Home / Mystery/Thriller / Dark Secret | Filipino / Chapter 8: Symbolic Creatures

Share

Chapter 8: Symbolic Creatures

Author: Mxgchef
last update Huling Na-update: 2020-10-04 00:37:07

“Ano na naman bang problema noon? Simula ng dumating siya rito sa Ademonian parang nasapian na naman ng masamang espiritu, tapos ginawa na naman niya ang bagay na ’yon. Kahit kailan talaga walang kadala-dala ang lalaking ’yon,” nai-iling niyang naiisip.

     “Tang*na! Sino ba ’yan? Anak ng—matutulog pa lang ako,” iritableng sigaw niya. Sobrang pagod niya mula sa ginagawa tapos biglang may manggugulo.

     “Dammier, buksan mo ’to.” Nagmamadaling kalampag mula sa pinto. Palakas at pahinang pambubulabog.

     “Anak ng—nandito na naman ’to. Araw-araw na lang,” iritableng anang isipan. Napapasabunot pa siya sa buhok sa sobrang pagkabadtrip. Mula sa pagkakahiga bumangon siya upang pagbuksan ito.

     “Ano ba, Adminicous! Matutulog pa lang ako. Tang*na naman, oh,” iritableng bungad niya.

     “Mier, please, help me. Pupuntahan ko lang si Cris. Nakuha ko na, oh.” Wagayway nito ng hawak na siyang ikinanlaki ng mata niya.

     “Anak ng—Lil’Ad. The heck! Ano na naman ’to? Mapapahamak ka na naman sa ginagawa mo. Hindi ka ba nadadala sa mga kalukuhan mo? Anak ng—”turan niyang napahilamus sa mukha, parang biglang naglaho ang antok niya sa nakita.

     “Mier, please, gusto ko lang makita si Cris, miss na miss ko na siya. Please,” pagmamakaawa nito. Bakas ang lungkot sa mga matang hindi niya kayang pangalanan.

     “Lil’ Ad, naman, ayan ka na naman, e. Lagi ka na lang ganyan. Ayusin mo naman ang sarili mo—anak ng—saan mo na naman ba nakuha ’yan?” aniyang hindi pa rin makapaniwala, parang siya pa ang masisiraan ng bait sa paulit-ulit na paghihilamus sa mukha habang nanlalamig naman ang kanang kamay na nakahawak sa gilid ng pintuan.

     “Mier, please, help me. Hindi ko na kaya, gusto ko siyang makita. Please, Mier. Help me.” Luhod pa nito sa harapan niya dahilan upang mas mapahilamus siya.

      “Shit! Tang*na. Masisiraan ako ng bait sa ’yo,” pagsukong wika niya. Pinasadahan pa ng tingin ang magkabilang dako ng pasilyo na siyang tayo naman nito. Talagang hindi niya ito matiis pag ganito ang asta nito. Sa kanilang tatlo mas malapit ito sa kaniya kaya naman hindi niya kayang makitang nagkakaganito ito.

       “Akin na nga.” Sabay lahad niya ng kaliwang palad. Agad naman nitong ipinatong ito rito.

      “Salamat, Mier,” anitong nagliwanag na ang mukha.

       “Tang*na, Adminicous, may bayad ’to,” wika niyang natatawa na rin ngunit nagulat na lang siya ng yakapin siya nito.

       “Fuck, Adminicous! Lumayo-layo ka nga sa akin. Mapagkakamalan pa akong bakla dahil sa ’yo,” turan niyang nagpupumiglas sa pagkakayapos nito.

      “Gag*! Ako nakayakap sa ’yo tapos ikaw mapagkakamalang bakla? Tarantado,” anito sabay tapik sa balikat niya.

      “Tang*na! Sa sobrang tamis mo pati ako lalanggamin sa ’yo. Hindi na nga ’ko komportableng nakayakap ka sa akin, naco-conscious ako,” aniya sabay halakhak.

      “Tang*na! Halika na nga, dami pang sinasabi,” sa halip na sagot nito.

      “Tang*na! Sandali lang. Magpapalit lang ako,” aniyang nagpupumiglas sa pagkakahatak nito sa damit niya.

