Naalimpungatan siya nang maalala ang gawaing nakatakda sa araw na iyon. Dumagdag pa ang nakasisilaw na haring-araw na patuloy sumisilip sa siwang ng bintana.
“Sandali.” Nakakunot-noo na tingin niya sa kulay dumihing kalendaryo; nakadikit sa likod ng pinto. “Sus me, ano ba naman ’to. Inaantok pa ako, e.” Nakangiwing kuyakoy niya sa papag. “Sabado nga,” buntonghininga niya. “Welcome sa bagong umaga, Sindy,” bulalas niya sa sarili sabay tingin sa dingding na nai-iling.
Nakatayo ang kanilang mumunting kubo sa mapunong lugar na kababakasan ng katandaan; minana pa raw kasi ito ng kaniyang ama sa namayapang mga magulang. Kaya naman, gustuhin man maisaayos ngunit wala pang panahon ang mga ito dahil sa abala pa sa pagbebenta ng mga gulay, prutas maging sa pagsasaka upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Bagamat hindi sila mayaman ngunit ang pamumuhay ay maihahalintulad din sa mga pilipino na kahit papaano nakararanas ng kaginhawahan sa buhay. Samantala, tatlo naman silang magkakapatid na puro babae, si Maria ang pangalawa na nasa sekondarya habang si Cora ang bunso.
“Bakit ba ang hirap maging panganay?” Bakas sa mukha niya ang panlulupaypay na siyang nadagdagan pa nang tumunog ang orasang nakapatong sa mesa; katabi ng hinihigaan. “Isa pa ’to.” Tapik niya rito. Hindi niya maiwasang mainis kapag naaalala niya ang kaniyang obligasyon bilang panganay.
“Sana naging bunso na lang ako,” muryot niya bago tuluyang bumangon sa pagkakahiga at pagkukuyakoy. “Nakakainis. Matutulog pa sana ’ko, e. Lintik na buhay ’to.” At ginulo ang dati ng magulong buhok.
Nang tuluyang mahimasmasan agad na siyang tumayo at pabalyang ibinagsak ang kawawang pinto. Sa halip kasi na makapagpahinga dahil walang pasok pero ito siya at gagawa ng mga gawaing bahay.
Minsan nga naiisip niyang sana hindi na lang siya ang naunang naipanganak upang hindi laging napagbubuntunan ng galit kapag may nagawa o mayroong hindi inunawa. “Ang hirap talaga. Kainis.”
Gayunpaman, dahil sa pagkawala ng isip, namalayan na lang niyang nasa tapat na siya ng silid ni Cora. Nakaawang nang bahagya ang silid nito na siyang itinulak na lang. Sa tuluyang pagbukas, tumambad sa kaniya ang nahihimbing na kapatid. Kaya naman, napagpasyahan na lang niyang mag-obserba.
Katamtaman ang laki ng kama nito na gawa sa kawayan, nasa gitnang bahagi naman ang nakabukas na ’di kalakihang bintana; sapat ang liwanag na nagmumula rito upang tuluyang makita ang kapatid na may gamit na Tatlong kulay kalimbahin na unan habang natatakpan ng bulaklaking kumot na hanggang balikat.
Bakas din sa mukha nito ang kalungkutan bagamat maamo itong tingnan. Gayunpaman, matapos maobserbahan ang kapatid dumako naman ang tingin niya sa lalagyanan ng mga bestido na nakatiklop maging sa mga nakasabit.
“Mga damit na hindi nagagamit—Cora, ano bang nangyari sa ’yo?” aniya sabay baling sa kapatid.
Nakaratay at sinusubuan lang nila ito ng makakain, sa pagligo naman kanila itong pinupunasan gamit ang bimpo na may sabon at pinapatuyo sa pamamagitan ng tuwalya at elektrikpan na tumutunog; may natanggal pa ata na parte.
“Nga pala, nasaan na naman kaya ang batang ’yon?” At muling inilibot ang tingin sa nakabukas na bintana ngunit tanging ingay ng manok at nagugutom na baboy ang narinig mula sa ’di kalayuang kapitbahay. “Pasaway talaga.” Muli niyang pinasadahan ng tingin ang nahihimalay na kapatid bago tuluyang lumabas.
