Share

Chapter 10: Imagery

Author: Mxgchef
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“Buwisit! Bakit ba may mga nilalang na laging sumisira ng plano ko?” aniyang nanggagalaiti. Tinititigan ang gitnang parte ng silid. At nang hindi siya makuntento agad siyang sumuntok sa ere dahilan ng pagliyab ng kung ano sa harapan.

     Mula rin sa kinatatayuan wala ng tigil na sumasabog ang naglalagablab na kulay kahel na apoy. “Damn it!”

     Naglalakad siya sa mapunong lugar na pawang katahimikan at huni ng ibon lang ang maririnig. At habang pinagmamasdan ang lugar nakikita niya ang naglalakihan at nagtatandaan na mga sanga, kung saan umaalingawngaw ang ihip ng hangin na siyang mas nagbibigay kaaya-aya sa nasasaksihan.

     Gayon din, mula sa malayo napansin niya ang kakaibang tunog ng kung ano dahilan upang makatawag pansin sa kaniya. Dahan-dahan niyang sinundan ang dakong iyon na siyang habang tumatagal animo’y may nagpapabilis ng tibok ng puso niya sa ’di malamang kadahilanan. Dinig din niya ang naglalagablab na kalabog nito na animo’y atat na hindi siya mapakali.

     At habang papalapit mas lumalakas ang huni ng ibon na siyang umaalingawngaw sa buong lugar. Kitang-kita rin niyang mas dumodoble ang laki at lawak ng mga sanga rito, kung saan halos hindi na maramdaman ang sikat ng araw. 

    Gayon din, agad niyang napansin ang dalawang magkasalungat na daanan, ngunit mas nakatawag pansin sa kaniya ang kanang dako dahil sa animo’y nagbibigay pugay ang mga halaman dito at parang nahati-hati pa ayon sa disenyong iginawad.

     Sa patuloy na paglalakad mas humahangin at lumalamig na ang dakong iyon, animo’y hinehele ang pakiramdam niya. Dala ng kuryusidad mas pinag-igi niya ang paglalakad. Dinarama ang kakaibang sensasyong nagbibigay kaginhawahan ngunit pagtapak sa hangganan agad niyang napansin ang malaking puno.

     Napansin din niya rito ang mga nakasabit na damit na may iba’t ibang kulay, higit ang kulay itim na T-shirt na nasa tabi lang ng puno. Mula rin dito, kita niya pa ang iba na siyang nakakonekta pala sa kabilang bahagi.

     Mas malakas at mahangin na rin ang dakong iyon na animo’y may buhawing paparating upang manalasa. Gayon din, naaamoy niya ang malamig at preskong ihip ng tubig mula sa isang talon na malayo-layo lang sa puwestong kinatatayuan.

     Kaya naman, dahan-dahan siyang lumapit dito, at nang mahawakan ang itim na blusa. Isang rumaragasang imahe ang nagpahawak sa kaniya sa katawan ng puno.

     “Criselda—”sabay yakap sa babaeng nakatalikod. Humarap ’to sa kaniya at nagulat na lang siya ng magkabilang sampal ang tumama sa pisngi niya.

     “Ano’ng ginagawa mo rito? Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin!” singhal ng babaeng may blondeng buhok at may nanlalaking mga mata.

     “Criselda, pakiusap—”aniyang nagkakandautal habang nakatitig pa rin sa may bilugan mga mata, matangos na ilong, medyo manipis na labi at kayumangging dilag.

     “Sinabi ko na sa ’yong ayaw na kitang makita ’di ba? Bakit ang hirap mong umintindi?—Ano pang hinihintay mo! Umalis ka na!” sigaw nitong itinuro pa ang kabilang dako.

     “Cris, pakiusap, tumakas lang ako para makita ka. Huwag mo namang gawin sa akin ito. Miss na miss na kita, Cris.” Isang magkabilang sampal muli ang tumama sa pisngi niya.

     “Mamatay ka na! Ayaw na kitang makita pa! Umalis ka na sa buhay ko! Ayaw ko ng pinupuntahan mo ako! Ayaw ko na sa ’yo!” hesterikal na hiyaw nito bago napahawak ang kanang kamay sa buhok. Bakas pa rin ang panggagalaiti nito.

    “Criselda, huwag mong gawin ito. Hindi ako nakapunta kasi nahuli ako ni Ama. Walang akong magawa, please, huwag mong gawin ito. Mahal kita, Cris. Mahal na mahal kita at gagawin ko lahat para—”

     “Mamatay ka na, Adminicous!” Isang sampal muli ang tumama sa kaniya.

