Nakaupo ako sa telang sumasapin sa damuhan habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi sa mukha ko. Sobrang presko niya sa pakiramdam. Iba talaga kapag malayo ka sa polusyon.
Napakaganda ring pagmasdan ng malawak at berdeng damuhan na pinapalibutan ng mga malalaking canopy tress, na tila nagsasayaw ang mga sanga sa tuwing umiihip ang hangin. Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito. Buti na lang at napanatili nila ang kalinisan dito sa Sunken Garden ng Sunny Ville.
Sa tagal ng panahon, ngayon na lang ulit ako nakapunta dito. Naalala ko dito kami nagpipicnic noong buhay pa si daddy. Dito rin daw ako natutong maglakad ng tuwid sabi ni mommy.
Nang mamatay si daddy, doon naman ako umiyak nang umiyak, sa ilalim ng slide ng lumang playground sa tapat nitong Sunken Garden. At dito rin ako nagpupunta noong mga panahong nagagalit ako sa mundo at gusto ko ng sukuan ang sarili ko.
This place will always have a special place in my heart. Napa
Nagising si Kelly dahil sa samu't saring ingay na naririnig niya sa paligid. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Natagpuan niya ang sarili na nakahiga sa puting kama, na may nakatabing na kulay grey na kurtina sa magkabilang gilid nito.Bumangon siya at hinawi ang kurtina. Napagtanto niya na nasa ospital pala siya. Napatingin siya sa kanang kamay niya na may nakalagay na swero. Labis ang pagtataka niya.How did I end up here? Sinong nagdala sa akin dito?As if on cue, bumulaga sa paanan ng kama si Gabriel a siyang ikinagulat ni Kelly."W-What happened?" may pag-aalangang tanong niya."You fainted," napakatipid na sagot ni Gabriel.Blangko ang mukha nito na hindi man lang siya magawang tapunan ng tingin. Of course, Kelly! He hates you. Ito ba ang naghatid sa kanya?"Sina Janice?" tanong ng dalaga."Bumalik sa Sunken Garden. Walang naiwan kay Charlotte doon kaya binilin ko na lang muna sa kanya ang
"Kapag namatay ka at muli kang mabubuhay bilang isang bagay, anong gusto mong maging?"Nagmulat ng mga mata si Gabriel para titigan ang mukha ko. Nakahiga siya sa damuhan at ginawa niyang unan ang mga hita ko, habang masuyo kong hinahaplos ang buhok niya. Nasa Sunken Garden kami at hinihintay ang paglubog ng araw."Bakit naman naitanong mo 'yan?" tanong niya kasabay ng pagsilay ng isang matamis na ngiti sa labi niya.Inabot niya ang kamay ko at pinatakan ng halik 'yon na hindi inaalis ang pagkakatitig niya sa mukha ko."Sagutin mo na ang tanong ko, sige na," pangungulit ko.Saglit siyang tumahimik para mag-isip. Ilang segundo pa ay biglang sumeryoso ang mukha niya. "Maging hangin na lang siguro.""Bakit?""Para lagi mo akong kailanganin, 'yung ikamamatay mo kapag nawala ako. Boom!" sagot niya saka tumawa ng pagkalakas-lakas.Gusto ko siyan
"Oh my God! What happened to my son?" tanong ng ginang kay Thao nang maihiga nito ang anak sa kama nito.Hindi naman magawang sumagot ni Thao dahil natatakot siya sa ginang. Napayuko na lamang siya dahil hindi niya gusto ang tingin na binibigay sa kanya ng mama ni Gab. Sobrang intimidating. Parang mangangain ng buhay."Bakit ba magkasama na naman kayo? Kung mag-iinom kayo, pwede bang huwag niyo na idamay si Gabriel. Huwag niyo siyang igaya sa inyo na parang walang direksyon ang buhay," naiinis na litanya pa ni Stella.Gabriel's mom invited her for dinner. Kanina pa nila hinihintay si Gabriel na umuwi, pero pasado alas-otso na, hindi pa rin ito dumarating. Ang alam niya lang ay sinamahan nito ang pamangkin."You can go now, kami na ang bahala sa kanya," maotoridad na utos ni Stell
Tatlong araw na akong hindi nakapagturo dahil nagkasakit ako. Papasok na dapat ako ngayon kaso pinagalitan ako ni mommy. She wants me to rest for 1 week!!Magpahinga na lang daw muna ako dahil kagagaling ko lang, baka daw mabinat ako. Kahit sa flower shop, pinagbawalan niya rin akong pumunta. Dito lang law ako sa bahay, bantay sarado ni kuya.Wala naman akong magawa kundi sumunod na lang sa mga bilin niya. Ayoko na rin kasing dagdagan pa ang alalahanin niya, kahit ang totoo niyan, miss na miss ko na ang mga batang tinuturuan ko. Lalo na si Charlotte.Si Janice naman, binisita ako noong isang araw para kamustahin ang lagay ko at i-update na rin ako. Sabi niya, lagi raw akong hinahanap ni Charlotte. Tinatanong nito kung kamusta na raw ba ako at kung kailan ako babalik. Namimiss na raw ako ng bata. Ang sweet talaga.Naiini