      “Mamaya na ’yan,” banat nitong hinahatak siya. Diretso itong naglalakad habang nakatalikod siyang umaatras. Natatanaw na lang tuloy niya ang kawal na patungo sa kuwarto niya upang isarado ang pinto.

      “Tang*na nito, nakaporma ka tapos nakapantulog ako? Makasarili ka, gag*,” pagmamaktol niyang patuloy umaatras.

      “Magandang araw po, Prince Dammier,” bati ng kawal na nakasalubong nila. Tanging tango na lang ang sagot niya habang magkadaupang-palad ang kamay sa likurang bahagi.

        Hindi niya napansing nasa Ademonian Palace na sila dahil sa maraming bagay na tumatakbo sa isipan. Naghahalu-halo rin ang iba’t ibang emosyon na siyang lumalamon sa kaibuturan. Samantala, ang kasama naman ay nakapamulsa sa itim na mahaba nitong kasuotan, parang walang problemang susuungin.

       “Gag* talaga!” turan niyang na-iling.

       “Hindi ako, gag*, mapagmahal ’to. Nga pala, tingin mo makakalabas ako,” biglang seryoso nito.

       “Bakit mo natanong? Wala ka bang tiwala sa magagawa mo?” sagot niyang nakaseryoso rin, maging siya ay hindi makapag-isip kung anong mangyayari.

       “Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari. Naguguluhan ako,” anito na siyang hindi na lang niya piniling sagutin.

       “Wala ka rin bang naiisip na ibang paraan, Dammier,” pagpapatuloy nito na siyang mukhang nabasa ang iniisip niya.

       “Magandang Araw po—”turan ng kawal pagkatapat nila sa pintuan. Napatigil ito sa sinasabi habang hindi inaasahang nakatitig kay Adminicous. Bakas ang gulat sa pagmumukha nitong hindi makapaniwala.

      “Mukhang hindi ka magaling magdisgui—” hindi na niya natapos ang dapat sasabihin nang biglang humandusay ito sa harap nila.

      “Ano’ng sa tingin ninyo ang ginagawa ninyo rito?” maawtoridad na tinig mula sa likuran nila dahilan upang manlaki ang mga mata niya kasabay ang biglang pagbilis ng tibok ng dibdib.

     “Shit!” bigkas ng isip niya nang mapagtantong sumakto ang hinala niya sa nangyari. Ginamitan nito ng mahika ang kawal upang malaman kung sino-sinong maaring pumasok sa silid ng hari.

     “Ama?” dinig niyang bigkas ni Adminicous na siyang nakalinga na sa likod nila dahilan din upang mapaharap siya rito.

     “Shit!” turan niyang napapikit kasabay ang pagdiin ng kanang palad. Nakayuko na rin siya sa sobrang kaba at takot sa maaring maganap.

     “Ama?” ulit na bigkas ni Adminicous; puno ng garalgal na tinig ang pananalita nito. Halatang sobrang hindi makapaniwalang nasa harapan na nila ang ama.

     “Shit!” bigkas muli ng isip niya. Talagang hindi siya makapag-isip ng dapat sabihin lalo’t nabigla sila sa nangyari.

     “Mukhang hindi ka masayang makita ang pagmumukha ko, mahal kong anak. Hindi mo ba inaasahang makakabalik ako mula sa konseho? Well, mahina ka pa nga, mahal kong anak,” anang ama na nang-uuyam.

     Bagamat iisang gusali lang ang tinutuluyan ng mga ito ngunit bihira itong magkita dahil na rin sa obligasyong ginagampanan ng hari.

     Samantala, namamawis naman ang kamay niya sa sobrang higpit ng pagkakatiklop. Hindi niya alam kung kailan pa nagsimula ang pakiramdam na iyon ngunit sigurado siyang may isang bagay na dapat protektahan.

     “Hindi naman po, Ama,” sagot ng kaibigang nagkandautal sa pagpapaliwanag.

     “Akin na, mahal kong Adminicous,” seryosong anito na siyang ikinalingon niya rito, ngunit agad din siyang napayuko at napapikit dahil na rin sa alam niya ang tinutukoy nito.

