Home / Romance / Behind The Lies / Chapter 6 - Carnation

Share

Chapter 6 - Carnation

Author: Nekohime
last update Last Updated: 2020-08-02 22:14:12

Wake up! Antukin na kuting!" Hinila ako ni kuya paupo pero humiga lang ulit ako sa malambot kong kama at muling pumikit.

"Hmm...Maya na kuya," I mumbled into the pillow. Pero ang kapatid ko kung makayugyog sa akin parang wala nang bukas.

"Bangon na, ngayon ang start ng summer class sa simbahan. Huwag mong paghintayin ang mga estudyante mo," daldal pa ni kuya.

"5 minutes pa." I whined. Itinaas ko ang kumot ko para itakip sa buong katawan ko.

"Ayaw mo gumising, ha!"

Biglang inagaw ni kuya ang kumot ko. Nasilaw ako sa liwanag na tumama sa mata ko dahil bukas na bukas pala ang bintana sa kwarto ko, pumapasok ang sikat ng araw.

"Kuyaaaa!" malakas kong tili nang sumampa siya sa kama at kiniliti ako.

"Hahahahaha...Tama na!....O-Oo na...Babangon na!" paulit-ulit kong sigaw pero kiniliti pa rin ako nang kiniliti ng kapatid ko. "Tama na...kuya...Hahaha...H-hindi na ko...makahinga..." mahinang pakiusap ko.

Doon lang tumigil si kuya sa pagkiliti sa akin. Nakatitig lang si kuya Mike sa akin habang hinahabol ko ang paghinga ko. Daig ko pa ang tumakbo ng milya-milya dahil hingal na hingal ako. Pakiramdam ko pulang-pula na rin ang mukha ko dahil sa saglit na kakapusan ng hangin sa baga ko.

"S-Sorry, Kelly! Okay ka lang?" natatarantang tanong ni kuya. Nag-thumbs up na lang ako bilang sagot dahil nahihirapan akong magsalita.

Nagulat na lang ako nang bigla akong buhatin ni kuya pababa at dinala sa kusina. Dahan-dahan niya akong iniupo sa ibabaw ng lamesa at kumuha ng isang basong tubig. Inabot niya 'yon sa akin at agad ko itong ininom.

"Anong nangyayari?" tanong ni mommy nang makita ako pagpasok niya sa kusina.

Gulo-gulo ang buhok ko kaya agad niya akong nilapitan para suklayin gamit ang kamay niya ang maikli kong buhok.

"Si kuya, kiniliti ako nang kiniliti. Muntik na kong malagutan ng hininga mommy," pagsusumbong ko na parang bata.

Pinanlakihan naman ni mommy ng mata si kuya. Pinigilan kong matawa ng malakas nang hampasin ni mommy si kuya Mike sa braso.

"Sorry na, m-mommy! Aray! Hindi na mauulit," daing ni kuya.

Hinubad ni mommy 'yong suot niyang slipper para ihampas kay kuya, pero nakailag ito.

"Talagang hindi na dapat maulit! Paano kung may nangyaring masama sa kapatid mo, ha?! Ikaw talaga Mikael, tanda mo na kung umasta ka minsan daig mo pa ang bata," sermon pa ni mommy.

Kuya Mike just hung his head low. Na-guilty tuloy ako. Bumaba ako sa lamesa at yumakap sa likuran ni mommy.

"Huwag mo nang pagalitan si kuya, mommy. It's not his fault, saka ayos na ako. Nag-inarte lang ako kanina," pagtatanggol ko kay kuya.

Hinarap ako ni mommy sa kanya, masuyong hinaplos niya ang pisngi ko. "Iniingatan lang kita, anak. Alam mo naman 'yon di ba?"

"Mom, stop treating me like a child. Malaki na ko," I pouted.

"Sa paningin ko, baby ka pa rin. So please, let mommy take care of you."

Tumango-tango na lang ako. Hindi na lang ako nakipagtalo kahit minsan ayokong tinatrato niya ko na parang bata.

"I love you po," I whispered.

Tumingin ako kay kuya at sinenyasahan siyang lumapit sa amin ni mommy for a group hug. "I love you din, kuya. Sorry kung pasaway ako minsan."

Naramdaman kong ginulo-gulo niya ang buhok ko. Napabuntong-hininga pa siya ng malalim. "Aga niyo magdrama. Mga babae talaga," ungot niya.

Binatukan tuloy siya ni mommy.

***

Wearing my skinny jeans and yellow chiffon blouse paired with sneakers, I skipped happily at the hallway of St. Mary Parochial School. Isa itong catholic school sa tabi lang din ng simbahan ng St. Mary. Si kuya Mike ang naghatid sa akin dito pero umalis din siya agad para dumiretso sa flower shop.

"Uy, Kelly. Nice to see you again! Buti nag-volunteer ka ulit," nakangiting bati agad sa akin ni Janice nang makita niya ako.

