Home / Romance / Behind The Lies / Chapter 5 - Alstroemeria

Share

Chapter 5 - Alstroemeria

Author: Nekohime
last update Huling Na-update: 2020-08-02 21:55:56

Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko at namamawis din ang mga palad ko. Naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko kaya mariin akong napapikit. Pilit kong iwinawakli sa isipan ko ang mga masasamang alaala ng nakaraan, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang pagbaha ng mga ito. Memories from the past keep playing like a movie right before  my eyes.

"Can I go first?"

I heard her voice loud and clear. I turned around to see Stella. She was smiling at me, but the look in her eyes were telling me different. She's not amused to see me.

I was scared of her presence. Halos lahat naman kinatatakutan siya. No one wants to get on her bad side.

I move a step back letting her cut in the line at the long query of students inside the school's cafeteria. She gave me a light tap on my back before smiling again and I'm not comfortable with it.

It was our lunchbreak. I looked around to search for my friends, but they are still not here. Medyo maaga kami ng 10 minutes dahil pinag-break na kami ng professor namin. Danika and I are taking the same course but apparently, magkaiba kami ng section. Nasa ibang department din sina Jules at Brix.

"Tabi nga!"

May malakas na tumulak sa akin paalis ng pila. Nawalan ako ng balanse at paupong bumagsak sa sahig. Narinig kong nagtawan ang mga kaklase ko, ni wala man lang tumulong sa akin.

Tumayo ako at pinagpagan ang navy blue kong palda na parang walang nangyari. Bumalik ako sa pila ko kung saan naman talaga ako nakapwesto pero ayaw na nila akong pasingitin. Para akong isang kawawang bata na pinagkakaisahan ng mga kaklase ko. Wala akong magawa. I went to the end of the line, pilit na nagpapakatatag, pilit na sinusubukan na maging matapang sa harap nila kahit ang totoo, gusto ko na lang maghalo.

Matapos kong maka-order ng pagkain ko, doon ako naupo sa may gilid ng cafeteria. Alone, with my head hung low.

Nakayuko man, ramdam na ramdam ko pa rin ang mga mapanuyang tingin na binibigay sa akin ng mga kaklase ko. 

"Tatahi-tahimik pero nasa loob pala talaga ang kulo."

"Magkaibigan pa talaga ang nilandi niya."

"Good riddance. Atleast nalaman na agad ni Gabriel ang totoong kulay niya."

Rinig na rinig ko ang bulungan nila. Para ngang sinasadya nilang iparinig sa akin ang mga pinag-uusapan nila. Halos mabingi ako sa malalakas na tawanan ng mga tao sa paligid ko, na para akong isang nakakatuwang palabas sa kanila.

I can't take this anymore. I want this to stop.

May mainit na likido na pumatak sa nanginginig kong mga kamay na nakapatong sa mga hita ko. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Iyak lamang ako nang iyak, habang tinatanggap ang bawat masasakit na salita at panghuhusga nila sa akin.

Ayoko na. Make them stop. Please.

"Kelly, breath. Come on!"

May naririnig akong boses sa nanlalabo kong pandinig. Gusto kong patigilin na ang mga alaalang ayaw ko nang balikan, ngunit ayaw nilang huminto. Nagpatuloy silang bumalik-balik sa isipan ko.

The scene suddenly change. I found myself inside our classroom while staring at the big white board in front of me.

'MALANDI AKO. POKPOK AKO' was written in bold capital letters. Nakasulat din ang cellphone number ko kasama ang mga salitang 'Call me on this number.'

Nanghihina akong lumapit sa harapan ng white board. Kinuha ko ang eraser para burahin ang mga nakasulat sa white board. My phone keeps on ringing and ringing. Hindi ko na lang ito pinansin dahil alam kong pinagtitripan lang naman nila ako.

Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang nagbubura sa white board. Nakakagat ko na rin ang ibabang bahagi ng labi ko para pigilan ang mga hikbi ko. I look so pathetic.

"Kelly!"

Someone called my name again. It was a familiar and gentle voice. When I open my eyes, I saw Brix in front of me. Worry was written all over his face. Tumingin ako sa paligid. I was inside the room of the fine-dining restaurant where we had our dinner.

