“Saan na naman kaya nagpunta ’yon?” Hindi siya mapakaling nagpapaikot-ikot. Hindi rin niya matukoy kung magtutungo ba sa kaliwa o sa kanan. Pagkalabas sa quarters agad niya itong hinanap sa buong paaralan ngunit ni anino nito’y wala.
“Sinabi kasing magpaalam. Bakit ba ang tigas ng ulo niya.” Iling niya sabay labas ng kahon na hugis triangulo mula sa bulsa ng maroon na pantalon. “Ito na talaga,” aniyang nangingiti na.
Matapos iyon, nagpaikot-ikot muli siya hanggang makasalubong ang lalaking nakayukong nagkakalikot ng kung ano.
“Nakita mo ba si Sindy?” Pigil niya sa kanang braso ng kaharap habang palinga-linga sa paligid.
“Ikaw pala,” nakangiting sagot naman nito habang patuloy sa pagpindot ng hawak.
“Puwede ba—saan galing ’yan?” tanong niyang nakakunot-noo. Hindi makapaniwalang tingin ang ipinupukol niya rito habang pilit inaapuhap ang mga kasagutan sa nakikita.
“Ssshh! Sekreto lang natin ’to.” Pahapyaw ngiting-tingin nito sabay taas ng hawak na telepono.
“Ano’ng—’pag may nakakita niyan sa ’yo—”
“Naks, kailan ka pa naging concern sa mga pinaggagawa ko? Ikaw ah, huwag mo sabihing. . . . ”nangingiting pigil nito sa kaniya.
“Tigilan mo nga ’ko sa mga kalukuhan mo, Dammier, mali ka ng iniisip.” Pigil naman niya rito nang maunawaan ang nais nitong ipahayag.
“Naks, mukhang bumabait na naman ang ‘Hari ng kasamaan, ah.’” Nai-iling na biro nito bago nag-headbang ng ulo.
“Tarantado,” seryosong titig niya rito habang hindi makapaniwala sa pinaggagawa ng kaharap.
Gayunpaman, alam niyang may kung anong bumabagabag dito. Kaya naman, binalewala na lang niya ito at nagkunwareng patuloy pa rin sa paghahanap.
“Alam mo, nakakapagtaka ka, kanina ko pa ’to hawak tapos ngayon mo lang napansin? Mukhang sobrang lakas na ng tama mo, pre,” natatawang anito. “Ano bang nangyari, este may nangyari bang kababalaghan?” pagpapatuloy nito bago siya niyugyog ng walang habas. “Aminin mo na, Saan, Kailan, Paano at Ilan?” Nanlalawak na ngisi nito habang atat na atat sa nais niyang ipahayag.
“Tarantado—puwede ba, wala akong panahon sa mga biro mo. Bahala ka sa buhay mo kung mahuhuli ka, wala ’kong pakialam!” salungat niya sabay tapik sa kamay nitong nakapatong pa rin sa balikat niya.
“Woooh! Parang nagtatanong lang e. Sungit naman! Masyado kang seryoso.” Pagsuko nito bago isinilid sa bulsa ng pantalon ang telepono. “Well—wala ka namang laging hinahanap kundi siya,” wika nitong napahalukipkip na.
“Ano? Ano bang pinupunto mo, Dammier?” nanlilisik na matang tanong niya bago humalukipkip din. Bakas na’ng pagkairita niya kahit pa pilit pinipigilan ang sarili. Tuluyan na rin kasing uminit ang dugo niya sa huling sinabi nito.
“Well—”buntonghininga nito. “Ang punto ko lang naman, sana mapanindigan niya ang pagkakakilanlan sa ’yo—”
“Pagkakakilanlan sa akin? Bakit ba?” Natatawang ngisi niya. “Dahil ba hindi ako nababagay sa kaniya?” sarkastikong aniya na agad din nagseryoso. Talagang hindi siya makapaniwala sa narinig mula rito.
“Huwag mo sanang bigyan ng maling interpretasyon ang mga sinabi ko. Ang gusto ko lang sabihin—”paliwanag nitong tuluyang bumuntonghininga saka dumako ang tingin sa kaniya. Akmang hahawakan pa siya nito.