She looked so beautiful in her simple yellow shirt. Monday ngayon kaya color yellow ang dresscode naming mga teacher. Mas lalo tuloy pumuti si Janice sa suot niya. Nakapusod pa ang natural na kulot niyang buhok kaya litaw na litaw ang kagandahan ng maliit niyang mukha.

Isa siya sa mga katekista na nakilala ko habang volunteer ako sa programa na 'to.

"Kamusta ka na?" she asked. Worry lace in her voice.

"I'm good!" I replied enthusiastically.

"Mabuti naman," she patted my back. "Sana mag-enjoy ka ulit sa pagtuturo, ha. If you need help, nandito lang ako."

"Thanks!"

"O paano, una na ako. Mag-start na ang klase. Puntahan mo na rin ang mga students mo. Nasa room 202 sila," wika niya. May inabot pa siyang roster sa akin. 

"Okay! Thank you, Ja!"

"Huwag masyadong pa-stress sa makukulit na students, ha." bilin niya pa. Tumango-tango na lang ako.

Umakyat na ko sa second floor para magtungo sa klase ko. Excited na akong makilala ang mga batang tuturuan ko. Sana hindi sila masyadong pasaway at sana magustuhan nila ako bilang teacher nila.

Nang makarating ako sa room 202, nakahinga ako ng maluwag dahil tahimik lahat ng mga bata.

"Teacher Kelly! Good morning!"

Masiglang bati sa akin ng mga estudyante ko nang pumasok ako sa classroom. Ang iba sa mga bata dito ay naturuan ko na dati pa, kaya kilala na nila ako.

Every summer kasi, nagkakaroon ng summer class dito sa simbahan ng St. Mary. Mga katekista at iba pang volunteer na gaya ko ang kasa-kasama kong magturo sa mga bata. Halos apat na taon ko na rin 'tong ginagawa.

Last year nasa ages 7 to 8 ang mga tinuruan ko. Ngayon naman ay nasa ages 9 to 10 na sila.

"Teacher, ang pretty niyo po!"

Nilingon ko ang batang naka-pig tail na nakaupo sa unahang row sa left side ko. Matamis na nginitian ko siya. "Ikaw ha, nambola ka pa."

"Hindi po. You're really pretty po. I think you are more beautiful than my tito's girlfriend," pagdaldal pa nito. Natawa na lang ako.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap niya. "What's your name?"

"Charlotte po," she smiled. Her smile was contagious kaya mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko.

She's like a little ball of sunshine. Dahil sa kanya nagliliwanag na agad ang araw ko.

Napaka-ganda niyang bata. Mamula-mula ang cheeks niya. Gustong-gusto ko siyang panggigilan pero pinigilan ko ang sarili ko na pisilin ang matambok niyang pisngi. Napatitig na lang ako sa mga bilugang mata niya. Ngayon ko lang siya nakita pero ang familiar ng brown eyes niya. I patted her head softly which earned me a soft giggle from her. Cute.

Tumayo na ako at humarap na ulit sa mga estudyante ko para magpakilala. "Okay class, ako pala si teacher Kelly. Ako ang magiging teacher niyo sa loob ng isang buwan. Let's get along, okay?"

"Yes, teacher!" they all said in chorus.

***

I wanna ride tutubing karayom

Nahulog sa silong

Tinuka ng manok

Naputol ang buntot

Halos sumakit na ang panga ko kakatawa habang pinagmamasdan ang mga estudyante ko na masayang nagkakantahan na may kasamang sayaw pa. Pinag-warm up at exercise ko muna sila para hindi sila antukin habang nagtuturo ko.

Ang matanda

Kahit kuba

Titindig, titindig, titindig upang kumendeng

Mas lalo akong natawa dahil bigay todo ang mga chikiting sa pagkembot-kembot nila. Mabuti na lang game silang lahat. Nakakahawa ang energy nila kaya napasabay na rin ako sa pagkanta at pagsasayaw nila.

Ang matanda

Kahit kuba

Titindig, titindig, titindig upang kumendeng

"Alright! Ang galing-galing niyo naman!" Malakas akong napapalakpak nang matapos kami sa kasiyahan namin.

Isa-isa na ring bumalik sa upuan nila at umayos ng upo ang mga estudyante ko. Hindi matapos-tapos ang mga hagikgikan nila. Napakasarap sa pandinig ng mga tawa nila. Kitang-kita ko rin ang pag-aliwalas ng mga mukha nila. Mukhang gising na gising na talaga silang lahat.

"Start na tayo ng lesson, okay?" magiliw kong saad.

"Yes, teacher Kelly!" punong-puno ng energy na tugon nila. And because of them I feel so energetic today.

***

"Babye po, teacher Kelly! See you tomorrow!"

"Babye!"

Isa-isang nagpaalam kay Kelly ang mga tinuruan niya na kasama na ang mga magulang na sumundo sa kanila. Nasa gate sila ng entrance ng simbahan. Giliw na giliw si Kelly sa pagmamasid sa kanila.

"Mag-iingat kayo, pauwi ha? Makikinig kina mommy at daddy," bilin niya habang kumakaway sa mga estudyante niya.