"Hija, ayos ka lang ba? Namumutla ka na. Hindi mo rin naubos ang pagkain mo. May masakit ba sa'yo?"

I turned to tita Claire and smiled faintly still catching my breath. "A-ayos lang po."

"Nakapag-bill out na ko. Mabuti pa, ihatid ka na namin pauwi," tito Harold said, his voice lace with concern.

Nakaalalay lamang sa akin si Brix habang pababa na kami. Panay ang paglinga-linga ko sa kabuuan ng restaurant. Natatakot na baka muling makita ko si Stella. Hindi ko akalain na ang muling pagtatagpo ng landas namin ay magdudulot na naman ng takot sa buong sistema ko, na muli ko na namang maaalala ang masamang bangungot na dinanas ko mula sa kanya.

"I'm here. Huwag kang matakot," Brix whispered holding my hand tighter. Maybe he felt my uneasiness.

Pasalamat na lang talaga ako na dumating siya agad kanina kundi baka nagmukha na naman akong kawawa sa harapan ni Stella.

Nang makarating kami sa parking lot, pinagbuksan kami ni Brix ng pinto ng kotse. Umupo na ako sa backseat kasunod si tita Claire.

"Son, sumakay ka na," utos ni tito Harold mula sa driver's seat. Nasa labas pa rin kasi si Brix at nakatanaw sa malayo.

Lumingon sa akin si Brix na may malapad na ngiti sa labi niya. Nagulat ako nang muli niyang buksan ang pinto ng kotse sa backseat at hinila ako papalabas.

"Brix! Saan mo dadalhin si Kelly?" naguguluhang tanong ni tita Claire.

Brix just let out a soft chuckle. "Don't worry, mommy. May pupuntahan lang kami saglit. Ako na bahala kay Kelly. Mauna na kayo ni dad," he winked.

Napailing na lang si tita. "O, sige. Mauna na kami. Huwag na lang kayong masyadong mag-pagabi. Ingatan mo si Kelly," bilin ni tita Claire. Nag-thumbs up naman si Brix sa kanya.

Ilang sandali pa ay pinaandar na ni tito Harold ang kotse niya. Pinagmasdan ni Brix ang papalayong kotse ng parents niya samantalang ako, nakakunot-noong tinignan siya.

"Saan tayo pupunta?" usisa ko.

"Basta. Trust me, makakalimutan mo ang lahat ng masamang alaala mo pagdating natin doon."

***

Do you feel like a man

When you push her around?

Do you feel better now, as she falls to the ground?

Well I'll tell you my friend, one day this world's got to end

As your lies crumble down, a new life she has found

Napangiti ako nang lingunin ko si Brix sa tabi ko. May pagtalon-talon pa siya at pag-head bang habang nanunuod sa bandang tumutugtog. Mukhang enjoy na enjoy siya dahil sumasabay pa siya sa pagkanta.

Dinala ako ni Brix sa river park hindi kalayuan sa fine-dining restaurant na pinanggalingan namin. Gaya ng sinabi niya, bahagyang nakalimutan ko ang mga nangyari kanina dahil nawili kami sa paglilibot dito sa napakalawak na parke.

Ngayon lang ako nakapunta rito. Halos malula na ako sa kalakihan niya. Maraming tao sa paligid dahil siguro weekend ngayon. May mahabang footbridge na nagkokonekta sa river park patungo sa isang mall sa kabilang side. Meron ding mahabang stall ng mga street foods. Akala mo nga nagpipicnic pa ang iba dahil prente silang nakaupo sa may gitnang bahagi ng river park na nilatagan lang nila ng picnic mat.

Ang iba naman ay nagbibisekleta pa habang naglilibot. There's a small amusement park as well that is magical for kids and fun enough for teens.

Nang mapagod kami ni Brix sa paglilibot kanina. Hinila niya naman ako papunta sa malaking gazebo na napapalibutan ng makukulay na fairy lights. Sakto namang may live band na tumutugtog dito. Naalala ko tuloy si Aiyah. Siguro kung saan-saan na naman sila tumutugtog ngayon.