“Ano’ng sa akala mong ginagawa mo? Kaibigan kita, tapos ano? Gusto mo siyang mapunta sa ’yo? Akala ko maiintindihan mo ang nararamdaman ko . . . mukhang nagkamali—”sumbat niyang puno ng hinanakit sabay tapik sa kamay nitong hindi pa dumadantay sa kaniya.
“Adminicous, pakinggan mo muna ’ko,” pigil naman nitong bakas na’ng pagkataranta.
“Hindi,” nagpipigil na diing aniya sabay iling. Hindi niya matanggap na rito mismo manggagaling ang mga salitang iyon. Iyong inaakala niyang makakaunawa sa kaniya, siya pa palang magtra-traydor sa kaniya.
“Adminicous, iyong kay Sindy—”pagpupumilit nitong paliwanag.
“Traydor kang hayop ka—”Agad niya itong hinawakan sa may kuwelyo.
“Ha?” napapakurap na wika nito. “Wala akong negatibong nais sabihin. Ang punto ko lang naman—”nagkandautal na anito na ngayo’y nanlalaki na’ng mga mata, ngunit tuluyan ng sumabog ang kanina pa niya pinipigilang emosyon. Hindi na niya kayang itago ang nanunuot na sama ng loob.
“Ano ba! Ano’ng ginagawa ninyo?” hiyaw mula sa tumatakbong lalaki. Mula sa peripheral vision niya, kilala niya kung kanino nagmumula ang tinig na iyon. Base sa tantiya niya kapag ganitong oras patungo na’ng mga ito sa Cafe Dewon.
“Hayaan mo sila kung gusto nilang magpatayan. Ayaw mo noon, live in action,” segunda ng isang nang-uuyam na tinig na siyang pamilyar din sa kaniya.
“Hindi ako gaya mo na tatayo at manonood lang, Xhander!” sagot ng naunang lalaki na siyang nagpakumpirma ng hinala niya.
Nawala lang siya sa pagpapakiramdaman sa mga ito nang tuluyang hatakin siya ni Sylier. Dahil dito, pagkakataon naman ni Dammier upang ayusin ang suot na kuwelyo; na siyang hawak-hawak kanina, ngunit agad din bumalik ang nagbabagang galit niya rito nang makita ang pag-iling at pagngisi nito.
“Ano ba! Tumigil na nga kayo, para kayong mga demonyong nagpapatayan!” hiyaw ni Sylier sabay tingin sa kanilang dalawa ni Dammier.
“Huwag ako ang patigilin mo. Iyang gagong iyan ang dapat magpakalalaki! Lumapit ka rito, babasagin ko ’yang mukha mo.” Turo niya kay Dammier na akmang lalapitan pa ito. “Ano bang sa akala mo, hindi ko alam? Huwag ako, akin siya, wala akong pakialam sa ’yo!” pagpapatuloy niyang ’di papaawat ngunit ngisi ang sagot ni Dammier, dahilan upang madagdagan na naman ang init ng ulo niya. “Lumapit ka rito, hayop ka!” Pagpupumilit niyang makalapit.
“Dude, Adminicous, masyado kang mainit,” seryosong singit naman ni Xhander na siyang nakikita sa peripheral vision niya ang pagtanggal ng eyeglasses sa mata. “Babae lang ’yan tapos nagkakaganyan kayo? Hanep!” wika nitong hindi na bago sa kaniya. Madalas ito ang huling nagsasalita pagdating sa gulo.
“Xhander, puwede ba? Huwag ka ng dumagdag pa,” nanggagalaiting baling niya rito. May balak pa atang makisalo sa gulo.
Kumagat-labi naman itong nai-iling. “Sindy Sanchez, huh!”
“Xhander, binabalaan kita! Huwag—”nanlilisik na turan niya muli rito dahil sa naunang dalawang salitang binanggit nito.
“Alam kong ginagamit mo lang siya. Bakit, dahil ba kay Cris, o dahil sa kasalanan ko sa ’yo?” singit na naman ni Dammier dahilan upang maputol ang nais pa niyang sabihin kay Xhander.
“There goes again—fine, I know right,” nakangising ani Xhander dahilan upang mapakunot-noo siyang magduda sa ikinikilos nito sabay baling ng tingin kay Dammier na nakatitig sa malayo.
