KITANG-kita ko sa mukha ng sanggol ang paghihirap nito dahil sa sugat na natamo. Hindi ko pinakinggan si Davin.
Inikot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto. May nakita akong bag sa may hospital bed kaya kinuha ko iyon, at binuksan.
"Thea, halika na. Hindi na natin siya magagamot," sabi ni Davin, at hinila ako paharap sa kanya.
"No, I still have some cure in my pocket. I can save the baby," may diin kong sabi. Napatingin ako sa may likuran ni Davin.
May nakita akong bote na nakalagay sa isang mesa na may lamang tubig kaya agad akong kumilos, at kinuha iyon. Nanatili naman si Davin sa kinatatayuan niya, at hinayaan ako sa.ginagawa ko.
Kumuha ako ng isang bala sa may binti ko na may lamang cure. Inihalo ko agad ito sa tubig, at tinungo ang sanggol na iyak pa nang iyak.
"Bilisan mo, Thea. Baka marinig tayo dito ng mga infected," sabi ni Davin. Nakita ko naman siya na
PUMASOK na kami sa van, at as usual — si Sebastian ang magmamaneho. Mabilis ang pagmaneho ni Sebastian kaya agad kaming nakarating sa mansiyon. Itinabi ni Sebastian ang van.Bumaba naman agad ako, at pumasok sa loob. Nasa sala silang lahat nang makapasok ako sa loob."Xan! Salamat naman, at ligtas ka," bungad sa akin ni Jasmin, at niyakap ako."Salamat din dahil ayos ka lang," sabi ko bago siya niyakap pabalik.Napabitaw naman siya sa akin nang biglang umiyak ang sanggol na karga ko."Baby?! P-Paano kayo nakabuo —" Sinamaan ko naman ng tingin si Justin kaya hindi niya tinuloy ang sasabihin niya."Saan mo nakuha 'yan, Xan?" tanong ni Jasmin sa akin.Umupo muna ako sa couch, at saka nagsimula nang sabihin sa kanila ng nangyari kanina. Nakinig naman silang lahat sa sinabi ko. Nandito na silang lahat sa loob ng mansiyon — sa may sala.Nang matapos akong
BUMABA ako mula sa second floor. Wala akong nadatnan na kahit na sino sa may sala kaya agad akong dumeretso sa may kusina.Bumungad naman sa akin sina Sam, Aira, at Jasmin."Nasaan ang iba?" bungad na tanong ko sa kanila. Umupo ako sa may upuan. Busy naman ang tatlo sa mga ginagawa nila."Nandiyan lang sila sa tabi-tabi," sagot naman ni Jasmin sa tanong ko. Tumango naman ako."Ano ang niluluto niyo?" tanong ko ulit."Adobo, paksiw, desserts with drinks," simpleng sagot ni Aira. Mukhang masarap ang mga niluluto nila."Nasaan 'yong baby?" tanong ko nang maalala ang sanggol na dinala ko."Nandoon kay Evhon, at Sebastian yata," sagot naman ni Sam."Ah sige. Labas muna ako. Kayo muna ang bahala dito sa kusina," pagpapaalam ko bago nilisan ang kusina at iniwan silang tatlo doon.Naglakad ako palabas ng mansiyon. Tinungo ko ang bench at nang makarating doon ay bumung
"MISS RODRIGUEZ? Nasaan ka? You have to get out of there dahil nahanap ka na. Alam na nila ang lakasiyon at siguradong papunta na sila ngayon diyan para damputin ka. You should save yourself, and your team. Para magawa iyon... kailangang lumayo ka muna sa kanila," rinig kong bungad ng kabilang linya."A-Ao?! I can't just leave them! If I will... magpapaalam ako," mariin kong sabi."Look, Miss Rodriguez. Alam kong mahirap pero you need to do this. Huwag ka nang magpaalam pa! Maiintindihan din nila ang ginagawa mo! Umalis ka na diyan! Ngayon na!" pasigaw na sambit ng nasa kabilang linya. Hindi naman agad ako makakilos sa posisyon ko. Ayokong umalis na lang. I-Ipapaalam ko sa kanila!Binaba ko ang tawag at inilagy sa backpack ang cellphone. Binuksan ko ang pinto at agad na naglakad para puntahan ang mga kasama ko sa may sala."Where is she?!"Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ng is
HININTO ko ang kotse sa gilid ng kalsada. Nasa siyudad ako ngayon. Sobrang tahimik ng paligid. Wala akong nakikitang tao maliban sa amin ng baby.Ang makukulay na gusali at paligid ng siyudad ay nababalutan na ng kulay-abo na kulay. Sira-sira na rin ang mga istruktura sa paligid. May mga sasakyan din na nagkalat sa paligid.Alikabok, usok, at masang-sang na amoy ang bumungad sa akin nang buksan ko ang bintana ng kotse. Sinilip ko ang paligid at siniguradong walang kahit anong bakas ng infected.Kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang village ako. May nakikita akong mga bahay sa paligid. Hindi ko alam kung safe ba talaga ang lugar na ito pero wala na akong pagpipilian pa. Wala akong ideya kung saan ako pupunta kaya kung saan man ako makarating, doon kami magpapalipas ng oras kasama si baby.Nilingon ko ang kinaroroonan ng sanggol nang marinig ang mahinang pag-iyak nito. Kinuha ko naman ag