Naramdaman kong hinawakan ni Brix ang kamay ko kaya napatingala ako sa kanya. Nagliliwanag ang mukha niya.

"Thank you for bringing me here," I whispered.

"You know that I will always be here for you, Kelly. Hindi ko na hahayaang may manakit pa ulit sa'yo," he said all of a sudden. Ramdam na ramdam ko ang sincerity sa boses niya.

Bigla kong naalala na may ibibigay nga pala ako sa kanya.

"Give me your hand," sambit ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Basta."

Inilahad niya ang kaliwang kamay niya sa harap ko. May dinukot naman ako sa bulsa ng sling bag ko. Isang woven bracelet na may alstroemeria flower bead sa gitna. Ako pa mismo ang nag-customize nito.

"What's that? A friendship bracelet? Aren't we too old for this kind of stuff?" natatawang tanong ni Brix habang sinusuot ko sa kanya 'yong bracelet.

"Hoy, pinaghirapan ko 'yan. Meron din ako." Inangat ko ang kanang kamay ko kung saan nakasuot sa akin 'yong bracelet.

"Okay. Thanks," he mumbled.

Umiling ako. "Ako dapat ang magpasalamat sa'yo. Sobrang dami mong naitulong sa akin. And I'm glad that I have you in my life. You've been a good friend to me, Brix. Mula noon, hanggang ngayon. Sa susunod na buhay ko, sana makakilala ulit ako ng isang tulad mo."

"Ikaw, masyado kang madrama." Pabirong pinisil ni Brix ang tungki ng ilong ko, saka bumalik sa panunuod sa live band.

But I really meant what I said.

Isa sa mga blessing sa buhay ko ay ang pagkakaroon ng mabuting kaibigan na gaya ni Brix. Sana balang araw, masuklian ko rin ang lahat ng mabuting pinakita niya sa akin.

***

"And I'm glad that I have you in my life. You've been a good friend to me, Brix. Mula noon, hanggang ngayon."

"Kaibigan," wala sa loob na sambit ni Brix nang maalala ang sinabi ni Kelly kanina. Lumipas na ang maraming taon, pero hanggang ngayon kaibigan pa rin ang tingin sa kanya ng dalagang matagal na niyang minamahal ng palihim.

"Si Gabriel pa rin ba?" mapakla siyang napangiti habang nakatingala sa madilim na kalangitan.

Noon palang, alam naman niyang walang ibang lalaking minahal at mamahalin si Kelly kundi si Gabriel lang. Kahit kailan, hindi ito mapapalitan sa puso ng babae. Tanggap na niya 'yon. Hindi na niya ipipilit pa ang sarili niya. Ang tanging gusto na lamang niya ay makitang sumaya ulit si Kelly kahit hindi siya ang maging dahilan ng kasiyahan nito. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na siya magpaparaya.

"Anong ginagawa mo dito?" matabang na tanong ni Gab nang lumabas at madatnan si Brix na nakasandal sa gate ng bahay nila.

Wala sana siyang balak na labasin ito, ngunit napilitan siya dahil hindi ito tumitigil sa pagtawag sa pangalan niya. Nakakaistorbo na rin sa mga kapitbahay nila ang ingay na ginagawa nito kanina.

"Nangangamusta lang. Masama ba?" nakangising sagot ni Brix.

Nang maihatid niya si Kelly sa bahay nila kanina, agad siyang dumiretso sa bahay nila Gabriel. May mga bagay siyang gustong-gustong klaruhin dito.

"Mahal mo ba talaga si Stella?" walang patumpik-tumpik na tanong ni Brix sa dating kaibigan. Nakasuksok ang kamay niya sa dalawang bulsa ng pantalon niya habang diretsong nakatitig sa mata nito. "Ang daming babaeng pwede mong ipalit kay Kelly, si Stella pa talaga?" bahagyang natawa si Brix na siyang ikinainis ni Gab.

"It's none of your business. Umuwi ka na." Gab replied coldly. Papasok na sana ulit ng bahay nila nang muling magsalita si Brix.

"I'm sorry."

Natigilan si Gab. Muli niyang nilingon ang dating kaibigan. He saw the sadness in his eyes.

