NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa kung saan. Ayoko pa sanang bumangon pero may narinig akong kalabog kaya napabangon ako, at napatingin sa katabi ko. Napakunot ang noo ko nang makitang wala si Davin sa tabi ko. Dumungaw ako sa ibaba ng kama.
Napatawa naman ako nang makitang nasa sahig na si Davin. "What the heck!" mura niya. Binawi ko naman agad ang tawa ko, at tiningnan siya ng seryoso.
"Seriously? Bakit ka napunta diyan?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa kama kaya tiningnan ko rin iyon. May apat na unan na nakalagay sa gitna na para siyang barrier sa pagitan naming dalawa.
"Baka anong isipin mo kaya nilagyan ko niyan. Saka malikot ako matulog. Baka masipa kita," pagdadahilan niya kaya napatawa ulit ako.
"Kung magdadahilan ka lang naman Davin, sana 'yong effective. Halata sa mukha mo that you are lying."
"Totoo naman na —" Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Tayo na d
TAHIMIK lang ang buong team habang umaandar ang van. Walang nagsalita sa amin habang may iba rin na pinipikit ang kanilang mata."Nandito na tayo," rinig kong sabi ni Sebastian. Agad na kumilos naman ang mga kasama ko, at kanya-kanya ang tingin sa labas ng van kung may infected ba sa paligid.Makalipas ang ilang minuto ay wala naman kaming nakita infected sa paligid. Binuksan ni Jasmin ang pinto ng van, at naunag lumabas. Sumunod naman ang iba pa na sasama sa akin para kumuha ng pagkain.Huli akong bumaba. Tiningnan ko naman ang mga magbabantay ng van."Dito lang kayo, babalik kami agad," seryoso kong sabi kay Vhon, Sam, at Aira. Nagsitanguan naman sila."Sam, take care of the van. Kapag nakita niyo na lumabas kami mula sa store ay alam niyo na ang gagawin." Tumango naman agad si Sam nang sabihin iyon ni Davin. Isinara ko na ang pinto ng van, at nilingon ang mga kasama ko.&
"HAHANAP ako ng emergency bell. Mostly ay nasa likod iyon ng stores. They are attracted to sounds kaya pansamantala ko silang malilito, at mailalayo sa inyo.""Ano? Paano ka?!" tanong ni Sebastian habang nakatuon ang atensiyon sa pagbaril sa mga infected."We have no choice, Sebastian. Kung hindi ako kikilos, mamamatay tayong lahat dito. Maybe we have the cure pero hindi dapat tayo umasa sa gamot na 'yon. Trust me — ""I'll go with you," putol ni Davin sa sasabihin ko. Tiningnan ko naman siya."Sige. Isama mo si Davin." Tiningnan ko naman si Justin na nakatingin ng seryoso sa akin. May magagawa pa ba ako?"I'll see you at the mansion," sambit ko. Akmang aalis na sana kami nang hawakan ni Jasmin ang kamay ko."T-ake thi-s." Tiningnan ko naman ang kamay ko nang may maramdamang bagay doon — isang kwintas. Tinanguan ko siya, at ngumiti."Pagdating niyo sa van
KITANG-kita ko sa mukha ng sanggol ang paghihirap nito dahil sa sugat na natamo. Hindi ko pinakinggan si Davin.Inikot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto. May nakita akong bag sa may hospital bed kaya kinuha ko iyon, at binuksan."Thea, halika na. Hindi na natin siya magagamot," sabi ni Davin, at hinila ako paharap sa kanya."No, I still have some cure in my pocket. I can save the baby," may diin kong sabi. Napatingin ako sa may likuran ni Davin.May nakita akong bote na nakalagay sa isang mesa na may lamang tubig kaya agad akong kumilos, at kinuha iyon. Nanatili naman si Davin sa kinatatayuan niya, at hinayaan ako sa.ginagawa ko.Kumuha ako ng isang bala sa may binti ko na may lamang cure. Inihalo ko agad ito sa tubig, at tinungo ang sanggol na iyak pa nang iyak."Bilisan mo, Thea. Baka marinig tayo dito ng mga infected," sabi ni Davin. Nakita ko naman siya na
PUMASOK na kami sa van, at as usual — si Sebastian ang magmamaneho. Mabilis ang pagmaneho ni Sebastian kaya agad kaming nakarating sa mansiyon. Itinabi ni Sebastian ang van.Bumaba naman agad ako, at pumasok sa loob. Nasa sala silang lahat nang makapasok ako sa loob."Xan! Salamat naman, at ligtas ka," bungad sa akin ni Jasmin, at niyakap ako."Salamat din dahil ayos ka lang," sabi ko bago siya niyakap pabalik.Napabitaw naman siya sa akin nang biglang umiyak ang sanggol na karga ko."Baby?! P-Paano kayo nakabuo —" Sinamaan ko naman ng tingin si Justin kaya hindi niya tinuloy ang sasabihin niya."Saan mo nakuha 'yan, Xan?" tanong ni Jasmin sa akin.Umupo muna ako sa couch, at saka nagsimula nang sabihin sa kanila ng nangyari kanina. Nakinig naman silang lahat sa sinabi ko. Nandito na silang lahat sa loob ng mansiyon — sa may sala.Nang matapos akong