Nang mapatingin siya sa waiting shed sa may simbahan, laking gulat niya nang mapansing nakaupo lamang doon si Charlotte. Nag-aalala siyang lumapit sa batang yakap-yakap ang barbie na backpack niya.

"Charlotte! Bakit nandito ka pa? Wala ka pang sundo?" tanong niya.

Malungkot na tumango ang bata. "Baka nakalimutan ni mommy."

Napatingin sa relo niya si Kelly, 12:15 na. Kanina pang alas-dose ang uwian nila.

"Meron ka bang number ng mommy mo? May nabilin ba siya sa'yo?"

Umiling-iling ang bata. Napatingin si Kelly sa paligid. Nag-alisan na ang iba, tanging si Charlotte na lamang ang natitira sa mga estudyante niya. Hindi naman niya ito pwedeng iwan. Baka mapahamak pa ito kapag nainip at nagtangkang umuwi mag-isa.

"Ganito na lang. Sasamahan ka muna ni teacher Kelly, habang naghihintay ka ng sundo mo. Okay lang ba?" malambing na tanong niya.

"Really? Babantayan niyo po ako? Like guardian angel?"

"Oo naman! Siyempre hindi ko pwedeng pabayaan ang cute na cute kong estudyante," she smiled sweetly.

Charlotte's face lit up. May pagsway-sway pa ito ng paa niya habang nakaupo. Tila nasisiyahan ito na makasama siya.

Lumipas ang ilang minuto, nakaramdam ng gutom si Charlotte. Nahihiya itong napayuko nang walang tigil na tumunog ang tiyan niya. Hindi na lang pinahalata ni Kelly ang pagtawa niya.

"Tara kain na muna tayo doon?" tinuro ni Kelly ang convenience store sa tapat lang ng simbahan.

"Pero paano po kapag dumating si mommy?" tanong ni Charlotte na nakatitig lang sa kanya. Nakakiling pa ang ulo nito pakanan.

"Ibibilin ko na lang kay manong guard, para kapag may naghanap sa'yo sabihin niya, nandoon lang tayo sa convenience store.

"Okay po!"

Masiglang tumayo si Charlotte at kumapit ng mahigpit sa kamay niya. "I won't let go of your hand teacher, para hindi ako mawala. So don't let go of my hand too, para di ka rin mawala."

"Aye, aye captain!" tugon ni Kelly at sumaludo pa. Charlotte just giggled.

Habang naglalakad na sila palabas ng simbahan, kung anu-ano naman ang dinadaldal ni Charlotte.

"Alam niyo po teacher Kelly, I have a tito po na super handsome."

"Talaga?"

"Opo! When I grow up, I wanna marry him. But mommy said I can't, because tito is too old for me and we are ralatives too. Is that bad po ba?"

Imbes na sagutin ang bata, natawa na lang si Kelly. Grabe pala ang kadaldalan ng batang 'to.

"Bata ka pa, marami ka pang makikilala."

"How about you, teacher Kelly? You have a crush po?" tanong pa nito.

"Crush? Hmm. Sa ngayon, wala na akong crush eh."

"Bakit po?"

"Wala lang akong nagugustuhan ngayon," nakangiting sagot niya.

"Siguro, if you meet my tito. You will have a crush on him. Sobrang gwapo ng tito ko, promise po teacher."

Mahinang kinurot ni Kelly ang pisngi ni Charlotte. Hindi na niya napigilan na panggigilan ito. Mas naging cute pa ito dahil sa hindi matapos-tapos na kadaldalan nito.

Hindi niya alam kung bakit, pero sobrang gaan ng pakiramdam niya sa batang ito.

***

Papalabas na si Gabriel sa garahe ng bahay nila nang bigla na lamang tumunog ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya nang makitang ang paborito niyang pinsan ang tumawag.

"Bakit, ate?" tanong niya agad nang sagutin niya ang tawag.

"Gab! Nasa trabaho ka na ba?" 

"Wala pa naman, paalis palang. May kailangan ka?" tanong niya ulit.

Kapag ganitong tumatawag ang pinsan niya out of the blue, siguradong may hihingin na naman itong pabor.

"Pwede mo bang sunduin muna si Lottie? Wala kasing susundo sa kanya. Sinugod ko kasi sa ospital ngayon si Justin, bigla kasing nilagnat. Uwian na nila Lottie ngayon," natatarantang saad nito.

"Nasaan ba siya? At bakit may klase pa siya? Bakasyon na ng mga bata ah," nagtatakang tanong niya.

"Pinasok ko sa summer class sa St. Mary. Sige na naman Gab, pasundo naman si Lottie. Sama mo na rin muna siya sa office mo, doon ko na lang siya susunduin after ng check up ni Justin."

"Nasaan ba ang asawa mo?"

"Nasa Palawan pa, gawa ng new project ng firm nila. Sige na Gab. Sunduin mo na si Lottie, please? Tutal malapit ka lang din naman sa St. Mary. Wala na kasi talaga akong mapakiusapan."

