"Anak kaya mo pa ba? Dalhin ka na kaya namin sa ospital?""N-No, mom. Kaya ko," pagmamatigas ko.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagsuka ngayong umaga. Halos wala na rin akong gana pa kumain. May nireseta sa akin na gamot ang papa ni Brix, pero mukhang wala namang epekto ang mga ito. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan ko pero ayaw kong ipahalata sa kanila.Natatakot akong magpadala sa ospital. Baka sa oras na magpunta ako doon, hindi na ako makalabas pang muli."Huwag na kaya tayong magpunta ng reunion, dito na lang tayo sa bahay niyo, Kels. Tapos mag-movie marathon tayo," Danika insisted. Napansin ko ang pamumula ng mga mata niya. Alam kong nagpipigil lang siya umiyak.Simula nang malaman niya ang kondisyon ko, madalas na siyang magpunta dito sa bahay. Minsan pa nga dito na siya nag-oovernight kapag wala siyang pasok sa trabaho kinabukasan."Ano ka ba? Sayang naman 'yong dress na nabili k
Read more