The following month was the busiest and full of surprises. Lalo pa at ilang araw na lang, Valentines Day na. Mas dagsa ang mga customer kapag ganitong buwan. Mabuti na lang at nakauwi na rin si mommy galing sa probinsya. Kung kami lang ni kuya ang nasa shop, baka hindi na kami magkandaugaga sa pag-aasikaso ng mga customers.
Mom really knows how to handle pressure, 'yon siguro ang dapat naming matutunan pa ni kuya mula sa kanya.
Umaga palang, sobrang busy na namin. Ilang oras ng sunod-sunod ang pagdating ng mga customers at online orders. Para akong hihingalin kaka-sales talk at kakasagot ng tawag sa phone kaya nang maubos ang tao sa shop, agad akong umupo sa wooden chair sa lounge area at pinatong ang paa ko sa coffee table.
"Pagod ka na?" kantyaw ni kuya habang inaabutan ako ng isang baso ng tubig.
"Nakakapagod kayang dumaldal," katwiran ko.
Magtatanghali na rin kaya ramdam na ramdam ko ang pagod at gutom.
"Kelly, put your feet down," suway naman ni mommy mula sa counter nang makitang nakapatong ang mga paa ko sa coffe table.
Nagmatigas pa ako kaya pinandilatan na ako ng mata ni mommy. Natatawang nag-peace sign na lang ako sa kanya at binaba na ang paa ko.
"Good afternoon ma'am. Delivery po!"
Napalingon kami sa front door nang may pumasok na isang lalaki na nakasuot ng green long sleeve shirt at black pants. Kumunot naman ang noo ko nang dumako ang tingin ko sa dala niyang kulay green na delivery bag.
"Pero hindi naman po kami umorder kuya," sambit ko.
Napakamot naman sa ulo si kuyang delivery boy. "Pero ma'am dito pa kasi naka-address."
Lumapit naman si kuya para i-check 'yung order form. Dito nga sa shop naka-address at bayad na rin siya.
"Sige po kuya, salamat." Kinuha na lang ni kuya 'yung isang bucket ng fried chicken, isang box ng pizza, isang pan ng family spaghetti at tatlong klase ng milk tea.
Nang makaalis si kuyang nagdeliver, manghang-mangha pa rin kami ni kuya. Free foods. Wow!
"Kanino naman kaya galing 'to?" nagtatakang tanong ng kuya ko.
"Sigurado ba kayong sa atin 'yan? Baka mamaya nagkamali pala," sabat ni mommy.
"Sa atin talaga mommy, address ng shop natin ang nakalagay eh," kuya replied.
Umupo na siya at nilapag na sa lamesa ang mga pagkain namin. Pati si mommy, lumabas na rin sa counter para i-check maigi 'yung mga foods.
"Wala naman sigurong lason 'yan no?" bulalas ni mommy.
Natawa tuloy ako. "Kain na lang tayo mom, gutom na ko."
Habang masaya kaming nananghalian, biglang tumunog ang cellphone ko. Ayaw ko sanang sagutin kaso ring nang ring kaya dinukot ko na 'to sa bulsa ng pantalon ko.
"Hey, natanggap niyo ba 'yung pinadeliver ko?"
Hindi nakaregister 'yong number sa phone ko pero sa boses palang, kilala ko na siya.
"Brix!"
Napatakip naman ng tainga si kuya. Napalakas pala ang boses ko. Sorry naman.
I heard Brix chuckled on the other line. "Easy."
"Nakabalik ka na? Kailan pa? Bakit hindi ka nagsabi? Bakit iba na number mo?" sunod-sunod na tanong ko.
"Sorry, nawala kasi ang phone ko. Kahapon pa ko dumating kaso dumiretso na ko agad ng ospital para magreport," paliwanag niya.
"Hala. Thank you sa food. Nag-abala ka pa."
"Naisip ko kasi ganitong month busy kayo, baka hindi pa kayo kumakain kaya nagpa-deliver na ako. Wala rin akong nabiling pasalubong kaya 'yan na lang muna...Sige Kels, tawag na lang ulit ako mamaya. Duty na ko ulit. Regards kina tita."
"Okay. Thank you ulit."
"Kain ka na. Daan ako diyan kapag may free time. Ingat!"