“Ako ang kaaway mo ’di ba? Sagutin mo ako!” hiyaw na pagpapatuloy ni Dammier na siyang ikinalingon niya muli rito. Mula sa peripheral vision naman niya kita niya ang pagngisi ni Xhander, dahilan upang mapatitig muli siya rito.
Noon pa niya nararamdaman ang kakaibang aura sa dalawang ito pero hanggang ngayon malabo pa rin sa kaniya ang lahat. Nang ibaling niyang muli ang tingin kay Dammier; nakasuksok na’ng dalawang kamay nito sa bulsa ng pantalon, ngunit agad din siyang naghesterikal nang makita ang inilabas nito sa kaliwang kamay. “Ano’ng—hayop ka!”
“Adminicous, Dammier, ano ba? Tama na!” hiyaw muli ni Sylier nang makita ang biglaang paglapit niya kay Dammier na siyang agad nitong napigilan sabay tulak sa kaniya; na siyang baling niya rito. Bakas ang kawalang pagtitimpi nito habang ginulo-gulo ang buhok.
“Let him, Sylier,” basag na naman ni Dammier na nakangisi dahilan upang mabaling muli rito ang tingin niya.
“Tarantado ka!” Akmang susugurin muli niya ito ngunit agad siyang nahawakan ni Sylier.
Gayon din, lahat ng nakakasaksi sa mga naganap ay puno ng katanungan kung ano bang nangyayari sa kanila, maging ang bulungan ay umaalingawngaw na sa paligid ngunit wala na siyang pakialam pa.
“Ganyan nga, sige lang, mag-away lang kayo,” wika ng kung sinuman na siyang familiar na sa kaniya. Puno ng kasiyahan ang mukha nito sa hindi malamang kadahilanan. Nakatayo ito sa ’di kalayuan habang nakasuot ng uniporme gaya sa mga estudyante ng Las Santidos; ramdam niya ang kakaibang aura nito na siyang ikinangisi niya nang bahagya.
“Ano’ng ginagawa mo rito? Ano’ng karapatan mong magpakita pa ulit?” naisa-isip niya na agad din bumalik sa wisyo.
“See, concern ka pa rin sa kaniya. Akala ko nagbago ka na, makasarili ka pa rin—”
“Shit! Adminicous!” hiyaw ni Sylier nang makitang nadamba na niya si Dammier.
“Traydor ka! Hayop ka!” Patuloy niyang pinaulanan ng kamao si Dammier na walang kalaban-laban ngunit agad din siyang napatayo-palayo nang yapusin siya ni Xhander. “Bitiwan mo ako!” Pagpupumiglas niya ngunit matigas ito.
Samantala, kitang-kita naman niya ang dahan-dahang pagbangon ni Dammier mula sa pagkakatihaya, na siyang inalalayan na ni Sylier.
“Ano ba, Adminicous? Tama na! Babae lang ’yan nagkakaganyan kayo? Tama na’ng mga pagpapanggap!” hiyaw ni Sylier na siyang nakapagpatigil sa kaniya. Kitang-kita niya ang nagbabagang galit sa pagmumukha nito habang nakahawak sa ulo nang lingunin niya. Ginulo pa nito ang buhok na siyang mas nagpagulo pa rito.
“Anong? Ano’ng sinasabi mo?” tanong niyang naguguluhan nang makabawi sa pagkagitla.
“Nagsalita na si ’di makabasag pinggan,” singit na naman ni Xhander dahilan upang mapakunot-noo siyang mapalingon din dito. Hindi niya malamang kung anong iisipin ngunit parang lahat ng ito’y may nalalamang hindi niya alam.
“Huwag na tayong maglukuhan pa, Dammier, lahat tayo may kaniya-kaniyang itinatago,” wika ni Sylier na siyang ikinalingon niya muli rito. “Isa ka pa,” nanlilisik na baling naman nito kay Xhander.
“Whatever,” nakakibit-balikat na sagot naman ni Xhander nang lingunin niya muli.
“Hindi ko na kayang itago pa,” nanginginig na wika ni Sylier dahilan upang mabingi siya sa mga salitang pinakawalan nito.
“Ano bang nalalaman ninyo?” naisaisip niya habang nakatitig kay Sylier na napaupo ng nakasabunot sa buhok.
