Relapse.
Isang salita lamang 'yon pero ang katumbas niya ay ang muling pagkawasak ng mundo ko. Parang isang replay lang ang nangyayari sa buhay ko.
Kaharap ko na naman ang papa ni Brix. Nababasa ko ang lungkot sa mga mata niya nang sabihin niya sa akin ang isang masamang balita. Bumalik ang sakit ko.
Nahigit ni mommy ang paghinga niya, kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi niya. Umiiyak na naman siya. Magang-maga na ang mga mata niya kakaiyak simula pa kahapon.
Si kuya naman, gaya ng dati pilit na nagpapakatatag. Nilalabanan niya ang pagtulo ng luha niya sa pamamagitan ng pagtingala sa puting kisame.
Nang mga sandaling iyon, hindi ako umiyak. Parang naubos na nga ata ang luha sa mga mata ko. Wala na rin akong maramdaman. Bugbog na bugbog na ata ako sa sakit kaya namanhid na ata ako.
"Mamamatay na ba ako?"
Iyon ang unang tanong na lumabas nang ibuka ko ang bibig ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni mommy habang
Dinala ako ni Brix sa isang napakalawak na open field. Hindi ko alam kung saan ang lugar na 'to pero nakasisiguro ako na wala kami sa Sunny Ville. Mahigit 30 minutes din siyang nag-drive papunta rito."Nasaan tayo?" tanong ko.Tumingin lang sa akin si Brix at ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko saka hinila ako para maglakad patungo sa gitnang bahagi ng field.Tanging ang buwan sa kalangitan at ang malamlam na ilaw na nanggagaling sa light post ang siyang nagbibigay sa amin ng liwanag."Ayos lang bang madumihan ka? Wala akong dalang pansapin?"Tumango ako bilang sagot bago sumalampak sa damuhan. Natatawa pa siyang umupo na rin sa tabi ko. Tahimik lang kaming dalawa habang nakatingala sa langit. Napakaliwanag ng buwan. Marami ring maningning na stars ngayon.Brix was right. Maganda nga talagang mag-star gazing dito.Umihip ang malamig na hangin. Nakita kong hinubad ni Brix ang suot niyang grey na jacket at ipinasuot niya sa
"Anak kaya mo pa ba? Dalhin ka na kaya namin sa ospital?""N-No, mom. Kaya ko," pagmamatigas ko.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagsuka ngayong umaga. Halos wala na rin akong gana pa kumain. May nireseta sa akin na gamot ang papa ni Brix, pero mukhang wala namang epekto ang mga ito. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan ko pero ayaw kong ipahalata sa kanila.Natatakot akong magpadala sa ospital. Baka sa oras na magpunta ako doon, hindi na ako makalabas pang muli."Huwag na kaya tayong magpunta ng reunion, dito na lang tayo sa bahay niyo, Kels. Tapos mag-movie marathon tayo," Danika insisted.Napansin ko ang pamumula ng mga mata niya. Alam kong nagpipigil lang siya umiyak.Simula nang malaman niya ang kondisyon ko, madalas na siyang magpunta dito sa bahay. Minsan pa nga dito na siya nag-oovernight kapag wala siyang pasok sa trabaho kinabukasan."Ano ka ba? Sayang naman 'yong dress na nabili k
Sa isang sikat na five star hotel idinaos ang reunion party. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko nang makapasok kami sa magarang lobby ng hotel.Para akong nasa renaissance period dahil sa medieval na desenyo ng wallpaper. May mahabang medieval stairway din kung saan ang ibang guest ay naroon at nagkukwentuhan.A castle style wrought iron chandelier was hanging on the ceiling, medyo dim lang ang ilaw nito. May mga poseur table din sa paligid to accomodate us.Biglang nanlamig ang mga kamay ko nang mapansin kong nagtitinginan na sa amin ang mga tao. I recognized them as my schoolmates, some of them are my classmates. And I guess, naaalala rin nila ako.Pinilit kong huwag magpaapekto nang marinig ko na ang mga bulong-bulungan nila. I got a little anxious but then I felt Brix and Danika hold my hands trying to put me at ease."We're here. You have nothing to worry about," seryosong bul