After I hang up, doon ko lang na-realized na tumigil sa pagkain sina mommy at kuya. Nakatitig lang sila sa akin.
"Bakit?"
"Nakabalik na si Brix? Pasalubong ko?" tanong ni kuya.
"Wala. Ito na lang daw. Hindi siya nakabili."
Galing kasi sa U.S si Brix, may nursing congress siyang pinuntahan. Halos isang buwan din siya doon.
"Invite him for a dinner anak kapag may free time siya, para naman makapagpasalamat ako sa kanya. Nakakatuwa talaga ang batang 'yon. Napakabait." Giliw na giliw na sambit ni mommy.
I couldn't agree more. Brix is really a nice guy, sobrang dedicated pa sa trabaho niya. Nagmana talaga siya sa parents niya na ubod ng sipag at mababait din. Kaibigan din ni mommy ang mga magulang niya.
Parehas doctor ang parents ni Brix. Monthly meron silang free medical check up sa bawat barangay. Bilang pasasalamat din ni mommy sa mga tulong ng magulang niya, monthly din na pinapadalhan sila ni mommy ng mga fresh flowers.
Akala ko nga magdodoctor din si Brix gaya ng parents niya, pero sabi niya, okay na daw siya bilang nurse. Nakasuporta naman sa kanya ang magulang niya kung anuman ang gusto niya.
Nakakahanga sila. Nakakahanga rin si Brix.
The apple doesn't really fall far from tree, I guess.
***
8:00 p.m
Danika:
Kels! OMG! Inaccept na ni Aiyah at ng mga kabanda niya ang friend request ko. Finally!
Syeeeet na malagkit! Friend ko na ang Capotes. Huhu
Kelly:
Nice.
Danika:
Sayang talaga hindi ako nakapagpa-picture sa kanila noong nameet ko sila. Inggitin ko sana mga friends ko.
Kelly:
Hahaha. Okay lang 'yan. May next time pa naman.
Danika:
Mabuti na lang talaga may friend akong kaibigan nila. Hihi.
Balitaan mo ko kapag binisita ka ni Aiyah, ha.
Kelly:
User. Haha
Danika:
HOOOOOY! Ang sakit naman. Me is crying na.
Kelly:
Adik mo. Hahaha.
Danika:
Balik ka na sa social media. Kahit facebook lang.
Ay joke. Huwag na pala. Erase erase!
Kelly:
Wala naman talaga akong balak bumalik.
Danika:
Good! May makikita ka lang na hindi kaaya-aya sa paningin.
Nilapag ko sa tabi ko ang cellphone ko at hindi na nagreply pa kay Danika. Ayoko na rin siyang tanungin kung anong ibig sabihin ng huling text niya. Curiosity might kill the cat.
Nakaranas ako ng cyber-bullying noon after ng break up namin ni Gabriel kaya nag-deactivate ako ng mga social media accounts.
Kilala kasi si Gabriel sa buong campus, maraming kaibigan, maraming humahanga. Kaya nang pumutok ang issue namin ni Brix, maraming nagalit sa akin. Lahat sila ako ang sinisi sa pag-drop out ni Gabriel sa university at umalis patungong States para doon na magpatuloy ng pag-aaral.
Akala ko paglipas ng ilang araw, o buwan, makakalimutan na rin nila ang maling nagawa ko pero hindi 'yon nangyari. Kalbaryo ang naging buhay ko noong college. Halos lamunin ako ng lungkot, kundi lang dahil kina Danika, Jules at Brix baka bumigay na ako.
Araw-araw, ako ang laman ng mga usapan ng bawat estudyante. They were calling me names. Slut, malandi, social climber at kung anu-ano pang masasakit na salita. Araw-araw, mga mapanghusga at mapanuring mga mata nila ang sumasalubong sa akin. Hanggang sa hindi ko na kinaya, tumigil ako sa pag-aaral ng isang taon para makapagpahinga, para magkaroon ng peace of mind.
Hindi ko na magawang bumalik sa social media. Gabi-gabi akong hindi makatulog noon dahil sa mga hate messages na natatanggap ko. Parang napakasama kong tao sa paningin ng iba. Ayoko na ulit maranasan ang gano'ng klaseng panghuhusga mula sa mga taong hindi naman ako kilala at hindi rin alam ang totoong nangyari. Ayoko na ng bangungot na 'yon.