    “Tang*na, Adminicous! Para sa akin? Gagawin mo lahat? Tang*na! Hindi mo alam ang nangyari sa akin! Napahiya ako dahil sa ’yo! Nilayuan ako dahil hindi ka sumipot tapos ngayon gagawin mo lahat sa akin? Mamatay ka na ngayon! Buwisit ka! Walang kang kuwenta!” Pinaghahampas siya nito sa dibdib.

     “Cris, hindi. Pakiusap. Patawarin mo ako. Hindi ko alam na ganoon. Pakiusap. Nahuli kami ni Dammier, kaya hindi ako nakarating. Please! Huwag mo naman akong sumpain. Mahal kita, Criselda,” aniyang nagmamakaawang nakatitig pa rin dito.

     “Tang*na, Adminicous! Walang nabubusog sa pagmamahal! Wala akong pakialam kung nahuli kayo ni Dammier. Ang importante sana iyong dumating ka pero anong ginawa mo? Hindi mo ginawa ’di ba? Mabuti pa dumating—”mas lalong napahigpit ang kanang kamay sa puno kasabay ang panlalaki ng mga matang hindi makahinga; animo’y nauubusan siya ng hininga.

     “Hindi mo ba naiintindihan? Ayaw na kitang makita pa! Ayaw ko na sa ’yo. Hindi ko na kayang magmahal ng gaya mong walang akong mapapala!” hiyaw nito.

    “Criselda, hindi kita maintindihan. Pakiusap, nagmamakaawa ako sa ’yo, hindi madaling tumakas kay Ama. Intindihin mo sana ako. Ginagawa ko ang lahat upang madala ka ulit doon at maging hari kahit na pakiusapan ko pa si Dammier. Mahal na mahal kita, Cris. Huwag mo naman akong ipagtabuyan,” aniyang nakaluhod na. Puno na ng luha ang mga matang hindi na mapigil pa.

    “Binigyan na kita ng palugit ukol diyan pero hindi mo ginawa. Kaya paano mo sasabihing mahal mo ako? Huh, Adminicous! Sana pala . . . kung alam ko lang na si Dammier, ang susunod sa trono siya na lang pala sana,” anitong puno ng pagmamataas. Nakahalukipkip na rin itong nakataas ang isang kilay.

     “Ano’ng siya na lang pala?” tanong niyang puno ng pagtataka. Nagkandautal din siya sa sinasabi at parang hindi kayang tanggapin ang mga naririnig.

     Napangisi muna ito bago nagsalita. “Bakit? Noong unang mamasyal tayo sa kaharian ninyo at una kong makita si Dammier—siya lang naman ang gusto ko. Masayahin at mabuting tao na tunay kang mapapakilig. Kung alam ko lang na siya pala ang susunod na hari sana sinabi ko na sa kaniya ang nararamdaman ko,” anitong bahagyang nagbago ang ekspresyon.

    “Iniiwan ko kayo ni Dammier noon—”nanginginig na bigkas niya.

     “Oo nga, iniiwan mo kami, siya ang unang naging kaibigan ko. Kaya naman mas napalapit kami sa isa’t isa. Kaya lang—”

     “Tama na! Ayaw ko ng marinig ang kung ano pang sasabihin mo! Ako ang kasintahan mo, Criselda! Ayaw kong makarinig ng ibang lalaki mula sa bibig mo!” sigaw niyang hindi na napigil ang emosyon. Napayuko rin siya kasabay ng pagbuhos na mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak.

    “Nakaka-touch naman na sabihin mo iyan, Adminicous, pero walang namamagitan sa amin ni Dammier. Magkaibigan lang kami at tanging kaibigan lang ang turing niya sa akin 

. . . . pero ano ka mo? Magkasintahan? Nagpapatawa ka ba? Wala ng ta—”agad naputol ang sinasabi nito nang sumigaw siya.

    “Hindi! Hindi ako papayag na matatapos lang dito ang lahat, Criselda!”

    At nang makabawi ito sa pagkatigil sa sinasabi niya. “Nakakaawa ka, Adminicous. Hindi mo nga kayang maibigay ang gusto ko tapos ayaw mong matapos tayo? Basura,” anitong nang-uuyam.

    “Kahit anong sabihin mo titiisin ko lahat. Mahal kita, Criselda. Tatanggapin ko lahat ng sakit maintindihan ka lang pero pakiusap patawarin mo ako. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko, sa ’yo na umikot ang mundo ko, kasama ka sa lahat ng pangarap ko, kaya huwag mo naman akong iwan. Isang pang tiyansa, Mahal ko,” aniyang humahagol na. Nakaluhod pa rin siyang nagmamakaawa.