“MARIA! MARIA! NASA’N KA?” sigaw niya habang pababa ng hagdan ngunit wala pa rin tugon mula rito. “Saan na naman kaya nagpunta ang batang ’yon? Kahit kailan talaga, oo. Sa akin na lang ba lahat ng responsibilidad? Naku po.”
Nakababa na siya lahat-lahat ngunit ni anino nito’y wala. Nakarating na siya sa labas ngunit tanging ang mayayabong na dahon ng punong dahan-dahang umuugoy lang ang naabutan.
Ito talaga ang gusto niya sa probinsya, malayo sa magulong kabayanan pagkat dito niya nababanaag ang katahimikan na siyang nakasanayan at sapat upang maaliw sa mga bagay na nagbibigay kalungkutan.
“Buwisit, talagang wala rito ang batang ’yon,” aniya nang maalala ang pakay. Sa sobrang lalim pa ng mga iniisip, nakita na lang niya ang sariling nakatayo sa tarangkahan habang nakatingin sa kabilang dako; may matandang babaeng nagwawalis ng bakuran.
Dahil sa nakita, agad siyang napatingin sa bahay-kubo nilang nakatayo; maliit man ngunit malaking bagay ito upang magkaroon ng sariling tahanan: kung saan maiiwasan ang pang-aalipin, pang-aapi at pagmamando sa mga bagay na gustong gagawin sa loob ng tahanan.
Gayon din, sapat ang laki ng bakuran upang makapaglaro, ma-relax at makapagtanim ng mumunting gulay gaya ng: talong, okra, dahon ng ampalaya, sili, malunggay at marami pang iba.
May ilan na punong mangga rin ngunit wala ng bunga dahil tapos na panahon nito, pero ang lamig na naibibigay nito’y sadyang nakapagpapagaan ng pakiramdam kahit pa tirik na tirik ang haring-araw.
“Mukhang maaga na namang nagising si Mamang, ah,” nangingiting tunghay niya sa malinis ng bakuran, at tanging ang paisa-isang hulog ng dilaw at berdeng dahon lang ang naroon.
“Sana laging ganito ang buhay: may malamig na simoy ng hangin, maaliwalas na kapaligiran at malayo sa mausok na siyudad. Nawa’y maging sa panibagong panahong darating walang lilipas o magbabago man lang—sus me! Ano na naman bang mga pinagsasabi ko? Naku po! Makapagluto na nga lang.”
“MAGANDANG UMAGA, BINIBINI. Mukhang ang aga mo atang nandirito?” mapaglarong ngiti ng may singkit na mga mata habang nakasuot ng kulay bughaw na damit.
“Ano’ng ginagawa mo rito? Umalis ka, naliligo ako,” nagkandautal na sagot ng babaeng kaharap. May singkit din itong mga mata na siyang nakikita lang dahil sa pagpupumilit nitong ilubog ang sarili sa malabnaw na kulay bughaw na batis.
“Bakit? Iniisip mo bang mamanyakin kita? Maliligo kaya ko,” mapang-akit na ngiti nito habang dahan-dahang tinatanggal ang suot.
“Ano’ng—manyakis!” hiyaw ng babae habang tinatakpan ang sarili. Patuloy nitong iwinawasiwas ang tubig habang pinananatiling nakalubog ang sarili.
“Hindi ako manyakis. Maliligo lang din kaya ako,” papalapit ito nang papalapit sa babae.
“Manyakis! Ina!” hiyaw ng babae sa mas malakas na himig. Mas lalo nitong inilubog ang sarilli. “Ina!”
Mayamaya’y nakarinig na lang sila ng maraming yabag. “Ginoo, utang na loob, ano pong ginagawa mo riyan?” puna ng babaeng may lilang buhok.
Napasigaw na lang siya bago napabangon nang magising. “Damn it! Ano ba ’yon? Huwag mo sabihing isandaang taon na’ng nakakalipas—imposible, narito pa rin ang lubid na ito?” nakakunot-noo niyang titig sa palapulsuhan.