Malalim akong napabuntong-hininga, sumandal ako sa sofa at bumalik sa panunuod ng movie.
"Anak, matulog ka na."
"Maaga pa naman, mommy." I groaned. Gusto ko pa kasing tapusin ang pinapanuod ko.
"Ayan, tigas na naman ng ulo. Hilig na naman magpuyat. Kaya ka hindi tumataba, eh. Pagalitan mo na nga 'yan, mommy." panggagatong ni kuya. Binelatan ko na lang siya.
"Sige na, Kelly. Sleep ka na," masuyong pakiusap ni mommy. Wala naman akong magawa kundi sumunod na lang sa kanya.
***
Sumapit ang Valentines Day, dumoble ang bilang ng mga taong dumagsa sa shop namin. At hindi ko rin inaasahan na sa araw na 'yon, makakatanggap pa ulit ako ng isang surpresa. Hindi na 'yon galing kay Brix, wala akong kamalay-malay sa surpresang, ang tadhana na mismo ang naghatid.
"Thank you for coming! Balik po kayo," matamis ang bawat ngiti ko sa mga customer na pumapasok at lumalabas sa shop.
Nakakatuwa dahil ang laki ng sales namin ngayong araw, halos maubos na ang mga bulaklak namin. Maya-maya siguro ay magsasara na kami.
My brother and I planned to watch a movie with mom. Tutal parehas naman kaming walang date ni kuya, kaya kaming tatlo na lang nila mommy ang lalabas. Kuya Mike already bought a movie ticket for us.
Masaya akong nagpupunas ng mga vase. Wala pang customer kaya may paghum pa ako. Ilang sandali pa ay tumunog ang chime sa front door. Magiliw kong hinarap ang bagong dating na customer habang hawak pa rin ang maliit na ceramic vase na pinupunasan ko.
"Good afternoon, sir!" bati ko sa customer.
Isang lalaki na blonde ang buhok ang tumambad sa akin. Matangkad at tisoy na tisoy ito. Foreigner ata dahil green eyes siya. Mapapalaban ata ko ng english. May kasama pa siya kaso nasa likod niya lang ito.
"How can I help—" napaawang ang bibig ko nang lumantad sa harap ko ang lalaking kasama nito. "...you...H-How can I help you, sir?"
Nawala ang sigla sa boses ko. Bigla akong nanlamig. Bahagya akong napaatras nang magtama ang mga mata namin. His cold stare sending shivers in every fiber of my being.
"G-Gab," I mumbled.
Nanginginig na ang mga kamay ko kaya nawalan ako ng kontrol at nabitawan ang basahan at vase na hawak ko. Ang pagbagsak nito ay gumawa ng napakalakas na ingay.
"Kelly, ano 'yan?" naalarmang tanong ni kuya nang lumabas siya sa design room. Hindi ako makakibo. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Dumako ang tingin ni kuya sa mga customer na dumating. Maging siya ay labis din ang pagkagulat nang makilala si Gab.
Lumapit si kuya sa amin. Bakas ang pag-aala sa mukha niya para sa akin.
"G-Gabriel! Nakabalik ka na pala. Kamusta?" My brother tried to strike a casual conversation but to no avail. Gab just stared blankly at my brother.
"You know them?" tanong ng lalaking kasama ni Gab.
"No," he replied coldly.
Sa puntong 'yon, parang gustong malaglag ng puso ko sa sahig at sumama sa mga nagkalat na basag-basag na piraso ng vase.
Napatiim ang bagang ni kuya. His hand was ball into fist. I looked at him and pleaded through my eyes. Mukhang naintindihan naman niya ako kaya malalim siyang napabuntong-hininga. He's trying his best to calm down and compose himself.
"Anong kailangan niyo?" diretsong tanong niya. Sa kabila ng ngiti niya, hindi nakawala sa paningin ko ang inis na bumabalatay sa mukha niya.
"I want a bouquet of roses, for my girlfriend." Gab replied not looking to anyone of us.
"Mine is tulips," tugon naman ng lalaking kasama ni Gab. Oblivious at the building tension between the three of us.
