Makalipas ng ilang oras nakarating din siya sa kanilang tahanan kasama ng ina’t kapatid. Sinundo siya ng mga ito dahil na rin sa utos ng ama. Gaya ng nasa isip talagang hindi siya nito pinababayaan. Madalas siyang ipasundo liban na lang kung may lakad o may inaasikaso ito, kaya naman mas malapit ang loob niya rito.
Gayon din, mula sa likod nakikita niya ang inang bitbit pa rin ang palangganang naglalaman ng damit niya habang dala naman ni Maria ang maliit na baldeng may laman na sabong panlaba.
Samantala, tanging ang tuwalyang nakasabit sa kanang balikat lang ang hawak niya. Mabuti na nga lang at bago dumating ang mga ito tapos na siyang nakapaligo at nakapagpunas kaya hindi nahalata ang ginawa niya. Isabay pa ang malamig na simoy ng hangin na siyang nakapagpatuyo agad ng buhok.
“Oh! Naririyan na pala kayo?” bungad ng ama pagkapasok pa lang nila sa bakuran.
“Oh, bakit ang tagal mo? Kung hindi ka pa sinundo wala ka pang balak umuwi,” baling nito sa kaniya. Agad naman siyang napalingon dito at napayuko.
Lumapit din siya rito sa kabila ng hiyang nararamdaman. “Pasensiya na po, Pang, mano po.”
“Alam ko ’yon at alam din namin na gustong-gusto mo sa lugar na iyon ngunit nag-aalala lang kami sa ’yo lalo’t may balitang kumakalat dito sa atin,” anang ama na nagpipigil ng nais sabihin.
Humawak pa ito sa balikat niya na siyang mas ikinayuko niya. At mula sa pagkakayuko kita niya ang itak na hawak nito sa kaliwang kamay. Gayon din, bakas ang pag-unawa at senseridad nito sa itinuran na siyang mas nagbigay hiya sa kaniya.
“Pang, ano pala iyong sinasabi ninyong—”angat niya ng tingin ngunit agad din naputol ang nais niyang sabihin ng sumingit si Maria.
Isinalaysay nito ang nakalap na impormasyon na siyang nakapagpatayo ng balahibo sa buong katawan. “Grabe! Sino naman na matinong tao ang gagawa noon?” komento niyang agad napakunot-noo matapos marinig ang nangyari.
Napayakap pa siya sa magkabilang braso habang hinihimas ang mga ito. Pakiramdam niya nanlamig ang buong katawan sa karumal-dumal na eksenang nabibigyang-buhay.
“Kaya dapat mag-ingat tayo. Kaya nga, Sindy. Huwag ka na muna magpupunta sa ilog,” wika ng ama bago ipinagpatuloy ang pagsisibak ng kahoy. Agad naman siyang pumagilid upang hindi matamaan ng lumilipad na bahagi nito.
“Ano na bang nangyayari sa lugar natin halos lahat ng balita tungkol sa karahasan. Kulang na lang magpatayan na ang lahat tapos uso pa ang nakawan at kung ano-ano na ni hindi man lang mapigil ng gobyerno,” maktol niyang hinihimas pa rin ang mga braso.
“Gumagawa naman sila ng paraan kung paano susupilin ’yon. Pinag-aaralan din nila ang mga batas na maaring ipataw sa mga gumagawa ng kasalanan. Iyon nga lang sa lahat ng dako patuloy ang paglubo ng masasamang gawain, halos iyan na lagi ang balita sa Capital, Maynila,” sagot naman ng ama matapos maintindihan ang nais niyang ipahiwatig.
“Pero, Pang, dapat sana may batas ng ganoon ’di ba? Kasi nga may gobyerno na tayo, dapat alam na nila kung paano susupilin ang mga puwedeng masasamang gawain,” turan niyang hindi papatalo. Bumalik na rin ang posturang nawala kani-kanina lang.
“Iba ang panahon ni Eva at Adan. Wala na tayo sa makalumang henerasyon nasa makabagong sitwasyon na tayo. Bagamat may gobyerno hindi naman lahat kaya nilang malaman sa isang iglap lang. Halimbawa paano nila malalaman na may panggagahasang kaso kung wala naman lumalabas na ganoong senaryo? Paano nila malalaman na may nakawan na nagaganap kung hindi naman maibabalita? Siyempre, kailangan muna nilang makita iyon bago sila makapagpatupad ng batas. Kaya naman, mas maraming mababait at karespe-respeto noong unang panahon kaysa ngayon na hindi ko alam kung paano at bakit nagsusulputan,” sagot muli ng ama na ikinanguso na lang niya.
