KITANG-kita ko sa mukha ng sanggol ang paghihirap nito dahil sa sugat na natamo. Hindi ko pinakinggan si Davin. Inikot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto. May nakita akong bag sa may hospital bed kaya kinuha ko iyon, at binuksan."Thea, halika na. Hindi na natin siya magagamot," sabi ni Davin, at hinila ako paharap sa kanya. "No, I still have some cure in my pocket. I can save the baby," may diin kong sabi. Napatingin ako sa may likuran ni Davin. May nakita akong bote na nakalagay sa isang mesa na may lamang tubig kaya agad akong kumilos, at kinuha iyon. Nanatili naman si Davin sa kinatatayuan niya, at hinayaan ako sa.ginagawa ko. Kumuha ako ng isang bala sa may binti ko na may lamang cure. Inihalo ko agad ito sa tubig, at tinungo ang sanggol na iyak pa nang iyak. "Bilisan mo, Thea. Baka marinig tayo dito ng mga infected," sabi ni Davin. Nakita ko naman siya na
Last Updated : 2021-05-18 Read more