GabrielLumabas muna ako saglit sa may pool area ng hotel para magpahangin. Pakiramdam ko kasi, masu-suffocate lang ako kapag nanatili ako sa loob.Kung alam ko lang na pupunta sina Brix at Kelly, hindi ko na sana sinamahan pa si Stella.Alam ko, wala akong karapatan magselos habang nakikita ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't-isa. Hindi ko na dapat 'to maramdaman pero para akong tinatraydor ng puso ko. Hindi ko kayang makita siyang masaya na sa iba, habang ako durog na durog na naman.Tangina.Mabilis kong nilagok ang laman ng bote ng beer na hawak ko. Gusto kong magpakalango sa alak at lunurin 'tong selos na nararamdaman ko, pero biglang dumating si Stella at inagaw ang beer na iniinom ko."Bakit ka umiinom? Magda-drive ka pauwi 'di ba?" nag-aalalang tanong nito.Hindi ko na lang siya inimikan. Inagaw ko ulit ang bote mula sa kanya pero inilayo niya ito sa a
Gabriel"S-She's sick?" Nag-aalangan kong tanong kay Brix at nang tumango siya, parang gusto kong hilingin na bawiin na lang niya ang mga sinabi niya. Na sana isang malaking biro lang ang lahat."Kelly was diagnosed with leukemia noong third year college tayo."Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko inaasahan ang katotohanang tuluyan na nilang nilahad.Napatingin ako sa E.R kung saan kasalukuyang tinitignan pa ng doctor si Kelly. Parang tinatambol ang puso ko dahil sa labis na kaba at takot lalo na nang dumako ang tingin ko kay Danika. Nakaupo ito sa pahabang upuan sa tapat lang ng E.R. Nakayakap si Jules sa kanya habang sinusubukan itong patahanin. Kanina pa ito hindi tumitigil sa pag-iyak. Maging si Jules ay labis na rin ang pagkabalisa."Wala namang mangyayaring masama kay Kelly 'di ba?"Malalim na napabuntong-hininga si Brix bago siya tumango ngunit hindi ako kumbinsido. Hindi mapanatag ang kalo
"Gab? Man! What happened to you? You looked like a mess!"Gulat na gulat si Thao nang pagbuksan niya ako ng pinto sa condo unit niya. Aligaga siyang pinapasok ako sa loob at inalalayan na makaupo sa sala. Hating-gabi na, mukhang naistorbo ko ang pagtulog niya.Hindi ko na rin alam kung paano ako nakarating dito. Tulirong-tuliro ang utak ko. Ang alam ko lang, gusto ko munang lumayo. Ayoko munang umuwi sa amin dahil baka may magawa akong isang bagay na pagsisisihan ko sa huli.Galit na galit ako kay mommy sa mga sandaling ito. Ayokong lamunin ako ng galit na 'yon. Alam kong walang perpektong magulang, pero hindi ko kayang palampasin ang ginawa niya.Napakabuting tao ni Kelly. Paano niya nagawa sa kanya ang bagay na 'yon? Paano niya nagawa sa amin 'to? Paano niya nagawang saktan ang babaeng pinakamamahal ko?Muling bumuhos ang luha sa mga mata ko. Maisip ko pa lang ang mga paghihirap ni Kelly habang wala ako sa tabi niya, parang pi
Pagod na pagod ako, mentally at emotionally. Nang makabalik ako sa condo ni Thao, tuluyan na akong nilamon ng pagod ko at hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa sofa.Nang magmulat ako, agad akong napatingin sa wall clock. Mag-aalas singko na pala ng hapon. Hindi pa rin ako nakakapagbihis ng damit. Suot ko pa rin 'yung suot kong damit kagabi.I decided to take a quick shower. Plano kong puntahan sa ospital si Kelly para malaman kung ano na ang kalagayan niya. Nang matapos akong maligo at makapagbihis, kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa center table."Aalis ka?" tanong ni Thao na kadarating lang.Nag-grocery ata siya dahil may bitbit siyang dalawang plastic bag."Pupuntahan ko muna si Kelly," tipid na sagot ko. He just gave me a nod.Nang tignan ko ang cellphone ko, kinabahan ako nang makita kong maraming text at miss calls galing kay Brix. Agad kong binuksan ang message niya. Halos malaglag ang puso ko sa sahig nang
KellyNakaupo ako sa malambot na kama ng ospital habang pinagmamasdan si Gabriel. Tahimik siyang nakaupo sa isang wooden chair sa gilid ng kama ko at nagco-concentrate sa librong binabasa niya. Ang isang kamay niya naman ay hawak-hawak ang kamay ko.Maihahantulad ko sa isang napakagandang panaginip ang nangyayari sa akin ngayon. Kasama ko ang lalaking mahal ko habang hinihigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Ayoko na itong pakawalan pa. Natatakot ako na kapag bumitaw ako sa kanya, baka bigla siyang maglaho na parang bula at magising na ako mula sa magandang panaginip na ito.Kung sa panaginip ko na lamang siya muling makakasama, parang gusto ko na lamang manatili sa pantasya kong ito at huwag nang gumising pa. Ayoko nang mawalay pang muli sa kanya."May dumi ba ako sa mukha? Kanina ka pa nakatitig diyan," a familiar gentle voice pulled me out from my daze.I had to blink twice just to make sure that he's r