He heaved a deep sigh. Wala naman din siyang choice. Hindi niya naman pwedeng pabayaan ang pamangkin.

"Oo na. Sunduin ko na si Lottie."

"Thank you, Gab! Pasensya na sa abala. I really owe you, big time!"

"Tss! Sige na. Aalis na ko."

"Thanks talaga, insan! Pwede pakibilhan na rin ng lunch si Lottie? Baka nagugutom na kasi 'yon."

"Don't worry, hindi ko gugutomin anak mo. Sige na, baba ko na."

Pagkatapos mag-usap ni Gab at ng pinsan niya, nagmaneho na agad si Gabriel papunta sa St. Mary. It was a 20 minutes drive from their village. Medyo naabutan siya ng traffic kaya natagalan siyang makarating sa simbahan. Nang mai-park niya ang sasakyan, nagmamadali siyang bumaba.

He glanced at his watch, 12:31 na ng tanghali. Baka naiinip na ang pamangkin sa paghihintay.

Labis ang kaba sa dibdib niya nang wala na siyang maabutang tao sa bawat classroom. Nilibot na din niya ang bawat sulok ng simbahan ngunit hindi niya makita ang pamangkin.

Nagpunta siya sa may guard na nagbabantay sa may gate upang doon na lamang magtanong.

"Sir, excuse me, ho. Umuwi na po ba lahat ng estudyante?" tanong niya sa matandang guard.

"Naku, sir! Kanina pang 12 uwian nila," tugon nito.

Napalinga-linga si Gabriel sa paligid. Nagbabaka-sakaling nagtatago lamang sa kung saan ang pamangkin.

"May napansin po ba kayong bata? Nasa 10 years old na po siya. Ako kasi ang sundo niya, medyo na-late lang po ako ng dating. Ito po, baka namumukhaan niyo."

Kinuha ni Gab ang cellphone at pinakita ang picture ng pamangkin niya sa matandang guard.

"Ah, ayan ba? Nandoon, puntahan mo diyan sa convenience store. Kasama niya ata ang teacher niya, ibinilin sa akin kanina."

"Sige po, manong. Thanks!"

Ibinulsa na ulit ni Gab ang cellphone niya at tumawid sa katapat na convenience store.

Samantalang si Kelly naman ay nakapila sa counter para bayaran ang binili niyang burger para kay Charlotte. Nakahawak lang ang bata sa kamay niya habang nililibot ang tingin sa buong paligid.

"Tito!" biglang bulalas ni Charlotte habang nakatanaw sa labas ng convenience store.

Nagulat na lamang si Kelly nang biglang bumitaw sa pagkakahawak niya ang estudyante niya at tumakbo ito paalis.

"Charlotte, wait!" Tawag niya. Agad niya itong hinabol nang makapagbayad siya.

Paglabas niya ng store, para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang makitang karga-karga si Charlotte ng isang lalaki. Mukhang kilala naman ito ng bata dahil pinapaulanan nito ng halik ang pisngi ng lalaking kumakarga sa kanya.

Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita kung sino ito. Ngunit napaka-formal ng kasuotan ng lalaki, mukhang nagtatrabaho ito sa isang magandang kumpanya.

"Teacher Kelly! I want you to meet my tito!" ligalig na sambit ni Charlotte.

Lalapit na sana si Kelly sa kanila pero natigil siya sa paghakbang nang humarap ang lalaki sa kanya habang karga pa rin si Charlotte.

"K-Kelly?" wala sa loob na bulalas ni Gabriel. Hindi naman iyon nakatakas sa pandinig ni Charlotte.

"You know him tito? Magkakilala na kayo ng teacher ko?" kunot-noong tanong ng bata.

"Hindi! Hindi kami magkakilala," matigas na sambit ni Kelly. Diretso lamang ang tingin niya kay Gabriel.

Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng tapang na tignan ang mukha nito nang hindi siya nanginginig.

Halos matunaw siya sa kinatatayuan nang mapansin ang paglambot ng ekspresyon sa mukha ni Gabriel, habang nakatitig lang din ito sa kanya. Hindi na ito gaya ng una silang magkita, hindi na malamig ang tingin na pinupukol nito sa kanya. May emosyon na siyang nababasa sa mga mata nito. Siguro dahil kasama nila si Charlotte kaya nanatiling malumanay si Gabriel sa harap niya.

Napagmasdan ni Kelly ang pagkislap ng kulay brown na mata ni Gabriel dahil sa sinag ng araw. Hanggang ngayon, ito pa rin ang paboritong pares niya ng mata. Dumako ang tingin niya kay Charlotte. Kaya naman pala napaka-familiar ng kulay ng mata ng estudyante niya. Iisa sila ng kulay ng mata ni Gabriel.

Oh, how she missed those eyes. Ayaw man niyang aminin, Gabriel will always have that effect on her. She missed him, pero kailangan niyang suwayin ang sarili na maramdaman ito. Hindi na dapat.

Lumapit si Kelly kay Charlotte. Nagfocus na lamang siya dito, hindi inda ang presensya ng lalaking dati niyang minahal.

