GABI. Kasalukuyan noong nasa kuwarto niya si Jino at nag-aayos muli ng porma ng kaniyang higaan. Halos tatlong taon din siyang namalagi sa Isla Maambeng puwera pa sa ilang taon siyang nasa Cebu dahil sa kompanya nila roon.Kung tutuusin ay mahigit walong taon na siyang hindi na nakakahiga sa kama niya ngayon. Hindi naman iyon napabayaan ng kaniyang Mom na araw-araw ay bisitahin, linisin at ayusin o kaya naman ay palitan ang bedsheet, punda ng mga unan at labhan ang kumot niya.Sumagi sa isipan niya ang mga isang magara at desinyadong aparador. Sa tantiya niya ay mahigit dalawampung taon na ang nasabing aparador ngunit matibay at maganda pa ding tingnan.Natagpuan na lamang niya ang sarili na binuksan ang nasabing aparador. Sabik na ginulo ang mga nakalagay doon. Naroon ang mga regalo niya mula sa iba't ibang tao na pinaingat-ingatan niya ng sobra. Mga mamamahaling soveinir na mula pa sa mga bigating business partners ng kaniyang Dad na inieregalo sa kaniya noong sixth years birthday
HINDI naging madali para kay Jino ang sumunod na araw. Mula ng umalis siya sa Isla Maambeng ay para nang may kulang sa buhay niya. Kahit itingin man niya ang mga mata sa isang napakagandang bagay o ibaling man sa iba ang kaniyang atensiyon, pilit pa din nakisiksik sa isipan niya ang mga naganap sa kaniya sa Isla sa loob ng halos tatlong taon. Sino nga naman ba ang makakalimot sa mga nangyari kung ganoon na din katagal? Pabalik-balik sa kaniyang isipan ang mga masasayang ala-ala kasama si Naikkah. Maging ang mga lugar sa Isla na palagi niyang pinupuntahan ang palaging sinasariwa ng kaniyang isip. Ang mga maiinit na tagpo habang magkahawak ang mga kamay nila, ang mga panahong magkayakap sila habang magkatabi at mahimbing na natutulog at maging ang kanilang mga kalokohan na halos tumatak na sa kaniyang isip.Sumagi na din sa isipan niya ang tungkol sa naging buhay ni Naikkah pagkatapos na sila ay magkahiwalay. Sinubukan niyang bigyan ng kuwento kung ano ang mararamdaman o maging reak
"SO, kaya ka pala nagtagal sa lugar na iyon ay dahil sa babaeng iyon na nagpanggap na asawa mo at kasal daw kayo?"Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Arianne matapos marinig ang kuwento ng anak na si Jino. Dahil sa pangungulit nito sa kaniya na malaman kung ano talaga ang totoong nangyari ay sa wakas, natapos na din ang pangungulit nito. Nasa tabi naman ng Mommy niya ang kaniyang Dad at kapatid na si Kayla Reece. Naroon din ang kaniyang Inay Leah maging ang kaniyang Tito Joshua at asawa nitong si . Kasama din nito ang anak na si Glory Belle.Maging ang kaniyang Tita Chen-chen ay naroon din at matiyagang nakikinig sa kaniyang mahabang pagkukuwento tungkol sa naganap sa loob ng tatlong taon sa kaniyang pamamalagi sa Isla Maambeng. Wala siyang itinira o kinalimutang detalye at mas lalong wala siyang balak ipaglihim pa. Marahan ang kaniyang pagtango sa Mom niya. Nagkatinginan naman ang iba pang miyembro ng pamilyang shocked sa narinig."Alam mo bang pinuntahan namin ang lugar na iyon
YOU'RE leaving again?" Nahinto ang pagliligpit ni Jino ng mga gamit nang marinig ang pamilyar na boses.Nasa kuwarto siya noon at nagliligpit ng ilang mga damit para sa balak na pag-alis kinaumagahan paluwas ng Cebu. Awtomatikong napalingon siya upang upang sagutin ang may-ari ng boses na alam niyang kilala niya. "Yes Mom. You know I need. I will look for my wife." Tanging tugon lang niya at muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. Kagaya ng sinabi niya, hahanapin niya ang kaniyang asawa. Sa kabila ng nalaman niya noon kay Drax, hindi pa din siya kumbinsidong ginamit lang siya ni Rose Mary para sa katuparan ng mga pangarap nito. Na isa lang siyang instrumento sa lahat ng masamang planong paghihiganti ng ama nitong si Jonathan. ISang bagay na hindi pa niya nasasabi sa kaniyang Daddy Jake. Ma mabuti kung siya lang muna ang may alam tungkol doon. Malalantad din naman ang katotohanan kaya aantayin na lamang niya ang araw na pagbagsak ng mga ito. Tungkol naman sa kaniyang karibal at