SA HINDI kALAYUAN mula sa puting-bughaw na hukuman. Nakatingin siya sa kulay kalimbahin na bulaklak na nakapalibot sa lugar.
“Sindy,” papalapit na tinig na siyang dinig na dinig niya. Hingal na hingal itong napahawak sa mga tuhod nang marating ang puwesto niya, “nandito ka lang pala, kanina pa ‘ko nagpapaikot-ikot dito. Saan ka ba kasi nagpupu-punta?” Agad siya hinatak paharap nang mahimasmasan ito, bago siya ikinulong sa mga bisig. Sinipat pa nito ang kabuuan niya; patalikod, paharap at sa magkabilang gilid ng katawan matapos ang naturang yakap.
“Okay ka lang ba talaga?” nag-aalalang tanong nito. Binaling pang muli nito sa magkabilang gilid ang mukha niya ngunit nananatili lang siyang walang reaksyon.
“Halika na nga lang,” pagsukong anito bago binalewala ang panlalamig niya at hinatak siya sa kung saan.
“Hon!” seryosong tinig dahilan upang manlaki ang mga mata niya at mapatingin sa nasa harapan. Sa sobrang lalim ng mga iniisip hindi niya namalayang dumating na sila sa kung saan siya dinala ng kasama.
Bakas naman na parang nabunutan ng tinik ang kaharap nang makita siya ngunit agad siyang tumalikod at pumikit. Hindi niya ito kayang tingnan pero hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pagkagulat sa mga naroon.
“Saan ka ba nagpupu-punta? ’Di ba sinabi ko sa ’yo na huwag kang lalayo. Alam mo bang sobra mo akong pinag-alala?” mahinahon at kababakasan ng pagka-miss na hinaing nito; agad din nitong ipinulupot ang mga braso sa kaniya.
“H-Hon, sandali,” nanginginig na aniya. Pilit siyang nagpupumiglas at tinatanggal ang mga brasong nakapulupot sa kaniya.
“Bakit, Hon?” nagugulahan tanong naman nito ngunit mababakas ang pilit-ngiting reaksyon nito. Sa kabila rin noon, mas isinubsob pa nito ang mukha sa kanang balikat. Pilit nilalanghap ang amoy niyang alam niyang nagpapahina rito tuwing malapit siya.
Mabigat man ang pakiramdam niya at hindi mapigil ang pananakit ng mga mata, pinakawalan niya ang salitang alam niyang magpapawasak dito at sa damdamin niya, “Patawad.”
“May problema ba tayo? Bakit ka na naman umiiyak? Iyakin ka masyado,” pambabalewala nito sa sinabi niya nang pumatak sa balikat nito ang bunga ng pananakit ng mga mata. Agad din nitong inihiwalay siya sa pagkakayakap at tinitigan ang pisngi niyang may dumadaloy na mga butil na luha. Sobrang naninikip na’ng dibdib niya sa puntong iyon pero pilit siyang nagpapakatatag upang hindi bumigay.
Samantalang bakas naman dito na naguguluhan sa mga nangyayari pero nangingibaw ang pag-aalala nito na siyang mas ikinasisikip ng pakiramdam niya. Gayunpaman, sa kabila ng maraming katanungang nais nitong itanong; base sa bibig nitong nagdadalawang isip bumigkas ng salita; nananatili itong kalmado gaya ng palagi nitong ginagawa.
“May nangyari na naman ba? Sinabi ko naman sa ’yo na nandito lang ako, ’di ba?” tanong pa rin nitong nakangiti. Pilit pa rin iwinawaglit ang mga gustong sabihin.
Kaya naman, mas dumoble ang kirot, panginginig at sakit na nararamdaman niya. Hindi na siya makahinga at nawawala na siya sa katinuan dahil sa panlalabo ng mga mata.
“Don't cry, I'm here,” alo nito sabay halik sa noo niya, na siyang hudyat ng paghagolgol niya kasabay ang pagyakap muli rito.
“Patawarin mo ako. I’m sorry. Patawad,” wika niya sa kabila ng hagolgol at paghikbi. “Pinatay mo ang kapatid ko,” nanginginig niyang pagpapatuloy na siyang alam niyang ikinagitla ng kasintahan sa kabila ng mahinang pagbigkas.