"I'm sorry, Gabriel. Alam kong hindi mo ako mapapatawad. Alam kong hindi mabubura sa isip mo na niloko ka namin ni Kelly, pero ginawa ko lang ang tingin kong mas makakabuti para sa kanya."

Marahas na napabuntong-hininga si Gabriel. Binigyan niya si Brix ng isang napakatalim na tingin. "And you think I care?"

"Wala ka na nga ba talagang pake sa kanya?" balik na tanong ni Brix.

Tila napipi si Gabriel. Umawang ang bibig niya. Umiwas siya ng tingin sa dating kaibigan. "Wala na akong pake sa kanya. Matagal ko na siyang kinalimutan. Mahal ko si Stella," mariing sambit ni Gab.

"Mahalin mo pa kaya 'yang girlfriend mo kapag nalaman mo ang mga ginawa niya noon?"

Muling lumingon si Gabriel kay Brix. Bumalatay sa mukha niya ang labis na pagkalito. "Pinagsasabi mo?" 

"Sana kapag nalaman mo ang totoo, mapanindigan mo ang sinabi mo. Pero kung dumating man ang araw na mamulat ka sa katotohanan, kahit ikaw pa rin ang mahal ni Kelly, hinding-hindi ko na siya ibabalik sa'yo. I love her and I will fight for her this time. I just want you to know that," determinadong sambit ni Brix bago talikuran ang dating kaibigan at naglakad palayo.

***

A/N: Alstroemeria is a flower that symbolizes friendship. Like the friendship that blooms between Brix and Kelly.

Kaugnay na kabanata

  • Behind The Lies    Chapter 6 - Carnation

    Wake up! Antukin na kuting!" Hinila ako ni kuya paupo pero humiga lang ulit ako sa malambot kong kama at muling pumikit."Hmm...Maya na kuya," I mumbled into the pillow. Pero ang kapatid ko kung makayugyog sa akin parang wala nang bukas."Bangon na, ngayon ang start ng summer class sa simbahan. Huwag mong paghintayin ang mga estudyante mo," daldal pa ni kuya."5 minutes pa." I whined. Itinaas ko ang kumot ko para itakip sa buong katawan ko."Ayaw mo gumising, ha!"Biglang inagaw ni kuya ang kumot ko. Nasilaw ako sa liwanag na tumama sa mata ko dahil bukas na bukas pala ang bintana sa kwarto ko, pumapasok ang sikat ng araw."Kuyaaaa!" malakas kong tili nang sumampa siya sa kama at kiniliti ako."Hahahahaha...Tama na!....O-Oo na...Babangon na!" paulit-ulit kong sigaw pero kiniliti pa rin ako nang kiniliti ng kapatid ko. "Tama na...kuya...Hahaha...H-hindi na ko...makahinga..." mahinang pa

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Behind The Lies    Chapter 7 - Purple Lilacs

    "Baka talagang meant to be kayo ni Gab, kaya lagi na lang kayong pinagtatagpo ng tadhana?"Nilingon ako ni Danika na parang hinihingi ang pagsang-ayon ko sa sinabi niya, but I shook my head drastically as my answer.Matagal din kaming hindi nakapag-hang out together kaya nandito siya sa bahay. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga ganap ko sa buhay. As in lahat-lahat. Walang labis, walang kulang."Matagal ng tapos ang chapter namin ni Gab. Huwag mo nang ipilit," I replied.Danika look at me flatly. "Malay mo naman, no!" giit niya.Nag-focus na lang ulit ako sa movie na pinapanuod namin kaysa makinig sa kanya. I Give My First Love To You ang title ng pinapanuod namin. It's Sunday kaya pahinga kaming lahat at movie marathon lang ang inaatupag.Nakaupo kami sa pahabang sofa sa sala habang nakapatong ang mga paa namin ni Danika sa center table. May hawak-hawak din akong isang box ng tiss