    “Hindi, ayaw ko na sa ’yo! Hindi na kita mahal, Adminicous! Tama na! Huwag mo ng ipagpalitan ang lahat. Umalis ka na. Tapos na tayo. Ayaw ko ng itali ang sarili ko sa isang relasyon na wala akong mapapala. Hindi mo kayang ibigay ang mga gusto kaya wala na akong ibang pagpipilian kundi iwan ka. Ayaw ko sa inutil, Adminicous! Ayaw ko na sa ’yo! Hindi ako mapapakain ng gaya mo at hindi ikaw ang kailangan ko! Mamatay ka na!” anitong biglang tumakbo ngunit agad niyang nahawakan ang kaliwang kamay nito.

     “Criselda! Bakit, dahil ba sa sulsol ni Isa? Bakit, kayamanan lang ba ang magpapasaya sa ’yo! Kapangyarihan lang ba ang dahilan mo para mabuhay? Paano ako! Paano ako!” aniyang nagsisigaw. Agad din siyang napayuko dahil sa bigat ng nararamdaman. Hindi na kayang titigan ang babaeng mahal niya na paunti-unting bumibitiw.

     “Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin? Dahil sa kawalang kakayahan ko ngayon, ganoon mo na lang akong itatapon? Wala na bang halaga sa ’yo ang mga pangarap natin? Wala na ba akong halaga sa puso mo? Hindi ba ako nagkaroon man lang ng puwang diyan sa dibdib mo? Nasasaktan ako kung paano mo ako itapon ngayong wala na akong halaga sa ’yo. Saan ba ako nagkamali? Hindi mo ba akong kayang intindihin? Hindi mo ba kayang mahalin iyong ako? Iyong totoong ako at kung sino ako sa mata mo at sa mata ng nakararami? Bakit? Bakit mo ’to ginagawa? Kulang pa ba ang lahat ng ginawa ko para sabihin mong mamatay na ako?” aniyang napasigaw sa huling pangungusap.

     “Hindi ko kayang magbulag-bulagan, Adminicous! Hindi ko kailangan ng pag-unawa. Gusto kong yumaman at magkaroon ng mga bagay na mayroon sa iba, mansyon, pera, sasakyan at kahit ano basta gusto ko ng maraming salapi. Hindi ko hahayaang sirain mo ang pangarap ko dahil sa lintik na pagmamahal na ’yan! Wala akong mapapala kung pagmamahal lang ang iisipin ko, Adminicous!” balik na anito.

      “Hindi ba puwedeng maghintay ka muna ng tamang panahon at pagkakataon? Labing-siyam na taong gulang pa lang ako! Wala pa akong kakayahan upang pamunuan ang trono at may takdang oras pa sa lahat. Sinabi ko na sa ’yo, pagdumating ang tamang pagkakataon magpapakasal tayo pero bakit bumibitiw ka na agad? Paano ako?” puno ng hinanakit na sumbat niya.

     “Hindi ba puwedeng pagtiyagaan mo muna ang mga naipupuslit ko? Hindi ba puwedeng unawain mo ako kahit saglit lang? Huwag mo namang gawin ’to. Huwag mo akong madaliin. Pagod na pagod na ako, Criselda! Pero lahat tinitiis at kinakaya ko dahil sa ’yo. Kaya pakiusap, sa susunod na pagbalik ko, magdadala ako ng marami pang salapi. Sisipot na rin ako sa mga kakilala mo at maniniwala silang totoo—”

     “Damn you, Woman.” Nagpipigil na kapit niya sa puno kung saan kitang-kita niya ng malinaw ang mga imaheng naglalabasan.

     “So, ito pala ang lugar na ’yon. Hindi maari. Bakit nagbabalik muli ang mga alaalang iyon? Hindi puwede ’to—”

      “Sindy! Ate Sindy!” sigaw ng dalawang magkaibang tinig dahilan upang matigil siya ng hakbang sa ere. Tuluyang na rin niyang hindi nahawi ang blusang nasa harapan katabi ng kumot na kulay bughaw.

     “Damn it,” aniyang hindi mapigil ang sarili. Bawat pilantik ng nagbabagang tingin ay naglulumakas na apoy sa harapan. Hindi niya mailabas ang galit na nararamdaman dahil sa pagkaudlot ng mga pangyayaring nais gawin kani-kanina lang.

     Magsimula ng iwan siya ni Dammier hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Kaya nang magising nagliwaliw muna siya dahilan upang marating ang lugar na iyon, kaalinsabay naman sa mga alaalang unti-unting nagbabalik sa kaibuturan ng isipan.

     Hindi niya akalaing ang lugar na iyon ang magpapaalala ng masakit na nakaraan sa kaniya. Sa kabila ng mala-anghel nitong itsura’y nabahiran ng masaklap na tagpo ng nakalipas.