Tumango lang si kuya at tinignan ako. Sinenyasahan niya ako na sumunod. I gathered all my strength to be able to walk and followed my brother. Mabuti na lang at wala pa si mommy, hindi niya makikita kung paano ako naging miserable sa harap ni Gab.
Nang makarating kami sa design room, pakiramdam ko bibigay na ang mga tuhod ko kaya pasimple akong humawak sa mahabang lamesa para maalalayan ang sarili ko. Ayokong ipakita kay kuya ang panghihina ko.
Nagprisinta siya na siya na lamang ang gagawa ng mga bouquet at manuod na lang daw ako, pero matigas ang ulo ko. Hindi ako pumayag sa gusto niya.
Ako ang gumawa ng bouquet ni Gabriel. Ang bouquet na ibibigay niya sa girlfriend niya. Nice.
Akala ko magiging masaya ako kapag nalaman ko na naka-move on na siya sa akin. Akala ko hindi na ako masasaktan pero parang pinaplastik ko lang pala ang sarili ko.
Ang sakit. Ang sakit sakit pala.
Labis ang pagpipigil ko sa sarili ko na maiyak habang tinatanggalan ng mga tinik ang rosas. Nanlalabo na ang paningin ko kaya napatingala na lang ako para pigilan ang pagtulo ng nangingilid kong luha.
I fought so hard to keep my emotions at bay and I succeeded. Kahit hanggang matapos ko ang bouquet, hanggang pagbalik ko sa counter para muling humarap kay Gabriel, hanggang makaalis na sila sa sa shop, hindi ako bumigay.
Tagumpay akong nakapag-panggap sa harapan niya, na parang hindi ko din siya kilala.
I felt my brother lightly tap me on my shoulder. Napalingon ako sa kanya.
"Iiyak mo na," masuyong sambit niya.
Tuluyang bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Kaming dalawa na lang ang nandito kaya malaya na akong hubarin ang maskarang nagtatago sa sakit na nararamdaman ko.
Hinila ako ni kuya palapit sa kanya para yakapin ako. "Pakawalan mo na."
Mas lalo akong napahagulgol. Dapat dati pa. Dapat noon ko pa ginawa. Ako naman ang may kasalanan kung bakit kami humantong sa ganito.
Mahal ko pa siya, pero hindi na pwede. Matagal ng hindi pwede.
"Anemone," bulong ko sa pagitan ng paghikbi ko.
"Huh?" naguguluhang tanong ni kuya sa akin. Yumakap lang ako ng mahigpit sa kanya.
Mapait akong napangiti. "If you're going to move on and say goodbye to someone, the anemone flower can be a wonderful gift to left behind."
***
"Hey man, are you alright?" curious na tanong ni Smith sa kaibigang si Gabriel habang nagmamaneho.
Kanina niya pa napapansin ang pananahimik ng kaibigan mula nang manggaling sila sa flower shop.
"Nothing," tipid na sagot ni Gabriel. Hawak-hawak niya ang isang bulaklak ng anemone na napansin niyang nakaipit sa gilid ng bouquet ng mga rosas.
And he knows what it means. Goodbye.
Pagak siyang natawa. He doesn't need a goodbye from her. Hindi niya kailangan ng kahit anong closure mula pa sa kanya. Matagal na siyang naka-move on kahit hindi niya ibinigay ang closure na gusto niya.
Binuksan ni Gabriel ang bintana ng kotse at walang pag-aalinlangang itinapon niya ang bulaklak sa gitna ng kalsada.