“Sindy,” magkakasabay na tinig mula kina Shierra, Dammier, Sylier at Xhander na wala ng nakauma matapos iyon.
Tuluyan din na napabitiw sa pagkakayakap ang nobyo habang kababakasan ng kaguluhan sa mga nangyayari pero agad niya itong kinabig at mas mahigpit na niyakap. Ayaw niya itong bitiwan sa mga sandaling iyon. “I’m sorry.”
“Hon, Bakit?” tanong nito sa nanlalaking mga mata matapos niyang bitiwan.
Nakayuko na siyang nanginginig habang nakatayong nakatunghay sa kaliwang kamay na nababahiran ng pulang likido.
“Patawarin mo ako,” tanging nasambit niya matapos mahimasmasan sa pagkatulala. Kaunti na lang din matutumba na siya habang walang sawang nagpapatakan ang mga luhang hindi makapaniwala sa nagawa. Wala rin isang nakaimik sa mga kasama nila.
“Ganyan nga, magaling,” bulong na parang kumakain sa buong sistema niya. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ang kakaibang pakiramdam na iyon, parang may himig siyang naririnig.
Samantala, mula sa peripheral vision niya, kita niyang hindi na kaya ng nobyo ang lahat, dahil agad na itong napaluhod na nakahawak sa kaliwang dibdib, kung saan naroon ang nakausling bagay na kumikinang habang dumadaloy ang masaganang likido.
“Mahal na mahal kita. Patawad,” aniyang nahihirapan kasabay ng tuluyang pagbagsak malayo-layo sa nobyong nakaluhod.
Mula sa peripheral vision niya, kita niyang nakatingin lang ito sa kaniya habang pumapatak na rin ang mga luha; ngumiti pa ito ngunit hindi umabot sa mga mata.
“Killing you is a way of saying I do really love you. Mahal kita, sana mapatawad mo ako,” humihikbing turan niya sa mahinang pananalita bago tuluyang pumalahaw ng iyak.
Matapos iyon, mabigat man ang nararamdaman, dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa nobyo. Itinulak niya ito na siyang dahilan ng pagbagsak sa lupa kasabay ang paghatak sa patalim na nasa puso nito.
Dahil sa ginawa niya tuluyang napahiyaw ang lahat at umalingawngaw ang kirot sa tinig ng nobyo, ngunit walang alinlangan niya rin itong isinaksak sa tapat ng kaniyang puso.
“Hindi!
Akin ka lang!
No! Hindi maari!”
“K—”
Naalimpungatan siya nang maalala ang gawaing nakatakda sa araw na iyon. Dumagdag pa ang nakasisilaw na haring-araw na patuloy sumisilip sa siwang ng bintana. “Sandali.” Nakakunot-noo na tingin niya sa kulay dumihing kalendaryo; nakadikit sa likod ng pinto. “Sus me, ano ba naman ’to. Inaantok pa ako, e.” Nakangiwing kuyakoy niya sa papag. “Sabado nga,” buntonghininga niya. “Welcome sa bagong umaga, Sindy,” bulalas niya sa sarili sabay tingin sa dingding na nai-iling. Nakatayo ang kanilang mumunting kubo sa mapunong lugar na kababakasan ng katandaan; minana pa raw kasi ito ng kaniyang ama sa namayapang mga magulang. Kaya naman, gustuhin man maisaayos ngunit wala pang panahon ang mga ito dahil sa abala pa sa pagbebenta ng mga gulay, prutas maging sa pagsasaka upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Bagamat hindi sila mayaman ngunit ang pamumuhay ay maihahalintulad din sa mga pilipino na kahit papaano nakararanas ng kaginhawahan sa buhay. Samantala, tatlo naman silang
Kinagabihan. Naalimpungatan siya sa ingay na nagmumula sa pintuang-kahoy. Naririnig niya ang pahinto-hintong lakas ng katok na kahit labag sa kalooban napilitang tumayo’t kunin ang gasera. Inilawan din niya ang ibaba ng papag upang mahanap ang pangsapin sa paa. “Sandali lang po!” hiyaw niya sa katamtamang lakas, sapat upang marinig ng kung sinuman ang boses niyang bakas ng pagmamadali. Katatapos lang nilang maghapunan, palibhasa’t Alas-kuwatro palang ng hapon naghahanda na upang pagsapit ng Alas-syete ng gabi namamahinga na, sapagkat tanging lampara ang nagbibigay liwanag sa natutulog na karimlan. Gayon din, habang naglalakad sa maliit na espasyo ng silid, tanging ang kakarampot na gasera ang nagbibigay liwanag sa dinaraanan, at bawat apak niya’y nakakakilabot na langitngit ang maririnig. Papalagpas na siya sa silid ni Cora nang masulyapang nakaawang na naman ang silid nito. Dala ng kuryusidad, agad niyang hinawakan ang seradura at dahan-dahang itinulak ang pinto.