Agad din nalipat ang tingin niya sa kabuuan ng silid. Madilim, sobrang dilim ng paligid, tanging ang pulang ilaw na malabnaw lang sa bawat sulok ng silid lang naroon. Ramdam din niya ang init na siyang nagpapaliyab sa buong katawan, maging ang patuloy na pagtulo ng pawis habang dala sa isipan ang panaginip na nagpapagulo ng kamalayan.
“Sino naman kaya ang dalawang batang ’yon?”
Ginalaw-galaw pa niya ang kulay simbolika na lubid sa dalawang kamay at paa. Base na rin sa pagkakaalam niya, Rope of Bluestone ang tawag sa uri ng batong-lubid; kung saan katumbas ay pagkakatulog at pagkakakulong.
May kasabihan pang ginagamit ang lubid upang pigilan ang mga kaganapang mangyayari sa kasalukuyan, na hanggang ngayon ay malabo pa rin sa isip niya ang ibig ipakahulugan. “Damn it,” hiyaw niya.
Kasabay rin ng pagsigaw ang pagliwanag ng silid na kinaroroonan. Mula sa pula tuluyang itong naging kulay kahel. Ginamit pa niyang pantakip ang dalawang braso sa mata na siyang natanggal na rin pala. Nang masanay sa liwanag tuluyang niyang inobserbahan ang buong silid; nakukulayan ito ng purong itim habang may apat na poste sa bawat gilid na kulay simbolika.
Gayon din, nakapagbigay kilabot sa kaniya ang anino ng nilalang na nasa itaas na bahagi. Nakikita niya ang naglalakihang pakpak nito na may nagbabagang kulay kahel. Ang ilaw naman sa bawat poste ay patuloy sa pag-ugoy kaliwa’t kanan, dahilan upang magreplek na buhay ang desenyong nasa itaas, maging ang magarbong himalayan ay kakulay rin ng buong silid at masasabing panghari ang lawak nito.
Bagamat nakakatakot ang kabuuan ng magarbong piitan, bakas naman ang ganda nito sapagkat sa ibabang bahagi ay may mga kumikinang na batong animo’y buhangin sa sobrang dami; may mga ginto, diamante at kung ano-ano pa. Sinadya ilagay ito rito upang maproteksyunan sa mga magnanakaw. Gayon din, pawang malalakas na nilalang lang ang ipinipiit dito, alinsunod sa kasulatan at kautusan ng mga matatandang Amonian.
“Hindi ko man alam ang dahilan ng pagkagising ng hindi napapanahon, pero ngayong ako’y nakalaya na—maghanda ka—dahil sa aking pagbabalik, sisiguraduhin kong magbabayad ka sa lahat ng pighating idinulot mo,” wika niya habang nanlilisik ang mga mata.
Alinsabay sa paglagatukan ng mga daliring nanginginig sa sobrang galit. Nagtalsikan pa ang mga batong naroon nang tingnan niya; alinsunod din sa pagbukas ng silid. “Maligayang pagbabalik, Mahal na Simpulika.”
Kinagabihan. Naalimpungatan siya sa ingay na nagmumula sa pintuang-kahoy. Naririnig niya ang pahinto-hintong lakas ng katok na kahit labag sa kalooban napilitang tumayo’t kunin ang gasera. Inilawan din niya ang ibaba ng papag upang mahanap ang pangsapin sa paa. “Sandali lang po!” hiyaw niya sa katamtamang lakas, sapat upang marinig ng kung sinuman ang boses niyang bakas ng pagmamadali. Katatapos lang nilang maghapunan, palibhasa’t Alas-kuwatro palang ng hapon naghahanda na upang pagsapit ng Alas-syete ng gabi namamahinga na, sapagkat tanging lampara ang nagbibigay liwanag sa natutulog na karimlan. Gayon din, habang naglalakad sa maliit na espasyo ng silid, tanging ang kakarampot na gasera ang nagbibigay liwanag sa dinaraanan, at bawat apak niya’y nakakakilabot na langitngit ang maririnig. Papalagpas na siya sa silid ni Cora nang masulyapang nakaawang na naman ang silid nito. Dala ng kuryusidad, agad niyang hinawakan ang seradura at dahan-dahang itinulak ang pinto.