Nakasakay ako sa taxi patungo sa Arevalo General Hospital. Ito ang pinakamalaking ospital na matatagpuan sa gitna ng siyudad na pagmamay-ari ng lolo ni Brix, na ngayon ay mga magulang na niya ang namamalakad.It's his parents' 25th wedding anniversary and they invited me to have dinner with them. Nahihiya man, hindi ko magawang tumanggi sa alok nila. Sobrang laki ng utang na loob ko sa mag-asawang 'yon, ayoko namang biguin sila.I glanced at my watch, pasado alas-kuwatro na. They instructed me to go at their hospital to meet them. Mabuti na lang hindi ma-traffic.Huminto ang taxi sa tapat ng hospital. Matapos kong maabot ang bayad sa driver nagmamadaling lumabas na ako ng sasakyan.Nang makarating ako sa entrance, saglit akong huminto sa may malaking glass door ng ospital to check my own reflection. I smiled while looking at myself. I was wearing a ribbon waist
Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko at namamawis din ang mga palad ko. Naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko kaya mariin akong napapikit. Pilit kong iwinawakli sa isipan ko ang mga masasamang alaala ng nakaraan, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang pagbaha ng mga ito. Memories from the past keep playing like a movie right before my eyes."Can I go first?"I heard her voice loud and clear. I turned around to see Stella. She was smiling at me, but the look in her eyes were telling me different. She's not amused to see me.I was scared of her presence. Halos lahat naman kinatatakutan siya. No one wants to get on her bad side.I move a step back letting her cut in the line at the long query of students inside the school's cafeteria. She gave me a light tap on my back before smiling again a
Wake up! Antukin na kuting!" Hinila ako ni kuya paupo pero humiga lang ulit ako sa malambot kong kama at muling pumikit."Hmm...Maya na kuya," I mumbled into the pillow. Pero ang kapatid ko kung makayugyog sa akin parang wala nang bukas."Bangon na, ngayon ang start ng summer class sa simbahan. Huwag mong paghintayin ang mga estudyante mo," daldal pa ni kuya."5 minutes pa." I whined. Itinaas ko ang kumot ko para itakip sa buong katawan ko."Ayaw mo gumising, ha!"Biglang inagaw ni kuya ang kumot ko. Nasilaw ako sa liwanag na tumama sa mata ko dahil bukas na bukas pala ang bintana sa kwarto ko, pumapasok ang sikat ng araw."Kuyaaaa!" malakas kong tili nang sumampa siya sa kama at kiniliti ako."Hahahahaha...Tama na!....O-Oo na...Babangon na!" paulit-ulit kong sigaw pero kiniliti pa rin ako nang kiniliti ng kapatid ko. "Tama na...kuya...Hahaha...H-hindi na ko...makahinga..." mahinang pa
"Baka talagang meant to be kayo ni Gab, kaya lagi na lang kayong pinagtatagpo ng tadhana?"Nilingon ako ni Danika na parang hinihingi ang pagsang-ayon ko sa sinabi niya, but I shook my head drastically as my answer.Matagal din kaming hindi nakapag-hang out together kaya nandito siya sa bahay. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga ganap ko sa buhay. As in lahat-lahat. Walang labis, walang kulang."Matagal ng tapos ang chapter namin ni Gab. Huwag mo nang ipilit," I replied.Danika look at me flatly. "Malay mo naman, no!" giit niya.Nag-focus na lang ulit ako sa movie na pinapanuod namin kaysa makinig sa kanya. I Give My First Love To You ang title ng pinapanuod namin. It's Sunday kaya pahinga kaming lahat at movie marathon lang ang inaatupag.Nakaupo kami sa pahabang sofa sa sala habang nakapatong ang mga paa namin ni Danika sa center table. May hawak-hawak din akong isang box ng tiss
"Are you heading out tonight?"Stella asked with a raised eyebrow. Ka-video call niya ang boyfriend niya.She noticed that he's wearing a plain long sleeves, rolled up to his arms and a khaki chinos. Mukhang bihis na bihis ito."Will head out for a few drinks with Smith and Thao," matipid na sagot ni Gab na tuktok lamang ang mata sa daan habang nagmamaneho."Where? Sasama ako. Sunduin mo ko.""Eclipse. And no, hindi ka pwede sumama.""Bakit hindi pwede? Baka mamaya mambabae 'yang mga kaibigan mo do'n, tapos idamay ka pa,"pagpupumilit ni Stella."Please, Stella? Wala ka bang tiwala sa akin?" tila naiiritang tanong ni Gab.Napakagat na lang sa ibabang bahagi ng labi niya si Stella nang makita ang pagseseryoso ng mukha ng boyfriend. Halos magsalubong na rin ang dalawang kilay nito. Gusto niya sanang pigilan si Gabriel na umalis pero baka pagtalunan lang nila ito.She doesn't want
