YOU'RE leaving again?" Nahinto ang pagliligpit ni Jino ng mga gamit nang marinig ang pamilyar na boses.Nasa kuwarto siya noon at nagliligpit ng ilang mga damit para sa balak na pag-alis kinaumagahan paluwas ng Cebu. Awtomatikong napalingon siya upang upang sagutin ang may-ari ng boses na alam niyang kilala niya. "Yes Mom. You know I need. I will look for my wife." Tanging tugon lang niya at muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. Kagaya ng sinabi niya, hahanapin niya ang kaniyang asawa. Sa kabila ng nalaman niya noon kay Drax, hindi pa din siya kumbinsidong ginamit lang siya ni Rose Mary para sa katuparan ng mga pangarap nito. Na isa lang siyang instrumento sa lahat ng masamang planong paghihiganti ng ama nitong si Jonathan. ISang bagay na hindi pa niya nasasabi sa kaniyang Daddy Jake. Ma mabuti kung siya lang muna ang may alam tungkol doon. Malalantad din naman ang katotohanan kaya aantayin na lamang niya ang araw na pagbagsak ng mga ito. Tungkol naman sa kaniyang karibal at
MULA ng pinili ni Rose Mary Gaile na manirahan sa Cuyo, Palawan ay kahit paano ay unti-unti na siyang nakakabangon sa lungkot at pangungulila kay Jino. Kahit paano ay nagawa na niyang mamuhay ng tahimik at mapayapa. Iyon bang wala siyang iniisip o sinisisi sa sarili niya sa mga bagay na nangyari sa paglipas ng mga araw gaya ng pagsisisi niya sa sarili simula ng mawala si Jino.She spend a lot of time in crying, blaming herself the reason why Jino is gone. Siya naman talaga ang ugat ng lahat. kahit pa sabihing ang ama naman niya ang may plano ng lahat ng iyon. Sa kabilang banda, hindi pa din niya maiwasang maisumbat sa sarili ang pagkasadlak ni Jino sa kamatayang hindi naman nito hinangad.Jino didn't deserve this pity ends. Hindi sana iyon nangyari kung hindi siya pumasok sa buhay nito. Hindi sana nangyari ang bagay na iyon kung hindi sila nagkakilala. Muli na namang namuo ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Nagsisimula na naman siyang sisihin ang sarili niya na hindi naman
GABI. Malalim na ang gabi pero ayaw pa ding dalawin ng antok si Naikkah. Nananatiling nakadilat ang kaniyang mga mata kahit nakahiga na siya. Ilang beses niyang tinangkang pumikit pero walang nangyari. Hanggang sa naisip na lamang niyang bumangon sa kama niya. Inukupa ng kaniyang mga iniisip ang buong oras niya kaya hindi na niya namalayang lumakad ang oras. Umupo na lamang siya sa gilid ng kama at binalikan ang mga panahon kung bakit siya napunta sa puntong ito.Umuwi nga pala ang kaniyang kakilalang si Sophie sa Isla ilang araw na ang nakalilipas. Namamasukan ang babae sa isang mayamang pamilya sa Maynila at ayon rito , may kapitbahay ang amo nito na nangangailangan ng katulong. Inalok siya ni Sophie ng trabaho dahil para naman daw may kasama ito sa pagbalik sa Maynila."Alam mo ba'ng maganda ang Maynila? Bukod ba doon ay malaki ang pasahod. Makakakita ka ng nagtataasang building na nangingintab tuwing gabi. Marami din doong mga night clubs na puwede nating pagkaabalahan kapag
HABANG pumapailanlang sa kaulapan ang sinasakyang eroplano nina Naikkah at kakilala nitong si Sophie ay hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. Matapos ang tatlong oras na biyahe kasama na ang pagkagaling nila sa Isla nang marating ang Airport ng Puerto Princesa, may isang oras pa silang bubunuin para ganap na makarating sa Maynila. Ito na nga at nasa ten minutes palang din siguro mula ng makasakay sila at lumipad paitaas ang eroplano. Ito ang first time niya sa himpapawid. Magkahalong kaba at eksaytment ang kaniyang nadarama ng mga sandaling iyon. Sa wakas ay naranasan niya na rin ang makasakay sa eroplano at maramdaman ang feeling ng nasa himpapawid. "Okay ka lang? Nahihilo ka ba?" pansin ng Sophie sa kaniya na noon ay magkatabi sila sa upuan. "Baka gusto mong lumipat dito sa banda ko?" Naisip siguro nito na baka nalulula siya o baka gusto niyang makita ang mga mga ulap na tila bako-bakong daanan na nagpapagalaw sa buong eroplano sa tuwing mabubunggo nito ang mga iyon.