     “Buwisit talaga—”

PASIPOL-SIPOL NAMAN siyang naglalakad sa pasilyo habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng hanggang talampakan na kulay lila na damit.

     Bawat dinaraanan niya’y pagbati ang naririnig na siyang sinasagot na lang niya ng pagsipol, animo’y nakasuot ng headphone ang tema. Kung saan napapahedbang pa sa siya. Pagkatapos, taas-noo muling maglalakad na parang rumarampa sa entablado.

     Nakatayo naman sa bawat gilid ng poste ang mga kawal na kalahating tao at halimaw; kung saan nakukulayan ng apat na simbolika. Nasa kanan ang pula habang asul naman sa kaliwa, sa itaas naman ang lila habang ang sahig naman ay berde, maging ang kulay ng mga damit ng mga bantay ay ganoon din.

     Pagkatapat sa silid ni Adminicous agad niyang binuksan ang pinto at nang masilip ang pakay nadatnan niya itong nakaupo na bakas ang pagkayamot. Nakatungo rin itong nakahawak ang kanang kamay sa ulo.

     Mula sa kinatatayuan kilala niya ang galawan nito kapag may iniindang kung ano. 

Kaya naman, inilibot na lang niya ang tingin sa kabuuan ng silid. Agad niyang napansin ang abong nahuhulog na siyang lahad niya ng palad. Nai-iling na lang siya nang makita ang bumagsak na butil mula sa ere.

     “Damn it! Bullshit!” sigaw nito na siyang ikinalinga niya rito. Mukhang hindi pa rin siya nito napapansin.

     “Laging may interruption, hindi ba sila napapagod na pakialam ang gusto ko? Buwisit!” hiyaw nitong agad napatayo.

     Nakatayo naman siyang nai-iling at mula rito napahalukipkip na lang siya. Kuha na niya ang ugali nito. Sa tagal ba naman nilang magkakasama hindi imposibleng makabisa niya ang gusto at ayaw nito. Nagbago lang ito ng magmahal ng babaeng bumago ng prinsipyo nito sa buhay at nagturong maging masamang nilalang.

     “Sana puwede ka pang bumalik sa dati, Adminicous,” wika niya na siyang linga nito sa puwesto niya. Bakas ang pagkagitla nitong agad din bumalik sa pagiging mamamatay-tao. Hindi maipinta ang pagmumukhang bakas ang naglalagablab na galit.

     “Mukhang malalim ang iniisip natin, ah?” tanong niya sabay kapa sa bulsa.

     “Shit! Hindi ko pala dala. Sayang ang view, may caption sanang ‘Malungkot ako, hanap magpapaligaya’,” pang-aasar niya na siyang ikinanlisik ng mata nito, animo’y kakainin siya ng buo.

     “Ano na naman bang ginagawa mo rito? Naligaw ka na naman ba? Daig mo pang may radar,” sagot nito matapos mapawi ang pagkagitla.

     “Ano’ng klaseng tanong iyan? Ano’ng klaseng pagmumukha ’yan? Namatayan ka na naman ba?” sa halip na sagot niyang nang-aasar.

     “Kung wala ka ng sasabihing matino makakalabas ka na. Wala ’kong panahon sa mga demand mo, Dammier,” iritableng sabi nito na siyang ikinahalakhak niya.

     “Ayaw mo na ba sa pagmumukha ko? Nagsawa ka na ba sa presensiya ko? Akala ko sa pangalawang pagkakataon gugustuhin mo akong makasama pero nakakatampo lang. Bestfriend mo ako, bakit mo ’to ginagawa? Sana sinabi mo agad para hindi na ako nag-assume. Nagmumukha akong tangang umaasa sa ’yo,” turan niyang kunyareng naiiyak.

     “Tarantado! Ano’ng trip na naman ’yan?” Sabay tama sa kaniya ng unan, dahilan upang mapanganga siya.

     “Ang lakas na ng tama mo sa utak, magpa-doktor ka na,” anito pang nai-iiling.

     “Siraulo, na-miss lang kita. Hindi mo ba ako na-miss?” Kunyareng naiiyak siya, dahilan upang mas mapanganga ang kaharap.

     “Walanghiya, Dammier. Lumabas ka na nga lang at baka hindi kita matantiya,” badtrip nitong sagot bago humigang dumapa.

     “Umiiwas ka na naman ba sa akin? Ano na naman bang problema? Pagpasok ko hindi mo ’ko napansin tapos ngayon naman para kang may dalaw umasta. Ano na naman ba tinutupak sa ’yo? Kinulit ka na naman ba ni Mashida?” tanong niyang nakaseryoso na.

