng maupo ng tabi-tabi, maging sa itaas ay ganoon din. Sa suma-total tatlumpo na katao ang puwede mamalagi sa lugar na iyon. At nang mapatingin kaliwang dako hindi nakaligtas sa kaniya ang buong lugar. Napapalibutan ito ng bulaklak na kalatsutsi na may iba’t ibang kulay na siyang bahagya niyang ipinagtaka. Bukod kasi sa mga bulaklak na ito, puwede namang rosas o ano pang puwedeng gamitin pangdesenyo na lang sa paligid ngunit mas pinili pang ito ang gamitin. Weirdo lang. “Tsk!” Sa huli binalewala na lang niya at nagpatuloy sa pagkakadekuwatro sa tabi ng malaki at matandang punong nagpapakubli sa bench na iyon. Makapal at maagap ang pag-ugoy ng sanga ng puno kaliwa’t kanan na siyan
“Kumusta ang pinapagawa ko, Demetrio?” Agad siyang nagulantang sa bagong dating. Napatayo pa siya sa pagkakaupo sa lamesa. “G-Ginang Lucenia—”aniyang halos bulong na lang. Hindi siya makapaniwalang nasa harapan na niya ito. “Nahanap mo na ba si Azucena,” sa halip na tanong nitong inililibot ang tingin sa loob ng kubo niyang maluma na. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang mapunuri at mainsultong tingin nito sa tinutuluyan niya. Gayon din, kumikintab ang suot nitong mahabang kalimbahin na may kumikinang na mga bato. Hawak-hawak pa nito ang pamaypay na hindi inaalis ang tingin sa bahay-kubo niyang nakatagilid na. Kaunting tulak na lang tuluyan na itong maibubuwal pa. Hindi rin nakaligt
Habang nasa biyahe siya halo-halong emosyon ang nararamdaman niya, dama niya ang pakiramdam na parang sinasakal siya na hindi malaman, animo’y may nagtutulak sa kaniyang huwag ng tumuloy at umatras na lang, ngunit malakas ang loob niyang kakayanin niya ang kung anumang magaganap dahil ginusto niya ito. Siya ang pumili nito para sa sarili kaya wala ng atrasan pa. Ganoon naman kasi dapat, kung anuman ang desisyong gagawin o susundin, handa rin sa maaring maging kinalabasan lalo’t hindi pa nakikita ang kalalabasan, pero sabi nga nila, kung hindi lalabas sa comfort zone o sa familiar place na nakasanayan paano malalaman ang hinaharap. Paano makikita ang liwanag sa kadiliman kung sasanayin na lang ang sarili sa dilim. Paano makikita ang araw kung tatakpan ang mga mata. Paano malalaman ang pakiramdam na mapaso, malamigan, masarapan kung hindi nanaising sumubok na maramdaman.
"Did you see him already?"Agad siyang napasigaw sa pagkabigla. Nasa harap na pala niya ito."You see him, don't you? And…I found you, Lady.""Don't touch her!"Isang kamay ang humatak sa kanang kamay niya."Wooh! Cierra? Any problem with me?"Nakangisi naman itong naiiling. Nagtataka siya kung paano at kilala nito ang ngayong may hawak ng braso niya. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng pagbabanta ng katabi e animo'y wala itong naririnig.Malademonyo pa rin ang aurang bumabalot dito bagamat biniyayaan ng angking gandang lalaki. May mapungay itong mga mata na siyang kahit sinong babae ay mabibighani. Itim na itim din ang kilay at mga pilik mata nitong parang naka-make up. May manipis itong labi na bakas ang pagiging seryoso."What's wrong with touching… .Ms. Sanchez?"Hindi naman siya makasagot sa sagutan ng magkaharap. At mas lalong hindi siya nakasagot kung paano na kilala siya nito. Wala siyang masabi kundi takot at pangamba sa mga bagay na unti-unting nabibigyang linaw sa
"Binibini Seliq, maari ba tayong mag-usap?” wika ng may edad ng matandang lalaki. “Ano pong maipaglilingkod ko, Pinunong Demetrio.” Pilit nitong ngiti kahit pa bakas ang takot sa pagmumukha. “Alam kong nalilito ka, kaya naman gusto kong magpaliwanag. Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil nagkakilala tayo.” “Pinuno, ano pong sinasabi ninyo?” utal na anang babae na nasa hustong gulang at postura lang. “Alam kong nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ’to pero sa maniwala ka sa hindi, unang beses palang alam kong may nararamdaman na akong kakaiba. Sa taon at buwan tayong hindi nagkita parang may kulang kahit pa pinilit kong balewalain ang nararamdaman ko ngunit hindi naging sapat iyon para makalimot. Araw-araw kitang tinititigan sa malayo at inaalam ang bawat kilos mo, patawad,” walang kagatol-gatol na pag-amin nito. “Pinunong Demetrio—” “Mahal kita, Binibining Seliq, at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Patawad, Mahal kong S
Tumingin ito sa kanila hanggang huminto sa hinahanap ng mga mata…sa kaniya. Sa kaniya ito nakatitig ng mataman. Agad siyang napaatras dahil dito, alinsabay sa pagtigil ng tibok ng dibdib ng dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya. “S-Sino—?” naisatinig niya ng pabulong. Hindi makandamaliw ang kaba at takot niya. Hindi siya p’wedeng magkamali. Kilala niya ang aurang bumabalot sa bagong dating. "What a beautiful woman who look messy in this particular moment," puna nito kasabay ang ngising hindi maipaliwanag. Hindi siya pwedeng magkamali, may namumuong alaala na bahagyang bumabalik sa sistema niya. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit may misteryong bagay ang nagpapahirap ng kalooban niya. Ang kapatid niya. Ang nakababatang kapatid niya. Hindi pamilyar ang lalaki ngunit pamilyar ang aurang nararamdaman. Natatakot siya at naguguluhan ngunit isa lang ang malinaw, dapat siyang mag-ingat at mas lalo pang mag-ingat sa mga susunod na araw. Hindi d