January 2005, Araw ng Lunes
“Oh, Sindy mauuna na kami,” pukaw ng ama matapos nitong ipatong sa lababo ang kalderong pinaglagyan ng ulam.Alas-Onse y Trenta na ng tagpong iyon at bago pa lang sila natapos sa pagkain dahil sa pabidang eksena ni Maria. Hindi kasi ito maubusan ng kuwento ng kung ano-ano kaya walang ibang pagpipilin kundi antayin itong matapos kahit napakaimposible. At mukhang narinig ng diyos ang panalangin niya, sa huli natapos din ito sa pagkukuwento. “Salamat naman,” bulong ng isip niya.“Sige po, Pang,” sagot niya sa ama habang bitbit ang mga ginamit na pinggan, mangkok at kutsara. Nagkabanggaan pa sila nito. “Sorry po, Pang.”“Ate, saan ko ’to
“Mang!” sigaw niyang ubod lakas. Kulang na lang mapatakip sa tainga ang kaharap sa biglang pagsulpot niya. Napatigil din ito sa ginagawa na siyang nakalinga na sa puwesto niya.“Mang,” ulit niyang halos maubusan ng hininga sabay kapit sa magkabilang gilid ng pinto.“Huminahon ka nga, Maria! Ano bang problema?” tanong nitong nakakunot-noo. Bakas ang pagkayamot sa kabuuan.
“Napakaganda talaga ng lugar na ito,” aniyang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. Nakapikit pa siyang dinadama ito na animo’y nasa isang pelikula lang.Sa lugar din nilang ito matatagpuan ang natatagong lugar na kung tawagin ay Ilog Minanga. Pinaniniwalaan din kasing ibiniyaya ito ni Bathala; ayon na rin sa mga kanayon nila. Kaya naman dahil sa angking ganda at kakaiba maraming mga mandarayo ang nahuhumaling mamasyal na siyang pinapayagan naman ng kanilang pamunuan.
“Ano na naman ’yan? Kararating mo lang galit na galit ka na naman, hindi ka ba napapagod?” anang panauhin. Kakapasok lang nito sa silid niya, ni hindi man lang nagpaalam sa pagpasok.“Ganyan ka ba mag-welcome sa amin? Sa halip na manghina ka sa Simbulika cage, mukhang naging mas matigas ka pa para kitilan ng buhay iyong dalawa,” pagpapatuloy nitong nililinga ang kabuuan ng silid niya.“Ano’ng kailangan mo?” sa halip na tanong niya. Hindi niya pinansin ang nais nitong sabihin.“Magandang umaga, Lord Lilika,” singit naman ng kawal na yumukod pa rito. Sa halip na pagalitan ito hindi na lang siya umimik at hin
“Ano na naman bang problema noon? Simula ng dumating siya rito sa Ademonian parang nasapian na naman ng masamang espiritu, tapos ginawa na naman niya ang bagay na ’yon. Kahit kailan talaga walang kadala-dala ang lalaking ’yon,” nai-iling niyang naiisip.“Tang*na! Sino ba ’yan? Anak ng—matutulog pa lang ako,” iritableng sigaw niya. Sobrang pagod niya mula sa ginagawa tapos biglang may manggugulo.“Dammier, buksan mo ’to.” Nagmamadaling kalampag mula sa pinto. Palakas at pahinang pambubulabog.“Anak ng—nandito na naman ’to. Araw-araw na lang,” iritableng anang isipan. Napapasabunot pa siya sa buhok sa sobrang pagkabadtrip. Mula sa
"Did you see him already?"Agad siyang napasigaw sa pagkabigla. Nasa harap na pala niya ito."You see him, don't you? And…I found you, Lady.""Don't touch her!"Isang kamay ang humatak sa kanang kamay niya."Wooh! Cierra? Any problem with me?"Nakangisi naman itong naiiling. Nagtataka siya kung paano at kilala nito ang ngayong may hawak ng braso niya. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng pagbabanta ng katabi e animo'y wala itong naririnig.Malademonyo pa rin ang aurang bumabalot dito bagamat biniyayaan ng angking gandang lalaki. May mapungay itong mga mata na siyang kahit sinong babae ay mabibighani. Itim na itim din ang kilay at mga pilik mata nitong parang naka-make up. May manipis itong labi na bakas ang pagiging seryoso."What's wrong with touching… .Ms. Sanchez?"Hindi naman siya makasagot sa sagutan ng magkaharap. At mas lalong hindi siya nakasagot kung paano na kilala siya nito. Wala siyang masabi kundi takot at pangamba sa mga bagay na unti-unting nabibigyang linaw sa
