"MISS RODRIGUEZ? Nasaan ka? You have to get out of there dahil nahanap ka na. Alam na nila ang lakasiyon at siguradong papunta na sila ngayon diyan para damputin ka. You should save yourself, and your team. Para magawa iyon... kailangang lumayo ka muna sa kanila," rinig kong bungad ng kabilang linya.
"A-Ao?! I can't just leave them! If I will... magpapaalam ako," mariin kong sabi.
"Look, Miss Rodriguez. Alam kong mahirap pero you need to do this. Huwag ka nang magpaalam pa! Maiintindihan din nila ang ginagawa mo! Umalis ka na diyan! Ngayon na!" pasigaw na sambit ng nasa kabilang linya. Hindi naman agad ako makakilos sa posisyon ko. Ayokong umalis na lang. I-Ipapaalam ko sa kanila!
Binaba ko ang tawag at inilagy sa backpack ang cellphone. Binuksan ko ang pinto at agad na naglakad para puntahan ang mga kasama ko sa may sala.
"Where is she?!"
Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ng is
HININTO ko ang kotse sa gilid ng kalsada. Nasa siyudad ako ngayon. Sobrang tahimik ng paligid. Wala akong nakikitang tao maliban sa amin ng baby.Ang makukulay na gusali at paligid ng siyudad ay nababalutan na ng kulay-abo na kulay. Sira-sira na rin ang mga istruktura sa paligid. May mga sasakyan din na nagkalat sa paligid.Alikabok, usok, at masang-sang na amoy ang bumungad sa akin nang buksan ko ang bintana ng kotse. Sinilip ko ang paligid at siniguradong walang kahit anong bakas ng infected.Kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang village ako. May nakikita akong mga bahay sa paligid. Hindi ko alam kung safe ba talaga ang lugar na ito pero wala na akong pagpipilian pa. Wala akong ideya kung saan ako pupunta kaya kung saan man ako makarating, doon kami magpapalipas ng oras kasama si baby.Nilingon ko ang kinaroroonan ng sanggol nang marinig ang mahinang pag-iyak nito. Kinuha ko naman ag
"SILA na ng bahala sa baby. Pagkatiwalaan mo sila gaya ng pagtitiwala mo sa akin," sabi ni Dr. Madrigal. Hindi na ako umangal pa at ibinigay ang baby sa isang babaeng nurse."Siguraduhin niyong ligtas siya," seryosong sabi ko sa babaeng nurse. Tumango naman ito at umalis na sa harap ko.Inikot ko ang paningin sa paligid. Parang base ang lugar. May nga sundalo sa paligid pero iilan lang ang nakikita kong Doktor. Sa harap ko naman ay may nakikita akong isang malaking bahay na kung hindi ako nagkakamali ay isang laboratory.Naglakad ako kasama si Dr. Madrigal papunta sa loob ng bahay."Umpisahan mo na ngayon ang pagpapaliwang mo," seryoso kong sabi."Sure, just throw a question, and I'll answer it honestly.""Bakit niyo naisipang gumawa ng gamot na makakagamot ng kahit anong sakit?" tanong ko. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad."Seventeen years ago, I have my wife. Ma
"PUWEDE ka bang umupo dito?" Tinuro ni Dr. Madrigal ang isang upuan malapit sa mesa. Tumango naman ako at lumapit sa upuan. Umupo ako doon."Kukunan kita ng dugo," sabi naman niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siya sa ginagawa niya."Puwede kang mag-ikot pero huwag mo lang galawin ang mga nakikita mo dahil baka sumabog tayo dito," sabi niya. Umalis siya sa harap ko nang matapos niya akong kunan ng dugo.Nakita ko siyang may hinahalong kung anong chemical sa isang baso. Hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin dahil wala naman akong kaalam-alam sa science, o chemicals.Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagsimulang mag-ikot sa paligid. Tumingin-tingin ako sa nasa paligid pero wala talaga akong maintindihan dahil bukod sa chemical ay may mga nakikita rin akong papel na nakadikit sa pader. Ang nakasulat sa papel ay mga salitang hindi pamilyar sa akin. May mga drawing din ng mga iba't-ibang cells, molecules, etc.
