"Kailan mo pa ko niloloko?!!"
Halos mabingi ako dahil sa malakas na pagsigaw ni Gabriel. Pinuno ng boses niya ang kabuuan ng botanical garden ng aming university. Tanging kami lamang ang narito sa lugar na 'to.
Natatakot ako sa paraan ng pagtitig niya, punong-puno ito ng galit at pagkadismaya. Siguro kung ibang tao lang siya, baka napagbuhatan na niya ako ng kamay. But knowing how he respect women, he won't hurt me or even lay his finger on me even if I'm his most hated person now.
"Saan ba ako nagkulang, Kelly?"
I shook my head. Wala siyang pagkukulang. Halos ibigay na niya ang buong mundo sa akin.
Naramdaman ko ang panginginig ng nakatikom kong mga labi. Wala akong mabigkas na salita. Hindi ko alam kung paano ko pa dedepensahan ang sarili ko.
Napayuko na lamang ak
Relapse.Isang salita lamang 'yon pero ang katumbas niya ay ang muling pagkawasak ng mundo ko. Parang isang replay lang ang nangyayari sa buhay ko.Kaharap ko na naman ang papa ni Brix. Nababasa ko ang lungkot sa mga mata niya nang sabihin niya sa akin ang isang masamang balita. Bumalik ang sakit ko.Nahigit ni mommy ang paghinga niya, kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi niya. Umiiyak na naman siya. Magang-maga na ang mga mata niya kakaiyak simula pa kahapon.Si kuya naman, gaya ng dati pilit na nagpapakatatag. Nilalabanan niya ang pagtulo ng luha niya sa pamamagitan ng pagtingala sa puting kisame.Nang mga sandaling iyon, hindi ako umiyak. Parang naubos na nga ata ang luha sa mga mata ko. Wala na rin akong maramdaman. Bugbog na bugbog na ata ako sa sakit kaya namanhid na ata ako."Mamamatay na ba ako?"Iyon ang unang tanong na lumabas nang ibuka ko ang bibig ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni mommy habang
Dinala ako ni Brix sa isang napakalawak na open field. Hindi ko alam kung saan ang lugar na 'to pero nakasisiguro ako na wala kami sa Sunny Ville. Mahigit 30 minutes din siyang nag-drive papunta rito."Nasaan tayo?" tanong ko.Tumingin lang sa akin si Brix at ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko saka hinila ako para maglakad patungo sa gitnang bahagi ng field.Tanging ang buwan sa kalangitan at ang malamlam na ilaw na nanggagaling sa light post ang siyang nagbibigay sa amin ng liwanag."Ayos lang bang madumihan ka? Wala akong dalang pansapin?"Tumango ako bilang sagot bago sumalampak sa damuhan. Natatawa pa siyang umupo na rin sa tabi ko. Tahimik lang kaming dalawa habang nakatingala sa langit. Napakaliwanag ng buwan. Marami ring maningning na stars ngayon.Brix was right. Maganda nga talagang mag-star gazing dito.Umihip ang malamig na hangin. Nakita kong hinubad ni Brix ang suot niyang grey na jacket at ipinasuot niya sa
"Anak kaya mo pa ba? Dalhin ka na kaya namin sa ospital?""N-No, mom. Kaya ko," pagmamatigas ko.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagsuka ngayong umaga. Halos wala na rin akong gana pa kumain. May nireseta sa akin na gamot ang papa ni Brix, pero mukhang wala namang epekto ang mga ito. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan ko pero ayaw kong ipahalata sa kanila.Natatakot akong magpadala sa ospital. Baka sa oras na magpunta ako doon, hindi na ako makalabas pang muli."Huwag na kaya tayong magpunta ng reunion, dito na lang tayo sa bahay niyo, Kels. Tapos mag-movie marathon tayo," Danika insisted.Napansin ko ang pamumula ng mga mata niya. Alam kong nagpipigil lang siya umiyak.Simula nang malaman niya ang kondisyon ko, madalas na siyang magpunta dito sa bahay. Minsan pa nga dito na siya nag-oovernight kapag wala siyang pasok sa trabaho kinabukasan."Ano ka ba? Sayang naman 'yong dress na nabili k
Sa isang sikat na five star hotel idinaos ang reunion party. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko nang makapasok kami sa magarang lobby ng hotel.Para akong nasa renaissance period dahil sa medieval na desenyo ng wallpaper. May mahabang medieval stairway din kung saan ang ibang guest ay naroon at nagkukwentuhan.A castle style wrought iron chandelier was hanging on the ceiling, medyo dim lang ang ilaw nito. May mga poseur table din sa paligid to accomodate us.Biglang nanlamig ang mga kamay ko nang mapansin kong nagtitinginan na sa amin ang mga tao. I recognized them as my schoolmates, some of them are my classmates. And I guess, naaalala rin nila ako.Pinilit kong huwag magpaapekto nang marinig ko na ang mga bulong-bulungan nila. I got a little anxious but then I felt Brix and Danika hold my hands trying to put me at ease."We're here. You have nothing to worry about," seryosong bul