“Xhander!” sigaw niya matapos makita na bumulagta na naman ito matapos banatan ni Adminicous naman ngayon. "Ano ba, Adminicous? What the fuck!” daing ni Xhander. Napapunas pa ito sa labi na may bakas ng pulang likido. "What's wrong with all of you?" hiyaw nito. Agad siyang pumagitna sa mga ito. Sumasakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung isip-bata lang ang mga ito o sadyang komplikado talaga ang mga bagay sa mundo. Hinatak niya si Xhander patayo habang nakangisi naman si Dammier sa gilid. Isa pa ’tong luko. Nanggagalaiti naman na nakatayo si Adminicous sa likod niya. Bakas ang pagkayamot nito na pilit nananahimik at nagpapakahinahon sa dalawang nagsasagupaan, o baka sa susunod apat na sila. “What? Pagtutulungan ninyo ’ko? Fight, sige. Laban.” Ngisi ng katabi na ayaw paawat. Isip-bata talaga. “Xhander!” awat niya rito. Gumagalaw pakaliwa’t kanan pa ito. Nakahanda ang dalawang kamao sa pakikipagbakbakan. Ito talaga ang nagpapasakit ng ulo
“Sindy?” tinig na naririnig niya. “Hmm,” daing niya. Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin. Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Parang naka-fast forward ang mga imahe. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan na kung saan buo at masaya sana ang bawat pamilya. Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. Ang natatandaan lang niya, hinang-hina siya, nakakapagod, nakakawalang-lakas ang mga imaheng paulit-ulit at papalit-palit niyang nakikita. Hindi niya kayang makita ang mga senaryong nagpapahirap sa kalooban niy
Titingnan na lang ba natin?” ani Dammier na akala niya nakaalis na. “Ano’ng gusto mong gawin ko?” halukipkip niya. Hindi niya nagugustuhan ang naririnig sa bibig nito. Iyong feeling na alam naman ang gagawin pero nagtatanong pa. Common sense ika nga. Hindi naman masamang magtanong lalo kung sinasabi lang ang nasa isip, ika rin nila, may mga sitwasyong nais ng bibig ipahayag ang sinasabi ng utak. Kumbaga nais nitong maisakatuparan ang imahe na nabubuo sa isipan na madalas hindi napapansin ng iba. Halimbawa na lang nito ang biglang pagsasabi ng malamig samantalang alam naman ng malamig talaga, kumbaga bakit kailangan pang i-vocalized? Mahirap maunawaan ang mga bagay ngunit ganoon talaga ang misteryo ng buhay sa mundo. Para kang nasa kwadradong kahon na nais mong malaman ang mga sikretong naroon. Hindi rin sinasabing tama siya at mali ang iba ngunit may mga bagay na hindi madalas ma-interpret at mai-analyzed kung iisipin lang ang pang-ibabaw na sistema. “May
Mula sa pagkakatingin ni Rocky ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang tingin. Ayaw na niyang makipagtalo pa lalo alam niyang wala naman syang ginagawa rito. Hindi rin niya alam kung ano bang problema nito at kung anuman iyon wala na siyang magagawa kung ganito ito mag-isip. At saka hindi naman masamang maging deadma na lang lalo kung ang hirap ipaintindi sa isang tao ang puntong hindi naman nito naiintindihan. Gayon din, masyadong magulo ang mundo ng pakikipagtalastasan na kung minsan ang hirap intindihin ng mga bagay. Madalas pa nga akala ng iba madali lang ang lahat ngunit kung pag-aaralang mabuti masasabi nating hindi pala gano’n kadali ang lahat.
Napatulala siya sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin. Parang tumigil ang mundo niya. Hindi siya pwedeng magkamali. “Ash, Ano'ng ginawa mo?” ani Cierra na halos pabulong na ang pagbigkas. “What? Ano’ng ginawa ko?” sagot naman ni Ashlee na hindi rin alam ang gagawin. Napasenyas pa ito ng hindi ko alam ang nangyari. Salitang naririnig niya sa dalawa ngunit isa lang ang nararamdaman niya. Masakit, sobrang sakit ng ulo niya. Nagkakagulo na, bumabaliktad ang sistema niya. Nagsisigawan ang iba, nagtatakbuhan. Hindi na niya kaya, “Mamang.” &nbs
Mula sa pagkakakunot-noo agad siyang lumapit sa mga ito. “Ayan na naman sila,” dinig niyang sabi ni Cierra. “Wala naman ng pinagbago, Cie. As always naman ang babaeng iyan. Hindi na ata mapapagod iyan sa mga kalukuhan niya,” wika naman ni Ashlee. Agad siyang napatingin sa tinititigan ng mga ito. Tumambad sa kaniya ang apat na babae. Kita niya agad ang dalawang babaeng nakasuot ng pula. Hapit na hapit sa katawan ng mga ito ang kasuotan. Sa sobra pang iksi ay halos makita na ang kaluluwa ng mga ito. Gayon din, tinitigan naman niya ang babaeng parang nagbibigay-pugay sa harapan ng mga ito. Punong-puno ito ng luha sa mata na sadyang ang dungis ng