"A-ANO? Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin?" medyo may pagkainis kong tanong. Kumawala ako sa yakap niya, at hinarap niya.
"D-dahil baka patayin n-niyo siya agad."
"Sige...ganito na lang. Pumunta ka sa kusina. Nandoon sina Sebastian, at Sam. Huwag kang magpapahalata sa kanilang dalawa. Kumuha ka ng isang boteng may lamang tubig. Basta may tubig, iyong tubig na inumin ang kunin mo. Aakyat ako sa itaas kung nasaan si Vhon. Sumunod ka agad," utos ko kay Aira. Pinahiran naman niya ang luha niya, at tumango.
Tumayo ako, at kinuha ang backpack na nasa katabi ko. Hinintay ko muna si Aira na makapunta sa kusina bago ko tinungo ang hagdanan paakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Napahinto naman ako sa gitna ng hagdan nang may maalala, hindi ko nga pala alam kung saan ang kwarto ni Vhon.
Napailing-iling na lang ako. Tumakbo ako sa itaas, at hinanap sa nga kwarto si Vhon. Bawat kwarto na makikita ko ay binubuksan ko iyon. Nakakalimang
"ANONG nangyari?" bungad na tanong sa akin ni Justin, kasama niya si Jasmin."Wala, nagutom lang si Vhon kaya nagwala siya. Iba kaso siya magutom, mabuti nga at hindi siya nangangain. Hindi pa ba tapos maghain sina Sam?" pabalik na tanong ko."Hindi namin alam, hindi pa kami pumunta sa kusina," sagot naman ni Jasmin."Sigurado ka ba talaga na ayos lang ang nasa loob ng kwartong iyan?" tanong ni Justin."Oo, pinapakalma na siya ni Aira. Check Sam, and Sebastian kung tapos na ba sila sa kusina. Tawagin niyo sina Aira kapag may nakahanda ng pagkain. Sa labas lang ako." Hindi ko na hinintay pa na sumagot sina Justin at Jasmin. Iniwan ko na sila, at bumaba na.Dala ko ang back pack ko habang tinutungo ang labas ng bahay. Nang makalabas ako sa mansiyon ay bumungad sa akin ang isang garden at ang mga halaman na buhay pa sa paligid. Kahit gabi na ay kitang-kita ko pa rin ang mga kulay ng mga ito dahil sa buwan na nagsisilbing ilaw sa paligid.
ANG gaganda ng mga bituin sa kalangitan. Napatingin naman ako sa katabi ko na nakatingin din sa langit."Galit ka ba?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa langit."I want to pero mag-sasayang lang ako ng oras kapag nagalit ako sa'yo.""I don't think so. Deserve mo naman na magalit sa akin.""No. Mas deserve tayong magalit lahat sa gumawa ng virus," sabi ko."True, but you should hear their sides first." Tiningnan ko naman ang kamay niya na nakaabot sa akin. Nagtaka naman akong napatingin sa kanya."Answer it," maikling sabi niya. Kinuha ko naman ang cellphone na hawak niya. Inilapit ko ito sa tainga ko."Hello?" sabi ko sa kabilang linya. Nakarinig naman ako ng hagulgol."Xanthea? Ayos ka lang ba? Kamusta ang kalagayan mo?" rinig kong tanong ni Papa mula sa kabilang linya. Napatayo naman kaagad ako, at naglakad papalayo kay Davin."Papa..." bulong ko. Hindi ko napigilan ang pag
"WHAT do you mean na kasalanan mo kung bakit kumalat ang virus?" tanong ni Jasmin kay Vhon. Mabuti naman, at may nagsalita na sa kanila.Nasa sala pa rin kaming lahat. Ganoon pa rin ang posisyon namin. Naging seryoso rin ang mga aura nila nang marinig ang sinabi kanina ni Vhon na may kinalaman siya sa pagkalat ng virus."Seryoso ka ba? What the hell? Bakit mo nagawa iyon!" matigas na sabi ni Sebastian. Nakita ko naman ang paghawak ni Samantha sa kamay nila. Napahinto naman si Sebastian, at hinawakan din sa kamay si Samantha."Okay, explain it yourself. Do you know who is Ferdinan Remidez?" tanong naman ni Davin."Ferdinan Remidez? Sino siya?" tanong ni Justin. Nakikinig lang ako sa mga pinagsasabi nila.Nakaupo sila sa sahig habang ako ay nasa couch naman nakaupo. Si Davin ay nasa tabi ko - sa ibaba ng couch."Yes, he is my Boss. I am an engineer. May humahawak na Ag