HINDI man naging madali para kay Naikkah ang sumunod na araw sa Maynila ay unti -unti na din niyang napag-aralan ang mga gagawin. Naadopt niya na din ang mga kilos at paguugali ng siyudad nang paunti-unti. Hindi naman kalayuan sa kanila ang bahay kung saan nagtatrabaho si Sophie kaya kahit paano ay nabawasan ang kaniyang takot at pangamba. Paminsan-minsan, kapag off-duty na nila pareho ay nagkikita sila sa labas ng mga bahay ng kanilang mga amo. Isang among babae ang amo ni Sophie at nasa abroad naman daw ang asawang lalaki nito.Ang amo naman niya ay mag-asawang parehong business-minded. Bata pa ang kaniyang among lalaki at sa tantiya niya ay mga edad trenta y singko pa lamang at ganoon din ang kaniyang among babae. May anak ang mga ito na isang lalaki na si Juno na kung hindi siya magkakamali ay disi-otso pa lamang ang edad at isang labing -anim na taong gulang na kapatid na si Elga. Matanda lang ng apat na taon sa kaniya si Juno pero ewan niya at ayaw siya nitong tawaging Ate na
NAKAMIT na ni Jino ang kagustuhang mabawi ang Hope mula kay Jonathan. Naging madali sa kaniya ang paghihiganti na nais dahil sa mga ipinagtapat nito kanina. Nakaupo siya sa cubicle niya at nasa itaas ng kisame ang paningin. Ilang minuto na siyang nasa ganoong ayos. Halos nangawit na din ang kaniyang batok at leeg dahil sa tagal nang tila pagkatulala. Nabawi na niya ang kompanya, napabagsaka pa niya si Jonathan at sa tingin nga niya ay nasa ilalim na ito ng imbestigasyon laban sa iba't ibang uri ng kaso na nakasampa laban rito.In despite of what happened, why does he feel something is missing out?Hindi ba sapat ang paghihiganting ginawa niya? Hindi ba sapat ang nakuha niyang kabayaran ng lahat ng naging paghihrap at pinagdaanan niya? Kung hindi ay bakit siya nagkakaganito?His revenge seems out of nothing, an empty cup after being spilled out by enrage and cursing. Ganito ba talaga ang nagiging wakas ng lahat pagkatapos na makuha niya ang hustisyang nais niyang makamit?Parang wa
MATAMLAY na dumalaw si Jino sa bahay ng kaniyang Lola Zen at Lolo Ron ng gabing iyon. Pagkatapos na maayos at mailagay muli sa ayos ang kompanya ay panatag na umuwi ang binata. Matapos din ang naging pag-uusap niya ng kaniyang daddy Jake ay napanatag na din ang loob ng mga ito sa Palawan lalo na ang kaniyang mommy Arianne. Sobrang nagalala ang kaniyang ina nang mabalitaan ang nangyari sa kompanya maging ang mga naging rebelasyon pagkatapos nang maisiwalat ang lahat ng pagnanakaw ni Jonathan sa Hope at maging ang pagmamanipula nito sa mga trusted accounts ng kompanya. Maluha-luhang h******n siya ng kaniyang mga agwela nang makita siya. Hindi makapaniwala ang mga ito nang makitang totoong buhay siya at bumalik sa mga ito. Matagal na ang tatlong taon para maisip ng mga ito na maaring patay na siya at hindi na babalik pa kaylanman. "Sobrang saya namin at hindi ka tuluyang kinuha mula sa amin." Puno ng kagalakang wika ni Lola Zen habang mahigpit pa din siyang yakap. "It's been three yea
SINUBUKANG alamin ni Jino ang lokasyon ng asawang si Rose Mary nang sumunod na linggo. Alam niyanh hindi na niya ito kaylangang gawin dahil sangkot ang kaniyang asawa sa naging pagkawala ng kaniyang amnesia at kung bakit siya nawalay sa kaniyang pamilya sa loob ng tatlong taon.Noong una ay galit ang naghari sa puso niya. Sa katunayan ay isa si Rose Mary sa mga listahan ng taong sisingilin niya sa kaniyang pagbabalik sa Cebu kamakailan lang. Pero nang marinig niya ang lahat ng sinabi ni Jonathan tungkol sa naging paghihirap ni Rose Mary dahil sa labis na kasakiman nito ay nagbago ang kaniyang pasya.Ang kaniyang kinikimkim na galit at planong paghihiganti ay napalitan ng pagkaawa sa babae. This caused him to find Rose Mary's location whenever she was. Kahit pa sabihing kaylangan niyang libutin ang buong Pilipinas in order to find her, he would waste his time and eforts just to have her back.Hindi siya tumigil sa kahahanap sa asawa. He will do everything for her. Sa pamamagitan ng p