    Huling Na-update : 2020-08-03
  • Behind The Lies    Chapter 8 - Red Rose

    "Are you heading out tonight?"Stella asked with a raised eyebrow. Ka-video call niya ang boyfriend niya.She noticed that he's wearing a plain long sleeves, rolled up to his arms and a khaki chinos. Mukhang bihis na bihis ito."Will head out for a few drinks with Smith and Thao," matipid na sagot ni Gab na tuktok lamang ang mata sa daan habang nagmamaneho."Where? Sasama ako. Sunduin mo ko.""Eclipse. And no, hindi ka pwede sumama.""Bakit hindi pwede? Baka mamaya mambabae 'yang mga kaibigan mo do'n, tapos idamay ka pa,"pagpupumilit ni Stella."Please, Stella? Wala ka bang tiwala sa akin?" tila naiiritang tanong ni Gab.Napakagat na lang sa ibabang bahagi ng labi niya si Stella nang makita ang pagseseryoso ng mukha ng boyfriend. Halos magsalubong na rin ang dalawang kilay nito. Gusto niya sanang pigilan si Gabriel na umalis pero baka pagtalunan lang nila ito.She doesn't want

    Huling Na-update : 2020-08-03
  • Behind The Lies    Chapter 10 - Petunia

    Nakaupo ako sa telang sumasapin sa damuhan habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi sa mukha ko. Sobrang presko niya sa pakiramdam. Iba talaga kapag malayo ka sa polusyon.Napakaganda ring pagmasdan ng malawak at berdeng damuhan na pinapalibutan ng mga malalaking canopy tress, na tila nagsasayaw ang mga sanga sa tuwing umiihip ang hangin. Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito. Buti na lang at napanatili nila ang kalinisan dito sa Sunken Garden ng Sunny Ville.Sa tagal ng panahon, ngayon na lang ulit ako nakapunta dito. Naalala ko dito kami nagpipicnic noong buhay pa si daddy. Dito rin daw ako natutong maglakad ng tuwid sabi ni mommy.Nang mamatay si daddy, doon naman ako umiyak nang umiyak, sa ilalim ng slide ng lumang playground sa tapat nitong Sunken Garden. At dito rin ako nagpupunta noong mga panahong nagagalit ako sa mundo at gusto ko ng sukuan ang sarili ko.This place will always have a special place in my heart. Napa

    Huling Na-update : 2020-08-04
  • Behind The Lies    Chapter 11 - Marigold

    Nagising si Kelly dahil sa samu't saring ingay na naririnig niya sa paligid. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Natagpuan niya ang sarili na nakahiga sa puting kama, na may nakatabing na kulay grey na kurtina sa magkabilang gilid nito.Bumangon siya at hinawi ang kurtina. Napagtanto niya na nasa ospital pala siya. Napatingin siya sa kanang kamay niya na may nakalagay na swero. Labis ang pagtataka niya.How did I end up here? Sinong nagdala sa akin dito?As if on cue, bumulaga sa paanan ng kama si Gabriel a siyang ikinagulat ni Kelly."W-What happened?" may pag-aalangang tanong niya."You fainted," napakatipid na sagot ni Gabriel.Blangko ang mukha nito na hindi man lang siya magawang tapunan ng tingin. Of course, Kelly! He hates you. Ito ba ang naghatid sa kanya?"Sina Janice?" tanong ng dalaga."Bumalik sa Sunken Garden. Walang naiwan kay Charlotte doon kaya binilin ko na lang muna sa kanya ang

    Huling Na-update : 2020-08-04
  • Behind The Lies    Chapter 12 - Sunflower

    "Kapag namatay ka at muli kang mabubuhay bilang isang bagay, anong gusto mong maging?"Nagmulat ng mga mata si Gabriel para titigan ang mukha ko. Nakahiga siya sa damuhan at ginawa niyang unan ang mga hita ko, habang masuyo kong hinahaplos ang buhok niya. Nasa Sunken Garden kami at hinihintay ang paglubog ng araw."Bakit naman naitanong mo 'yan?" tanong niya kasabay ng pagsilay ng isang matamis na ngiti sa labi niya.Inabot niya ang kamay ko at pinatakan ng halik 'yon na hindi inaalis ang pagkakatitig niya sa mukha ko."Sagutin mo na ang tanong ko, sige na," pangungulit ko.Saglit siyang tumahimik para mag-isip. Ilang segundo pa ay biglang sumeryoso ang mukha niya. "Maging hangin na lang siguro.""Bakit?""Para lagi mo akong kailanganin, 'yung ikamamatay mo kapag nawala ako. Boom!" sagot niya saka tumawa ng pagkalakas-lakas.Gusto ko siyan