"Paano? Nandiyan na ang sundo mo. Mauna na ko ha," wika niya. Inabot niya kay Charlotte ang binili niyang burger.

"Teacher, lunch po muna tayo nila tito," anyaya nito.

Nakangiti man si Kelly, marahas siyang napailing. "Need na kasi umalis ni teacher eh, may aasikasuhin pa ako sa shop."

"Okay po," the child pouted.

"Babye na. See you tomorrow," paalam niya sa bata. Walang lingon na naglakad siya palayo sa dalawa saka pumara agad ng jeep.

Napabuntong-hininga na lang ng malalim si Gabriel nang tuluyan ng mawala sa paningin niya si Kelly. "Small world, huh?" he mumbled.

"Ano po 'yon, tito?" Charlotte looked at him, confused.

"Nothing. Tara na."

Bakit ba lagi na lang silang pinagtatagpo ng tadhana?

***

A/N: Carnation means, I miss you.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Remedios Bulilan
i love the story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Behind The Lies    Chapter 7 - Purple Lilacs

    "Baka talagang meant to be kayo ni Gab, kaya lagi na lang kayong pinagtatagpo ng tadhana?"Nilingon ako ni Danika na parang hinihingi ang pagsang-ayon ko sa sinabi niya, but I shook my head drastically as my answer.Matagal din kaming hindi nakapag-hang out together kaya nandito siya sa bahay. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga ganap ko sa buhay. As in lahat-lahat. Walang labis, walang kulang."Matagal ng tapos ang chapter namin ni Gab. Huwag mo nang ipilit," I replied.Danika look at me flatly. "Malay mo naman, no!" giit niya.Nag-focus na lang ulit ako sa movie na pinapanuod namin kaysa makinig sa kanya. I Give My First Love To You ang title ng pinapanuod namin. It's Sunday kaya pahinga kaming lahat at movie marathon lang ang inaatupag.Nakaupo kami sa pahabang sofa sa sala habang nakapatong ang mga paa namin ni Danika sa center table. May hawak-hawak din akong isang box ng tiss

    Last Updated : 2020-08-03
  • Behind The Lies    Chapter 8 - Red Rose

    "Are you heading out tonight?"Stella asked with a raised eyebrow. Ka-video call niya ang boyfriend niya.She noticed that he's wearing a plain long sleeves, rolled up to his arms and a khaki chinos. Mukhang bihis na bihis ito."Will head out for a few drinks with Smith and Thao," matipid na sagot ni Gab na tuktok lamang ang mata sa daan habang nagmamaneho."Where? Sasama ako. Sunduin mo ko.""Eclipse. And no, hindi ka pwede sumama.""Bakit hindi pwede? Baka mamaya mambabae 'yang mga kaibigan mo do'n, tapos idamay ka pa,"pagpupumilit ni Stella."Please, Stella? Wala ka bang tiwala sa akin?" tila naiiritang tanong ni Gab.Napakagat na lang sa ibabang bahagi ng labi niya si Stella nang makita ang pagseseryoso ng mukha ng boyfriend. Halos magsalubong na rin ang dalawang kilay nito. Gusto niya sanang pigilan si Gabriel na umalis pero baka pagtalunan lang nila ito.She doesn't want

    Last Updated : 2020-08-03
  • Behind The Lies    Chapter 10 - Petunia

    Nakaupo ako sa telang sumasapin sa damuhan habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi sa mukha ko. Sobrang presko niya sa pakiramdam. Iba talaga kapag malayo ka sa polusyon.Napakaganda ring pagmasdan ng malawak at berdeng damuhan na pinapalibutan ng mga malalaking canopy tress, na tila nagsasayaw ang mga sanga sa tuwing umiihip ang hangin. Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito. Buti na lang at napanatili nila ang kalinisan dito sa Sunken Garden ng Sunny Ville.Sa tagal ng panahon, ngayon na lang ulit ako nakapunta dito. Naalala ko dito kami nagpipicnic noong buhay pa si daddy. Dito rin daw ako natutong maglakad ng tuwid sabi ni mommy.Nang mamatay si daddy, doon naman ako umiyak nang umiyak, sa ilalim ng slide ng lumang playground sa tapat nitong Sunken Garden. At dito rin ako nagpupunta noong mga panahong nagagalit ako sa mundo at gusto ko ng sukuan ang sarili ko.This place will always have a special place in my heart. Napa