     “Ama—”nagkandautal na halos hindi mabigkas na sinasabi ng kaibigan dahilan upang agad siyang mapalingon dito.

      “Ayoko sa lahat iyong ginagawa akong tanga, Adminicous. Hindi kita pinalaki parang gaguhin ako dahil habang may sungay ka pa hindi ko hahayaang humaba pa’t ibalik mo pa sa akin,” anitong nanggagalaiti. Bakas ang naghalong galit at tuwa sa pagmumukha nitong titig na titig sa kaibigan.

     “Ama—”bigkas ng kaibigang nakahawak ang dalawang kamay sa leeg na mahigpit namang hawak ng hari.

     “Pakiusap—”turan ng kaibigang nahihirapan at namumula na ang mukha habang nakabitin sa ere. Pilit nitong tinatanggal ang naghuhumigpit na kulay kahel na usok na bumabalot dito.

     “Dammier, akin na,” baling ng hari sa kaniya dahilan upang mas humigpit ang kapit niya sa susing nasa palad. Nanlalaki rin ang mga mata niyang hindi alam ang sasabihin.

     “Nakasalalay sa ’yo ang buhay ng kaibigan mo. Nasa iyo ang pagpapasya kung nanaisin mo siyang mabuhay o handa ka ng magluksa,” anitong nagpalingon sa kaniya rito. Nakangisi itong sadyang tuwang-tuwa sa mga nangyayari.

     Nang tingnan naman niyang muli ang kaibigan naghihirapan na ito sa kalagayan. Nangingitim na ang mukha nito habang pilit pinipigilan ang naghuhumigpit na kulay kahel na usok na mas lalong bumabalot dito.

     “Patawad po, Haring Exquixious!” aniyang agad napaluhod at hindi na napigil ang pagdaloy ng masaganang likido mula sa mga mata.

     “Patawad po, mahal na Haring Exquixious,” ulit niya habang nakayuko pa rin. Hindi niya kayang makitang mamatay sa harap niya ang kaibigan. Bagamat binitiwan niya ang pangakong popro-protektahan ito sa pamamagitan ng hindi pagsisiwalat ng totoo, ngunit hindi niya isasantabi ang sitwasyon ngayon. Ito lang ang nakikita niyang paraan upang protektahan ito sa kamatayan.

     “Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo,  Prince Seldame,” anito bago binitiwan ang kaibigang nagkandaubo pagkabagsak. Nakahawak ito sa leeg na animo’y kahit paano’y nakahinga na ngunit bakas pa rin ang hirap nito mula kanina.

     “Kawal, dalhin siya sa Simbulika Cage,” anang hari bago inilahad ang palad na siyang labas naman niya ng susi.

     “Prince Adminicous, halika ka na po,” nauutal na wika ng kawal na isa pala sa kasama ng hari. Bago niya lang napansin ang mga ito dahil sa tensyong nararamdaman.

     Agad din siyang napayuko at napatingin sa kaibigang nanlilisik ang mga mata, ngunit isang malungkot na ekspresyon ang balik niya rito. Magalit man ito, hindi niya hahayaang mapahamak ito dahil sa katigasan ng ulo.

     Na-guilty man siya sa nangyari pero pinili lang niyang mabuhay ito kaysa mabawian ng buhay. Kaya sa unang araw ng pagkakakulong nito bago patawan ng Simbulika rope pinuntahan niya ito para dalawin ngunit ayaw raw siya nitong kausapin. Kaya wala siyang pagpipilian kundi hintayin ang pagbabalik nito at magkausap silang muli.

    Apat na buwan ang itinagal bago tuluyan itong pinalaya dahil hindi naman sobrang malala ang kasalanan nito ngunit makalipas ng isang linggo ginawa na naman nito ulit at nahuling muli kaya gaya ng naunang parusa ay ganoon ulit ang nangyari.