GabrielLumabas muna ako saglit sa may pool area ng hotel para magpahangin. Pakiramdam ko kasi, masu-suffocate lang ako kapag nanatili ako sa loob.Kung alam ko lang na pupunta sina Brix at Kelly, hindi ko na sana sinamahan pa si Stella.Alam ko, wala akong karapatan magselos habang nakikita ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't-isa. Hindi ko na dapat 'to maramdaman pero para akong tinatraydor ng puso ko. Hindi ko kayang makita siyang masaya na sa iba, habang ako durog na durog na naman.Tangina.Mabilis kong nilagok ang laman ng bote ng beer na hawak ko. Gusto kong magpakalango sa alak at lunurin 'tong selos na nararamdaman ko, pero biglang dumating si Stella at inagaw ang beer na iniinom ko."Bakit ka umiinom? Magda-drive ka pauwi 'di ba?" nag-aalalang tanong nito.Hindi ko na lang siya inimikan. Inagaw ko ulit ang bote mula sa kanya pero inilayo niya ito sa a
Gabriel"S-She's sick?" Nag-aalangan kong tanong kay Brix at nang tumango siya, parang gusto kong hilingin na bawiin na lang niya ang mga sinabi niya. Na sana isang malaking biro lang ang lahat."Kelly was diagnosed with leukemia noong third year college tayo."Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko inaasahan ang katotohanang tuluyan na nilang nilahad.Napatingin ako sa E.R kung saan kasalukuyang tinitignan pa ng doctor si Kelly. Parang tinatambol ang puso ko dahil sa labis na kaba at takot lalo na nang dumako ang tingin ko kay Danika. Nakaupo ito sa pahabang upuan sa tapat lang ng E.R. Nakayakap si Jules sa kanya habang sinusubukan itong patahanin. Kanina pa ito hindi tumitigil sa pag-iyak. Maging si Jules ay labis na rin ang pagkabalisa."Wala namang mangyayaring masama kay Kelly 'di ba?"Malalim na napabuntong-hininga si Brix bago siya tumango ngunit hindi ako kumbinsido. Hindi mapanatag ang kalo
"Gab? Man! What happened to you? You looked like a mess!"Gulat na gulat si Thao nang pagbuksan niya ako ng pinto sa condo unit niya. Aligaga siyang pinapasok ako sa loob at inalalayan na makaupo sa sala. Hating-gabi na, mukhang naistorbo ko ang pagtulog niya.Hindi ko na rin alam kung paano ako nakarating dito. Tulirong-tuliro ang utak ko. Ang alam ko lang, gusto ko munang lumayo. Ayoko munang umuwi sa amin dahil baka may magawa akong isang bagay na pagsisisihan ko sa huli.Galit na galit ako kay mommy sa mga sandaling ito. Ayokong lamunin ako ng galit na 'yon. Alam kong walang perpektong magulang, pero hindi ko kayang palampasin ang ginawa niya.Napakabuting tao ni Kelly. Paano niya nagawa sa kanya ang bagay na 'yon? Paano niya nagawa sa amin 'to? Paano niya nagawang saktan ang babaeng pinakamamahal ko?Muling bumuhos ang luha sa mga mata ko. Maisip ko pa lang ang mga paghihirap ni Kelly habang wala ako sa tabi niya, parang pi
Pagod na pagod ako, mentally at emotionally. Nang makabalik ako sa condo ni Thao, tuluyan na akong nilamon ng pagod ko at hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa sofa.Nang magmulat ako, agad akong napatingin sa wall clock. Mag-aalas singko na pala ng hapon. Hindi pa rin ako nakakapagbihis ng damit. Suot ko pa rin 'yung suot kong damit kagabi.I decided to take a quick shower. Plano kong puntahan sa ospital si Kelly para malaman kung ano na ang kalagayan niya. Nang matapos akong maligo at makapagbihis, kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa center table."Aalis ka?" tanong ni Thao na kadarating lang.Nag-grocery ata siya dahil may bitbit siyang dalawang plastic bag."Pupuntahan ko muna si Kelly," tipid na sagot ko. He just gave me a nod.Nang tignan ko ang cellphone ko, kinabahan ako nang makita kong maraming text at miss calls galing kay Brix. Agad kong binuksan ang message niya. Halos malaglag ang puso ko sa sahig nang
GabrielNapakabilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko, ano mang oras ay lulundag na palabas ang puso ko. Ilang malalalim na buntong hininga na rin ang napakawalan ko. Halos mahilo na ang mga kasama ko sa loob ng simbahan dahil kanina pa ako palakad-lakad."Kalma lang pare, para ka namang natatae," sita sa akin ni Jules. Tinapik niya ang balikat ko bilang pagpapakalma sa akin."Ready na ba ang lahat?" tanong ko."Handang-handa na!" sabay-sabay namang tugon ng mga ka-banda ni Aiyah. Tinaas pa nila ang dalawang kamay nila sa ere.Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil walang pag-aalinlangang pumayag sila sa pabor ko. Sila ang tutugtog sa church wedding namin ni Kelly. Ang kaibahan nga lang, ako ang bokalista nila ngayon."Parating na siya," nakangiting bati naman ni Danika sa akin. Hindi ko na napansin ang pagdating niya.