    Last Updated : 2020-08-04
  • Behind The Lies    Chapter 11 - Marigold

    Nagising si Kelly dahil sa samu't saring ingay na naririnig niya sa paligid. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Natagpuan niya ang sarili na nakahiga sa puting kama, na may nakatabing na kulay grey na kurtina sa magkabilang gilid nito.Bumangon siya at hinawi ang kurtina. Napagtanto niya na nasa ospital pala siya. Napatingin siya sa kanang kamay niya na may nakalagay na swero. Labis ang pagtataka niya.How did I end up here? Sinong nagdala sa akin dito?As if on cue, bumulaga sa paanan ng kama si Gabriel a siyang ikinagulat ni Kelly."W-What happened?" may pag-aalangang tanong niya."You fainted," napakatipid na sagot ni Gabriel.Blangko ang mukha nito na hindi man lang siya magawang tapunan ng tingin. Of course, Kelly! He hates you. Ito ba ang naghatid sa kanya?"Sina Janice?" tanong ng dalaga."Bumalik sa Sunken Garden. Walang naiwan kay Charlotte doon kaya binilin ko na lang muna sa kanya ang

    Last Updated : 2020-08-04
  • Behind The Lies    Chapter 12 - Sunflower

    "Kapag namatay ka at muli kang mabubuhay bilang isang bagay, anong gusto mong maging?"Nagmulat ng mga mata si Gabriel para titigan ang mukha ko. Nakahiga siya sa damuhan at ginawa niyang unan ang mga hita ko, habang masuyo kong hinahaplos ang buhok niya. Nasa Sunken Garden kami at hinihintay ang paglubog ng araw."Bakit naman naitanong mo 'yan?" tanong niya kasabay ng pagsilay ng isang matamis na ngiti sa labi niya.Inabot niya ang kamay ko at pinatakan ng halik 'yon na hindi inaalis ang pagkakatitig niya sa mukha ko."Sagutin mo na ang tanong ko, sige na," pangungulit ko.Saglit siyang tumahimik para mag-isip. Ilang segundo pa ay biglang sumeryoso ang mukha niya. "Maging hangin na lang siguro.""Bakit?""Para lagi mo akong kailanganin, 'yung ikamamatay mo kapag nawala ako. Boom!" sagot niya saka tumawa ng pagkalakas-lakas.Gusto ko siyan

    Last Updated : 2020-08-04
  • Behind The Lies    Chapter 13 - Yellow Acacia

    "Oh my God! What happened to my son?" tanong ng ginang kay Thao nang maihiga nito ang anak sa kama nito.Hindi naman magawang sumagot ni Thao dahil natatakot siya sa ginang. Napayuko na lamang siya dahil hindi niya gusto ang tingin na binibigay sa kanya ng mama ni Gab. Sobrang intimidating. Parang mangangain ng buhay."Bakit ba magkasama na naman kayo? Kung mag-iinom kayo, pwede bang huwag niyo na idamay si Gabriel. Huwag niyo siyang igaya sa inyo na parang walang direksyon ang buhay," naiinis na litanya pa ni Stella.Gabriel's mom invited her for dinner. Kanina pa nila hinihintay si Gabriel na umuwi, pero pasado alas-otso na, hindi pa rin ito dumarating. Ang alam niya lang ay sinamahan nito ang pamangkin."You can go now, kami na ang bahala sa kanya," maotoridad na utos ni Stell

    Last Updated : 2020-08-04
  • Behind The Lies    Chapter 14 - Ranunculus

    Tatlong araw na akong hindi nakapagturo dahil nagkasakit ako. Papasok na dapat ako ngayon kaso pinagalitan ako ni mommy. She wants me to rest for 1 week!!Magpahinga na lang daw muna ako dahil kagagaling ko lang, baka daw mabinat ako. Kahit sa flower shop, pinagbawalan niya rin akong pumunta. Dito lang law ako sa bahay, bantay sarado ni kuya.Wala naman akong magawa kundi sumunod na lang sa mga bilin niya. Ayoko na rin kasing dagdagan pa ang alalahanin niya, kahit ang totoo niyan, miss na miss ko na ang mga batang tinuturuan ko. Lalo na si Charlotte.Si Janice naman, binisita ako noong isang araw para kamustahin ang lagay ko at i-update na rin ako. Sabi niya, lagi raw akong hinahanap ni Charlotte. Tinatanong nito kung kamusta na raw ba ako at kung kailan ako babalik. Namimiss na raw ako ng bata. Ang sweet talaga.Naiini

    Last Updated : 2020-08-04
  • Behind The Lies    Chapter 15 - Edelweiss

    Nasa mall ako para maghanap ng regalo. Naimbitahan kasi ako sa birthday party ni Charlotte sa darating na Sabado. Habang busy ako sa paglilibot sa loob ng isang department store, naramdaman kong nag-vibrate ang phone sa pouch bag ko. I fished out my phone and answer the call without even looking at the screen."Kels, where are you?" It was Danika."Nasa mall ako, bakit?""Gumagala ka? Hindi ka man lang nagyaya?""Saglit lang naman ako dito. And hello, may pasok ka kaya," I replied."What are you doing there?" Nakakarinig ako ng ibang ingay mula sa kabilang linya. Lunch break siguro niya."I'm going to buy gift for Charlotte. Sa makawala na pala ang birthday niya. Muntik ng mawala sa isip ko," I explained.Naglakad-lakad ako patungo sa toys section ng isang department store habang nakikipag-usap pa rin kay Danika.I heard Danika sighed on the other line. "Don't tell me, pupunta ka pa