Nasa mall ako para maghanap ng regalo. Naimbitahan kasi ako sa birthday party ni Charlotte sa darating na Sabado. Habang busy ako sa paglilibot sa loob ng isang department store, naramdaman kong nag-vibrate ang phone sa pouch bag ko. I fished out my phone and answer the call without even looking at the screen."Kels, where are you?" It was Danika."Nasa mall ako, bakit?""Gumagala ka? Hindi ka man lang nagyaya?""Saglit lang naman ako dito. And hello, may pasok ka kaya," I replied."What are you doing there?" Nakakarinig ako ng ibang ingay mula sa kabilang linya. Lunch break siguro niya."I'm going to buy gift for Charlotte. Sa makawala na pala ang birthday niya. Muntik ng mawala sa isip ko," I explained.Naglakad-lakad ako patungo sa toys section ng isang department store habang nakikipag-usap pa rin kay Danika.I heard Danika sighed on the other line. "Don't tell me, pupunta ka pa
Saturday came. Umaga palang hindi na ako magkandaugaga sa gagawin. Medyo maluwag kasi sa bandang dibdib ang nahiram kong Snow White na costume. Kapag yumuyuko ako, makikita ang kaluluwa ko kaya kailangan ko pang i-adjust ng kaunti.Nang umokay na, nagsuot na lang din ako ng sleeveless at short sa ilalim para kung sakaling magkaron ng wardrobe malfunction, hindi ako makikitaan."Kelly, tapos ka na ba magbihis? Halika na rito, aayusan na kita," sigaw ni Danika mula sa sala.Nagmadali na akong lumabas dahil 1 p.m ang start ng party. 1:45 na.Pagbaba ko, nakapamewang na sa akin si Danika. Hinila na agad niya ako para maupo."Light make-up lang, ha?" bilin ko."Opo, mahal na prinsesa," biro niya na lang.Ilang minuto rin ang tinagal ng pag-aayos niya sa akin. Mabuti na lang short hair lang si Snow White, hindi ko na kailangan magsuot ng wig.After our make-up session, Danika lend me a mirror. Light nga ang make-up ko p
I feel like the world around me suddenly froze. My heart was beating fast and loud. I don't know if it's because of the anxiety or something else. But one thing I know is for sure — I just want to go home.Kaya naman pala sumama ang timpla ng mukha ni Janice. She's still mad at Gab.Madali lang sa akin na harapin si Gabriel. Walang kaso sa akin 'yon. I can just ignore him the whole day. Pero ibang usapan na kung si Stella. Hindi ako kumportable sa mga tingin niya.They were sitting on a 3 seater swing sa left side ng garden. Rapunzel at Flynn Rider ang costume nila. Nice. Couple goals.Hindi ko sila napansin kanina dahil nakafocus ako sa mga bata. Ngayong aware na ako sa presence nila, pakiramdam ko may makapal na lubid na nakagapos sa akin. I can't breath. I can't move."Hey! It's you!"Napapitlag ako nang bigla akong hampasin ni Janice sa ba
Walang imikan sina Stella at Gabriel mula sa biyahe hanggang maihatid siya nito sa bahay nila. Hindi man ito magsalita, nababasa ng dalaga ang galit at labis na pagkadismaya sa mukha ng kasintahan."Pumasok ka na sa loob," utos ni Gabriel.Nakatitig lamang ito sa gate ng bahay nila Stella. Malamig ang boses nito. Bumabalot sa buong kalamnan ng dalaga ang lamig nito."Hon, please don't get mad. Hindi naman ako ang nanguna, eh! It was Kelly! Sinampal niya ako, pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko!" paliwanag ng dalaga.Sinubukan niyang kunin ang kamay ni Gabriel pero isinuksok ng binata sa magkabilang bulsa ng pantalon niya ang mga kamay.Nakaramdam si Stella ng kirot sa puso niya."Let's talk tomorrow," sambit pa ng boyfriend niya. Ni hindi man lang siya nito tinitignan."No! Ngayon natin 'to pag-usapan!" pikit-matang sigaw niya at nang magmulat siya, bumungad sa kanya ang blankong mukha ni Gabriel. Wala na siyang mab
GabrielNapakabilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko, ano mang oras ay lulundag na palabas ang puso ko. Ilang malalalim na buntong hininga na rin ang napakawalan ko. Halos mahilo na ang mga kasama ko sa loob ng simbahan dahil kanina pa ako palakad-lakad."Kalma lang pare, para ka namang natatae," sita sa akin ni Jules. Tinapik niya ang balikat ko bilang pagpapakalma sa akin."Ready na ba ang lahat?" tanong ko."Handang-handa na!" sabay-sabay namang tugon ng mga ka-banda ni Aiyah. Tinaas pa nila ang dalawang kamay nila sa ere.Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil walang pag-aalinlangang pumayag sila sa pabor ko. Sila ang tutugtog sa church wedding namin ni Kelly. Ang kaibahan nga lang, ako ang bokalista nila ngayon."Parating na siya," nakangiting bati naman ni Danika sa akin. Hindi ko na napansin ang pagdating niya.