Nakaupo ako sa telang sumasapin sa damuhan habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi sa mukha ko. Sobrang presko niya sa pakiramdam. Iba talaga kapag malayo ka sa polusyon.Napakaganda ring pagmasdan ng malawak at berdeng damuhan na pinapalibutan ng mga malalaking canopy tress, na tila nagsasayaw ang mga sanga sa tuwing umiihip ang hangin. Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito. Buti na lang at napanatili nila ang kalinisan dito sa Sunken Garden ng Sunny Ville.Sa tagal ng panahon, ngayon na lang ulit ako nakapunta dito. Naalala ko dito kami nagpipicnic noong buhay pa si daddy. Dito rin daw ako natutong maglakad ng tuwid sabi ni mommy.Nang mamatay si daddy, doon naman ako umiyak nang umiyak, sa ilalim ng slide ng lumang playground sa tapat nitong Sunken Garden. At dito rin ako nagpupunta noong mga panahong nagagalit ako sa mundo at gusto ko ng sukuan ang sarili ko.This place will always have a special place in my heart. Napa
Nagising si Kelly dahil sa samu't saring ingay na naririnig niya sa paligid. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Natagpuan niya ang sarili na nakahiga sa puting kama, na may nakatabing na kulay grey na kurtina sa magkabilang gilid nito.Bumangon siya at hinawi ang kurtina. Napagtanto niya na nasa ospital pala siya. Napatingin siya sa kanang kamay niya na may nakalagay na swero. Labis ang pagtataka niya.How did I end up here? Sinong nagdala sa akin dito?As if on cue, bumulaga sa paanan ng kama si Gabriel a siyang ikinagulat ni Kelly."W-What happened?" may pag-aalangang tanong niya."You fainted," napakatipid na sagot ni Gabriel.Blangko ang mukha nito na hindi man lang siya magawang tapunan ng tingin. Of course, Kelly! He hates you. Ito ba ang naghatid sa kanya?"Sina Janice?" tanong ng dalaga."Bumalik sa Sunken Garden. Walang naiwan kay Charlotte doon kaya binilin ko na lang muna sa kanya ang
"Kapag namatay ka at muli kang mabubuhay bilang isang bagay, anong gusto mong maging?"Nagmulat ng mga mata si Gabriel para titigan ang mukha ko. Nakahiga siya sa damuhan at ginawa niyang unan ang mga hita ko, habang masuyo kong hinahaplos ang buhok niya. Nasa Sunken Garden kami at hinihintay ang paglubog ng araw."Bakit naman naitanong mo 'yan?" tanong niya kasabay ng pagsilay ng isang matamis na ngiti sa labi niya.Inabot niya ang kamay ko at pinatakan ng halik 'yon na hindi inaalis ang pagkakatitig niya sa mukha ko."Sagutin mo na ang tanong ko, sige na," pangungulit ko.Saglit siyang tumahimik para mag-isip. Ilang segundo pa ay biglang sumeryoso ang mukha niya. "Maging hangin na lang siguro.""Bakit?""Para lagi mo akong kailanganin, 'yung ikamamatay mo kapag nawala ako. Boom!" sagot niya saka tumawa ng pagkalakas-lakas.Gusto ko siyan
GabrielNapakabilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko, ano mang oras ay lulundag na palabas ang puso ko. Ilang malalalim na buntong hininga na rin ang napakawalan ko. Halos mahilo na ang mga kasama ko sa loob ng simbahan dahil kanina pa ako palakad-lakad."Kalma lang pare, para ka namang natatae," sita sa akin ni Jules. Tinapik niya ang balikat ko bilang pagpapakalma sa akin."Ready na ba ang lahat?" tanong ko."Handang-handa na!" sabay-sabay namang tugon ng mga ka-banda ni Aiyah. Tinaas pa nila ang dalawang kamay nila sa ere.Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil walang pag-aalinlangang pumayag sila sa pabor ko. Sila ang tutugtog sa church wedding namin ni Kelly. Ang kaibahan nga lang, ako ang bokalista nila ngayon."Parating na siya," nakangiting bati naman ni Danika sa akin. Hindi ko na napansin ang pagdating niya.