    Huling Na-update : 2020-08-04
  • Behind The Lies    Chapter 13 - Yellow Acacia

    "Oh my God! What happened to my son?" tanong ng ginang kay Thao nang maihiga nito ang anak sa kama nito.Hindi naman magawang sumagot ni Thao dahil natatakot siya sa ginang. Napayuko na lamang siya dahil hindi niya gusto ang tingin na binibigay sa kanya ng mama ni Gab. Sobrang intimidating. Parang mangangain ng buhay."Bakit ba magkasama na naman kayo? Kung mag-iinom kayo, pwede bang huwag niyo na idamay si Gabriel. Huwag niyo siyang igaya sa inyo na parang walang direksyon ang buhay," naiinis na litanya pa ni Stella.Gabriel's mom invited her for dinner. Kanina pa nila hinihintay si Gabriel na umuwi, pero pasado alas-otso na, hindi pa rin ito dumarating. Ang alam niya lang ay sinamahan nito ang pamangkin."You can go now, kami na ang bahala sa kanya," maotoridad na utos ni Stell

    Huling Na-update : 2020-08-04
  • Behind The Lies    Chapter 14 - Ranunculus

    Tatlong araw na akong hindi nakapagturo dahil nagkasakit ako. Papasok na dapat ako ngayon kaso pinagalitan ako ni mommy. She wants me to rest for 1 week!!Magpahinga na lang daw muna ako dahil kagagaling ko lang, baka daw mabinat ako. Kahit sa flower shop, pinagbawalan niya rin akong pumunta. Dito lang law ako sa bahay, bantay sarado ni kuya.Wala naman akong magawa kundi sumunod na lang sa mga bilin niya. Ayoko na rin kasing dagdagan pa ang alalahanin niya, kahit ang totoo niyan, miss na miss ko na ang mga batang tinuturuan ko. Lalo na si Charlotte.Si Janice naman, binisita ako noong isang araw para kamustahin ang lagay ko at i-update na rin ako. Sabi niya, lagi raw akong hinahanap ni Charlotte. Tinatanong nito kung kamusta na raw ba ako at kung kailan ako babalik. Namimiss na raw ako ng bata. Ang sweet talaga.Naiini

    Huling Na-update : 2020-08-04

Pinakabagong kabanata

  • Behind The Lies    Epilogue

    GabrielNapakabilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko, ano mang oras ay lulundag na palabas ang puso ko. Ilang malalalim na buntong hininga na rin ang napakawalan ko. Halos mahilo na ang mga kasama ko sa loob ng simbahan dahil kanina pa ako palakad-lakad."Kalma lang pare, para ka namang natatae," sita sa akin ni Jules. Tinapik niya ang balikat ko bilang pagpapakalma sa akin."Ready na ba ang lahat?" tanong ko."Handang-handa na!" sabay-sabay namang tugon ng mga ka-banda ni Aiyah. Tinaas pa nila ang dalawang kamay nila sa ere.Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil walang pag-aalinlangang pumayag sila sa pabor ko. Sila ang tutugtog sa church wedding namin ni Kelly. Ang kaibahan nga lang, ako ang bokalista nila ngayon."Parating na siya," nakangiting bati naman ni Danika sa akin. Hindi ko na napansin ang pagdating niya.

  • Behind The Lies    Chapter 44 - Clover

    Isang buwan na mula nang bumalik ako sa ospital. Kailangan kong manatili rito hanggang sa manganak ako. Gaya ng sabi ng doctor ko, hindi biro ang pagbubuntis ko. It's too risky so I need to cooperate with them. Dalawang doctor ang nangangalaga sa akin. Minomonitor nila araw-araw ang kalagayan ko, walang mintis. Idagdag mo pa si Brix na laging puyat kahit hindi niya duty. Binabantayan rin niya ako.Hindi naman ako nalulungkot dito sa ospital dahil madalas nakatambay sa kwarto ko ang mga kaibigan ko. Gaya ngayon, malapit nang gumabi pero nandito pa rin sila."Tignan mo sila, parang mga bata." Natatawang bulong ni Gab sa tabi ko. Nakaupo kaming dalawa sa malaking kama at nakasandal ang mga likod sa headboard.Gamit-gamit ko ang pinakamalaking VIP room dito sa ospital nila Brix. There's a 75 inches tv on the wall kaya nakasalampak sa sahig sina Jules, Brix, Thao at ang mga kabanda ni Aiyah. Tutok ang mga mata nila

