"SALAMAT sa lahat, Davin. I am thankful for everything. No matter what happen, our memories together will remain forever," mahinang sambit ko habang nakatingin sa puntod na nasa harap ko. Tiningnan ko ang white rose na hawak-hawak ko. Lumuhod ako at inilagay ang puting rosas sa harap ng puntod. "Salamat dahil binuhay mo ang isang Davin. I know, you are proud of him," sabi ko ulit habang nakangiting tiningnan ang puntod. "She's happy to meet you. Finally, may naipakilala rin akong babae sa Mom ko — babaeng alam kong hindi ako iiwan kailanman." "Korni masyado, Davin," sabi ko habang hindi siya tinitingnan. Aliana Fernandez — ang nakalagay na pangalan sa puntod na nasa harap ko. Siya ang Mom ni Davin. Namatay siya dahil pinatay ng kaaway ng Dad niya pero nabigyan naman iyon ng hustisiya. "Si Justin ang nagturo sa akin no'n. Sabi ko na nga ba, masyado
Magbasa pa