"Binibini Seliq, maari ba tayong mag-usap?” wika ng may edad ng matandang lalaki. “Ano pong maipaglilingkod ko, Pinunong Demetrio.” Pilit nitong ngiti kahit pa bakas ang takot sa pagmumukha. “Alam kong nalilito ka, kaya naman gusto kong magpaliwanag. Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil nagkakilala tayo.” “Pinuno, ano pong sinasabi ninyo?” utal na anang babae na nasa hustong gulang at postura lang. “Alam kong nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ’to pero sa maniwala ka sa hindi, unang beses palang alam kong may nararamdaman na akong kakaiba. Sa taon at buwan tayong hindi nagkita parang may kulang kahit pa pinilit kong balewalain ang nararamdaman ko ngunit hindi naging sapat iyon para makalimot. Araw-araw kitang tinititigan sa malayo at inaalam ang bawat kilos mo, patawad,” walang kagatol-gatol na pag-amin nito. “Pinunong Demetrio—” “Mahal kita, Binibining Seliq, at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Patawad, Mahal kong S
Tumingin ito sa kanila hanggang huminto sa hinahanap ng mga mata…sa kaniya. Sa kaniya ito nakatitig ng mataman. Agad siyang napaatras dahil dito, alinsabay sa pagtigil ng tibok ng dibdib ng dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya. “S-Sino—?” naisatinig niya ng pabulong. Hindi makandamaliw ang kaba at takot niya. Hindi siya p’wedeng magkamali. Kilala niya ang aurang bumabalot sa bagong dating. "What a beautiful woman who look messy in this particular moment," puna nito kasabay ang ngising hindi maipaliwanag. Hindi siya pwedeng magkamali, may namumuong alaala na bahagyang bumabalik sa sistema niya. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit may misteryong bagay ang nagpapahirap ng kalooban niya. Ang kapatid niya. Ang nakababatang kapatid niya. Hindi pamilyar ang lalaki ngunit pamilyar ang aurang nararamdaman. Natatakot siya at naguguluhan ngunit isa lang ang malinaw, dapat siyang mag-ingat at mas lalo pang mag-ingat sa mga susunod na araw. Hindi d
“Xhander!” sigaw niya matapos makita na bumulagta na naman ito matapos banatan ni Adminicous naman ngayon. "Ano ba, Adminicous? What the fuck!” daing ni Xhander. Napapunas pa ito sa labi na may bakas ng pulang likido. "What's wrong with all of you?" hiyaw nito. Agad siyang pumagitna sa mga ito. Sumasakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung isip-bata lang ang mga ito o sadyang komplikado talaga ang mga bagay sa mundo. Hinatak niya si Xhander patayo habang nakangisi naman si Dammier sa gilid. Isa pa ’tong luko. Nanggagalaiti naman na nakatayo si Adminicous sa likod niya. Bakas ang pagkayamot nito na pilit nananahimik at nagpapakahinahon sa dalawang nagsasagupaan, o baka sa susunod apat na sila. “What? Pagtutulungan ninyo ’ko? Fight, sige. Laban.” Ngisi ng katabi na ayaw paawat. Isip-bata talaga. “Xhander!” awat niya rito. Gumagalaw pakaliwa’t kanan pa ito. Nakahanda ang dalawang kamao sa pakikipagbakbakan. Ito talaga ang nagpapasakit ng ulo
