NAUNA na kaming mga babae na umakyat sa second floor kung nasaan ang mga kwarto. Ang mga lalaki ay nag-uusap pa sa baba. May dala kaming tig-iisang kandila na may sindi dahil medyo madilim na ang parte ng mga kwarto dito sa itaas. "Hindi ba puwedeng magsama-sama na lang tayo sa iisang kwarto?" tanong ni Aira. Alam kong natatakot, at kinakabahan siya sa mga nangyayari, at sa mga mangyayari pa. "Gusto rin namin, Aira... pero we need a rest. Don't worry, magiging maayos din ang lahat," nakangiting sabi ni Jasmin. Kahit gaano pa kalaki ang problema, bilib ako sa kanya dahil nagagawa niya pa rin na ngumiti. Siya ang nagturo sa team na ano man ang problema ay dapat na ngumiti lang. Narating namin ang unang kwarto kung saan sina Vhon, at Aira pansamantalang matutulog."Nasa kabilang room lang kami. You can knock anytime kung may kailangan kayo ni Vhon," sabi ko sa kanya. Ngumiti ako ng tipid, at akmang aalis na pero hina
Magbasa pa