Isang buwan na mula nang bumalik ako sa ospital. Kailangan kong manatili rito hanggang sa manganak ako. Gaya ng sabi ng doctor ko, hindi biro ang pagbubuntis ko. It's too risky so I need to cooperate with them. Dalawang doctor ang nangangalaga sa akin. Minomonitor nila araw-araw ang kalagayan ko, walang mintis. Idagdag mo pa si Brix na laging puyat kahit hindi niya duty. Binabantayan rin niya ako.Hindi naman ako nalulungkot dito sa ospital dahil madalas nakatambay sa kwarto ko ang mga kaibigan ko. Gaya ngayon, malapit nang gumabi pero nandito pa rin sila."Tignan mo sila, parang mga bata." Natatawang bulong ni Gab sa tabi ko. Nakaupo kaming dalawa sa malaking kama at nakasandal ang mga likod sa headboard.Gamit-gamit ko ang pinakamalaking VIP room dito sa ospital nila Brix. There's a 75 inches tv on the wall kaya nakasalampak sa sahig sina Jules, Brix, Thao at ang mga kabanda ni Aiyah. Tutok ang mga mata nila
Nagising ako na sobrang sama at bigat ng pakiramdam. May nalalasahan rin akong mapait sa bibig ko kaya dali-dali akong bumangon at tumakbo papunta sa c.r ng kwarto namin. Gaya ng mga nagdaang araw, panay lang ang pagsuka ko sa tuwing umaga. Wala pa akong kinakain pero parang halos nailabas ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko."Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gabriel na agad akong nilapitan.Mukhang naalarma pa ito nang matagpuan niya akong nakasalampak lang sa malamig na sahig ng banyo, malapit sa toilet bowl."Nasusuka lang," nanghihinang tugon ko.Inalalayan niya ako patayo patungo sa lababo. Binuksan niya ang gripo at binasa ang mukha ko para mahimasmasan ako."Let's go and see the doctor. Baka kung ano na 'yan," he insisted but I just weakly shook my head."I'm fine. Wala lang 'to.""Please, mahal? Mas mapapanatag ako kung magpapacheck up ka na ngayon. Ilang araw ka ng ganyan. We need to make sure and be extra
Time flies so fast and before I know it, my wedding day finally arrived. Hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na 'to. Simpleng civil wedding lang ang napagpasyahan naming idaos ni Gabriel. Hindi na ako naghahangad ng magarbong kasal, ang gusto ko lang ay mabasbasan ang pagsasama naming dalawa."Ang ganda mo, Kels." komento ni Danika nang matapos siyang ayusan ako.Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa salamin. Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si mommy. Lumapit siya sa akin, tears were already running down on her face while admiring me in my white v-neck, knee length dress."You're so beautiful, my baby. Ikakasal ka na talaga," she cried.I quickly raise my hands to wipe away her tears. "Mommy, wala namang iyakan. Mahahawa ako, eh." I said jokingly. Nakita ko siyang tumango-tango pero patuloy pa rin siya sa pagluha."Thank you, mommy. For everything." I mumbled as I pulled her into a war
GabrielNatagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa tahimik na sala ng bahay namin. Nasa harapan ko si mommy at kapwa kami walang imik. Naririnig ko ang bawat malalalim na buntong-hininga niya habang nakatitig lamang siya sa kawalan.Kahit anong mangyari, baligtarin man ang mundo, hindi nito maaalis ang katotohanan na nanay ko pa rin siya. Ibigay man niya sa akin ang blessings niya o hindi, gusto ko pa ring ipaalam sa kanya ang plano kong pakasalan si Kelly."You really love her," 'yon lamang ang tanging nasambit niya. Unti-unting tumitig siya sa akin. Nababakas ko ang kalungkutan sa mga mata niya.Muli kaming binalot ng nakakailang na katahimikan. Napayuko na lamang ako at naikuyom ang kamao ko na nakapatong sa hita ko, para pigilan ang sarili ko na maging emosyonal.My mom was my hero, silang dalawa ni dad. Sobra ko silang tinitingala at nirerespeto. Mahal na mahal ko silang dalawa. Kahit sa panaginip, hindi ko a
