Chapter: BOOK PUBLISHED ANNOUNCEMENTFINALLY!I'M VERY GLAD AND HAPPY FOR EVERYONE WHO SUPPORTS AND READ THIS STORY 'TILL THE END. I REALLY APPRECIATE IT GUYS!THANK YOU SO MUCH FOR YOUR PATIENCE, SUPPORT, AND COMPLIMENTS. MANATILI SANA KAYONG LOYAL SA AKIN! :)SEE YOU IN MY NEXT STORIES!THE Z-VIRUS: SEEKING FOR CURE IS NOW AVAILABLE ON SHOPEE! GRAB A COPY NOW!!!HERE'S THE LINK! ENJOY!https://shopee.ph/The-Z-Virus-Seeking-for-Cure-P.I.R.M-Paperback-i.264837039.11802283424You can also visit the 8letters page or their bookshop to avail it. Thank you for reading this story 'til the end! I really appreciate it! Have a blessed day everyone! :)You may also follow me or interact with me with my social media accounts:IG: itz_pirmWATTPAD: Itz_PirmFACEBOOK: Itz Pirm WPGMAIL: PerfectionInRedzMystery@gmail.com
Huling Na-update: 2021-05-18
Chapter: Special Chapter"SALAMAT sa lahat, Davin. I am thankful for everything. No matter what happen, our memories together will remain forever," mahinang sambit ko habang nakatingin sa puntod na nasa harap ko.Tiningnan ko ang white rose na hawak-hawak ko. Lumuhod ako at inilagay ang puting rosas sa harap ng puntod."Salamat dahil binuhay mo ang isang Davin. I know, you are proud of him," sabi ko ulit habang nakangiting tiningnan ang puntod."She's happy to meet you. Finally, may naipakilala rin akong babae sa Mom ko — babaeng alam kong hindi ako iiwan kailanman.""Korni masyado, Davin," sabi ko habang hindi siya tinitingnan.Aliana Fernandez — ang nakalagay na pangalan sa puntod na nasa harap ko. Siya ang Mom ni Davin. Namatay siya dahil pinatay ng kaaway ng Dad niya pero nabigyan naman iyon ng hustisiya."Si Justin ang nagturo sa akin no'n. Sabi ko na nga ba, masyado
Huling Na-update: 2021-05-18
Chapter: WAKAS"ANG virus na kumalat sa Pilipinas ay naagapan na. Ang mga infected ay nabigyan na ng lunas. May lunas para sa mga infected at mayroon ding bakuna para sa hindi infected—para hindi sila makagat o lapitan ng infected. Ang taong nagnakaw at nagpakalat ng virus na si Terace Wright ay napatay ng mga sundalo matapos nitong tangkaing patayin ang dalawang Private Agent. Sinasabing ang dahilan ng pagpapakalat ng virus ni Terace Wright ay dahil gusto niya na pag-ekspermintuhan ang tao. Ninais nitong patayin ang buhay at buhayin ang patay. Natagpuan ng mga sundalo ang bangkay ni Ferdinan Remidez na sinasabing kapatid ni Wright na unang nagpakalat ng virus sa Pilipinas. Ang bangkay nilang dalawa ay nasa pangangalaga na ng nga awtoridad. Nasa pangangalaga na rin ng international hospital ang dalawang nasabing Agent na may malaking naitulong sa paghahanap ng cure. May isang grupo ang isa sa mga Agent na tinuturing nang bayani ng lahat. Nanatiling pribado ang kanilang pagkatao. Makikilala r
Huling Na-update: 2021-05-18
Chapter: Chapter 44NAGSIMULA na kaming maglakad. Alam naman ni Mr. Fernandez ang daan palabas dahil ilang beses na siyang nakalabas-pasok dito. Mabuti naman dahil kung hindi ay mahihirapan kaming makalabas at matatagalan din kami.Sa bawat infected na humaharang at sumusugod sa amin ay binabaril naman namin iyon ni Mr. Fernandez. Marami-rami rin ang sumugod sa amin dahilan para maubusan kami ng bala ng baril. Agad na tinapon ko ang baril na hawak ko dahil wala na itong bala.Bigla naman akong napayuko nang mawalan ng balanse si Davin. Agad na nilingon ko siya. Kitang-kita ko ang unti-unting pagtaas ng lila na may kasamang itim na ugat papunta sa leeg at mukha niya."D-Davin..." tawag ko sa pangalan niya nang unti-unti niyang pinikit ang mata niya."I'm o-kay. L-Leave me... n-now," mahina at nakpikit niyang sabi."We don't have some time for your dramatic words, Davin. Tumayo ka, walang
Huling Na-update: 2021-05-18
Chapter: Chapter 43TININGNAN ko ang naghihingalong si Evhon. Naikuyom ko ang kamao ko kasabay no'n ang pagpatak ng luha sa mata ko. Napailing-iling ako nang makita ang isang ngiti sa labi ni Evhon."T-Tama na ang ikalawang buhay na n-naibigay mo sa akin noon. M-Masaya ako sa lahat-lahat ng nangyari, Xanthea. I-Ipinapaubaya ko na ang lahat sa'yo."Humakbang ako palapit sa kanya at lumuhod sa harap niya."Mabubuhay ka—" Pinutol niya ang sasabihin ko."K-Kailangan ka n-nilang lahat. T-Tulungan mo s-sila..."Sunod-sunod na pumatak ang luha ko nang hawakan niya ang kamay ko kung nasaan ang cure. Nakita ko ang bibig niya na may lumalabas ng itim na dugo. Napahikbi na lamang ako. Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at itinutok iyon sa braso ko."I'm sorry..." tanging sabi ko bago mahigpit na hinawakan ang injection at mabilis na itinarak sa leeg ni Evhon. Ang m
Huling Na-update: 2021-05-18
Chapter: Chapter 42 "I have no other choice," pabulong na sabi ko. Inangat ko ang dalawang kamay ko na may hawak na baril at itinutok iyon sa padlock ng kulungan ng mga infected. Mahigpit na hinawakan ko ang baril na hawak ko bago pinaputukan ang padlock ng kulungan. Hindi naman ako nabigo—nabaril ko ang tatlong may kalakihang padlock ng kulungan.Nagsilabasan lahat ng mga infected. Bago pa sila tuluyang makalabas sa kulungan ay kaagad na binuksan ko ang pinto ng kwarto. Hinigpitan ko ang hawak ko sa doorknob at hinila ito papalapit sa akin para maitago ko ang sarili sa likod ng pinto.Ungol, sigaw, at putok ng baril ang narinig ko pero nanatili lang ako sa posisyon ko. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng malakas na tunog ng alarm. Agad na umalis ako sa posisyon ko at mabilis na lumabas ng kwarto.Bumungad sa akin sa hallway ang mga sundalong namimilipit sa sakit dahil kinakagat sila ng mga infected. May ibang sundalo r
Huling Na-update: 2021-05-18