  • Behind The Lies    Chapter 43 - Gerbera Daisy

    Nagising ako na sobrang sama at bigat ng pakiramdam. May nalalasahan rin akong mapait sa bibig ko kaya dali-dali akong bumangon at tumakbo papunta sa c.r ng kwarto namin. Gaya ng mga nagdaang araw, panay lang ang pagsuka ko sa tuwing umaga. Wala pa akong kinakain pero parang halos nailabas ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko."Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gabriel na agad akong nilapitan.Mukhang naalarma pa ito nang matagpuan niya akong nakasalampak lang sa malamig na sahig ng banyo, malapit sa toilet bowl."Nasusuka lang," nanghihinang tugon ko.Inalalayan niya ako patayo patungo sa lababo. Binuksan niya ang gripo at binasa ang mukha ko para mahimasmasan ako."Let's go and see the doctor. Baka kung ano na 'yan," he insisted but I just weakly shook my head."I'm fine. Wala lang 'to.""Please, mahal? Mas mapapanatag ako kung magpapacheck up ka na ngayon. Ilang araw ka ng ganyan. We need to make sure and be extra

  • Behind The Lies    Chapter 42 - White Tulips

    Time flies so fast and before I know it, my wedding day finally arrived. Hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na 'to. Simpleng civil wedding lang ang napagpasyahan naming idaos ni Gabriel. Hindi na ako naghahangad ng magarbong kasal, ang gusto ko lang ay mabasbasan ang pagsasama naming dalawa."Ang ganda mo, Kels." komento ni Danika nang matapos siyang ayusan ako.Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa salamin. Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si mommy. Lumapit siya sa akin, tears were already running down on her face while admiring me in my white v-neck, knee length dress."You're so beautiful, my baby. Ikakasal ka na talaga," she cried.I quickly raise my hands to wipe away her tears. "Mommy, wala namang iyakan. Mahahawa ako, eh." I said jokingly. Nakita ko siyang tumango-tango pero patuloy pa rin siya sa pagluha."Thank you, mommy. For everything." I mumbled as I pulled her into a war

  • Behind The Lies    Chapter 41 - Hydrangea

    GabrielNatagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa tahimik na sala ng bahay namin. Nasa harapan ko si mommy at kapwa kami walang imik. Naririnig ko ang bawat malalalim na buntong-hininga niya habang nakatitig lamang siya sa kawalan.Kahit anong mangyari, baligtarin man ang mundo, hindi nito maaalis ang katotohanan na nanay ko pa rin siya. Ibigay man niya sa akin ang blessings niya o hindi, gusto ko pa ring ipaalam sa kanya ang plano kong pakasalan si Kelly."You really love her," 'yon lamang ang tanging nasambit niya. Unti-unting tumitig siya sa akin. Nababakas ko ang kalungkutan sa mga mata niya.Muli kaming binalot ng nakakailang na katahimikan. Napayuko na lamang ako at naikuyom ang kamao ko na nakapatong sa hita ko, para pigilan ang sarili ko na maging emosyonal.My mom was my hero, silang dalawa ni dad. Sobra ko silang tinitingala at nirerespeto. Mahal na mahal ko silang dalawa. Kahit sa panaginip, hindi ko a

