Share

Art of Destiny LXXXI

GABI. Malalim na ang gabi pero ayaw pa ding dalawin ng antok si Naikkah. Nananatiling nakadilat ang kaniyang mga mata kahit nakahiga na siya. Ilang beses niyang tinangkang pumikit pero walang nangyari. Hanggang sa naisip na lamang niyang bumangon sa kama niya. Inukupa ng kaniyang mga iniisip ang buong oras niya kaya hindi na niya namalayang lumakad ang oras.

Umupo na lamang siya sa gilid ng kama at binalikan ang mga panahon kung bakit siya napunta sa puntong ito.

Umuwi nga pala ang kaniyang kakilalang si Sophie sa Isla ilang araw na ang nakalilipas. Namamasukan ang babae sa isang mayamang pamilya sa Maynila at ayon rito , may kapitbahay ang amo nito na nangangailangan ng katulong.

Inalok siya ni Sophie ng trabaho dahil para naman daw may kasama ito sa pagbalik sa Maynila.

"Alam mo ba'ng maganda ang Maynila? Bukod ba doon ay malaki ang pasahod. Makakakita ka ng nagtataasang building na nangingintab tuwing gabi. Marami din doong mga night clubs na puwede nating pagkaabalahan kapag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status