KINUHA ko ang backpack sa tabi ko. Inilabas ko ang bala ng baril na may lamang likido na kulay asul - cure. Binuksan ko iyon, at ipinakita sa kanila."This is the cure. Para umepekto, kailangang ihalo ito sa tubig, at ipinainom sa nakagat, at kusang maghihilom ang sugat ng na infected," paliwanag ko sa kanila. Kinuha naman nila iyon, at tiningnan except lang kay Davin na parang wala sa mood dahil ang tahimik niya."Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Hindi ba masama ang epekto nito?" taong naman ni Sam.Tumingin ako kay Vhon, "Sigurado ako. Nasubukan ko na iyan kay Vhon kanina lang, at umepekto naman." Kaagad na napatingin silang lahat sa akin."Ano? Infected ka kanina, Vhon? Bakit hindi namin alam? Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong ni Sebastian."Kaya ba parang nanghihina si Vhon kanina? At 'yong ingay kanina sa kwarto?" Tumango naman ako sa tanong ni Jasmin."Tapos n
NAUNA na kaming mga babae na umakyat sa second floor kung nasaan ang mga kwarto. Ang mga lalaki ay nag-uusap pa sa baba. May dala kaming tig-iisang kandila na may sindi dahil medyo madilim na ang parte ng mga kwarto dito sa itaas."Hindi ba puwedeng magsama-sama na lang tayo sa iisang kwarto?" tanong ni Aira. Alam kong natatakot, at kinakabahan siya sa mga nangyayari, at sa mga mangyayari pa."Gusto rin namin, Aira... pero we need a rest. Don't worry, magiging maayos din ang lahat," nakangiting sabi ni Jasmin. Kahit gaano pa kalaki ang problema, bilib ako sa kanya dahil nagagawa niya pa rin na ngumiti. Siya ang nagturo sa team na ano man ang problema ay dapat na ngumiti lang.Narating namin ang unang kwarto kung saan sina Vhon, at Aira pansamantalang matutulog."Nasa kabilang room lang kami. You can knock anytime kung may kailangan kayo ni Vhon," sabi ko sa kanya. Ngumiti ako ng tipid, at akmang aalis na pero hina
NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa kung saan. Ayoko pa sanang bumangon pero may narinig akong kalabog kaya napabangon ako, at napatingin sa katabi ko. Napakunot ang noo ko nang makitang wala si Davin sa tabi ko. Dumungaw ako sa ibaba ng kama.Napatawa naman ako nang makitang nasa sahig na si Davin. "What the heck!" mura niya. Binawi ko naman agad ang tawa ko, at tiningnan siya ng seryoso."Seriously? Bakit ka napunta diyan?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa kama kaya tiningnan ko rin iyon. May apat na unan na nakalagay sa gitna na para siyang barrier sa pagitan naming dalawa."Baka anong isipin mo kaya nilagyan ko niyan. Saka malikot ako matulog. Baka masipa kita," pagdadahilan niya kaya napatawa ulit ako."Kung magdadahilan ka lang naman Davin, sana 'yong effective. Halata sa mukha mo that you are lying.""Totoo naman na —" Pinutol ko ang sasabihin niya."Tayo na d
TAHIMIK lang ang buong team habang umaandar ang van. Walang nagsalita sa amin habang may iba rin na pinipikit ang kanilang mata."Nandito na tayo," rinig kong sabi ni Sebastian. Agad na kumilos naman ang mga kasama ko, at kanya-kanya ang tingin sa labas ng van kung may infected ba sa paligid.Makalipas ang ilang minuto ay wala naman kaming nakita infected sa paligid. Binuksan ni Jasmin ang pinto ng van, at naunag lumabas. Sumunod naman ang iba pa na sasama sa akin para kumuha ng pagkain.Huli akong bumaba. Tiningnan ko naman ang mga magbabantay ng van."Dito lang kayo, babalik kami agad," seryoso kong sabi kay Vhon, Sam, at Aira. Nagsitanguan naman sila."Sam, take care of the van. Kapag nakita niyo na lumabas kami mula sa store ay alam niyo na ang gagawin." Tumango naman agad si Sam nang sabihin iyon ni Davin. Isinara ko na ang pinto ng van, at nilingon ang mga kasama ko.&
"HAHANAP ako ng emergency bell. Mostly ay nasa likod iyon ng stores. They are attracted to sounds kaya pansamantala ko silang malilito, at mailalayo sa inyo.""Ano? Paano ka?!" tanong ni Sebastian habang nakatuon ang atensiyon sa pagbaril sa mga infected."We have no choice, Sebastian. Kung hindi ako kikilos, mamamatay tayong lahat dito. Maybe we have the cure pero hindi dapat tayo umasa sa gamot na 'yon. Trust me — ""I'll go with you," putol ni Davin sa sasabihin ko. Tiningnan ko naman siya."Sige. Isama mo si Davin." Tiningnan ko naman si Justin na nakatingin ng seryoso sa akin. May magagawa pa ba ako?"I'll see you at the mansion," sambit ko. Akmang aalis na sana kami nang hawakan ni Jasmin ang kamay ko."T-ake thi-s." Tiningnan ko naman ang kamay ko nang may maramdamang bagay doon — isang kwintas. Tinanguan ko siya, at ngumiti."Pagdating niyo sa van