January 2005, Araw ng Lunes
“Oh, Sindy mauuna na kami,” pukaw ng ama matapos nitong ipatong sa lababo ang kalderong pinaglagyan ng ulam.Alas-Onse y Trenta na ng tagpong iyon at bago pa lang sila natapos sa pagkain dahil sa pabidang eksena ni Maria. Hindi kasi ito maubusan ng kuwento ng kung ano-ano kaya walang ibang pagpipilin kundi antayin itong matapos kahit napakaimposible. At mukhang narinig ng diyos ang panalangin niya, sa huli natapos din ito sa pagkukuwento. “Salamat naman,” bulong ng isip niya.“Sige po, Pang,” sagot niya sa ama habang bitbit ang mga ginamit na pinggan, mangkok at kutsara. Nagkabanggaan pa sila nito. “Sorry po, Pang.”“Ate, saan ko ’to
“Mang!” sigaw niyang ubod lakas. Kulang na lang mapatakip sa tainga ang kaharap sa biglang pagsulpot niya. Napatigil din ito sa ginagawa na siyang nakalinga na sa puwesto niya.“Mang,” ulit niyang halos maubusan ng hininga sabay kapit sa magkabilang gilid ng pinto.“Huminahon ka nga, Maria! Ano bang problema?” tanong nitong nakakunot-noo. Bakas ang pagkayamot sa kabuuan.
“Napakaganda talaga ng lugar na ito,” aniyang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. Nakapikit pa siyang dinadama ito na animo’y nasa isang pelikula lang.Sa lugar din nilang ito matatagpuan ang natatagong lugar na kung tawagin ay Ilog Minanga. Pinaniniwalaan din kasing ibiniyaya ito ni Bathala; ayon na rin sa mga kanayon nila. Kaya naman dahil sa angking ganda at kakaiba maraming mga mandarayo ang nahuhumaling mamasyal na siyang pinapayagan naman ng kanilang pamunuan.
“Ano na naman ’yan? Kararating mo lang galit na galit ka na naman, hindi ka ba napapagod?” anang panauhin. Kakapasok lang nito sa silid niya, ni hindi man lang nagpaalam sa pagpasok.“Ganyan ka ba mag-welcome sa amin? Sa halip na manghina ka sa Simbulika cage, mukhang naging mas matigas ka pa para kitilan ng buhay iyong dalawa,” pagpapatuloy nitong nililinga ang kabuuan ng silid niya.“Ano’ng kailangan mo?” sa halip na tanong niya. Hindi niya pinansin ang nais nitong sabihin.“Magandang umaga, Lord Lilika,” singit naman ng kawal na yumukod pa rito. Sa halip na pagalitan ito hindi na lang siya umimik at hin
“Ano na naman bang problema noon? Simula ng dumating siya rito sa Ademonian parang nasapian na naman ng masamang espiritu, tapos ginawa na naman niya ang bagay na ’yon. Kahit kailan talaga walang kadala-dala ang lalaking ’yon,” nai-iling niyang naiisip.“Tang*na! Sino ba ’yan? Anak ng—matutulog pa lang ako,” iritableng sigaw niya. Sobrang pagod niya mula sa ginagawa tapos biglang may manggugulo.“Dammier, buksan mo ’to.” Nagmamadaling kalampag mula sa pinto. Palakas at pahinang pambubulabog.“Anak ng—nandito na naman ’to. Araw-araw na lang,” iritableng anang isipan. Napapasabunot pa siya sa buhok sa sobrang pagkabadtrip. Mula sa
Makalipas ng ilang oras nakarating din siya sa kanilang tahanan kasama ng ina’t kapatid. Sinundo siya ng mga ito dahil na rin sa utos ng ama. Gaya ng nasa isip talagang hindi siya nito pinababayaan. Madalas siyang ipasundo liban na lang kung may lakad o may inaasikaso ito, kaya naman mas malapit ang loob niya rito.Gayon din, mula sa likod nakikita niya ang inang bitbit pa rin ang palangganang naglalaman ng damit niya habang dala naman ni Maria ang maliit na baldeng may laman na sabong panlaba.Samantala, tanging ang tuwalyang nakasabit sa kanang balikat lang ang hawak niya. Mabuti na nga lang at bago dumating ang mga ito tapos na siyang nakapaligo at nakapagpunas kaya hindi nahalata ang ginawa niya. Isabay pa ang malamig na simoy ng hangin n