“Sandali, hindi kaya may bagay na nagpaalala na naman dito ng nakaraan? Napakaimposible naman kasi na pumatay na naman ito ng walang dahilan. Anak ng—marami na namang katanungan sa isip ko. Shit! Ayaw ko muna mag-isip. Wait, hanggang ngayon pala wala pa rin pinagbago ang lugar na ’to?” bulong niya matapos makalabas ng silid ng kaibigan.

     Nasa tuktok siya kung saan nakalutang at nakapatong lang sa patpating tuwid na tingting ang buong kaharian ng Ademonian. Paglabas pa lang sa pintuan matatagpuan na ang balkonaheng nakukulayan ng kahel na batong makikintab. May hugis ahas desenyo itong nakapagpadagdag sa angking kakaiba nito.

     Gayon din, bago tuluyang bumaba patungo sa kaliwang bahagi ng kulay lilang sagradong ahas na pinto, sinilip muna niya ang balkonahe. “Ang taas pala talaga ng lugar na ito.”

     Ito ang unang pagkakataon niya upang mapagmasdan ang dako ng hari. Simula pagkabata hindi sila pinapayagang makapasok dito, ngunit nang maitalaga sa tungkulin ang kaibigan saka pa lang nila nalilibot ang buong kaharian, higit sa lahat ang makapunta sa pinakatuktok na bahagi kung saan namamalagi ang hari na dapat siya ang nasa posisyon nito.

     Gayunpaman, wala lang sa kaniya kung maging hari man o hindi. Wala siyang sama ng loob o inggit na nararamdaman para sa nangyari. Mahal niya ang mga kaibigan at gagawin niya ang lahat upang maprotektahan sila, parang magkakapatid na kasi ang turingan nila lalo na si Adminicous na may pagkaisip-bata mag-isip. Kaya naman, siya ang parang naging kuya nito sa lahat ng bagay; na sumakto naman dahil tatlong taon ang tanda niya rito.

     Samantala, nang madako ang tingin sa paligid. “Finally, Ademonian Palace, Baldzhiers Royal, pinamumunuan ng isip-bata,” anang isip na natatawa.

     Ganoon din, mula sa kinatatayuan natatanaw niya ang tatlo pang triangulo; nasa kaliwa ang Amendamonian Palace kung saan nakatumba ang triangulo nito sa kaliwa na pinamumunuan niya. Sa kanan naman nakatumba ang Killemodian Palace kung saan pinamumunuan ng mga Blicher Royal habang nakatumba naman sa ibabang bahagi ang Sexamodian Palace na pinamumunuan ng Ashtons Royal.

     Sa kabuuan, hugis kuwadrado na triangulo ang pagkakadesenyo ng apat na Simbulika; kung saan sumisimbolo sa pamamalakad nila. Gayon din, pagtingin sa itaas saka lang niya napansin ang dalawang higanteng ahas na lumilipad. Umiikot-ikot ang mga ito sa magkasalungat na direksyon habang nagtitingkaran ang kulay pulang naglalakihang tinik na patuloy lumalaki’t lumiliit.

     Ang mga mata naman nito’y kulay kahel na nagliliwanag na may pulang usok. Patuloy ang paglilibot ng mga ito rito sa mundo nila. Nang mapatingin naman sa ibabang parte doon niya natagpuan ang mga Samodaragum, nagkalat ito na animo’y gutom na gutom na umaatungal.

     Mga mukhang buhaya ang mga ito na may naglalakihang mga ngipin habang kulubot naman ang balat nitong may umbok na magaspang na tinik; animo’y isang dragon ang nagmamay-ari. May mahahaba rin itong buntot gaya ng ahas na nagliliyab sa dami ng patalim. Nagkakapalan din ang paa nitong gaya sa manok ngunit kasing tigas ng bato.

     Gayon din, nagliliyab na kulay kahel ang usok sa dako ng mga ito kaya naman ang mga ito lang ang maaring mabuhay sa dakong iyon. Mahulog ka pa lang mamamatay ka na sa nerbiyos at sa kasawiang palad hindi ka pa dumadampi sa nagliliyab na apoy nagkalasug-lasog ka na dahil sa mga ito.

     “Kaparihaba Lordasium!” sigaw na siyang ikinagulantang niya nang bahagya. Agad siyang napatingin sa harap at doon nakadungaw na ang mga ito.