     “Kung pumunta ka lang dito para mang-intriga, lumabas ka na at magpapahinga ako. Pupunta na tayo LSU kailangan ko ng lakas,” sagot nitong puno ng kahinahunan.

     “Hayop, totoo ba ’tong nakikita ko? Nagbago ng mood ang kaibigan kong laging may buwanang dalaw?” aniyang hindi makapaniwala, natatawa rin siyang pinipigilan lang.

     “Tado, pinagsasabi mo? Lumabas ka na nga lang kung wala kang sasabihing matino. Ayaw ko lang makipagtalo sa ’yo. Daig mo pa si Ina kapag nanermon, masakit sa tainga,” sagot nitong mas pinag-igi pa ang pagkakadapa.

     “Well, gusto ko lang sanang kumustahin ka ulit. Balita ko kasi pumunta raw si Reos dito. Nagkita na ba kayo?” wala sa sariling tanong niya na siyang ikinabalikwas nito ng bangon.

     “Ano? Si Reos? Hindi, hindi pa kami nagkita. Bakit daw?”

     “Malay ko sa gonggong na ’yon,” sagot niyang agad luminga rito. Puno ng pagtataka ang mukha nito habang napapatagilid ng bahagya ang ulo sa kanan.

     “Kung gano’n—akala ko pumunta siya rito. Baka nagkamali lang ak—”nagulat na lang siya nang makitang tumayo ito. Agad ito nagtungo sa mga piguring nakukulayan ng abuhin at pula.

     “Pumunta nga siya—”

     “Balita ko nga siya raw ang nagpakalat ng impormasyong nandito ka na sa palasyo,”

     “Ano’ng—paano?” napahiyaw na tanong nito dahilan upang mapatulala siya nang bahagya. Parang nag-slow mo ang mukha nito sa mukha niya.

     “Ewan, malay ko—”sagot niyang nagkandautal.

      At nang makabawi. “Talagang ayaw kang patahimikin ng gonggong na iyon. Gagawin niya ang lahat. Nakakaawa siya sa totoo lang tapos—”

     “Itigil mo iyan, Dammier,” anitong pinutol ang nais niyang sabihin.

     “Okay,” aniya ng makabawi sa pagpigil nito.

     “Shit! Dammier! Sino nagsabi sa ’yong humiga ka?” nagkandautal na tanong nito na siyang lagay naman niya ng dalawang braso sa ulunan.

     “Siraulo, Ano pa bang ginagawa ko, malamang matutulog,” sagot niyang agad pumikit.

     “Bakit, may kuwarto ka naman ’di ba? Damn it! Dammier!” hesterikal na hiyaw nito dahilan upang mapadilat siya muli.

     “Shit! Shit! Ano’ng ginawa mo?” wika pa nitong natataranta. Hindi malaman kung pupunta sa kaliwa o kanan dahilan upang agad siyang tumayong humahalakhak.

     “Ano pa nga ba, malamang sinunog ko. Ewan ba hindi na ’ko komportableng mahiga, mukhang ang daming agiw,” kibit-balikat na sagot niya matapos ang mapang-asar na hagikgik.

     “Shit! Dammier, mapapatay kita.”

     “Tarantado. Chill lang, Bro. Everything’s gonna be fine. Trust me, hu—”

     “Shit! Adminicous, hindi ako makahinga,” aniyang nagkandautal dahil sa pananakal nito. Nakapatihaya siyang nakapatong sa hita nito ang ulo niyang mahigpit na may nakapulupot na braso nito.

     “Let me go—”

     “Ang lakas ng trip mo, lagi mo na lang akong pinagti-tripan, papatayin na talaga kita, Dammier—”

     Gamit ang kaliwang kamay, agad niyang inabot ang baywang nito at kiniliti. “Shit!” hiyaw nito kasabay ng pagbitiw sa kaniya, dahilan upang bumagsak siya sa lapag.

     “Tado, Adminicous, ang sama mo, ibagsak ba naman ako. Hayop!” maktol niyang hinihimas ang ulong tumama sa naghalong kulay pula at itim na sahig.

     “Siraulo, sinimulan mo ako e. Patas na tayo—”

     “Patas nga, hindi makatarungan iyon. Nananakit ka ng tao. Hayop! Kama lang sinusunog ko, e, ikaw? Sinusunog mo ang kaluluwa nila sa kama na iyan,” banat niyang nagmamaktol pa rin.

