Chapter: EpilogueGabrielNapakabilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko, ano mang oras ay lulundag na palabas ang puso ko. Ilang malalalim na buntong hininga na rin ang napakawalan ko. Halos mahilo na ang mga kasama ko sa loob ng simbahan dahil kanina pa ako palakad-lakad."Kalma lang pare, para ka namang natatae," sita sa akin ni Jules. Tinapik niya ang balikat ko bilang pagpapakalma sa akin."Ready na ba ang lahat?" tanong ko."Handang-handa na!" sabay-sabay namang tugon ng mga ka-banda ni Aiyah. Tinaas pa nila ang dalawang kamay nila sa ere.Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil walang pag-aalinlangang pumayag sila sa pabor ko. Sila ang tutugtog sa church wedding namin ni Kelly. Ang kaibahan nga lang, ako ang bokalista nila ngayon."Parating na siya," nakangiting bati naman ni Danika sa akin. Hindi ko na napansin ang pagdating niya.
Last Updated: 2020-08-13
Chapter: Chapter 44 - CloverIsang buwan na mula nang bumalik ako sa ospital. Kailangan kong manatili rito hanggang sa manganak ako. Gaya ng sabi ng doctor ko, hindi biro ang pagbubuntis ko. It's too risky so I need to cooperate with them. Dalawang doctor ang nangangalaga sa akin. Minomonitor nila araw-araw ang kalagayan ko, walang mintis. Idagdag mo pa si Brix na laging puyat kahit hindi niya duty. Binabantayan rin niya ako.Hindi naman ako nalulungkot dito sa ospital dahil madalas nakatambay sa kwarto ko ang mga kaibigan ko. Gaya ngayon, malapit nang gumabi pero nandito pa rin sila."Tignan mo sila, parang mga bata." Natatawang bulong ni Gab sa tabi ko. Nakaupo kaming dalawa sa malaking kama at nakasandal ang mga likod sa headboard.Gamit-gamit ko ang pinakamalaking VIP room dito sa ospital nila Brix. There's a 75 inches tv on the wall kaya nakasalampak sa sahig sina Jules, Brix, Thao at ang mga kabanda ni Aiyah. Tutok ang mga mata nila
Last Updated: 2020-08-13
Chapter: Chapter 43 - Gerbera DaisyNagising ako na sobrang sama at bigat ng pakiramdam. May nalalasahan rin akong mapait sa bibig ko kaya dali-dali akong bumangon at tumakbo papunta sa c.r ng kwarto namin. Gaya ng mga nagdaang araw, panay lang ang pagsuka ko sa tuwing umaga. Wala pa akong kinakain pero parang halos nailabas ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko."Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gabriel na agad akong nilapitan.Mukhang naalarma pa ito nang matagpuan niya akong nakasalampak lang sa malamig na sahig ng banyo, malapit sa toilet bowl."Nasusuka lang," nanghihinang tugon ko.Inalalayan niya ako patayo patungo sa lababo. Binuksan niya ang gripo at binasa ang mukha ko para mahimasmasan ako."Let's go and see the doctor. Baka kung ano na 'yan," he insisted but I just weakly shook my head."I'm fine. Wala lang 'to.""Please, mahal? Mas mapapanatag ako kung magpapacheck up ka na ngayon. Ilang araw ka ng ganyan. We need to make sure and be extra
Last Updated: 2020-08-13
Chapter: Chapter 42 - White TulipsTime flies so fast and before I know it, my wedding day finally arrived. Hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na 'to. Simpleng civil wedding lang ang napagpasyahan naming idaos ni Gabriel. Hindi na ako naghahangad ng magarbong kasal, ang gusto ko lang ay mabasbasan ang pagsasama naming dalawa."Ang ganda mo, Kels." komento ni Danika nang matapos siyang ayusan ako.Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa salamin. Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si mommy. Lumapit siya sa akin, tears were already running down on her face while admiring me in my white v-neck, knee length dress."You're so beautiful, my baby. Ikakasal ka na talaga," she cried.I quickly raise my hands to wipe away her tears. "Mommy, wala namang iyakan. Mahahawa ako, eh." I said jokingly. Nakita ko siyang tumango-tango pero patuloy pa rin siya sa pagluha."Thank you, mommy. For everything." I mumbled as I pulled her into a war
Last Updated: 2020-08-13
Chapter: Chapter 41 - HydrangeaGabrielNatagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa tahimik na sala ng bahay namin. Nasa harapan ko si mommy at kapwa kami walang imik. Naririnig ko ang bawat malalalim na buntong-hininga niya habang nakatitig lamang siya sa kawalan.Kahit anong mangyari, baligtarin man ang mundo, hindi nito maaalis ang katotohanan na nanay ko pa rin siya. Ibigay man niya sa akin ang blessings niya o hindi, gusto ko pa ring ipaalam sa kanya ang plano kong pakasalan si Kelly."You really love her," 'yon lamang ang tanging nasambit niya. Unti-unting tumitig siya sa akin. Nababakas ko ang kalungkutan sa mga mata niya.Muli kaming binalot ng nakakailang na katahimikan. Napayuko na lamang ako at naikuyom ang kamao ko na nakapatong sa hita ko, para pigilan ang sarili ko na maging emosyonal.My mom was my hero, silang dalawa ni dad. Sobra ko silang tinitingala at nirerespeto. Mahal na mahal ko silang dalawa. Kahit sa panaginip, hindi ko a
Last Updated: 2020-08-13
Chapter: Chapter 40 - Bluebell"Nasaan na ba si Gab? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," iritable kong tanong kay Danika habang inaayusan niya ako."Baka busy lang," sagot niya.Alas-singko na ng hapon pero ni anino ni Gab, hindi ko pa nasisilayan. Wala talaga siyang paramdam sa akin ngayong araw. Nakakapagtaka. Hindi niya ako dinalaw, samantalang halos araw-araw na nga siyang tambay dito sa bahay. Kulang na lang, dito na siya tumira.Hindi man lang siya magtext o tumawag para alam ko kung ano bang nangyayari sa kanya."Smile ka naman diyan, Kels." utos pa ni Danika.Paano naman ako ngingiti kung badtrip na badtrip ako? Humanda ka talaga sa akin, Gab!Hindi ko alam kung ano bang okasyon ngayon. Kung bakit kailangan pang bihis na bihis ako. They forced me to wear a stunning chiffon and knee length light blue dress that my mom bought yesterday. Suot-suot ko rin ang isang brown na wig na hanggang balikat ko ang haba. Nakakamiss tuloy ang totoong buhok ko
Last Updated: 2020-08-13