"Did you see him already?"Agad siyang napasigaw sa pagkabigla. Nasa harap na pala niya ito."You see him, don't you? And…I found you, Lady.""Don't touch her!"Isang kamay ang humatak sa kanang kamay niya."Wooh! Cierra? Any problem with me?"Nakangisi naman itong naiiling. Nagtataka siya kung paano at kilala nito ang ngayong may hawak ng braso niya. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng pagbabanta ng katabi e animo'y wala itong naririnig.Malademonyo pa rin ang aurang bumabalot dito bagamat biniyayaan ng angking gandang lalaki. May mapungay itong mga mata na siyang kahit sinong babae ay mabibighani. Itim na itim din ang kilay at mga pilik mata nitong parang naka-make up. May manipis itong labi na bakas ang pagiging seryoso."What's wrong with touching… .Ms. Sanchez?"Hindi naman siya makasagot sa sagutan ng magkaharap. At mas lalong hindi siya nakasagot kung paano na kilala siya nito. Wala siyang masabi kundi takot at pangamba sa mga bagay na unti-unting nabibigyang linaw sa
"Binibini Seliq, maari ba tayong mag-usap?” wika ng may edad ng matandang lalaki. “Ano pong maipaglilingkod ko, Pinunong Demetrio.” Pilit nitong ngiti kahit pa bakas ang takot sa pagmumukha. “Alam kong nalilito ka, kaya naman gusto kong magpaliwanag. Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil nagkakilala tayo.” “Pinuno, ano pong sinasabi ninyo?” utal na anang babae na nasa hustong gulang at postura lang. “Alam kong nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ’to pero sa maniwala ka sa hindi, unang beses palang alam kong may nararamdaman na akong kakaiba. Sa taon at buwan tayong hindi nagkita parang may kulang kahit pa pinilit kong balewalain ang nararamdaman ko ngunit hindi naging sapat iyon para makalimot. Araw-araw kitang tinititigan sa malayo at inaalam ang bawat kilos mo, patawad,” walang kagatol-gatol na pag-amin nito. “Pinunong Demetrio—” “Mahal kita, Binibining Seliq, at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Patawad, Mahal kong S
Tumingin ito sa kanila hanggang huminto sa hinahanap ng mga mata…sa kaniya. Sa kaniya ito nakatitig ng mataman. Agad siyang napaatras dahil dito, alinsabay sa pagtigil ng tibok ng dibdib ng dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya. “S-Sino—?” naisatinig niya ng pabulong. Hindi makandamaliw ang kaba at takot niya. Hindi siya p’wedeng magkamali. Kilala niya ang aurang bumabalot sa bagong dating. "What a beautiful woman who look messy in this particular moment," puna nito kasabay ang ngising hindi maipaliwanag. Hindi siya pwedeng magkamali, may namumuong alaala na bahagyang bumabalik sa sistema niya. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit may misteryong bagay ang nagpapahirap ng kalooban niya. Ang kapatid niya. Ang nakababatang kapatid niya. Hindi pamilyar ang lalaki ngunit pamilyar ang aurang nararamdaman. Natatakot siya at naguguluhan ngunit isa lang ang malinaw, dapat siyang mag-ingat at mas lalo pang mag-ingat sa mga susunod na araw. Hindi d
“Xhander!” sigaw niya matapos makita na bumulagta na naman ito matapos banatan ni Adminicous naman ngayon. "Ano ba, Adminicous? What the fuck!” daing ni Xhander. Napapunas pa ito sa labi na may bakas ng pulang likido. "What's wrong with all of you?" hiyaw nito. Agad siyang pumagitna sa mga ito. Sumasakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung isip-bata lang ang mga ito o sadyang komplikado talaga ang mga bagay sa mundo. Hinatak niya si Xhander patayo habang nakangisi naman si Dammier sa gilid. Isa pa ’tong luko. Nanggagalaiti naman na nakatayo si Adminicous sa likod niya. Bakas ang pagkayamot nito na pilit nananahimik at nagpapakahinahon sa dalawang nagsasagupaan, o baka sa susunod apat na sila. “What? Pagtutulungan ninyo ’ko? Fight, sige. Laban.” Ngisi ng katabi na ayaw paawat. Isip-bata talaga. “Xhander!” awat niya rito. Gumagalaw pakaliwa’t kanan pa ito. Nakahanda ang dalawang kamao sa pakikipagbakbakan. Ito talaga ang nagpapasakit ng ulo