    Last Updated : 2020-08-05

Latest chapter

  • Behind The Lies    Epilogue

    GabrielNapakabilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko, ano mang oras ay lulundag na palabas ang puso ko. Ilang malalalim na buntong hininga na rin ang napakawalan ko. Halos mahilo na ang mga kasama ko sa loob ng simbahan dahil kanina pa ako palakad-lakad."Kalma lang pare, para ka namang natatae," sita sa akin ni Jules. Tinapik niya ang balikat ko bilang pagpapakalma sa akin."Ready na ba ang lahat?" tanong ko."Handang-handa na!" sabay-sabay namang tugon ng mga ka-banda ni Aiyah. Tinaas pa nila ang dalawang kamay nila sa ere.Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil walang pag-aalinlangang pumayag sila sa pabor ko. Sila ang tutugtog sa church wedding namin ni Kelly. Ang kaibahan nga lang, ako ang bokalista nila ngayon."Parating na siya," nakangiting bati naman ni Danika sa akin. Hindi ko na napansin ang pagdating niya.

  • Behind The Lies    Chapter 44 - Clover

    Isang buwan na mula nang bumalik ako sa ospital. Kailangan kong manatili rito hanggang sa manganak ako. Gaya ng sabi ng doctor ko, hindi biro ang pagbubuntis ko. It's too risky so I need to cooperate with them. Dalawang doctor ang nangangalaga sa akin. Minomonitor nila araw-araw ang kalagayan ko, walang mintis. Idagdag mo pa si Brix na laging puyat kahit hindi niya duty. Binabantayan rin niya ako.Hindi naman ako nalulungkot dito sa ospital dahil madalas nakatambay sa kwarto ko ang mga kaibigan ko. Gaya ngayon, malapit nang gumabi pero nandito pa rin sila."Tignan mo sila, parang mga bata." Natatawang bulong ni Gab sa tabi ko. Nakaupo kaming dalawa sa malaking kama at nakasandal ang mga likod sa headboard.Gamit-gamit ko ang pinakamalaking VIP room dito sa ospital nila Brix. There's a 75 inches tv on the wall kaya nakasalampak sa sahig sina Jules, Brix, Thao at ang mga kabanda ni Aiyah. Tutok ang mga mata nila

  • Behind The Lies    Chapter 43 - Gerbera Daisy

    Nagising ako na sobrang sama at bigat ng pakiramdam. May nalalasahan rin akong mapait sa bibig ko kaya dali-dali akong bumangon at tumakbo papunta sa c.r ng kwarto namin. Gaya ng mga nagdaang araw, panay lang ang pagsuka ko sa tuwing umaga. Wala pa akong kinakain pero parang halos nailabas ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko."Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gabriel na agad akong nilapitan.Mukhang naalarma pa ito nang matagpuan niya akong nakasalampak lang sa malamig na sahig ng banyo, malapit sa toilet bowl."Nasusuka lang," nanghihinang tugon ko.Inalalayan niya ako patayo patungo sa lababo. Binuksan niya ang gripo at binasa ang mukha ko para mahimasmasan ako."Let's go and see the doctor. Baka kung ano na 'yan," he insisted but I just weakly shook my head."I'm fine. Wala lang 'to.""Please, mahal? Mas mapapanatag ako kung magpapacheck up ka na ngayon. Ilang araw ka ng ganyan. We need to make sure and be extra

  • Behind The Lies    Chapter 42 - White Tulips

    Time flies so fast and before I know it, my wedding day finally arrived. Hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na 'to. Simpleng civil wedding lang ang napagpasyahan naming idaos ni Gabriel. Hindi na ako naghahangad ng magarbong kasal, ang gusto ko lang ay mabasbasan ang pagsasama naming dalawa."Ang ganda mo, Kels." komento ni Danika nang matapos siyang ayusan ako.Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa salamin. Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si mommy. Lumapit siya sa akin, tears were already running down on her face while admiring me in my white v-neck, knee length dress."You're so beautiful, my baby. Ikakasal ka na talaga," she cried.I quickly raise my hands to wipe away her tears. "Mommy, wala namang iyakan. Mahahawa ako, eh." I said jokingly. Nakita ko siyang tumango-tango pero patuloy pa rin siya sa pagluha."Thank you, mommy. For everything." I mumbled as I pulled her into a war

  • Behind The Lies    Chapter 41 - Hydrangea

    GabrielNatagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa tahimik na sala ng bahay namin. Nasa harapan ko si mommy at kapwa kami walang imik. Naririnig ko ang bawat malalalim na buntong-hininga niya habang nakatitig lamang siya sa kawalan.Kahit anong mangyari, baligtarin man ang mundo, hindi nito maaalis ang katotohanan na nanay ko pa rin siya. Ibigay man niya sa akin ang blessings niya o hindi, gusto ko pa ring ipaalam sa kanya ang plano kong pakasalan si Kelly."You really love her," 'yon lamang ang tanging nasambit niya. Unti-unting tumitig siya sa akin. Nababakas ko ang kalungkutan sa mga mata niya.Muli kaming binalot ng nakakailang na katahimikan. Napayuko na lamang ako at naikuyom ang kamao ko na nakapatong sa hita ko, para pigilan ang sarili ko na maging emosyonal.My mom was my hero, silang dalawa ni dad. Sobra ko silang tinitingala at nirerespeto. Mahal na mahal ko silang dalawa. Kahit sa panaginip, hindi ko a