“Kaya nga makinig ka sa sinasabi namin, hindi iyong gusto mo lagi ang nasusunod,” singit ng ina dahilan upang mapalingon din siya rito. Akala niya nakapasok na ito ng kubo.
“Pasensiya na po, Mang,” wika na lang niyang muling napayuko. Bumalik na naman kasi sa kaniya ang usapin. Kaya sa halip makipagtalo mas pinili na lang niyang tumahimik upang hindi na humaba ang paliwanagan.
“Kaya nga, kahit ngayon lang, Sindy. Makinig ka muna sa amin para maiwasan natin ang karahasan. Masyadong magulo ang mundo dapat nag-iingat tayo,” segunda naman ng ama dahilan upang mas manatili siya sa puwesto.
“Makinig kasi,” pasaring na naman ng ina. Mula sa peripheral vision, kita niyang papasok na ito ng kanilang kubo habang dala pa rin ang palanggana.
“Pasensya na po talaga, Pang. Aakyat na lang po muna ako,” wika na lang niya bago tuluyang naglakad papasok.
“Bilisan mo na at kakain na tayo,” pahabol nito at mula sa peripheral vision niya kita niya ang pagsandal nito ng itak sa gilid ng nakasalansang na mga kahoy.
Sa halip sumagot pinili na lang niyang tumahimik. Alam kasi niyang mali rin siya bilang anak pero minsan hindi niya maiwasang magkamali dahil sa kagustuhang maranasan ang mga bagay na hindi pa kailanman nararanasan. Gusto niyang madama at makita ang mundong iba sa kinatatayuan niya.
PAGKARATING SA SILID tuluyan niyang tinanggal ang pagkakatali ng nakapaikot na makapal at makintab na buhok; kung saan tuluyan itong bumuhaghag hanggang sa baywang.
“Grabe naman ’yon, nawala lang ako saglit may kababalaghan agad? Ano bang nangyayari sa mundo? Sobrang gulo, palibhasa wala ’kong hilig makinig o maniwala sa mga usaping hindi ko naman alam kung totoo ba o hindi. Minsan kasi ang tsismis na iyan ang nagbibigay dahilan upang magpakamatay, pumatay o gumawa ng hindi makatwirang pananaw ang ibang tao,” anang isip habang nagsusuklay ng buhok. Nakatitig siya sa kung saan.
“Kaya nga minsan wala na akong gana manood ng TV na palaging ginagawa ni Maria; nakikinood sa kapitbahay tapos itsi-tsismis din dito. Kalukang bata ’yon, tapos lahat ng kuwento tungkol sa patayan, buhay ng artista at kung ano-ano pa. Nakakabahala ang mga impormasyong ganoon lalo’t may ibang nadadala ng balita. Paano naman kasi kahit walang katuturan ginagawan ng isyu para maging makatotohanan. Paano naman iyong ibang hindi matanggap iyon? Gaya ng kapitbahay namin na muntik pang mabaliw dahil lahat ng nasa balita sinusunod—walang ng mabuti,” bigkas niya sa huling pangungusap.
“Ate Sindy, kakain na raw!” sigaw ni Maria na siyang napagitla sa kaniya nang bahagya. Agad din bumalik sa realidad ang isip niya at nawala ang mga agam-agam.
“Anak ng tokwa—hindi man lang umakyat,” anang isip pero ipinagpatuloy pa rin ang ginagawa.
Nang matapos sa pagsusuklay agad niyang inilibot ang tingin. Doon niyang napagtantong magulo pala ang kuwarto niya. Hindi pa natupi ang kulay dumihing kumot na nakaitsa at nakasayad pa ang ibang bahagi sa lapag. Nagkalat din ang mga papel at panulat sa study table niya na nasa kanang bahagi ng kaniyang kama.