"Nasaan na ba si Gab? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," iritable kong tanong kay Danika habang inaayusan niya ako."Baka busy lang," sagot niya.Alas-singko na ng hapon pero ni anino ni Gab, hindi ko pa nasisilayan. Wala talaga siyang paramdam sa akin ngayong araw. Nakakapagtaka. Hindi niya ako dinalaw, samantalang halos araw-araw na nga siyang tambay dito sa bahay. Kulang na lang, dito na siya tumira.Hindi man lang siya magtext o tumawag para alam ko kung ano bang nangyayari sa kanya."Smile ka naman diyan, Kels." utos pa ni Danika.Paano naman ako ngingiti kung badtrip na badtrip ako? Humanda ka talaga sa akin, Gab!Hindi ko alam kung ano bang okasyon ngayon. Kung bakit kailangan pang bihis na bihis ako. They forced me to wear a stunning chiffon and knee length light blue dress that my mom bought yesterday. Suot-suot ko rin ang isang brown na wig na hanggang balikat ko ang haba. Nakakamiss tuloy ang totoong buhok ko
"Ang pangit-pangit ko na!" Paulit-ulit kong iyak nang matapos si kuya sa pagshe-shave ng natitira ko pang buhok. Kinalbo na niya ako ng tuluyan para malinis tignan ang ulo ko. Wala ng natitira pa kahit isang hibla. Wala na ang maganda at itim na itim kong buhok."Don't say that. Ang ganda-ganda mo pa rin kaya," pang-aalo niya sa akin.But I could only cry harder. I don't even have the courage to look at myself in the mirror, so I just hung my head low.Ang laki-laki na ng pinagbago ng itsura ko. Hindi ko na nga makilala pa ang sarili ko. Pakiramdam ko ibang tao ang nasa harap ko sa tuwing tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na mahanap pa ang dating Kelly. Ang Kelly na punong-puno ng sigla at sobrang positive sa buhay. Kasabay ng paglalagas ng buhok ko ay paglalagas din ng natitirang pag-asa ko."Tara na, naghihintay na ang boyfriend mo sa labas." Nakangiting sambit ni kuya habang isinusuot muli sa akin ang brown kong bonet
KellyIlang araw ng balisa si Gab. Kahit hindi niya aminin, basa ko naman sa mga mata niya ang kalungkutan. Nakangiti man siya, alam kong apektado siya sa nangyari kay Stella."Don't blame yourself, okay? It's not your fault," pagpapanatag ko sa kalooban niya.Tumigil si Gab sa pagbabalat ng mansanas at ngumiti sa akin. "Ayos lang ako, mahal."Inabot ko ang kamay niya at pinisil 'yon. "I'm done lying so please, be honest to me as well. I know you're not okay, Gab. Come on, girlfriend mo ko. Sabihin mo sa akin kung anong nagpapabigat ng kalooban mo, hmm?"Nawala ang ngiti niya sa labi at napayuko ito. Hindi siya makatingin sa akin, tila nahihiya. "I'm sorry. Ang dami mo ng iniisip, ayoko nang dagdagan pa. Pinipilit kong ipakita sa inyo na ayos lang ako, pero ang totoo sobrang nagi-guilty ako. Paano na lang kung may masamang nangyari kay Stella? Hindi ko siguro mapapatawad ang
"Anong gusto mong pasalubong? Paalis na ako sa condo," tanong ko kay Kelly sa kabilang linya."Kahit ano na lang. Baka hindi ko rin naman makain 'yan," matamlay na sagot niya.Umuwi muna ako kaninang umaga sa condo ni Thao para kumuha ng ilang damit. I'm planning to stay overnight again at the hospital. Mag-aalas dose na ng tanghali, sabi ng kuya ni Kelly, hindi pa raw ito kumakain ng tanghalian dahil wala itong gana."Balik ka na," paglalambing nito. Napangiti na lamang ako. Her sweet voice is like music to my ears."Opo, pabalik na ko. Bibilisan ko na magmaneho," I chuckled."Huwag! Baliw ka. Binibiro lang naman kita. Take your time.""Yes, mahal. Wait for me. I'll be there in a heartbeat. I love you.""Okay. Take care. I love you too," she giggled making my heart flutters.As soon as our call ended, I hurriedly got inside my car. But to my surprise, Thao was already riding on