“Sindy?” tinig na naririnig niya. “Hmm,” daing niya. Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin. Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Parang naka-fast forward ang mga imahe. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan na kung saan buo at masaya sana ang bawat pamilya. Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. Ang natatandaan lang niya, hinang-hina siya, nakakapagod, nakakawalang-lakas ang mga imaheng paulit-ulit at papalit-palit niyang nakikita. Hindi niya kayang makita ang mga senaryong nagpapahirap sa kalooban niy
Titingnan na lang ba natin?” ani Dammier na akala niya nakaalis na. “Ano’ng gusto mong gawin ko?” halukipkip niya. Hindi niya nagugustuhan ang naririnig sa bibig nito. Iyong feeling na alam naman ang gagawin pero nagtatanong pa. Common sense ika nga. Hindi naman masamang magtanong lalo kung sinasabi lang ang nasa isip, ika rin nila, may mga sitwasyong nais ng bibig ipahayag ang sinasabi ng utak. Kumbaga nais nitong maisakatuparan ang imahe na nabubuo sa isipan na madalas hindi napapansin ng iba. Halimbawa na lang nito ang biglang pagsasabi ng malamig samantalang alam naman ng malamig talaga, kumbaga bakit kailangan pang i-vocalized? Mahirap maunawaan ang mga bagay ngunit ganoon talaga ang misteryo ng buhay sa mundo. Para kang nasa kwadradong kahon na nais mong malaman ang mga sikretong naroon. Hindi rin sinasabing tama siya at mali ang iba ngunit may mga bagay na hindi madalas ma-interpret at mai-analyzed kung iisipin lang ang pang-ibabaw na sistema. “May
Mula sa pagkakatingin ni Rocky ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang tingin. Ayaw na niyang makipagtalo pa lalo alam niyang wala naman syang ginagawa rito. Hindi rin niya alam kung ano bang problema nito at kung anuman iyon wala na siyang magagawa kung ganito ito mag-isip. At saka hindi naman masamang maging deadma na lang lalo kung ang hirap ipaintindi sa isang tao ang puntong hindi naman nito naiintindihan. Gayon din, masyadong magulo ang mundo ng pakikipagtalastasan na kung minsan ang hirap intindihin ng mga bagay. Madalas pa nga akala ng iba madali lang ang lahat ngunit kung pag-aaralang mabuti masasabi nating hindi pala gano’n kadali ang lahat.
Napatulala siya sa nangyari. Hindi niya alam ang gagawin. Parang tumigil ang mundo niya. Hindi siya pwedeng magkamali. “Ash, Ano'ng ginawa mo?” ani Cierra na halos pabulong na ang pagbigkas. “What? Ano’ng ginawa ko?” sagot naman ni Ashlee na hindi rin alam ang gagawin. Napasenyas pa ito ng hindi ko alam ang nangyari. Salitang naririnig niya sa dalawa ngunit isa lang ang nararamdaman niya. Masakit, sobrang sakit ng ulo niya. Nagkakagulo na, bumabaliktad ang sistema niya. Nagsisigawan ang iba, nagtatakbuhan. Hindi na niya kaya, “Mamang.” &nbs
Mula sa pagkakakunot-noo agad siyang lumapit sa mga ito. “Ayan na naman sila,” dinig niyang sabi ni Cierra. “Wala naman ng pinagbago, Cie. As always naman ang babaeng iyan. Hindi na ata mapapagod iyan sa mga kalukuhan niya,” wika naman ni Ashlee. Agad siyang napatingin sa tinititigan ng mga ito. Tumambad sa kaniya ang apat na babae. Kita niya agad ang dalawang babaeng nakasuot ng pula. Hapit na hapit sa katawan ng mga ito ang kasuotan. Sa sobra pang iksi ay halos makita na ang kaluluwa ng mga ito. Gayon din, tinitigan naman niya ang babaeng parang nagbibigay-pugay sa harapan ng mga ito. Punong-puno ito ng luha sa mata na sadyang ang dungis ng