     “Kaparihaba, Kumusta?” bati niya sa dalawang ahas na nasa harapan. Tuluyang nawala ang mga imaheng nakikita niya mula kanina.

     Ursulum Agnasium ang tawag sa mga ito. Isang uri ng nilalang na may mga lason kung kaya’t hindi ka rin makakaligtas sa bangis ng mga ito.

     “Kaparihaba Lordasium,” sagot ng mga ito sa tinig na malabakal na nagkakandabasag sa malalim na hukay.

     “Masaya akong makita kayo ng malapitan. Naalala ko pa noon hindi kami maaring pumunta rito kaya naman masaya ako at nakita ko na kayo ng personal, nga pala hindi ba kayo napapagod sa kakaikot dito,” tanong niyang nakangiti sabay linga sa bawat isa sa mga ito.

     Bumuga muna ang mga ito ng berdeng usok na siyang nagpaubo sa kaniya. “Kaparihaba Hindiyasium Lordasium,” sagot ng mga itong magkakasabay pa bago nagbigay galang na yumukod ng mga ulo.

     “Grabe, ganyan ba kayo bumati? May balak ba kayong patayin ako?” aniyang natatawa matapos makabalik sa postura mula sa pagkakaubo, ngunit tanging halakhak ang sagot ng mga ito.

     “Oh, siya, pati ako masisiraan ng bait sa inyo. Sige na nga, hanggang sa muli, Kaparihaba,” wika niyang nai-iling ngunit tanging mas malakas na halakhak ang sagot ng mga ito. Kumaway pa siya habang nakatalikod na siyang atungal na sagot na lang ng mga ito.

     “May kauri ka pala rito?”

     “Gag*!” sagot niya sa bagong dating.

Kaugnay na kabanata

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 9: First Degree

    Makalipas ng ilang oras nakarating din siya sa kanilang tahanan kasama ng ina’t kapatid. Sinundo siya ng mga ito dahil na rin sa utos ng ama. Gaya ng nasa isip talagang hindi siya nito pinababayaan. Madalas siyang ipasundo liban na lang kung may lakad o may inaasikaso ito, kaya naman mas malapit ang loob niya rito.Gayon din, mula sa likod nakikita niya ang inang bitbit pa rin ang palangganang naglalaman ng damit niya habang dala naman ni Maria ang maliit na baldeng may laman na sabong panlaba.Samantala, tanging ang tuwalyang nakasabit sa kanang balikat lang ang hawak niya. Mabuti na nga lang at bago dumating ang mga ito tapos na siyang nakapaligo at nakapagpunas kaya hindi nahalata ang ginawa niya. Isabay pa ang malamig na simoy ng hangin n

    Huling Na-update : 2020-10-04
  • Dark Secret | Filipino   Chapter 10: Imagery

    “Buwisit! Bakit ba may mga nilalang na laging sumisira ng plano ko?” aniyang nanggagalaiti. Tinititigan ang gitnang parte ng silid. At nang hindi siya makuntento agad siyang sumuntok sa ere dahilan ng pagliyab ng kung ano sa harapan.Mula rin sa kinatatayuan wala ng tigil na sumasabog ang naglalagablab na kulay kahel na apoy. “Damn it!”Naglalakad siya sa mapunong lugar na pawang katahimikan at huni ng ibon lang ang maririnig. At habang pinag

    Huling Na-update : 2020-10-10
  • Dark Secret | Filipino   Chapter 11: Symbolism and The Council

    “Ano? Wala nga—’yan lang ang sasabihin mo sa ’kin pagkatapos mong sunugin ang kama ko? Tarantado. Nambubulabog ka na nga lang nandadamay ka pa,” anitong nagkandautal na siyang ikinahalakhak niya. “Hayop, Adminicous! Laughtrip ka gag*. Oh, Ano? Walang ano? Ituloy mo dali,” nang-aasar niyang tanong dahilan upang mamutla ito. “Dammier,” nagkandautal na sagot nitong mas ikinahalakhak niya. “Tarantado, huwag ninyo akong itulad sa inyo ni Xhander,” sagot nito nang makabawi sa kawalang masabi. Nanlilisik na rin ang mga mata nitong parang papatayin siya ngayon din. “Hayop, Adminicous, masyado kang mainit. Chill, relax, kalma lang. Alam ko naman na mahina ka,” wika niyang mas humagalpak ng tawa sa huli. “Gag*!” pikong anito. “Kung hindi mo aaminin tatawagin ko ang pabor