  • Behind The Lies    Chapter 40 - Bluebell

    "Nasaan na ba si Gab? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," iritable kong tanong kay Danika habang inaayusan niya ako."Baka busy lang," sagot niya.Alas-singko na ng hapon pero ni anino ni Gab, hindi ko pa nasisilayan. Wala talaga siyang paramdam sa akin ngayong araw. Nakakapagtaka. Hindi niya ako dinalaw, samantalang halos araw-araw na nga siyang tambay dito sa bahay. Kulang na lang, dito na siya tumira.Hindi man lang siya magtext o tumawag para alam ko kung ano bang nangyayari sa kanya."Smile ka naman diyan, Kels." utos pa ni Danika.Paano naman ako ngingiti kung badtrip na badtrip ako? Humanda ka talaga sa akin, Gab!Hindi ko alam kung ano bang okasyon ngayon. Kung bakit kailangan pang bihis na bihis ako. They forced me to wear a stunning chiffon and knee length light blue dress that my mom bought yesterday. Suot-suot ko rin ang isang brown na wig na hanggang balikat ko ang haba. Nakakamiss tuloy ang totoong buhok ko

  • Behind The Lies    Chapter 39 - Blue Salvia

    "Ang pangit-pangit ko na!" Paulit-ulit kong iyak nang matapos si kuya sa pagshe-shave ng natitira ko pang buhok. Kinalbo na niya ako ng tuluyan para malinis tignan ang ulo ko. Wala ng natitira pa kahit isang hibla. Wala na ang maganda at itim na itim kong buhok."Don't say that. Ang ganda-ganda mo pa rin kaya," pang-aalo niya sa akin.But I could only cry harder. I don't even have the courage to look at myself in the mirror, so I just hung my head low.Ang laki-laki na ng pinagbago ng itsura ko. Hindi ko na nga makilala pa ang sarili ko. Pakiramdam ko ibang tao ang nasa harap ko sa tuwing tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na mahanap pa ang dating Kelly. Ang Kelly na punong-puno ng sigla at sobrang positive sa buhay. Kasabay ng paglalagas ng buhok ko ay paglalagas din ng natitirang pag-asa ko."Tara na, naghihintay na ang boyfriend mo sa labas." Nakangiting sambit ni kuya habang isinusuot muli sa akin ang brown kong bonet

  • Behind The Lies    Chapter 38 - Cattail

    KellyIlang araw ng balisa si Gab. Kahit hindi niya aminin, basa ko naman sa mga mata niya ang kalungkutan. Nakangiti man siya, alam kong apektado siya sa nangyari kay Stella."Don't blame yourself, okay? It's not your fault," pagpapanatag ko sa kalooban niya.Tumigil si Gab sa pagbabalat ng mansanas at ngumiti sa akin. "Ayos lang ako, mahal."Inabot ko ang kamay niya at pinisil 'yon. "I'm done lying so please, be honest to me as well. I know you're not okay, Gab. Come on, girlfriend mo ko. Sabihin mo sa akin kung anong nagpapabigat ng kalooban mo, hmm?"Nawala ang ngiti niya sa labi at napayuko ito. Hindi siya makatingin sa akin, tila nahihiya. "I'm sorry. Ang dami mo ng iniisip, ayoko nang dagdagan pa. Pinipilit kong ipakita sa inyo na ayos lang ako, pero ang totoo sobrang nagi-guilty ako. Paano na lang kung may masamang nangyari kay Stella? Hindi ko siguro mapapatawad ang

  • Behind The Lies    Chapter 37 - Dead Leaves

    "Anong gusto mong pasalubong? Paalis na ako sa condo," tanong ko kay Kelly sa kabilang linya."Kahit ano na lang. Baka hindi ko rin naman makain 'yan," matamlay na sagot niya.Umuwi muna ako kaninang umaga sa condo ni Thao para kumuha ng ilang damit. I'm planning to stay overnight again at the hospital. Mag-aalas dose na ng tanghali, sabi ng kuya ni Kelly, hindi pa raw ito kumakain ng tanghalian dahil wala itong gana."Balik ka na," paglalambing nito. Napangiti na lamang ako. Her sweet voice is like music to my ears."Opo, pabalik na ko. Bibilisan ko na magmaneho," I chuckled."Huwag! Baliw ka. Binibiro lang naman kita. Take your time.""Yes, mahal. Wait for me. I'll be there in a heartbeat. I love you.""Okay. Take care. I love you too," she giggled making my heart flutters.As soon as our call ended, I hurriedly got inside my car. But to my surprise, Thao was already riding on

DMCA.com Protection Status