“Sindy?” tinig na naririnig niya. “Hmm,” daing niya. Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin. Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Parang naka-fast forward ang mga imahe. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan na kung saan buo at masaya sana ang bawat pamilya. Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. Ang natatandaan lang niya, hinang-hina siya, nakakapagod, nakakawalang-lakas ang mga imaheng paulit-ulit at papalit-palit niyang nakikita. Hindi niya kayang makita ang mga senaryong nagpapahirap sa kalooban niy
Titingnan na lang ba natin?” ani Dammier na akala niya nakaalis na. “Ano’ng gusto mong gawin ko?” halukipkip niya. Hindi niya nagugustuhan ang naririnig sa bibig nito. Iyong feeling na alam naman ang gagawin pero nagtatanong pa. Common sense ika nga. Hindi naman masamang magtanong lalo kung sinasabi lang ang nasa isip, ika rin nila, may mga sitwasyong nais ng bibig ipahayag ang sinasabi ng utak. Kumbaga nais nitong maisakatuparan ang imahe na nabubuo sa isipan na madalas hindi napapansin ng iba. Halimbawa na lang nito ang biglang pagsasabi ng malamig samantalang alam naman ng malamig talaga, kumbaga bakit kailangan pang i-vocalized? Mahirap maunawaan ang mga bagay ngunit ganoon talaga ang misteryo ng buhay sa mundo. Para kang nasa kwadradong kahon na nais mong malaman ang mga sikretong naroon. Hindi rin sinasabing tama siya at mali ang iba ngunit may mga bagay na hindi madalas ma-interpret at mai-analyzed kung iisipin lang ang pang-ibabaw na sistema. “May
Mula sa pagkakatingin ni Rocky ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang tingin. Ayaw na niyang makipagtalo pa lalo alam niyang wala naman syang ginagawa rito. Hindi rin niya alam kung ano bang problema nito at kung anuman iyon wala na siyang magagawa kung ganito ito mag-isip. At saka hindi naman masamang maging deadma na lang lalo kung ang hirap ipaintindi sa isang tao ang puntong hindi naman nito naiintindihan. Gayon din, masyadong magulo ang mundo ng pakikipagtalastasan na kung minsan ang hirap intindihin ng mga bagay. Madalas pa nga akala ng iba madali lang ang lahat ngunit kung pag-aaralang mabuti masasabi nating hindi pala gano’n kadali ang lahat.
Napatulala siya sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin. Parang tumigil ang mundo niya. Hindi siya pwedeng magkamali. “Ash, Ano'ng ginawa mo?” ani Cierra na halos pabulong na ang pagbigkas. “What? Ano’ng ginawa ko?” sagot naman ni Ashlee na hindi rin alam ang gagawin. Napasenyas pa ito ng hindi ko alam ang nangyari. Salitang naririnig niya sa dalawa ngunit isa lang ang nararamdaman niya. Masakit, sobrang sakit ng ulo niya. Nagkakagulo na, bumabaliktad ang sistema niya. Nagsisigawan ang iba, nagtatakbuhan. Hindi na niya kaya, “Mamang.” &nbs
Mula sa pagkakakunot-noo agad siyang lumapit sa mga ito. “Ayan na naman sila,” dinig niyang sabi ni Cierra. “Wala naman ng pinagbago, Cie. As always naman ang babaeng iyan. Hindi na ata mapapagod iyan sa mga kalukuhan niya,” wika naman ni Ashlee. Agad siyang napatingin sa tinititigan ng mga ito. Tumambad sa kaniya ang apat na babae. Kita niya agad ang dalawang babaeng nakasuot ng pula. Hapit na hapit sa katawan ng mga ito ang kasuotan. Sa sobra pang iksi ay halos makita na ang kaluluwa ng mga ito. Gayon din, tinitigan naman niya ang babaeng parang nagbibigay-pugay sa harapan ng mga ito. Punong-puno ito ng luha sa mata na sadyang ang dungis ng