  • Behind The Lies    Chapter 40 - Bluebell

    "Nasaan na ba si Gab? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," iritable kong tanong kay Danika habang inaayusan niya ako."Baka busy lang," sagot niya.Alas-singko na ng hapon pero ni anino ni Gab, hindi ko pa nasisilayan. Wala talaga siyang paramdam sa akin ngayong araw. Nakakapagtaka. Hindi niya ako dinalaw, samantalang halos araw-araw na nga siyang tambay dito sa bahay. Kulang na lang, dito na siya tumira.Hindi man lang siya magtext o tumawag para alam ko kung ano bang nangyayari sa kanya."Smile ka naman diyan, Kels." utos pa ni Danika.Paano naman ako ngingiti kung badtrip na badtrip ako? Humanda ka talaga sa akin, Gab!Hindi ko alam kung ano bang okasyon ngayon. Kung bakit kailangan pang bihis na bihis ako. They forced me to wear a stunning chiffon and knee length light blue dress that my mom bought yesterday. Suot-suot ko rin ang isang brown na wig na hanggang balikat ko ang haba. Nakakamiss tuloy ang totoong buhok ko

  • Behind The Lies    Chapter 39 - Blue Salvia

    "Ang pangit-pangit ko na!" Paulit-ulit kong iyak nang matapos si kuya sa pagshe-shave ng natitira ko pang buhok. Kinalbo na niya ako ng tuluyan para malinis tignan ang ulo ko. Wala ng natitira pa kahit isang hibla. Wala na ang maganda at itim na itim kong buhok."Don't say that. Ang ganda-ganda mo pa rin kaya," pang-aalo niya sa akin.But I could only cry harder. I don't even have the courage to look at myself in the mirror, so I just hung my head low.Ang laki-laki na ng pinagbago ng itsura ko. Hindi ko na nga makilala pa ang sarili ko. Pakiramdam ko ibang tao ang nasa harap ko sa tuwing tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na mahanap pa ang dating Kelly. Ang Kelly na punong-puno ng sigla at sobrang positive sa buhay. Kasabay ng paglalagas ng buhok ko ay paglalagas din ng natitirang pag-asa ko."Tara na, naghihintay na ang boyfriend mo sa labas." Nakangiting sambit ni kuya habang isinusuot muli sa akin ang brown kong bonet

  • Behind The Lies    Chapter 38 - Cattail

    KellyIlang araw ng balisa si Gab. Kahit hindi niya aminin, basa ko naman sa mga mata niya ang kalungkutan. Nakangiti man siya, alam kong apektado siya sa nangyari kay Stella."Don't blame yourself, okay? It's not your fault," pagpapanatag ko sa kalooban niya.Tumigil si Gab sa pagbabalat ng mansanas at ngumiti sa akin. "Ayos lang ako, mahal."Inabot ko ang kamay niya at pinisil 'yon. "I'm done lying so please, be honest to me as well. I know you're not okay, Gab. Come on, girlfriend mo ko. Sabihin mo sa akin kung anong nagpapabigat ng kalooban mo, hmm?"Nawala ang ngiti niya sa labi at napayuko ito. Hindi siya makatingin sa akin, tila nahihiya. "I'm sorry. Ang dami mo ng iniisip, ayoko nang dagdagan pa. Pinipilit kong ipakita sa inyo na ayos lang ako, pero ang totoo sobrang nagi-guilty ako. Paano na lang kung may masamang nangyari kay Stella? Hindi ko siguro mapapatawad ang

  • Behind The Lies    Chapter 37 - Dead Leaves

    "Anong gusto mong pasalubong? Paalis na ako sa condo," tanong ko kay Kelly sa kabilang linya."Kahit ano na lang. Baka hindi ko rin naman makain 'yan," matamlay na sagot niya.Umuwi muna ako kaninang umaga sa condo ni Thao para kumuha ng ilang damit. I'm planning to stay overnight again at the hospital. Mag-aalas dose na ng tanghali, sabi ng kuya ni Kelly, hindi pa raw ito kumakain ng tanghalian dahil wala itong gana."Balik ka na," paglalambing nito. Napangiti na lamang ako. Her sweet voice is like music to my ears."Opo, pabalik na ko. Bibilisan ko na magmaneho," I chuckled."Huwag! Baliw ka. Binibiro lang naman kita. Take your time.""Yes, mahal. Wait for me. I'll be there in a heartbeat. I love you.""Okay. Take care. I love you too," she giggled making my heart flutters.As soon as our call ended, I hurriedly got inside my car. But to my surprise, Thao was already riding on

DMCA.com Protection Status