    Huling Na-update : 2020-10-27
  • Dark Secret | Filipino   Chapter 12: Death of me

    “Ate, ikaw na muna ang maghugas ah,” pukaw ni Maria na siyang linga niya rito.

    Huling Na-update : 2020-10-30
  • Dark Secret | Filipino   Chapter 13: Strangers on Tour

    Sobrang bigat ng dibdib niya, hindi siya makahinga. Walang ibang tumatakbo sa isip kundi takasan ang masakit na kaganapang hindi na kayang baguhin pa. Nagkandadapa pa siya sa mabatong daan dahil sa panghihina at sa maraming emosyong naiisip. Sabayan pa ng luhang patuloy umaagos sa mata na kahit anong pigil pilit nagbibigay kalungkutan sa kaniya.Puro putik na rin ang kasuotan dahil sa ilang be

    Huling Na-update : 2020-11-08
  • Dark Secret | Filipino   Chapter 14: Two, Three of Cups

    SA MADILIM na dako naman ay wala siyang sawang humahalakhak na nasisiraan ng bait. Nakaupo siya sa katamtamang laki ng higaan na purong kulay kahel habang ganoon din ang wangis ng ilaw na nakapatong sa gitna ng mahabang kuwadradong patungan. Katapat naman nito ang isang malaking salamin na nakukulayan ng itim na ahas na desenyo. Kung saan nakikita niya ng buo ang repleksyong nakasandal sa gilid ng kama na may hawak na alak. “Akalain mo iyon, natagpuan ko rin ang babaeng iyon. Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon,” wika niyang agad napahawak sa kaliwang dibdib. “Fuck!” “Okay ka lang?” Sulpot ng kakapasok na lalaki. “Oo, naman. Kailan ba ako hindi naging okay?” “Sabagay, mukhang okay ka nga lang,” wika nitong agad lumapit sa kaniya. Inabot nito ang tasang nakataob bago nilagyan ng alak. &nb

    Huling Na-update : 2020-11-08
  • Dark Secret | Filipino   Chapter 15: Swords of Wisdom

    Tumawa muna ito bago nagsalita. “Hindi mo ba kilala si Xhander?”“Ewan, ngayon ko lang naman kayo nakilala at bawal sa akin ang lumabas noon,” sagot niyang bakas ang kaunting kalungkutan. Talagang bawal siyang lumabas noon. Kapag tinatanong sa ina kung bakit, laging sagot nito’y sumunod na lang sa kaniyang ama. Kaya naman, l

    Huling Na-update : 2020-11-08
  • Dark Secret | Filipino   Chapter 16: Strangers on Tour 2

    Pagkarating sa kaliwang bahagi nadatnan niya ang mga ito. “Babe, ayoko na rito. Please, umalis na tayo.” Nagpapanik na iyak ni Elaine. Nakayakap ito habang nagtatatalon sa bisig ng pinsan.“Babe—”pilit naman itong pinapakalma ng pinsan, mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap dito. “Ssshhh, tahan na. Kalma lang. Okay.

    Huling Na-update : 2020-11-08

Pinakabagong kabanata

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 56: Man of Yesterday

    "Did you see him already?"Agad siyang napasigaw sa pagkabigla. Nasa harap na pala niya ito."You see him, don't you? And…I found you, Lady.""Don't touch her!"Isang kamay ang humatak sa kanang kamay niya."Wooh! Cierra? Any problem with me?"Nakangisi naman itong naiiling. Nagtataka siya kung paano at kilala nito ang ngayong may hawak ng braso niya. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng pagbabanta ng katabi e animo'y wala itong naririnig.Malademonyo pa rin ang aurang bumabalot dito bagamat biniyayaan ng angking gandang lalaki. May mapungay itong mga mata na siyang kahit sinong babae ay mabibighani. Itim na itim din ang kilay at mga pilik mata nitong parang naka-make up. May manipis itong labi na bakas ang pagiging seryoso."What's wrong with touching… .Ms. Sanchez?"Hindi naman siya makasagot sa sagutan ng magkaharap. At mas lalong hindi siya nakasagot kung paano na kilala siya nito. Wala siyang masabi kundi takot at pangamba sa mga bagay na unti-unting nabibigyang linaw sa