     “Ano’ng—wala—”

Kaugnay na kabanata

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 11: Symbolism and The Council

    “Ano? Wala nga—’yan lang ang sasabihin mo sa ’kin pagkatapos mong sunugin ang kama ko? Tarantado. Nambubulabog ka na nga lang nandadamay ka pa,” anitong nagkandautal na siyang ikinahalakhak niya. “Hayop, Adminicous! Laughtrip ka gag*. Oh, Ano? Walang ano? Ituloy mo dali,” nang-aasar niyang tanong dahilan upang mamutla ito. “Dammier,” nagkandautal na sagot nitong mas ikinahalakhak niya. “Tarantado, huwag ninyo akong itulad sa inyo ni Xhander,” sagot nito nang makabawi sa kawalang masabi. Nanlilisik na rin ang mga mata nitong parang papatayin siya ngayon din. “Hayop, Adminicous, masyado kang mainit. Chill, relax, kalma lang. Alam ko naman na mahina ka,” wika niyang mas humagalpak ng tawa sa huli. “Gag*!” pikong anito. “Kung hindi mo aaminin tatawagin ko ang pabor

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 12: Death of me

    “Ate, ikaw na muna ang maghugas ah,” pukaw ni Maria na siyang linga niya rito.

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 13: Strangers on Tour

    Sobrang bigat ng dibdib niya, hindi siya makahinga. Walang ibang tumatakbo sa isip kundi takasan ang masakit na kaganapang hindi na kayang baguhin pa. Nagkandadapa pa siya sa mabatong daan dahil sa panghihina at sa maraming emosyong naiisip. Sabayan pa ng luhang patuloy umaagos sa mata na kahit anong pigil pilit nagbibigay kalungkutan sa kaniya.Puro putik na rin ang kasuotan dahil sa ilang be

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 14: Two, Three of Cups

    SA MADILIM na dako naman ay wala siyang sawang humahalakhak na nasisiraan ng bait. Nakaupo siya sa katamtamang laki ng higaan na purong kulay kahel habang ganoon din ang wangis ng ilaw na nakapatong sa gitna ng mahabang kuwadradong patungan. Katapat naman nito ang isang malaking salamin na nakukulayan ng itim na ahas na desenyo. Kung saan nakikita niya ng buo ang repleksyong nakasandal sa gilid ng kama na may hawak na alak. “Akalain mo iyon, natagpuan ko rin ang babaeng iyon. Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon,” wika niyang agad napahawak sa kaliwang dibdib. “Fuck!” “Okay ka lang?” Sulpot ng kakapasok na lalaki. “Oo, naman. Kailan ba ako hindi naging okay?” “Sabagay, mukhang okay ka nga lang,” wika nitong agad lumapit sa kaniya. Inabot nito ang tasang nakataob bago nilagyan ng alak. &nb

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 15: Swords of Wisdom

    Tumawa muna ito bago nagsalita. “Hindi mo ba kilala si Xhander?”“Ewan, ngayon ko lang naman kayo nakilala at bawal sa akin ang lumabas noon,” sagot niyang bakas ang kaunting kalungkutan. Talagang bawal siyang lumabas noon. Kapag tinatanong sa ina kung bakit, laging sagot nito’y sumunod na lang sa kaniyang ama. Kaya naman, l

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 16: Strangers on Tour 2

    Pagkarating sa kaliwang bahagi nadatnan niya ang mga ito. “Babe, ayoko na rito. Please, umalis na tayo.” Nagpapanik na iyak ni Elaine. Nakayakap ito habang nagtatatalon sa bisig ng pinsan.“Babe—”pilit naman itong pinapakalma ng pinsan, mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap dito. “Ssshhh, tahan na. Kalma lang. Okay.

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 17: Last Glimpse of an Eye

    “Pasensiya na talaga kayo mga Iha at Iho,” ani Aling Maring na kabababa lang ng sasakyan. “Ano ba kayo, Aling Maring. Okay lang po. Wala pong problema sa amin. Kami nga po itong trespassing sa lugar ninyo,” sagot ni Elaine na pababa na rin. “Kahit na, Iha. Kung hindi kayo namasyal dito hindi ninyo matatagpuan si Sindy. Kaya nga laking pasasalamat ko na pumunta kayo rito dahil kung hindi, ewan ko na. Baka kung ano ng nangyari sa batang iyan. Maraming salamat talaga, Ineng.” “Naku po, masaya kaming makatulong sa inyo. Wala pong problema,” dinig pa niyang sagot ni Elaine. “Nga pala, Iho, Bran este Brent, akin na si Sindy at ng maipasok ko na. Laking abala na sa iyo ang batang ito. Pasensiya ka na,” ani Aling Maring na siyang ikinalingon niya rito. “Oo nga, Honey, ibigay mo na iyan. Masyado na sil