Kasunod naman nito ang aparador na kulay barnes na may dalawang bukasan; isang malaki sa itaas kung saan naroon ang mga damit na naka-hanger at isang kuwadrado sa ibaba kung saan naroon ang mga bimpo, panyo at malilit na panloob; kung saan din siya nakatayo.
“Ang babaeng masinop sa lahat,” bulong niyang nai-iling.
“Ate Sindy!” sigaw muli ng kapatid. Bagamat gusto niyang sagutin hinayaan na lang niya ito upang hindi na lumala pa.
Minadali na lang niya ang pagtatanggal ng damit at panloob na siyang pansin sa bintanang nasa itaas na bahagi. Katapat ng pinto niya.
“Sandali . . . alam ko isinara ko ’to kanina ah?” aniyang nakakunot-noo.
Nakatulala siyang nakatingin sa labas ng bintana. Kung saan natatanaw ang maagap na pagpagaspas ng sanga ng mga puno sa bahagi ng kakahuyan. Alinsabay naman ito sa sa biglang paglakas ng ihip ng hangin na siyang nagbigay kilabot sa kaniya.
“Anak ng tokwa—bakit biglang humangin, ang lakas ng init, ah.”
“Ate Sindy, ano ba!” sigaw muli ng kapatid na halos mapatid na ang boses. Halata ang kawalang pasensiya nito sa ilang beses na pagtawag sa kaniya.
Kaya naman wala na siyang ibang pagpipilian kundi mas madaliin at isara na lang ang bintana. “Grabe, mababasag pa ata ang eardrum ko sa batang iyon. Akala mo panganay, e,” iritableng bulong niya.
“Sandali lang!” balik-sigaw niya bago kinuha ang maliliit na panloob at isang itim na pajama at puting hapit na T-shirt. Pagkatapos maisuot ang mga ito agad na siyang bumaba at baka magsisigaw na naman ang makulit na kapatid.
Palampas na siya sa silid ni Cora nang mapansing nakabukas na naman ang silid nito, dahil dito agad siyang napakunot-noo. Lagi niyang napapansin ang senaryong ito kaya naman hindi niya maiwasang mag-isip ng ibang paliwanag.
Kaya nang sumilip siya rito saka niya natagpuang mahimbing pa rin itong natutulog; hindi man lang natinag sa boses ni Maria. Dahil din dito muli na lang niyang hinatak ang seradura at tuluyang bumaba. Nang marating ang hapag-kainan nagsisimula ng kumain ang ina’t ama maging ang maingay na kanina pa nagsisisigaw.
Nasa gitnang bahagi ng lamesa ang ama habang nasa kanan naman ang ina na katabi ni Maria. Kaya naman, umupo na lang siya sa bakanteng upuan sa kaliwa.
“Sinigang na baboy na may petchay? Mukhang mapaparami ako ng kain, ah,” pukaw niya sa katahimikang namamayani bago pa lang siyang dumating.
Ngunit sa halip na may sumagot mas nanatili ang katahimikan na siyang linga niya sa mga naroon. Patuloy ang pagsubo ng ama habang umiinom naman ng tubig ang ina. Samantala, nakayukong pinaglalaruan naman ni Maria ang kutsara’t tinidor.
“Ah, oo nga, ang sarap nito. The best ang lasa, Mang, Pang,” aniya matapos maisubo ang pagkain ngunit sa kasawiang-palad wala pa rin nagsasalita sa mga ito na siyang hindi man niya alam ang nangyari pero alam niyang may mali.
“Aalis kami mamaya, Sindy. Alagaan mo ang mga kapatid mo,” basag ng ama sa katahimikang namamayani dahilan upang mabilaukan siya. Agad naman niyang kinuha ang nakataob na babasaging baso.
“Pasensiya na po, nasamid lang,” paliwanag niya matapos malagok ang malinis na tubig. Hindi naman umimik ang ama at tumayong nagtungo sa lababo upang maghugas ng kamay.
“Pang, huwag na po kayong umalis,” biglang angal ni Maria na siyang ikinalingon niya rito. Nakatayo na itong nakikiusap.
“So, ito pala ang dahilan ng katahimikan kanina,” naisaisip niya nang mapagtanto ang mga nangyayari.
“Ano’ng oras na po, e?” tanong naman niyang pinipigilang mautal sabay baling sa orasang nasa itaas ng hagdanan.