BUMABA ako mula sa second floor. Wala akong nadatnan na kahit na sino sa may sala kaya agad akong dumeretso sa may kusina.Bumungad naman sa akin sina Sam, Aira, at Jasmin."Nasaan ang iba?" bungad na tanong ko sa kanila. Umupo ako sa may upuan. Busy naman ang tatlo sa mga ginagawa nila."Nandiyan lang sila sa tabi-tabi," sagot naman ni Jasmin sa tanong ko. Tumango naman ako."Ano ang niluluto niyo?" tanong ko ulit."Adobo, paksiw, desserts with drinks," simpleng sagot ni Aira. Mukhang masarap ang mga niluluto nila."Nasaan 'yong baby?" tanong ko nang maalala ang sanggol na dinala ko."Nandoon kay Evhon, at Sebastian yata," sagot naman ni Sam."Ah sige. Labas muna ako. Kayo muna ang bahala dito sa kusina," pagpapaalam ko bago nilisan ang kusina at iniwan silang tatlo doon.Naglakad ako palabas ng mansiyon. Tinungo ko ang bench at nang makarating doon ay bumung
"MISS RODRIGUEZ? Nasaan ka? You have to get out of there dahil nahanap ka na. Alam na nila ang lakasiyon at siguradong papunta na sila ngayon diyan para damputin ka. You should save yourself, and your team. Para magawa iyon... kailangang lumayo ka muna sa kanila," rinig kong bungad ng kabilang linya."A-Ao?! I can't just leave them! If I will... magpapaalam ako," mariin kong sabi."Look, Miss Rodriguez. Alam kong mahirap pero you need to do this. Huwag ka nang magpaalam pa! Maiintindihan din nila ang ginagawa mo! Umalis ka na diyan! Ngayon na!" pasigaw na sambit ng nasa kabilang linya. Hindi naman agad ako makakilos sa posisyon ko. Ayokong umalis na lang. I-Ipapaalam ko sa kanila!Binaba ko ang tawag at inilagy sa backpack ang cellphone. Binuksan ko ang pinto at agad na naglakad para puntahan ang mga kasama ko sa may sala."Where is she?!"Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ng is
HININTO ko ang kotse sa gilid ng kalsada. Nasa siyudad ako ngayon. Sobrang tahimik ng paligid. Wala akong nakikitang tao maliban sa amin ng baby.Ang makukulay na gusali at paligid ng siyudad ay nababalutan na ng kulay-abo na kulay. Sira-sira na rin ang mga istruktura sa paligid. May mga sasakyan din na nagkalat sa paligid.Alikabok, usok, at masang-sang na amoy ang bumungad sa akin nang buksan ko ang bintana ng kotse. Sinilip ko ang paligid at siniguradong walang kahit anong bakas ng infected.Kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang village ako. May nakikita akong mga bahay sa paligid. Hindi ko alam kung safe ba talaga ang lugar na ito pero wala na akong pagpipilian pa. Wala akong ideya kung saan ako pupunta kaya kung saan man ako makarating, doon kami magpapalipas ng oras kasama si baby.Nilingon ko ang kinaroroonan ng sanggol nang marinig ang mahinang pag-iyak nito. Kinuha ko naman ag
"SILA na ng bahala sa baby. Pagkatiwalaan mo sila gaya ng pagtitiwala mo sa akin," sabi ni Dr. Madrigal. Hindi na ako umangal pa at ibinigay ang baby sa isang babaeng nurse."Siguraduhin niyong ligtas siya," seryosong sabi ko sa babaeng nurse. Tumango naman ito at umalis na sa harap ko.Inikot ko ang paningin sa paligid. Parang base ang lugar. May nga sundalo sa paligid pero iilan lang ang nakikita kong Doktor. Sa harap ko naman ay may nakikita akong isang malaking bahay na kung hindi ako nagkakamali ay isang laboratory.Naglakad ako kasama si Dr. Madrigal papunta sa loob ng bahay."Umpisahan mo na ngayon ang pagpapaliwang mo," seryoso kong sabi."Sure, just throw a question, and I'll answer it honestly.""Bakit niyo naisipang gumawa ng gamot na makakagamot ng kahit anong sakit?" tanong ko. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad."Seventeen years ago, I have my wife. Ma