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 55: Power of Broken Principle

    "Binibini Seliq, maari ba tayong mag-usap?” wika ng may edad ng matandang lalaki. “Ano pong maipaglilingkod ko, Pinunong Demetrio.” Pilit nitong ngiti kahit pa bakas ang takot sa pagmumukha. “Alam kong nalilito ka, kaya naman gusto kong magpaliwanag. Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil nagkakilala tayo.” “Pinuno, ano pong sinasabi ninyo?” utal na anang babae na nasa hustong gulang at postura lang. “Alam kong nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ’to pero sa maniwala ka sa hindi, unang beses palang alam kong may nararamdaman na akong kakaiba. Sa taon at buwan tayong hindi nagkita parang may kulang kahit pa pinilit kong balewalain ang nararamdaman ko ngunit hindi naging sapat iyon para makalimot. Araw-araw kitang tinititigan sa malayo at inaalam ang bawat kilos mo, patawad,” walang kagatol-gatol na pag-amin nito. “Pinunong Demetrio—” “Mahal kita, Binibining Seliq, at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Patawad, Mahal kong S

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 54: Power of Blind Principle

    Tumingin ito sa kanila hanggang huminto sa hinahanap ng mga mata…sa kaniya. Sa kaniya ito nakatitig ng mataman. Agad siyang napaatras dahil dito, alinsabay sa pagtigil ng tibok ng dibdib ng dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya. “S-Sino—?” naisatinig niya ng pabulong. Hindi makandamaliw ang kaba at takot niya. Hindi siya p’wedeng magkamali. Kilala niya ang aurang bumabalot sa bagong dating. "What a beautiful woman who look messy in this particular moment," puna nito kasabay ang ngising hindi maipaliwanag. Hindi siya pwedeng magkamali, may namumuong alaala na bahagyang bumabalik sa sistema niya. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit may misteryong bagay ang nagpapahirap ng kalooban niya. Ang kapatid niya. Ang nakababatang kapatid niya. Hindi pamilyar ang lalaki ngunit pamilyar ang aurang nararamdaman. Natatakot siya at naguguluhan ngunit isa lang ang malinaw, dapat siyang mag-ingat at mas lalo pang mag-ingat sa mga susunod na araw. Hindi d

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 53: First Thing Revealed

    “Xhander!” sigaw niya matapos makita na bumulagta na naman ito matapos banatan ni Adminicous naman ngayon. "Ano ba, Adminicous? What the fuck!” daing ni Xhander. Napapunas pa ito sa labi na may bakas ng pulang likido. "What's wrong with all of you?" hiyaw nito. Agad siyang pumagitna sa mga ito. Sumasakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung isip-bata lang ang mga ito o sadyang komplikado talaga ang mga bagay sa mundo. Hinatak niya si Xhander patayo habang nakangisi naman si Dammier sa gilid. Isa pa ’tong luko. Nanggagalaiti naman na nakatayo si Adminicous sa likod niya. Bakas ang pagkayamot nito na pilit nananahimik at nagpapakahinahon sa dalawang nagsasagupaan, o baka sa susunod apat na sila. “What? Pagtutulungan ninyo ’ko? Fight, sige. Laban.” Ngisi ng katabi na ayaw paawat. Isip-bata talaga. “Xhander!” awat niya rito. Gumagalaw pakaliwa’t kanan pa ito. Nakahanda ang dalawang kamao sa pakikipagbakbakan. Ito talaga ang nagpapasakit ng ulo