“Alas-dose y medya na po, Pang,” patuloy niyang nangangamba ngunit nananatili siyang kalmado sa pananalita.
“Kaya nga nagpapaalam na kami at baka gabihin kami. Makikituloy muna kami sa Tiya Isabel ninyo,” sagot ng ama na naglalagay na ng tubig sa baso.
Palibhasa liblib na lugar ang bayan nila kaya napakatagal ng biyahe. Kung sumapit naman ang dapit-hapon wala ng nangangahas pang magtungo rito dahil natatakot silang masiraan sa daan, lalo pa’t malalayo ang kabahayan at hindi sigurado kung may mahihingan ng tulong kapag ganoon nga ang nangyari.
“Mang, ayaw ko pong wala kayo rito. Natatakot po ako na kami-kami lang ni Ate Sindy ang nandito,” baling ni Maria sa kanilang ina. Nagbabakasakaling papakinggan siya nito.
Sa pagtaliwas ni Maria hindi niya maiwasang matuwa nang bahagya dahil ito na mismo ang nagsabi ng agam-agam niya sa isipan. Bilang nakatatandang kapatid dapat siya ang nagpapakita ng katapangan bagamat nanunuot ang takot sa kaniya pero wala siyang pagpipilian.
“Nandiyan naman ang, Ate Sindy mo, siya ng bahala sa inyo. Masisira na ang gulay at prutas kung hindi pa maibebenta!” sigaw ng kanilang ama na siyang ikinayuko niya nang bahagya. Samantala, hindi naman nakaimik si Maria.
Gayunpaman, mababakas na pinipilit lang ng kanilang ama na maging matapang upang hindi na makapag-react ang kapatid. Talagang pag may gusto kasi ito pinagpipilitan nito at hindi nagpapatalo.
“Pero, Mang?” hindi sumusukong baling naman nito sa kanilang ina matapos ang pandaliang katahimikan mula sa sinabi ng ama.
“Sindy, ikaw ng bahala sa mga kapatid mo. Magluto ka na lang diyan ng hapunan at huwag mong kakalimutang isara ang mga bintana maging itong tarangkahan,” baling naman ng ama sa kaniya na siyang palabas na ng pinto. Dahil din dito, agad siyang napalingon sa dako nito. Mula sa puwesto ramdam niyang ayaw nito sanang umalis ngunit kailangan.
“Mang,” ulit muli ni Maria pero nananatili tahimik ang kanilang ina. Pakahulugang pinal na ang desisyon ng ama at hindi na mababawi pa.
Kaya naman bilang nakatatandang kapatid hindi na lang siya umimik at kinimkim na lang ang takot at pangambang lumalamon sa kaibuturan ng isipan.
“Sindy, nakikinig ka ba?” pukaw ng ina sa kaniya dahilan upang mapasigaw siya.
“Ano ba, Sindy!” sigaw din nito matapos siyang sumigaw. Agad naman siyang napayuko dahil dito.
“Mamang?” wika niyang nauutal. Agad din siyang nag-angat ng tingin na siyang tama ng nanlilisik nitong mga mata.
“Kanina pa ’ko nagsasalita rito hindi ka pala nakikinig. Naglalayag na naman ang isip mo. Jusko, Sindy! Umayos ka nga!” hiyaw nito dahil upang mapapiksi siya nang bahagya. Akmang sasapukin kasi siya nito.
“Pasensiya na po, Mang. May—”agad niyang naputol ang sinasabi ng sapukin na siya talaga nito sa kanang balikat.
“Hindi ka nagtatanda! Alam mong ayaw na ayaw ko iyong hindi nakikinig sa akin. Aalis kami tapos maggaganyan ka?” hiyaw nito.
“Mang, sorry na po. Pasensiya na po talaga,” wika niyang napahimas sa balikat na natamaan. Hindi niya kasi napansing sobrang lalim pala talaga ng mga iniisip niya.
“Lagi na lang sorry. Hindi ka naman nagtatanda! Sindy, matanda ka na. Paano kung sa kakaganyan mo may mangyari sa mga kapatid mo. Ano’ng gagawin mo!” wika nitong nagpapadyak sa inis. Akmang sasapukin ulit siya nito.