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 18: Cheers for Yesterday

    “Ate, gising na,” pambubulabog sa kaniya na siyang ikinaalimpungatan niya. Naramdaman din niya ang panghahatak ng kumot na siyang agad dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa katawan.“Ano ba, Maria? Umalis ka nga. Putragis naman, e,” iritableng sagot niya bago muling kinapa ang kumot na natanggal. Ni ayaw pa niyang idilat ang mga mata.“Ate, umalis na sina Inay at Itay. Kailangan mo ng gumising. ’Di ba pupunta tayo sa bayan? Baka parating na si Kuya Brent?” anitong niyuyugyog pa siya.“Ano ba, Maria. Kayo na lang ang pumunta tinatamad ako. Gusto kong matulog,” sagot niyang nakapikit pa rin. Hinayaan na niya ang kumot na hindi

Pinakabagong kabanata

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 56: Man of Yesterday

    "Did you see him already?"Agad siyang napasigaw sa pagkabigla. Nasa harap na pala niya ito."You see him, don't you? And…I found you, Lady.""Don't touch her!"Isang kamay ang humatak sa kanang kamay niya."Wooh! Cierra? Any problem with me?"Nakangisi naman itong naiiling. Nagtataka siya kung paano at kilala nito ang ngayong may hawak ng braso niya. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng pagbabanta ng katabi e animo'y wala itong naririnig.Malademonyo pa rin ang aurang bumabalot dito bagamat biniyayaan ng angking gandang lalaki. May mapungay itong mga mata na siyang kahit sinong babae ay mabibighani. Itim na itim din ang kilay at mga pilik mata nitong parang naka-make up. May manipis itong labi na bakas ang pagiging seryoso."What's wrong with touching… .Ms. Sanchez?"Hindi naman siya makasagot sa sagutan ng magkaharap. At mas lalong hindi siya nakasagot kung paano na kilala siya nito. Wala siyang masabi kundi takot at pangamba sa mga bagay na unti-unting nabibigyang linaw sa

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 55: Power of Broken Principle

    "Binibini Seliq, maari ba tayong mag-usap?” wika ng may edad ng matandang lalaki. “Ano pong maipaglilingkod ko, Pinunong Demetrio.” Pilit nitong ngiti kahit pa bakas ang takot sa pagmumukha. “Alam kong nalilito ka, kaya naman gusto kong magpaliwanag. Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil nagkakilala tayo.” “Pinuno, ano pong sinasabi ninyo?” utal na anang babae na nasa hustong gulang at postura lang. “Alam kong nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ’to pero sa maniwala ka sa hindi, unang beses palang alam kong may nararamdaman na akong kakaiba. Sa taon at buwan tayong hindi nagkita parang may kulang kahit pa pinilit kong balewalain ang nararamdaman ko ngunit hindi naging sapat iyon para makalimot. Araw-araw kitang tinititigan sa malayo at inaalam ang bawat kilos mo, patawad,” walang kagatol-gatol na pag-amin nito. “Pinunong Demetrio—” “Mahal kita, Binibining Seliq, at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Patawad, Mahal kong S

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 54: Power of Blind Principle

    Tumingin ito sa kanila hanggang huminto sa hinahanap ng mga mata…sa kaniya. Sa kaniya ito nakatitig ng mataman. Agad siyang napaatras dahil dito, alinsabay sa pagtigil ng tibok ng dibdib ng dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya. “S-Sino—?” naisatinig niya ng pabulong. Hindi makandamaliw ang kaba at takot niya. Hindi siya p’wedeng magkamali. Kilala niya ang aurang bumabalot sa bagong dating. "What a beautiful woman who look messy in this particular moment," puna nito kasabay ang ngising hindi maipaliwanag. Hindi siya pwedeng magkamali, may namumuong alaala na bahagyang bumabalik sa sistema niya. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit may misteryong bagay ang nagpapahirap ng kalooban niya. Ang kapatid niya. Ang nakababatang kapatid niya. Hindi pamilyar ang lalaki ngunit pamilyar ang aurang nararamdaman. Natatakot siya at naguguluhan ngunit isa lang ang malinaw, dapat siyang mag-ingat at mas lalo pang mag-ingat sa mga susunod na araw. Hindi d

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 53: First Thing Revealed

    “Xhander!” sigaw niya matapos makita na bumulagta na naman ito matapos banatan ni Adminicous naman ngayon. "Ano ba, Adminicous? What the fuck!” daing ni Xhander. Napapunas pa ito sa labi na may bakas ng pulang likido. "What's wrong with all of you?" hiyaw nito. Agad siyang pumagitna sa mga ito. Sumasakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung isip-bata lang ang mga ito o sadyang komplikado talaga ang mga bagay sa mundo. Hinatak niya si Xhander patayo habang nakangisi naman si Dammier sa gilid. Isa pa ’tong luko. Nanggagalaiti naman na nakatayo si Adminicous sa likod niya. Bakas ang pagkayamot nito na pilit nananahimik at nagpapakahinahon sa dalawang nagsasagupaan, o baka sa susunod apat na sila. “What? Pagtutulungan ninyo ’ko? Fight, sige. Laban.” Ngisi ng katabi na ayaw paawat. Isip-bata talaga. “Xhander!” awat niya rito. Gumagalaw pakaliwa’t kanan pa ito. Nakahanda ang dalawang kamao sa pakikipagbakbakan. Ito talaga ang nagpapasakit ng ulo