Isang buwan na mula nang bumalik ako sa ospital. Kailangan kong manatili rito hanggang sa manganak ako. Gaya ng sabi ng doctor ko, hindi biro ang pagbubuntis ko. It's too risky so I need to cooperate with them. Dalawang doctor ang nangangalaga sa akin. Minomonitor nila araw-araw ang kalagayan ko, walang mintis. Idagdag mo pa si Brix na laging puyat kahit hindi niya duty. Binabantayan rin niya ako.Hindi naman ako nalulungkot dito sa ospital dahil madalas nakatambay sa kwarto ko ang mga kaibigan ko. Gaya ngayon, malapit nang gumabi pero nandito pa rin sila."Tignan mo sila, parang mga bata." Natatawang bulong ni Gab sa tabi ko. Nakaupo kaming dalawa sa malaking kama at nakasandal ang mga likod sa headboard.Gamit-gamit ko ang pinakamalaking VIP room dito sa ospital nila Brix. There's a 75 inches tv on the wall kaya nakasalampak sa sahig sina Jules, Brix, Thao at ang mga kabanda ni Aiyah. Tutok ang mga mata nila
Nagising ako na sobrang sama at bigat ng pakiramdam. May nalalasahan rin akong mapait sa bibig ko kaya dali-dali akong bumangon at tumakbo papunta sa c.r ng kwarto namin. Gaya ng mga nagdaang araw, panay lang ang pagsuka ko sa tuwing umaga. Wala pa akong kinakain pero parang halos nailabas ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko."Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gabriel na agad akong nilapitan.Mukhang naalarma pa ito nang matagpuan niya akong nakasalampak lang sa malamig na sahig ng banyo, malapit sa toilet bowl."Nasusuka lang," nanghihinang tugon ko.Inalalayan niya ako patayo patungo sa lababo. Binuksan niya ang gripo at binasa ang mukha ko para mahimasmasan ako."Let's go and see the doctor. Baka kung ano na 'yan," he insisted but I just weakly shook my head."I'm fine. Wala lang 'to.""Please, mahal? Mas mapapanatag ako kung magpapacheck up ka na ngayon. Ilang araw ka ng ganyan. We need to make sure and be extra
Time flies so fast and before I know it, my wedding day finally arrived. Hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na 'to. Simpleng civil wedding lang ang napagpasyahan naming idaos ni Gabriel. Hindi na ako naghahangad ng magarbong kasal, ang gusto ko lang ay mabasbasan ang pagsasama naming dalawa."Ang ganda mo, Kels." komento ni Danika nang matapos siyang ayusan ako.Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa salamin. Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si mommy. Lumapit siya sa akin, tears were already running down on her face while admiring me in my white v-neck, knee length dress."You're so beautiful, my baby. Ikakasal ka na talaga," she cried.I quickly raise my hands to wipe away her tears. "Mommy, wala namang iyakan. Mahahawa ako, eh." I said jokingly. Nakita ko siyang tumango-tango pero patuloy pa rin siya sa pagluha."Thank you, mommy. For everything." I mumbled as I pulled her into a war
GabrielNatagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa tahimik na sala ng bahay namin. Nasa harapan ko si mommy at kapwa kami walang imik. Naririnig ko ang bawat malalalim na buntong-hininga niya habang nakatitig lamang siya sa kawalan.Kahit anong mangyari, baligtarin man ang mundo, hindi nito maaalis ang katotohanan na nanay ko pa rin siya. Ibigay man niya sa akin ang blessings niya o hindi, gusto ko pa ring ipaalam sa kanya ang plano kong pakasalan si Kelly."You really love her," 'yon lamang ang tanging nasambit niya. Unti-unting tumitig siya sa akin. Nababakas ko ang kalungkutan sa mga mata niya.Muli kaming binalot ng nakakailang na katahimikan. Napayuko na lamang ako at naikuyom ang kamao ko na nakapatong sa hita ko, para pigilan ang sarili ko na maging emosyonal.My mom was my hero, silang dalawa ni dad. Sobra ko silang tinitingala at nirerespeto. Mahal na mahal ko silang dalawa. Kahit sa panaginip, hindi ko a