“Mang, ano ba! Huwag ninyong ibahin ang usapan!” sigaw na singit ni Maria, dahilan upang hindi matuloy ng kanilang ina ang balak gawin. Agad din itong bumaling dito.
“Haynaku! Sumasakit ang ulo ko sa inyo. Ang titigas ng ulo ninyo!” pinal na sigaw nito matapos maubusan ng pasensiya.
“Ano na naman ’yan, Cita? Halika na. Sindy, ikaw na ang bahala rito. Siguraduhin ninyong maayos dito . . . ang pinto,” anang dungaw ng ama dahilan upang mapalingon din siya rito.
“Pang!” sigaw na naman muli ni Maria na siyang sunod sa kanilang ama. Talagang wala sa bokabularyo nito ang sumuko basta.
“Sindy!” tawag ng ama sa kaniya dahilan upang mapatakbo rin siyang sumunod sa kapatid na likod na lang ang huling namataan.
Pagkalabas, nadatnan pa rin niya ang pangungulit nito. Ayaw pa rin talagang sumuko.
“Sindy, ikaw na ang bahala,” tinig ng ama matapos siyang mapansin. Hindi nito pinapansin ang pagpapadyak at pagkakamot ni Maria sa ulo sa sobrang pagkairita.
Gayon din, alinsabay naman ito sa pagdating ng trak ng mga gulay at prutas na nasa tiklis na. Narinig pa niya ang pagpitada ng kung sinong inarkilahan ng ama.
“Mang,” tawag muli ni Maria sa kanilang ina nang makitang lumabas na ito ng kubo.
“Ano ba, Maria, umaayos ka nga! Kanina ka pa!” iritableng sagot nito na siyang seryosong titig niya na lang rito.
“Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo,” baling naman nito sa kaniya na siyang tagpo ng mga titig nila.
“Pupunta mamaya si Maring dito. Ikaw na ang bahala, Sindy,” singit muli ng ama bago naglakad papuntang trak.
Sa halip sumagot tumahimik na lang siyang tinitigan ang ama. Mula sa kinatatayuan kita niya ang nasa 5’6 na tangkad nito. Gayon din, ang medyo kayumangging kulay nito habang nakasuot ng pantalon at kulay bughaw na T-shirt.
“Cita, halika na at baka gabihin tayo,” katamtamang hiyaw ng kanilang ama. Malapit na ito sa trak na nasa labas lang ng kanilang bakuran.
“Oh siya, paroroon na kami at ng makaabot pa kami sa Night market,” wika ng ina na nagmamadaling inaayos ang mini bag na nasa tagiliran.
Mula rin sa kinatatayuan kita niya ang inang nakasuot ng pantalon na maong habang may suot na bulaklaking blusa. Nagmamadali rin itong nagkakalkal ng kung ano na siyang hulog ng isang maroon na polo sa kaliwa nito, dahilan din upang maiwan ang blue na polo na nasa balikat pa rin.
“Sindy, ang mga kapatid mo,” dinig niyang paalala ng ama na siyang hindi na niya binigyang tingin dahil nasa ina pa rin ang atensiyon.
“Oh siya, mauna na kami,” tinig muli ng ina matapos makita ang perang nasa bag. Madalas niyang napapansin ang ginagawa nito, kaya naman nakasanayan na niya ang palagian na paninigurado nito kung may naiwanan ba o wala.
Nang makalapit at makasakay ang ina na siyang inalalayan ng ama tuluyan ng umarangkada ang sasakyan habang malamya naman na isinasara ni Maria ang tarangkahan. Pagkatapos, muli itong napatingin sa papalayong trak.