MULA ng pinili ni Rose Mary Gaile na manirahan sa Cuyo, Palawan ay kahit paano ay unti-unti na siyang nakakabangon sa lungkot at pangungulila kay Jino. Kahit paano ay nagawa na niyang mamuhay ng tahimik at mapayapa. Iyon bang wala siyang iniisip o sinisisi sa sarili niya sa mga bagay na nangyari sa paglipas ng mga araw gaya ng pagsisisi niya sa sarili simula ng mawala si Jino.She spend a lot of time in crying, blaming herself the reason why Jino is gone. Siya naman talaga ang ugat ng lahat. kahit pa sabihing ang ama naman niya ang may plano ng lahat ng iyon. Sa kabilang banda, hindi pa din niya maiwasang maisumbat sa sarili ang pagkasadlak ni Jino sa kamatayang hindi naman nito hinangad.Jino didn't deserve this pity ends. Hindi sana iyon nangyari kung hindi siya pumasok sa buhay nito. Hindi sana nangyari ang bagay na iyon kung hindi sila nagkakilala. Muli na namang namuo ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Nagsisimula na naman siyang sisihin ang sarili niya na hindi naman
GABI. Malalim na ang gabi pero ayaw pa ding dalawin ng antok si Naikkah. Nananatiling nakadilat ang kaniyang mga mata kahit nakahiga na siya. Ilang beses niyang tinangkang pumikit pero walang nangyari. Hanggang sa naisip na lamang niyang bumangon sa kama niya. Inukupa ng kaniyang mga iniisip ang buong oras niya kaya hindi na niya namalayang lumakad ang oras. Umupo na lamang siya sa gilid ng kama at binalikan ang mga panahon kung bakit siya napunta sa puntong ito.Umuwi nga pala ang kaniyang kakilalang si Sophie sa Isla ilang araw na ang nakalilipas. Namamasukan ang babae sa isang mayamang pamilya sa Maynila at ayon rito , may kapitbahay ang amo nito na nangangailangan ng katulong. Inalok siya ni Sophie ng trabaho dahil para naman daw may kasama ito sa pagbalik sa Maynila."Alam mo ba'ng maganda ang Maynila? Bukod ba doon ay malaki ang pasahod. Makakakita ka ng nagtataasang building na nangingintab tuwing gabi. Marami din doong mga night clubs na puwede nating pagkaabalahan kapag
HABANG pumapailanlang sa kaulapan ang sinasakyang eroplano nina Naikkah at kakilala nitong si Sophie ay hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. Matapos ang tatlong oras na biyahe kasama na ang pagkagaling nila sa Isla nang marating ang Airport ng Puerto Princesa, may isang oras pa silang bubunuin para ganap na makarating sa Maynila. Ito na nga at nasa ten minutes palang din siguro mula ng makasakay sila at lumipad paitaas ang eroplano. Ito ang first time niya sa himpapawid. Magkahalong kaba at eksaytment ang kaniyang nadarama ng mga sandaling iyon. Sa wakas ay naranasan niya na rin ang makasakay sa eroplano at maramdaman ang feeling ng nasa himpapawid. "Okay ka lang? Nahihilo ka ba?" pansin ng Sophie sa kaniya na noon ay magkatabi sila sa upuan. "Baka gusto mong lumipat dito sa banda ko?" Naisip siguro nito na baka nalulula siya o baka gusto niyang makita ang mga mga ulap na tila bako-bakong daanan na nagpapagalaw sa buong eroplano sa tuwing mabubunggo nito ang mga iyon.
HINDI man naging madali para kay Naikkah ang sumunod na araw sa Maynila ay unti -unti na din niyang napag-aralan ang mga gagawin. Naadopt niya na din ang mga kilos at paguugali ng siyudad nang paunti-unti. Hindi naman kalayuan sa kanila ang bahay kung saan nagtatrabaho si Sophie kaya kahit paano ay nabawasan ang kaniyang takot at pangamba. Paminsan-minsan, kapag off-duty na nila pareho ay nagkikita sila sa labas ng mga bahay ng kanilang mga amo. Isang among babae ang amo ni Sophie at nasa abroad naman daw ang asawang lalaki nito.Ang amo naman niya ay mag-asawang parehong business-minded. Bata pa ang kaniyang among lalaki at sa tantiya niya ay mga edad trenta y singko pa lamang at ganoon din ang kaniyang among babae. May anak ang mga ito na isang lalaki na si Juno na kung hindi siya magkakamali ay disi-otso pa lamang ang edad at isang labing -anim na taong gulang na kapatid na si Elga. Matanda lang ng apat na taon sa kaniya si Juno pero ewan niya at ayaw siya nitong tawaging Ate na