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 52: Second Degree Burn

    “Sindy?” tinig na naririnig niya. “Hmm,” daing niya. Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin. Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Parang naka-fast forward ang mga imahe. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan na kung saan buo at masaya sana ang bawat pamilya. Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. Ang natatandaan lang niya, hinang-hina siya, nakakapagod, nakakawalang-lakas ang mga imaheng paulit-ulit at papalit-palit niyang nakikita. Hindi niya kayang makita ang mga senaryong nagpapahirap sa kalooban niy

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 51: First Degree Burn

    Titingnan na lang ba natin?” ani Dammier na akala niya nakaalis na. “Ano’ng gusto mong gawin ko?” halukipkip niya. Hindi niya nagugustuhan ang naririnig sa bibig nito. Iyong feeling na alam naman ang gagawin pero nagtatanong pa. Common sense ika nga. Hindi naman masamang magtanong lalo kung sinasabi lang ang nasa isip, ika rin nila, may mga sitwasyong nais ng bibig ipahayag ang sinasabi ng utak. Kumbaga nais nitong maisakatuparan ang imahe na nabubuo sa isipan na madalas hindi napapansin ng iba. Halimbawa na lang nito ang biglang pagsasabi ng malamig samantalang alam naman ng malamig talaga, kumbaga bakit kailangan pang i-vocalized? Mahirap maunawaan ang mga bagay ngunit ganoon talaga ang misteryo ng buhay sa mundo. Para kang nasa kwadradong kahon na nais mong malaman ang mga sikretong naroon. Hindi rin sinasabing tama siya at mali ang iba ngunit may mga bagay na hindi madalas ma-interpret at mai-analyzed kung iisipin lang ang pang-ibabaw na sistema. “May

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 50: War, Wake Up

    Mula sa pagkakatingin ni Rocky ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang tingin. Ayaw na niyang makipagtalo pa lalo alam niyang wala naman syang ginagawa rito. Hindi rin niya alam kung ano bang problema nito at kung anuman iyon wala na siyang magagawa kung ganito ito mag-isip. At saka hindi naman masamang maging deadma na lang lalo kung ang hirap ipaintindi sa isang tao ang puntong hindi naman nito naiintindihan. Gayon din, masyadong magulo ang mundo ng pakikipagtalastasan na kung minsan ang hirap intindihin ng mga bagay. Madalas pa nga akala ng iba madali lang ang lahat ngunit kung pag-aaralang mabuti masasabi nating hindi pala gano’n kadali ang lahat.

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 49: Remember me, Revenge

    Napatulala siya sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin. Parang tumigil ang mundo niya. Hindi siya pwedeng magkamali. “Ash, Ano'ng ginawa mo?” ani Cierra na halos pabulong na ang pagbigkas. “What? Ano’ng ginawa ko?” sagot naman ni Ashlee na hindi rin alam ang gagawin. Napasenyas pa ito ng hindi ko alam ang nangyari. Salitang naririnig niya sa dalawa ngunit isa lang ang nararamdaman niya. Masakit, sobrang sakit ng ulo niya. Nagkakagulo na, bumabaliktad ang sistema niya. Nagsisigawan ang iba, nagtatakbuhan. Hindi na niya kaya, “Mamang.” &nbs

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 48: The Breakage

    Mula sa pagkakakunot-noo agad siyang lumapit sa mga ito. “Ayan na naman sila,” dinig niyang sabi ni Cierra. “Wala naman ng pinagbago, Cie. As always naman ang babaeng iyan. Hindi na ata mapapagod iyan sa mga kalukuhan niya,” wika naman ni Ashlee. Agad siyang napatingin sa tinititigan ng mga ito. Tumambad sa kaniya ang apat na babae. Kita niya agad ang dalawang babaeng nakasuot ng pula. Hapit na hapit sa katawan ng mga ito ang kasuotan. Sa sobra pang iksi ay halos makita na ang kaluluwa ng mga ito. Gayon din, tinitigan naman niya ang babaeng parang nagbibigay-pugay sa harapan ng mga ito. Punong-puno ito ng luha sa mata na sadyang ang dungis ng

DMCA.com Protection Status