“Ate, ikaw na muna ang—”
“Buwisit! Bakit ba may mga nilalang na laging sumisira ng plano ko?” aniyang nanggagalaiti. Tinititigan ang gitnang parte ng silid. At nang hindi siya makuntento agad siyang sumuntok sa ere dahilan ng pagliyab ng kung ano sa harapan.Mula rin sa kinatatayuan wala ng tigil na sumasabog ang naglalagablab na kulay kahel na apoy. “Damn it!”Naglalakad siya sa mapunong lugar na pawang katahimikan at huni ng ibon lang ang maririnig. At habang pinag
“Ano? Wala nga—’yan lang ang sasabihin mo sa ’kin pagkatapos mong sunugin ang kama ko? Tarantado. Nambubulabog ka na nga lang nandadamay ka pa,” anitong nagkandautal na siyang ikinahalakhak niya. “Hayop, Adminicous! Laughtrip ka gag*. Oh, Ano? Walang ano? Ituloy mo dali,” nang-aasar niyang tanong dahilan upang mamutla ito. “Dammier,” nagkandautal na sagot nitong mas ikinahalakhak niya. “Tarantado, huwag ninyo akong itulad sa inyo ni Xhander,” sagot nito nang makabawi sa kawalang masabi. Nanlilisik na rin ang mga mata nitong parang papatayin siya ngayon din. “Hayop, Adminicous, masyado kang mainit. Chill, relax, kalma lang. Alam ko naman na mahina ka,” wika niyang mas humagalpak ng tawa sa huli. “Gag*!” pikong anito. “Kung hindi mo aaminin tatawagin ko ang pabor
“Ate, ikaw na muna ang maghugas ah,” pukaw ni Maria na siyang linga niya rito.
Sobrang bigat ng dibdib niya, hindi siya makahinga. Walang ibang tumatakbo sa isip kundi takasan ang masakit na kaganapang hindi na kayang baguhin pa. Nagkandadapa pa siya sa mabatong daan dahil sa panghihina at sa maraming emosyong naiisip. Sabayan pa ng luhang patuloy umaagos sa mata na kahit anong pigil pilit nagbibigay kalungkutan sa kaniya.Puro putik na rin ang kasuotan dahil sa ilang be
SA MADILIM na dako naman ay wala siyang sawang humahalakhak na nasisiraan ng bait. Nakaupo siya sa katamtamang laki ng higaan na purong kulay kahel habang ganoon din ang wangis ng ilaw na nakapatong sa gitna ng mahabang kuwadradong patungan. Katapat naman nito ang isang malaking salamin na nakukulayan ng itim na ahas na desenyo. Kung saan nakikita niya ng buo ang repleksyong nakasandal sa gilid ng kama na may hawak na alak. “Akalain mo iyon, natagpuan ko rin ang babaeng iyon. Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon,” wika niyang agad napahawak sa kaliwang dibdib. “Fuck!” “Okay ka lang?” Sulpot ng kakapasok na lalaki. “Oo, naman. Kailan ba ako hindi naging okay?” “Sabagay, mukhang okay ka nga lang,” wika nitong agad lumapit sa kaniya. Inabot nito ang tasang nakataob bago nilagyan ng alak. &nb
Tumawa muna ito bago nagsalita. “Hindi mo ba kilala si Xhander?”“Ewan, ngayon ko lang naman kayo nakilala at bawal sa akin ang lumabas noon,” sagot niyang bakas ang kaunting kalungkutan. Talagang bawal siyang lumabas noon. Kapag tinatanong sa ina kung bakit, laging sagot nito’y sumunod na lang sa kaniyang ama. Kaya naman, l
Pagkarating sa kaliwang bahagi nadatnan niya ang mga ito. “Babe, ayoko na rito. Please, umalis na tayo.” Nagpapanik na iyak ni Elaine. Nakayakap ito habang nagtatatalon sa bisig ng pinsan.“Babe—”pilit naman itong pinapakalma ng pinsan, mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap dito. “Ssshhh, tahan na. Kalma lang. Okay.