Isang buwan na mula nang bumalik ako sa ospital. Kailangan kong manatili rito hanggang sa manganak ako. Gaya ng sabi ng doctor ko, hindi biro ang pagbubuntis ko. It's too risky so I need to cooperate with them. Dalawang doctor ang nangangalaga sa akin. Minomonitor nila araw-araw ang kalagayan ko, walang mintis. Idagdag mo pa si Brix na laging puyat kahit hindi niya duty. Binabantayan rin niya ako.Hindi naman ako nalulungkot dito sa ospital dahil madalas nakatambay sa kwarto ko ang mga kaibigan ko. Gaya ngayon, malapit nang gumabi pero nandito pa rin sila."Tignan mo sila, parang mga bata." Natatawang bulong ni Gab sa tabi ko. Nakaupo kaming dalawa sa malaking kama at nakasandal ang mga likod sa headboard.Gamit-gamit ko ang pinakamalaking VIP room dito sa ospital nila Brix. There's a 75 inches tv on the wall kaya nakasalampak sa sahig sina Jules, Brix, Thao at ang mga kabanda ni Aiyah. Tutok ang mga mata nila
Nagising ako na sobrang sama at bigat ng pakiramdam. May nalalasahan rin akong mapait sa bibig ko kaya dali-dali akong bumangon at tumakbo papunta sa c.r ng kwarto namin. Gaya ng mga nagdaang araw, panay lang ang pagsuka ko sa tuwing umaga. Wala pa akong kinakain pero parang halos nailabas ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko."Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gabriel na agad akong nilapitan.Mukhang naalarma pa ito nang matagpuan niya akong nakasalampak lang sa malamig na sahig ng banyo, malapit sa toilet bowl."Nasusuka lang," nanghihinang tugon ko.Inalalayan niya ako patayo patungo sa lababo. Binuksan niya ang gripo at binasa ang mukha ko para mahimasmasan ako."Let's go and see the doctor. Baka kung ano na 'yan," he insisted but I just weakly shook my head."I'm fine. Wala lang 'to.""Please, mahal? Mas mapapanatag ako kung magpapacheck up ka na ngayon. Ilang araw ka ng ganyan. We need to make sure and be extra
Time flies so fast and before I know it, my wedding day finally arrived. Hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na 'to. Simpleng civil wedding lang ang napagpasyahan naming idaos ni Gabriel. Hindi na ako naghahangad ng magarbong kasal, ang gusto ko lang ay mabasbasan ang pagsasama naming dalawa."Ang ganda mo, Kels." komento ni Danika nang matapos siyang ayusan ako.Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa salamin. Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si mommy. Lumapit siya sa akin, tears were already running down on her face while admiring me in my white v-neck, knee length dress."You're so beautiful, my baby. Ikakasal ka na talaga," she cried.I quickly raise my hands to wipe away her tears. "Mommy, wala namang iyakan. Mahahawa ako, eh." I said jokingly. Nakita ko siyang tumango-tango pero patuloy pa rin siya sa pagluha."Thank you, mommy. For everything." I mumbled as I pulled her into a war
GabrielNatagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa tahimik na sala ng bahay namin. Nasa harapan ko si mommy at kapwa kami walang imik. Naririnig ko ang bawat malalalim na buntong-hininga niya habang nakatitig lamang siya sa kawalan.Kahit anong mangyari, baligtarin man ang mundo, hindi nito maaalis ang katotohanan na nanay ko pa rin siya. Ibigay man niya sa akin ang blessings niya o hindi, gusto ko pa ring ipaalam sa kanya ang plano kong pakasalan si Kelly."You really love her," 'yon lamang ang tanging nasambit niya. Unti-unting tumitig siya sa akin. Nababakas ko ang kalungkutan sa mga mata niya.Muli kaming binalot ng nakakailang na katahimikan. Napayuko na lamang ako at naikuyom ang kamao ko na nakapatong sa hita ko, para pigilan ang sarili ko na maging emosyonal.My mom was my hero, silang dalawa ni dad. Sobra ko silang tinitingala at nirerespeto. Mahal na mahal ko silang dalawa. Kahit sa panaginip, hindi ko a