"Nasaan na ba si Gab? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," iritable kong tanong kay Danika habang inaayusan niya ako."Baka busy lang," sagot niya.Alas-singko na ng hapon pero ni anino ni Gab, hindi ko pa nasisilayan. Wala talaga siyang paramdam sa akin ngayong araw. Nakakapagtaka. Hindi niya ako dinalaw, samantalang halos araw-araw na nga siyang tambay dito sa bahay. Kulang na lang, dito na siya tumira.Hindi man lang siya magtext o tumawag para alam ko kung ano bang nangyayari sa kanya."Smile ka naman diyan, Kels." utos pa ni Danika.Paano naman ako ngingiti kung badtrip na badtrip ako? Humanda ka talaga sa akin, Gab!Hindi ko alam kung ano bang okasyon ngayon. Kung bakit kailangan pang bihis na bihis ako. They forced me to wear a stunning chiffon and knee length light blue dress that my mom bought yesterday. Suot-suot ko rin ang isang brown na wig na hanggang balikat ko ang haba. Nakakamiss tuloy ang totoong buhok ko
"Ang pangit-pangit ko na!" Paulit-ulit kong iyak nang matapos si kuya sa pagshe-shave ng natitira ko pang buhok. Kinalbo na niya ako ng tuluyan para malinis tignan ang ulo ko. Wala ng natitira pa kahit isang hibla. Wala na ang maganda at itim na itim kong buhok."Don't say that. Ang ganda-ganda mo pa rin kaya," pang-aalo niya sa akin.But I could only cry harder. I don't even have the courage to look at myself in the mirror, so I just hung my head low.Ang laki-laki na ng pinagbago ng itsura ko. Hindi ko na nga makilala pa ang sarili ko. Pakiramdam ko ibang tao ang nasa harap ko sa tuwing tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na mahanap pa ang dating Kelly. Ang Kelly na punong-puno ng sigla at sobrang positive sa buhay. Kasabay ng paglalagas ng buhok ko ay paglalagas din ng natitirang pag-asa ko."Tara na, naghihintay na ang boyfriend mo sa labas." Nakangiting sambit ni kuya habang isinusuot muli sa akin ang brown kong bonet
KellyIlang araw ng balisa si Gab. Kahit hindi niya aminin, basa ko naman sa mga mata niya ang kalungkutan. Nakangiti man siya, alam kong apektado siya sa nangyari kay Stella."Don't blame yourself, okay? It's not your fault," pagpapanatag ko sa kalooban niya.Tumigil si Gab sa pagbabalat ng mansanas at ngumiti sa akin. "Ayos lang ako, mahal."Inabot ko ang kamay niya at pinisil 'yon. "I'm done lying so please, be honest to me as well. I know you're not okay, Gab. Come on, girlfriend mo ko. Sabihin mo sa akin kung anong nagpapabigat ng kalooban mo, hmm?"Nawala ang ngiti niya sa labi at napayuko ito. Hindi siya makatingin sa akin, tila nahihiya. "I'm sorry. Ang dami mo ng iniisip, ayoko nang dagdagan pa. Pinipilit kong ipakita sa inyo na ayos lang ako, pero ang totoo sobrang nagi-guilty ako. Paano na lang kung may masamang nangyari kay Stella? Hindi ko siguro mapapatawad ang
"Anong gusto mong pasalubong? Paalis na ako sa condo," tanong ko kay Kelly sa kabilang linya."Kahit ano na lang. Baka hindi ko rin naman makain 'yan," matamlay na sagot niya.Umuwi muna ako kaninang umaga sa condo ni Thao para kumuha ng ilang damit. I'm planning to stay overnight again at the hospital. Mag-aalas dose na ng tanghali, sabi ng kuya ni Kelly, hindi pa raw ito kumakain ng tanghalian dahil wala itong gana."Balik ka na," paglalambing nito. Napangiti na lamang ako. Her sweet voice is like music to my ears."Opo, pabalik na ko. Bibilisan ko na magmaneho," I chuckled."Huwag! Baliw ka. Binibiro lang naman kita. Take your time.""Yes, mahal. Wait for me. I'll be there in a heartbeat. I love you.""Okay. Take care. I love you too," she giggled making my heart flutters.As soon as our call ended, I hurriedly got inside my car. But to my surprise, Thao was already riding on