“Pasensiya na talaga kayo mga Iha at Iho,” ani Aling Maring na kabababa lang ng sasakyan. “Ano ba kayo, Aling Maring. Okay lang po. Wala pong problema sa amin. Kami nga po itong trespassing sa lugar ninyo,” sagot ni Elaine na pababa na rin. “Kahit na, Iha. Kung hindi kayo namasyal dito hindi ninyo matatagpuan si Sindy. Kaya nga laking pasasalamat ko na pumunta kayo rito dahil kung hindi, ewan ko na. Baka kung ano ng nangyari sa batang iyan. Maraming salamat talaga, Ineng.” “Naku po, masaya kaming makatulong sa inyo. Wala pong problema,” dinig pa niyang sagot ni Elaine. “Nga pala, Iho, Bran este Brent, akin na si Sindy at ng maipasok ko na. Laking abala na sa iyo ang batang ito. Pasensiya ka na,” ani Aling Maring na siyang ikinalingon niya rito. “Oo nga, Honey, ibigay mo na iyan. Masyado na sil
"Did you see him already?"Agad siyang napasigaw sa pagkabigla. Nasa harap na pala niya ito."You see him, don't you? And…I found you, Lady.""Don't touch her!"Isang kamay ang humatak sa kanang kamay niya."Wooh! Cierra? Any problem with me?"Nakangisi naman itong naiiling. Nagtataka siya kung paano at kilala nito ang ngayong may hawak ng braso niya. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng pagbabanta ng katabi e animo'y wala itong naririnig.Malademonyo pa rin ang aurang bumabalot dito bagamat biniyayaan ng angking gandang lalaki. May mapungay itong mga mata na siyang kahit sinong babae ay mabibighani. Itim na itim din ang kilay at mga pilik mata nitong parang naka-make up. May manipis itong labi na bakas ang pagiging seryoso."What's wrong with touching… .Ms. Sanchez?"Hindi naman siya makasagot sa sagutan ng magkaharap. At mas lalong hindi siya nakasagot kung paano na kilala siya nito. Wala siyang masabi kundi takot at pangamba sa mga bagay na unti-unting nabibigyang linaw sa
"Binibini Seliq, maari ba tayong mag-usap?” wika ng may edad ng matandang lalaki. “Ano pong maipaglilingkod ko, Pinunong Demetrio.” Pilit nitong ngiti kahit pa bakas ang takot sa pagmumukha. “Alam kong nalilito ka, kaya naman gusto kong magpaliwanag. Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil nagkakilala tayo.” “Pinuno, ano pong sinasabi ninyo?” utal na anang babae na nasa hustong gulang at postura lang. “Alam kong nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ’to pero sa maniwala ka sa hindi, unang beses palang alam kong may nararamdaman na akong kakaiba. Sa taon at buwan tayong hindi nagkita parang may kulang kahit pa pinilit kong balewalain ang nararamdaman ko ngunit hindi naging sapat iyon para makalimot. Araw-araw kitang tinititigan sa malayo at inaalam ang bawat kilos mo, patawad,” walang kagatol-gatol na pag-amin nito. “Pinunong Demetrio—” “Mahal kita, Binibining Seliq, at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Patawad, Mahal kong S
Tumingin ito sa kanila hanggang huminto sa hinahanap ng mga mata…sa kaniya. Sa kaniya ito nakatitig ng mataman. Agad siyang napaatras dahil dito, alinsabay sa pagtigil ng tibok ng dibdib ng dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya. “S-Sino—?” naisatinig niya ng pabulong. Hindi makandamaliw ang kaba at takot niya. Hindi siya p’wedeng magkamali. Kilala niya ang aurang bumabalot sa bagong dating. "What a beautiful woman who look messy in this particular moment," puna nito kasabay ang ngising hindi maipaliwanag. Hindi siya pwedeng magkamali, may namumuong alaala na bahagyang bumabalik sa sistema niya. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit may misteryong bagay ang nagpapahirap ng kalooban niya. Ang kapatid niya. Ang nakababatang kapatid niya. Hindi pamilyar ang lalaki ngunit pamilyar ang aurang nararamdaman. Natatakot siya at naguguluhan ngunit isa lang ang malinaw, dapat siyang mag-ingat at mas lalo pang mag-ingat sa mga susunod na araw. Hindi d