"SILA na ng bahala sa baby. Pagkatiwalaan mo sila gaya ng pagtitiwala mo sa akin," sabi ni Dr. Madrigal. Hindi na ako umangal pa at ibinigay ang baby sa isang babaeng nurse."Siguraduhin niyong ligtas siya," seryosong sabi ko sa babaeng nurse. Tumango naman ito at umalis na sa harap ko.Inikot ko ang paningin sa paligid. Parang base ang lugar. May nga sundalo sa paligid pero iilan lang ang nakikita kong Doktor. Sa harap ko naman ay may nakikita akong isang malaking bahay na kung hindi ako nagkakamali ay isang laboratory.Naglakad ako kasama si Dr. Madrigal papunta sa loob ng bahay."Umpisahan mo na ngayon ang pagpapaliwang mo," seryoso kong sabi."Sure, just throw a question, and I'll answer it honestly.""Bakit niyo naisipang gumawa ng gamot na makakagamot ng kahit anong sakit?" tanong ko. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad."Seventeen years ago, I have my wife. Ma
"PUWEDE ka bang umupo dito?" Tinuro ni Dr. Madrigal ang isang upuan malapit sa mesa. Tumango naman ako at lumapit sa upuan. Umupo ako doon."Kukunan kita ng dugo," sabi naman niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siya sa ginagawa niya."Puwede kang mag-ikot pero huwag mo lang galawin ang mga nakikita mo dahil baka sumabog tayo dito," sabi niya. Umalis siya sa harap ko nang matapos niya akong kunan ng dugo.Nakita ko siyang may hinahalong kung anong chemical sa isang baso. Hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin dahil wala naman akong kaalam-alam sa science, o chemicals.Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagsimulang mag-ikot sa paligid. Tumingin-tingin ako sa nasa paligid pero wala talaga akong maintindihan dahil bukod sa chemical ay may mga nakikita rin akong papel na nakadikit sa pader. Ang nakasulat sa papel ay mga salitang hindi pamilyar sa akin. May mga drawing din ng mga iba't-ibang cells, molecules, etc.
"H-HINDI ko alam kong mapapatawad ba ako ng anak ko sa mga nagawa ko—" Pinutol ko ang sasabihin niya."Alam kong matagal ka na niyang napatawad. Hindi kailanman matitiis ng isang anak ang kanilang magulang," pabulong na sabi ko. Tumango-tango naman si Dr. Madrigal habang umiiyak pa rin.Masaya ako dahil buhay ang anak niya. Masaya ako dahil sa kabila ng mga nangyayari ngayon ay may maganda pa rin itong naidulot."A-Ano na ngayon ang pangalan niya?" tanong ni Dr. Madrigal. Ngumiti ako bago binigkas ang pangalan ng isa sa team ko."Sam... Samantha Smith.""MAY mga bala at baril na nakalagay dito backpack mo. Kapag napakawalan mo na sila, ibigay mo ito sa kanila bilang panangga nila. Itong bala naman na may kulay asul na kulay ay gagamitin niyo kapag may nakaharap kayong infected, cure ito na hindi na kailangan ihalo pa sa tubig. Kung sino man ang infected na matatamaan ng balang ito
"OO nga pala, Dr. Madrigal. Ano ang epekto ng isang cure na ibinigay ko sa akin? 'Yong dumadaloy sa dugo ko?" tanong ko kay Dr. Madrigal. Tiningnan lang niya ako ng ilang minuto bago ngumiti at sumagot sa tanong ko."Siguro... hahayaan kita na ikaw mismo ang tumuklas kung anong klaseng cure ba iyon, at kung bakit iyon napakahalaga," nakangiti niya sabi.NAPAAWANG ang bibig ko nang maalala ang pag-uusap namin ni Dr. Madrigal tungkol sa pinakamahalagang cure na nasa akin.Gulat kong iniangat ang dalawang kamay ko at mariin itong tinitigan."Hindi sila lumalapit sa akin... dahil sa cure na dumadaloy sa katawan ko," pabulong na sambit ko.Napabalik ako sa reyalidad nang may maramdamang humila sa akin at dinala ako sa isang madilim na parte ng kalsada. Hindi agad ako nakagalaw kaya madali niya akong nahila."Sino ka?!" mariin na tanong ko. Akmang magpupumiglas na