"H-HINDI ko alam kong mapapatawad ba ako ng anak ko sa mga nagawa ko—" Pinutol ko ang sasabihin niya."Alam kong matagal ka na niyang napatawad. Hindi kailanman matitiis ng isang anak ang kanilang magulang," pabulong na sabi ko. Tumango-tango naman si Dr. Madrigal habang umiiyak pa rin.Masaya ako dahil buhay ang anak niya. Masaya ako dahil sa kabila ng mga nangyayari ngayon ay may maganda pa rin itong naidulot."A-Ano na ngayon ang pangalan niya?" tanong ni Dr. Madrigal. Ngumiti ako bago binigkas ang pangalan ng isa sa team ko."Sam... Samantha Smith.""MAY mga bala at baril na nakalagay dito backpack mo. Kapag napakawalan mo na sila, ibigay mo ito sa kanila bilang panangga nila. Itong bala naman na may kulay asul na kulay ay gagamitin niyo kapag may nakaharap kayong infected, cure ito na hindi na kailangan ihalo pa sa tubig. Kung sino man ang infected na matatamaan ng balang ito
"OO nga pala, Dr. Madrigal. Ano ang epekto ng isang cure na ibinigay ko sa akin? 'Yong dumadaloy sa dugo ko?" tanong ko kay Dr. Madrigal. Tiningnan lang niya ako ng ilang minuto bago ngumiti at sumagot sa tanong ko."Siguro... hahayaan kita na ikaw mismo ang tumuklas kung anong klaseng cure ba iyon, at kung bakit iyon napakahalaga," nakangiti niya sabi.NAPAAWANG ang bibig ko nang maalala ang pag-uusap namin ni Dr. Madrigal tungkol sa pinakamahalagang cure na nasa akin.Gulat kong iniangat ang dalawang kamay ko at mariin itong tinitigan."Hindi sila lumalapit sa akin... dahil sa cure na dumadaloy sa katawan ko," pabulong na sambit ko.Napabalik ako sa reyalidad nang may maramdamang humila sa akin at dinala ako sa isang madilim na parte ng kalsada. Hindi agad ako nakagalaw kaya madali niya akong nahila."Sino ka?!" mariin na tanong ko. Akmang magpupumiglas na
TUMAKBO naman ako papunta sa likuran ng base kung saan may daanan daw papasok ayon kay Mr. Fernandez. Binilisan ko ang kilos ko. Hindi naman ako nahirapan dahil mabilis akong kumilos at walang infected sa paligid. Nababalutan ng damo ang gilid at likuran ng base.Nang makarating sa likuran ng base ay agad na inikot ko ang paningin sa pader. Ilang sandali lang ay may nakita akong daanan na may grills. Agad na tiningnan ko iyon. Hindi ako nabigong tanggalin ang grills dahil bukas ito. Dito dumaan ang Dad ni Davin kaya malamang bukas ito.Kasya naman ako sa butas kaya mabilis din akong nakalusot doon. Nakapasok ako sa loob at bumungad sa akin ang likuran ng isang katamtamang tent.Dahan-dahan akong naglakad nang makakita ng hallway sa may 'di kalayuan. Maingat ngunit mabilis ang mga hakbang na ginawa ko para makapasok agad sa isang may kalakihang building na kung hindi ako nagkakamali ay ang sentro ng base nila.&nbs
"ANY last words, Xanthea?" nakangisi na namang sabi ni Wright. Tiningnan ko naman ni Davin. Nanatili siyang nakatitig sa akin hanggang sa bumaba ang tingin niya.Dahan-dahan ko namang sinundan ang tingin niya. Binaba ko rin ang tingin ko hanggang sa paanan ko. Ilang sandali lang ay medyo nagulat naman ako sa nakita ko mula sa kinatatayuan ko pero binawi ko agad ang pagkagulat ko. Sa ibaba ng kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang nakagapos na Dad ni Davin. Made of glass ang sahig na kinatatayuan ko kaya kitang-kita ko sa baba ang Dad niya. Nakaupo ito sa isang upuan at nakatali ang mga kamay at paa nito. Nakita ko rin na nagpupumiglas itong para makawala pero mukhang matibay ang taling nakagapos sa kanya."May huling habilin pa sana ako sa'yo, Terace Wright," seryosong sabi ko. Itinaas ko ang tingin ko at tinitigan ang nakangisi pa rin na si Wright. Kita ko naman ang kaunting pagtatakang gumuhit sa mukha niya nang magkatitigan kami ngunit bin
"I have no other choice," pabulong na sabi ko. Inangat ko ang dalawang kamay ko na may hawak na baril at itinutok iyon sa padlock ng kulungan ng mga infected. Mahigpit na hinawakan ko ang baril na hawak ko bago pinaputukan ang padlock ng kulungan. Hindi naman ako nabigo—nabaril ko ang tatlong may kalakihang padlock ng kulungan.Nagsilabasan lahat ng mga infected. Bago pa sila tuluyang makalabas sa kulungan ay kaagad na binuksan ko ang pinto ng kwarto. Hinigpitan ko ang hawak ko sa doorknob at hinila ito papalapit sa akin para maitago ko ang sarili sa likod ng pinto.Ungol, sigaw, at putok ng baril ang narinig ko pero nanatili lang ako sa posisyon ko. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng malakas na tunog ng alarm. Agad na umalis ako sa posisyon ko at mabilis na lumabas ng kwarto.Bumungad sa akin sa hallway ang mga sundalong namimilipit sa sakit dahil kinakagat sila ng mga infected. May ibang sundalo r