“Xhander!” sigaw niya matapos makita na bumulagta na naman ito matapos banatan ni Adminicous naman ngayon. "Ano ba, Adminicous? What the fuck!” daing ni Xhander. Napapunas pa ito sa labi na may bakas ng pulang likido. "What's wrong with all of you?" hiyaw nito. Agad siyang pumagitna sa mga ito. Sumasakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung isip-bata lang ang mga ito o sadyang komplikado talaga ang mga bagay sa mundo. Hinatak niya si Xhander patayo habang nakangisi naman si Dammier sa gilid. Isa pa ’tong luko. Nanggagalaiti naman na nakatayo si Adminicous sa likod niya. Bakas ang pagkayamot nito na pilit nananahimik at nagpapakahinahon sa dalawang nagsasagupaan, o baka sa susunod apat na sila. “What? Pagtutulungan ninyo ’ko? Fight, sige. Laban.” Ngisi ng katabi na ayaw paawat. Isip-bata talaga. “Xhander!” awat niya rito. Gumagalaw pakaliwa’t kanan pa ito. Nakahanda ang dalawang kamao sa pakikipagbakbakan. Ito talaga ang nagpapasakit ng ulo
“Sindy?” tinig na naririnig niya. “Hmm,” daing niya. Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin. Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Parang naka-fast forward ang mga imahe. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan na kung saan buo at masaya sana ang bawat pamilya. Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. Ang natatandaan lang niya, hinang-hina siya, nakakapagod, nakakawalang-lakas ang mga imaheng paulit-ulit at papalit-palit niyang nakikita. Hindi niya kayang makita ang mga senaryong nagpapahirap sa kalooban niy
Titingnan na lang ba natin?” ani Dammier na akala niya nakaalis na. “Ano’ng gusto mong gawin ko?” halukipkip niya. Hindi niya nagugustuhan ang naririnig sa bibig nito. Iyong feeling na alam naman ang gagawin pero nagtatanong pa. Common sense ika nga. Hindi naman masamang magtanong lalo kung sinasabi lang ang nasa isip, ika rin nila, may mga sitwasyong nais ng bibig ipahayag ang sinasabi ng utak. Kumbaga nais nitong maisakatuparan ang imahe na nabubuo sa isipan na madalas hindi napapansin ng iba. Halimbawa na lang nito ang biglang pagsasabi ng malamig samantalang alam naman ng malamig talaga, kumbaga bakit kailangan pang i-vocalized? Mahirap maunawaan ang mga bagay ngunit ganoon talaga ang misteryo ng buhay sa mundo. Para kang nasa kwadradong kahon na nais mong malaman ang mga sikretong naroon. Hindi rin sinasabing tama siya at mali ang iba ngunit may mga bagay na hindi madalas ma-interpret at mai-analyzed kung iisipin lang ang pang-ibabaw na sistema. “May
Mula sa pagkakatingin ni Rocky ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang tingin. Ayaw na niyang makipagtalo pa lalo alam niyang wala naman syang ginagawa rito. Hindi rin niya alam kung ano bang problema nito at kung anuman iyon wala na siyang magagawa kung ganito ito mag-isip. At saka hindi naman masamang maging deadma na lang lalo kung ang hirap ipaintindi sa isang tao ang puntong hindi naman nito naiintindihan. Gayon din, masyadong magulo ang mundo ng pakikipagtalastasan na kung minsan ang hirap intindihin ng mga bagay. Madalas pa nga akala ng iba madali lang ang lahat ngunit kung pag-aaralang mabuti masasabi nating hindi pala gano’n kadali ang lahat.
Napatulala siya sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin. Parang tumigil ang mundo niya. Hindi siya pwedeng magkamali. “Ash, Ano'ng ginawa mo?” ani Cierra na halos pabulong na ang pagbigkas. “What? Ano’ng ginawa ko?” sagot naman ni Ashlee na hindi rin alam ang gagawin. Napasenyas pa ito ng hindi ko alam ang nangyari. Salitang naririnig niya sa dalawa ngunit isa lang ang nararamdaman niya. Masakit, sobrang sakit ng ulo niya. Nagkakagulo na, bumabaliktad ang sistema niya. Nagsisigawan ang iba, nagtatakbuhan. Hindi na niya kaya, “Mamang.” &nbs
Mula sa pagkakakunot-noo agad siyang lumapit sa mga ito. “Ayan na naman sila,” dinig niyang sabi ni Cierra. “Wala naman ng pinagbago, Cie. As always naman ang babaeng iyan. Hindi na ata mapapagod iyan sa mga kalukuhan niya,” wika naman ni Ashlee. Agad siyang napatingin sa tinititigan ng mga ito. Tumambad sa kaniya ang apat na babae. Kita niya agad ang dalawang babaeng nakasuot ng pula. Hapit na hapit sa katawan ng mga ito ang kasuotan. Sa sobra pang iksi ay halos makita na ang kaluluwa ng mga ito. Gayon din, tinitigan naman niya ang babaeng parang nagbibigay-pugay sa harapan ng mga ito. Punong-puno ito ng luha sa mata na sadyang ang dungis ng