The following month was the busiest and full of surprises. Lalo pa at ilang araw na lang, Valentines Day na. Mas dagsa ang mga customer kapag ganitong buwan. Mabuti na lang at nakauwi na rin si mommy galing sa probinsya. Kung kami lang ni kuya ang nasa shop, baka hindi na kami magkandaugaga sa pag-aasikaso ng mga customers.Mom really knows how to handle pressure, 'yon siguro ang dapat naming matutunan pa ni kuya mula sa kanya.Umaga palang, sobrang busy na namin. Ilang oras ng sunod-sunod ang pagdating ng mga customers at online orders. Para akong hihingalin kaka-sales talk at kakasagot ng tawag sa phone kaya nang maubos ang tao sa shop, agad akong umupo sa wooden chair sa lounge area at pinatong ang paa ko sa coffee table."Pagod ka na?" kantyaw ni kuya habang inaabutan ako ng isang baso ng tubig."Nakakapagod kayang dumaldal," katwiran ko.Magtatanghali na rin kaya ramdam na ramdam ko ang pagod at gutom."Kelly, put your fee
Magbasa pa