"Nasaan na ba si Gab? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," iritable kong tanong kay Danika habang inaayusan niya ako."Baka busy lang," sagot niya.Alas-singko na ng hapon pero ni anino ni Gab, hindi ko pa nasisilayan. Wala talaga siyang paramdam sa akin ngayong araw. Nakakapagtaka. Hindi niya ako dinalaw, samantalang halos araw-araw na nga siyang tambay dito sa bahay. Kulang na lang, dito na siya tumira.Hindi man lang siya magtext o tumawag para alam ko kung ano bang nangyayari sa kanya."Smile ka naman diyan, Kels." utos pa ni Danika.Paano naman ako ngingiti kung badtrip na badtrip ako? Humanda ka talaga sa akin, Gab!Hindi ko alam kung ano bang okasyon ngayon. Kung bakit kailangan pang bihis na bihis ako. They forced me to wear a stunning chiffon and knee length light blue dress that my mom bought yesterday. Suot-suot ko rin ang isang brown na wig na hanggang balikat ko ang haba. Nakakamiss tuloy ang totoong buhok ko
"Ang pangit-pangit ko na!" Paulit-ulit kong iyak nang matapos si kuya sa pagshe-shave ng natitira ko pang buhok. Kinalbo na niya ako ng tuluyan para malinis tignan ang ulo ko. Wala ng natitira pa kahit isang hibla. Wala na ang maganda at itim na itim kong buhok."Don't say that. Ang ganda-ganda mo pa rin kaya," pang-aalo niya sa akin.But I could only cry harder. I don't even have the courage to look at myself in the mirror, so I just hung my head low.Ang laki-laki na ng pinagbago ng itsura ko. Hindi ko na nga makilala pa ang sarili ko. Pakiramdam ko ibang tao ang nasa harap ko sa tuwing tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na mahanap pa ang dating Kelly. Ang Kelly na punong-puno ng sigla at sobrang positive sa buhay. Kasabay ng paglalagas ng buhok ko ay paglalagas din ng natitirang pag-asa ko."Tara na, naghihintay na ang boyfriend mo sa labas." Nakangiting sambit ni kuya habang isinusuot muli sa akin ang brown kong bonet
KellyIlang araw ng balisa si Gab. Kahit hindi niya aminin, basa ko naman sa mga mata niya ang kalungkutan. Nakangiti man siya, alam kong apektado siya sa nangyari kay Stella."Don't blame yourself, okay? It's not your fault," pagpapanatag ko sa kalooban niya.Tumigil si Gab sa pagbabalat ng mansanas at ngumiti sa akin. "Ayos lang ako, mahal."Inabot ko ang kamay niya at pinisil 'yon. "I'm done lying so please, be honest to me as well. I know you're not okay, Gab. Come on, girlfriend mo ko. Sabihin mo sa akin kung anong nagpapabigat ng kalooban mo, hmm?"Nawala ang ngiti niya sa labi at napayuko ito. Hindi siya makatingin sa akin, tila nahihiya. "I'm sorry. Ang dami mo ng iniisip, ayoko nang dagdagan pa. Pinipilit kong ipakita sa inyo na ayos lang ako, pero ang totoo sobrang nagi-guilty ako. Paano na lang kung may masamang nangyari kay Stella? Hindi ko siguro mapapatawad ang
"Anong gusto mong pasalubong? Paalis na ako sa condo," tanong ko kay Kelly sa kabilang linya."Kahit ano na lang. Baka hindi ko rin naman makain 'yan," matamlay na sagot niya.Umuwi muna ako kaninang umaga sa condo ni Thao para kumuha ng ilang damit. I'm planning to stay overnight again at the hospital. Mag-aalas dose na ng tanghali, sabi ng kuya ni Kelly, hindi pa raw ito kumakain ng tanghalian dahil wala itong gana."Balik ka na," paglalambing nito. Napangiti na lamang ako. Her sweet voice is like music to my ears."Opo, pabalik na ko. Bibilisan ko na magmaneho," I chuckled."Huwag! Baliw ka. Binibiro lang naman kita. Take your time.""Yes, mahal. Wait for me. I'll be there in a heartbeat. I love you.""Okay. Take care. I love you too," she giggled making my heart flutters.As soon as our call ended, I hurriedly got inside my car. But to my surprise, Thao was already riding on