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 52: Second Degree Burn

    “Sindy?” tinig na naririnig niya. “Hmm,” daing niya. Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin. Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Parang naka-fast forward ang mga imahe. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan na kung saan buo at masaya sana ang bawat pamilya. Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. Ang natatandaan lang niya, hinang-hina siya, nakakapagod, nakakawalang-lakas ang mga imaheng paulit-ulit at papalit-palit niyang nakikita. Hindi niya kayang makita ang mga senaryong nagpapahirap sa kalooban niy

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 51: First Degree Burn

    Titingnan na lang ba natin?” ani Dammier na akala niya nakaalis na. “Ano’ng gusto mong gawin ko?” halukipkip niya. Hindi niya nagugustuhan ang naririnig sa bibig nito. Iyong feeling na alam naman ang gagawin pero nagtatanong pa. Common sense ika nga. Hindi naman masamang magtanong lalo kung sinasabi lang ang nasa isip, ika rin nila, may mga sitwasyong nais ng bibig ipahayag ang sinasabi ng utak. Kumbaga nais nitong maisakatuparan ang imahe na nabubuo sa isipan na madalas hindi napapansin ng iba. Halimbawa na lang nito ang biglang pagsasabi ng malamig samantalang alam naman ng malamig talaga, kumbaga bakit kailangan pang i-vocalized? Mahirap maunawaan ang mga bagay ngunit ganoon talaga ang misteryo ng buhay sa mundo. Para kang nasa kwadradong kahon na nais mong malaman ang mga sikretong naroon. Hindi rin sinasabing tama siya at mali ang iba ngunit may mga bagay na hindi madalas ma-interpret at mai-analyzed kung iisipin lang ang pang-ibabaw na sistema. “May

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 50: War, Wake Up

    Mula sa pagkakatingin ni Rocky ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang tingin. Ayaw na niyang makipagtalo pa lalo alam niyang wala naman syang ginagawa rito. Hindi rin niya alam kung ano bang problema nito at kung anuman iyon wala na siyang magagawa kung ganito ito mag-isip. At saka hindi naman masamang maging deadma na lang lalo kung ang hirap ipaintindi sa isang tao ang puntong hindi naman nito naiintindihan. Gayon din, masyadong magulo ang mundo ng pakikipagtalastasan na kung minsan ang hirap intindihin ng mga bagay. Madalas pa nga akala ng iba madali lang ang lahat ngunit kung pag-aaralang mabuti masasabi nating hindi pala gano’n kadali ang lahat.

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 49: Remember me, Revenge

    Napatulala siya sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin. Parang tumigil ang mundo niya. Hindi siya pwedeng magkamali. “Ash, Ano'ng ginawa mo?” ani Cierra na halos pabulong na ang pagbigkas. “What? Ano’ng ginawa ko?” sagot naman ni Ashlee na hindi rin alam ang gagawin. Napasenyas pa ito ng hindi ko alam ang nangyari. Salitang naririnig niya sa dalawa ngunit isa lang ang nararamdaman niya. Masakit, sobrang sakit ng ulo niya. Nagkakagulo na, bumabaliktad ang sistema niya. Nagsisigawan ang iba, nagtatakbuhan. Hindi na niya kaya, “Mamang.” &nbs

  • Dark Secret | Filipino   Chapter 48: The Breakage

    Mula sa pagkakakunot-noo agad siyang lumapit sa mga ito. “Ayan na naman sila,” dinig niyang sabi ni Cierra. “Wala naman ng pinagbago, Cie. As always naman ang babaeng iyan. Hindi na ata mapapagod iyan sa mga kalukuhan niya,” wika naman ni Ashlee. Agad siyang napatingin sa tinititigan ng mga ito. Tumambad sa kaniya ang apat na babae. Kita niya agad ang dalawang babaeng nakasuot ng pula. Hapit na hapit sa katawan ng mga ito ang kasuotan. Sa sobra pang iksi ay halos makita na ang kaluluwa ng mga ito. Gayon din, tinitigan naman niya ang babaeng parang nagbibigay-pugay sa harapan ng mga ito. Punong-puno ito ng luha sa mata na sadyang ang dungis ng

DMCA.com Protection Status